"Thought you’d forget what happened seven years ago. Why do you have to bring it up again?"
Boom. Just like that.
Nag-crash landing ang buong sistema ko. Parang nahulog ako sa bangin ng nakaraan na matagal ko nang tinakasan. I couldn’t even count how many times I’ve swallowed hard since he opened that damn topic. Kung may award sa pag-lunok ng laway, baka Hall of Famer na ako.
Sure, nag-usap kami dati—pormal pa nga—na we’d let the past stay in the past. Pero excuse me, s’ya kaya ang una’ng nag-reminisce! Ako ba? Wala! I was minding my own business, pretending my life was trauma-free and emotionally stable!
Napakunot ang noo ko habang tinitigan ko siya. As in maldita-girl stare na may halong “don’t test me, governor.” Gusto ko na sanang mag-face palm, kaso baka magmukha akong masyadong cute. Next time na lang, pag walang audience.
“Gov,” simula ko, medyo hinaan ang boses para kunwari sweet ako. “Nakalimutan ko na 'yon. Ikaw lang naman ang umungkat no’n.”
At doon ko nakita. That flicker of guilt. Parang may kirot sa perfectong panga niya. Na-conscious siya. Ah-ha! Guilty! Alam ko! I knew it! Sinong masama ang konsensiya ngayon, hmm?
“Never mind,” matabang niyang sagot sabay tayo. Ayun na, nag-walkout na si Ginoo! Ako naman, automatic na sumunod. Parang pusa na ayaw maiwan.
Naglakad siya papunta sa pinto. Tahimik. Kalmado. Akala ko tuloy lalabas na lang siya at iwan akong nagmumuni-muni sa guilt n’ya—pero nope!
Nagulat ako nang bigla siyang humarap.
At ayun na nga. BOG! Nauntog ang noo ko sa matigas—at sobrang maskulado—niyang dibdib. Wait lang, correction: buong mukha ko pala ang bumulusok sa six-pack wall niya. Parang na-Face ID ako ng abs niya.
“What the f*ck, Maria Cordelia Humbañez?! Why were you this c–close?”
Napaatras ako. Diyos ko, pati pitch ng boses n’ya, tumaas na parang may Senate hearing. Gamit na n’ya 'yung Governor tone niya. ‘Yung parang kayang patahimikin ang buong barangay sa isang “excuse me.”
"Sorry, Gov,” sagot ko, sarcasm mode activated. “Ako na po ang humihingi ng paumanhin sa pagbunggo ng dibdib n’yo sa mukha ko.”
Seriously. Parang kasalanan ko pang naging obstacle course ang katawan niya. Di ko nga nakita ‘yung expression niya kasi sa sahig na ako tumitingin ngayon. Dignidad ko? Nag-soft launch sa lapag.
“Tch. Be heedful next time. Hindi ka na bata, Maria Cordelia Humbañez. Kaya umayos ka.”
Wow, ang bilis magpalit ng script. Ako na nga ang nasaktan, ako pa ang pinagsabihan. Power tripping is real! Dahil ba boss siya? Dahil ba gobernador siya? Dahil ba gwapo siya? NAKAKAINIS!
Pero infairness. Amoy-lalaki talaga siya. 'Yung tipo ng amoy na kahit wala kang balak magmahal ulit… mapapaisip kang, “Puwede kaya siyang i-diffuse sa air freshener?”
“Go get your things. Hihintayin kita sa kotse,” utos niya, as if wala lang siyang binangga’ng buong mukha kanina. Tumalikod siya at tuloy-tuloy lumabas.
Nakarating na kami sa bahay n’ya sa Santayana.
At sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ma-amaze.
Mas maliit ito kumpara sa mansion nila, oo, pero kung intimidation ang usapan? Panalo. Parang mafia hideout. Bawat kanto may bodyguard. May mga sundalo. Parang kung mauutot ako nang hindi scheduled, baka ipa-debrief ako.
Papasok pa lang kami, nakasalubong namin ang isang lalaki. Tingin ko kasing-edad lang ni Cassian. Medyo charming. Pero hindi ko inagapan ang sarili kong kiligin. Isa lang ang main dish dito at busy siya kakasigaw sa akin.
“Magandang hapon po, Gov,” bati ni kuya na may formal bow pa.
“Ronnie, ituro mo ang magiging kuwarto ni Cordie sa taas. Sa tabi ng silid ni Lorraine.”
At doon ako napatingin. Teka.
Sa tabi ng kuwarto ni Lorraine?
PERO BAKIT?!
“Why beside my bedroom, Daddy? Bakit hindi s’ya sa tabi ng room ni Ronnie?” Reklamo ni Lorraine na may kasamang dabog.
