Mag-log in
Inis na naihagis ni Katrina ang itim na sumbrero at hinablot ang bote ng alak na nasa tabi at tumungga. Napangiwi siya nang gumuhit iyon sa kanyang lalamunan, halos mangalahati ang laman nang bitawan niya. Pinunasan pa niya ang gilid ng bibig sa tumulong alak.
"Lo, ilan taon na kayong wala pero hindi ko pa ring nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ninyo pero pangako hindi ako titigil, mapapakulong ko rin ang pumatay sa inyo." Nagpupuyos ang galit niya na sinulyapan ang mataas na bakod, sa likod niyon ay ang malaking mansiyon ng pinakamayaman at pinakamakapangyarihang tao sa lugar nila, si Mr. B. Sumapit na naman ang death anniversary ng lolo niya pero malaya pa rin ang salarin sa pagkamatay nito. Nang marinig niya ang pagpatak ng ulan sa bubong ng sasakyan ay nagpasya siyang buhayin ang makina at umalis na sa lugar na iyon. Pagpaplanuhan na lang ulit niya ang pagpunta niya doon, tutal ay may nalaman siyang impormasyon. Pinapangako niya na sa susunod niyang punta doon ay makukuha niya ang mga ebidensya na ikakabagsak ng mayamang businessman na si Mr. B. Nakabig ni Katrina ang sasakyan nang makarinig ng malakas na busina sa likuran niya, tumigil siya saglit at awang ang labi nang makita ang sunod-sunod na pagdaan ng mga sasakyan, humaharurot ang mga iyon. "That brat kids! Gabing gabi na, nang iistorbo pa ng mga natutulog," inis na bulong niya na sa pag aakalang mga kabataang nagkakarerahan lang ang mga iyon. Liblib ang lugar na iyon pero maraming mayayaman doon, naglalakihan ang mga bahay ng mga ito. Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho at habang palayo siya ng palayo ay padilim naman ng padilim ang daan, tanging ilaw lamang ng kanyang sasakyan ang makikita. Mapuno na at masukal ang magkabilang bahagi ng daan, kung tutuusin ay nakakatakot ang lugar subalit dahil doon siya lumaki ay sanay na siya. Hindi siya naniniwala sa mga kuwentong may aswang o maligno roon, mas naniniwala pa siya sa mga taong halang ang kaluluwa na pumapatay ng mga tao, ilang beses na kasing may sunod sunod na bangkay na nakikita sa kung saan saang bahagi sa masukal na daang iyon. Malamang, sinalvage o tinorture ng kung sinong mga maiitim ang budhi at doon itinatapon. Katulad na lamang noong nakaraang buwan nabalitaan niyang may narekober na bangkay ng lalaki na may tama na nga ng bala sa ulo, sinunog pa ang katawan, tuloy hanggang ngayon ay hindi pa ito nakikilala. Naawa nga siya dahil hindi man lang nabigyan ng maayos na burol ang lalaki, samantalang hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang may kagagawan. "Diyos na lang ang bahala sa mga kaluluwa nila," bulong pa niya. Saglit na kinapa niya ang cellphone sa bulsa nang marinig ang pagvibrate niyon, isang text message mula sa lola niya ang natanggap niya. 'Dalawin mo naman ako dito sa ospital apo, isama mo ang boyfriend mo, huwag na hindi, gusto ko na magkaapo. Bigyan mo na ako.' Nagbuntong hininga siya ng ibalik sa bulsa ang cellphone. Ilan beses na siya nitong kinukulit na mag asawa, matanda na raw kasi ito at gusto na makita ang magiging anak niya. Sa edad kasi niya na beinte sais ay wala siyang inatupag kundi ang pamahalaan ang naiwang negosyo ng lolo niya at ang paghihiganti sa pumatay dito. Wala siyang panahon sa pakikipagrelasyon at isa pa, wala pang lalaking nagpapatibok sa puso niya. Kapag dumating ang lalaking iyon, pangako namang susunggaban kaagad niya. Kinuha niya ang silver necklace na may dog tag sa maliit na bulsa ng kanyang bag, saglit iyong tinitigan bago mahigpit na