Aba’t ang cute talaga ng brat na ito! Kanina pa ‘to. Sa biyahe pa lang, ilang beses ko na siyang nahuling umiirap sa akin. Seryoso, isa pa at iirap ko na rin siya pabalik! Bahala na kung magmukha kaming staring contest.
Kalmadong hinarap siya ni Cassian, in his signature baritone daddy-voice. "Lorraine, that’s too much. Cordie can’t be anywhere else here dahil s’ya lang ang babae rito. Aside from you."
Wait, HUWAT?!
Ako lang? Ako lang ang babae rito? Walang maid? Walang kusinera? Walang… girl support?!
"...that’s why she needs to occupy the vacant room beside yours. And whenever you need her, madali mo lang siyang puntahan. Nagkakaintindihan ba tayo, Lorraine?"
“Fine. I understand po, Dad.”
Hanep. S’ya lang ang brat na kilala ko na maldita pero nag-po at opo.
Sinamahan ako ni Ronnie paakyat.
“Pumasok ka na… uhm, ano nga ulit ang pangalan mo?” tanong n’ya habang binubuksan ang pinto ng guest room.
“Cordelia,” sagot ko. “Pero puwede mo na lang akong tawaging Cordie para hindi ma-hassle dila mo.”
Tumango siya at ngumiti ng half. Hmm. May something sa aura n’ya. Hindi ko sure kung friendly siya o may pagka-mysterious version ng siopao. Pero parang... parang may hawig ang vibe niya sa kaibigan kong si Jules—'yung bading na maskulado pero killer ang eyeliner game.
“Sige, maiwan na kita. Kailangan ko pa magluto para sa hapunan.”
Sandali lang...
“Ah wait!” pigil ko. “Itatanong ko lang. Totoo bang ako lang ang babaeng nandito bukod kay Lorraine? As in, wala man lang kasambahay o kusinera?”
“May kusinero. Ako ‘yon,” sagot niya. “Ayaw talaga ni Gov ng babaeng staff. Bawal. Mahigpit ang utos.”
Bawal ang babae?!
Okay. Something’s weird.
Bakit? May phobia ba s’ya? Trauma? Curse? Or—hala! Don’t tell me, may deep dark history with women? Kaya ayaw n’ya ng kahit sinong babae sa bahay n’ya?
Hmm...
Pero kung gano’n...
Bakit ako?
Bakit ako ang pinili niyang exception?
Tila napaisip ito saglit at sinipat ang oras mula sa Rolex wristwatch niya. “Four-thirty…”My forehead wrinkled dahil sa suhestyon niya. “Four o’clock, o palalayasin kita ngayon din?”“Okay, okay. Sabi ko nga gagawin ko na.” Pumwesto na siya sa harap ng computer at agad na pinangasiwaan ito.Pabalik na sana ako sa bedroom ko nang tawagin niya ulit ang atensyon ko.“Crush, teka lang! Hindi mo man lang ba ako tutulungan dito?”Hinarap ko siya nang may mapait na ekspresyon. “Kabayaran mo iyan sa pagpapasok ko sa’yo rito!”Presko niyang isinandal ang malapad na likod sa upuan, sabay tapik ng sapatos sa tiled floor. “Sure thing, pero maaari mo bang alukan ako kahit soda at sandwich man lang? At least be quite hospitable to your visitor.” Pumaling-paling pa ang makapal niyang kilay.Huminga ako ng malalim bago umirap. Bagsak ang balikat ko habang tumungo sa kitchen.“I want a fresh lettuce on my sandwich, please,” pahabol pa ng hinayupak.“Walang lettuce dito,” inis kong sigaw pabalik.“Kah
Alas tres na ng hapon at nagmumukmok pa rin ako rito sa loob ng condo. Simula nang magising ako, hindi ko inalis ang atensyon ko sa cellphone ko. Kahit maligtaan ko itong tingnan, hindi naman tatagal ng tatlong minuto. Maliban na lang noong naligo ako.Paulit-ulit ko pa ring binabasa ang text message mula kay Cassian na natanggap ko kaninang umaga.Aalis kami ni Lorraine ngayon. Better stay there and study your lessons. Huwag ka na lang muna umuwi ng Santayana.Iniyakan, tinawanan, at minura-mura ko na ang text message na iyon. Nakakagago lang, hindi ba? Iyong pakiramdam na mas excited ka pang umuwi tapos wala ka naman palang uuwian.Dang it!Ang mas masaklap pa noon ay hindi sinasagot ni Cassian ang mga tawag ko. Pihadong sasabog na ngayon ang kawawang cellphone niya sa dami ng ipinadala kong text messages at missed calls. Panay lang ang ring ng cellphone niya at naninikip ang dibdib ko sa tuwing sumasagi sa isip ko na baka iniiwasan niya ako.Ngunit ano namang rason niya? The last t
We have extensive coursework all throughout the semester, that’s why we need to be in a fast-track footing.”“You still look gorgeous even though you’re frowning, crush!”“So now, I’ll give you an activity to measure your capability and to improve your knowledge in Auto Computer-Aided Design.”“You’re too innocent while your mouth is shut. Nice hair, anyway. Night black and silky.”Ibig kong takpan ang aking mga tenga dahil parang magkakaroon ng depekto ang utak ko sa dalawang taong magkasabay na nagsasalita.Prof. Langhorne is discussing our first activity while this jerk beside me is showing up a testimony of how absurd and sick his brain is.Mula nang magsimula ang klase namin ay walang hinto rin ang pamemeste niya sa akin. Kung epal lang ako, kanina ko pa sana isinumbong kay Prof. Langhorne ang ugok na ’to.“Yoohoo! Stop pretending that you’re listening, I’m sure you are not.” Aniya at lalo pang tinikwas palapit sa akin ang ulo niya.“Will you stop pestering the hell out of me?” P
My whole being is well pleased knowing that time absolutely steps so quickly. Friday na ngayon at excited na akong umuwi bukas.Can’t wait to see my baby girl and of course him-my hot Governor.Hindi ko na nga matandaan kung paano ko nagawang pakisamahan ang pananabik ko sa mga taong importante sa akin sa loob ng ilang araw. Basta ang alam ko’y makakauwi na rin ako bukas. Sa wakas!Nasa school cafeteria ako ngayon to get some snacks dahil may one-hour break naman ako before my last subject drop.Dahil nasa mood akong kumain ngayon, halos good for two persons ang in-order ko. Dala ko ang food tray at naghanap na ng mauupuan. Patungo na sana ako sa na-spot-an kong lamesa nang tumabi sa akin ang kamalasan at may hinayupak na bumunggo sa likod ko.“Fuck!”Nag-panic ang mga daga sa dibdib ko nang mawari kong matutumba iyong milkshake ko. Ngunit ang hinihintay kong pagtapon nito’y naudlot nang may alertong kamay ang pumigil sa pagkatumba nito.I let out a sigh of relief.Nanliliit ang aking
To hell! I can't take it anymore. Nabaliw na ako sa kinatatayuan ko! Jusko po! Baka ma-paralyzed na utak ko sa sobrang kilig. Sisisihin ko talaga ang lalaking iyon. Makikita niya!Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng unit. Napagdesisyunan ko na sa school na lang kumain mamaya—ma-li-late na kasi ako kung ipagluluto ko pa ang sarili ko.“Magandang umaga sa future first lady ng Santayana!” Muntik ko nang masapak ang lalaking bumungad sa akin paglabas ko pa lamang ng pinto. Mabuti na lang at mas mabilis ang kamay niya at na-corner niya ang kamao ko.“Letse ka, Andrew! Huwag kang manggugulat!” singhal ko, at ibinaba ko na ang kamao ko.“Puwedeng mag-sorry? Bilis rin pala ng kamao mo, Cordie. Alam mo, puwede kang pumasa sa security team ni Gov.” Natatawa siya, at napakawag-kawag pa ang kilay.Tinaasan ko ang kilay. “Puwede rin, eh. Ako na ang papalit sa puwesto mo.”“Naku! Wala namang ganyanan, Cordie. Mahal ko kaya ang trabaho ko.”“O siya, anong ginagawa mo dito?” Pagtataray ko pa.“In
“You’re just right here.” Simpleng kataga ni Cassian ngunit parang nakakakilabot ang dating nito sa pandinig ko.Sa akin ba ang mga salitang iyon, o sa lalaking bumunggo sa akin?Malakas ang instinct ko at sinasabi nito na hindi para sa akin ang sinabi ni Cassian. Kung para man sa akin iyon, hindi talaga ako magdadalawang-isip na sikmuraan siya.He’s scaring the hell out of me, for Leopard’s sake!Lumapit sa akin si Cassian, at ang kanyang muscled arm ay possessively na yumakap sa balikat ko, ngunit parang hindi lang balikat ang binabantayan niya—parang kaluluwa ko rin. “We have to go now, Cordie!” May awtoridad sa tono niya na nagpatindig ng balahibo ko.Ipinapakita niya ang kanyang maitim na governor’s presence, na nagdadala ng subtle tension sa paligid.What’s wrong with him? And him.“So the pretty woman’s name is Cordie.” Nabaling sa estranghero ang aking paningin. “A public promenade bordered with trees…” Patango-tangong sabi niya pa.Gumuhit sa labi ko ang isang ngiti nang mara