kinuyom ang palad. "Lolo, tutuparin ko ang pangako ko sa'yo," bulong niya bago ibinulsa ang bracelet. Muli niyang itinuon ang atensyon sa pagmamaneho, maya-maya ay napapreno siya bigla nang may mahagip ang mga mata niya. Dahan-dahan niyang iniatras ang sasakyan at itinapat ang head light sa gilid ng bangin. Ganon na lamang ang pagkagimbal niya nang makita ang isang magarang sasakyan, malaki ang pagkasira sa harap niyon at nag uumpisa nang magliyab ang likurang bahagi. Bumaba siya upang tiyakin kung may tao ba sa loob niyon. Base sa nakikita niyang pagkasira sa sasakyan at sa bakas ng gulong sa maputik na daan, mukhang bumangga ito sa malaking puno at nagpaikot ikot hanggang mapunta sa gilid ng bangin. Nagdalawang isip pa siyang bumaba ng sasakyan dahil malakas ang ulan, ayaw pa naman niya kapag umuulan ng ganon pero ewan niya kung bakit mas nangibabaw sa kanya ang tumulong sa iba. Tumakbo na siya patungo sa nagliliyab na sasakyan, sinilip niya ang basag na salamin sa driver's side. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may taong nakasubsob sa manibela, nakita niyang gumalaw ang lalaki, mukhang may malay pa naman ito subalit dahil sa pagkakabangga tiyak niyang mahilo-hilo pa ang lalaki. Wala na siyang inaksayang oras, kung babagal-bagal pa siya, tiyak na masusunog na ang sasakyang iyon at kasamang matutupok ang tao sa loob. Binuksan niya ang pinto ng driver's side. "Bilis! Masusunog na ang sasakyan mo!" sabi niya na tinanggal ang seat belt ng lalaki, "Kaya mo bang tumayo?" tanong niya dito. Nang tingnan niya ang lalaki ay lihim na napasinghap siya. Bakit hindi? Kahit duguan ang mukha nito ay hindi maipagkakaila ang taglay nitong kaguwapuhan. Pinilig niya ang ulo, wala ng oras pero nakuha pa niyang hangaan ang lalaki. Kahit mabigat ay pinilit niyang alisin ang lalaki sa loob. Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa balikat niya. Tumingin siya muli dito. Hindi niya alam kung bakit ganon na lamang ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang tingnan din siya nito. 'Shit! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko!' Pilit niyang inalis ang atensyon dito at naglakad sila patungo sa kanyang sasakyan. Eksaktong nakasakay na sila sa sasakyan niya nang sumabog ang sasakyan nito, kasabay ng paglaman ng apoy sa sasakyan nito ay gumuho ang lupa marahil dahil na rin sa malakas na ulan, mabilis na nahulog ang nasusunog na sasakyan sa malalim na bangin. "Oh my God! Kung hindi kita nailigtas malamang kasama kang masusunog at mahuhulog sa bangin," naibulalas niya. Sinulyapan niya ang lalaki, nakita niyang nakatingin din ito pagkuway pumikit, pero napansin niya ang nakakuyom nitong mga palad. Doon niya napansin na hindi teenagers ang naghahagaran ng sasakyan kanina. The man, likely in his early thirties. His tailored coat and tie suggested a high-powered professional, perhaps a company president. Who are you? Napahawak siya sa bibig nang maisip na baka masasamang tao ang sakay ng mga humahagad na mga sasakyan dito kanina, balak na patayin talaga ang lalaking ito. "Mabuti na lang at nailigtas kita sa tamang oras, kung hindi isa ka sa mga bangkay na hindi mabibigyan ng hustisya," bulong niya pero alam niyang humangga iyon sa pandinig nito.Naglalakad na sa hallway pabalik si Katrina ng makasalubong niya si Yohan. Naiiling itong nagsalita ng makalapit sa kanya. "Ngayon lang ako nakaalis sa mga nagpapapicture, I'm sorry, pabalik ka na ba?" Tanong nito. Tumango siya. "Mag ccr ka ba?" Tanong niya. Tumango ito, tinuro naman niya ang direksyon kung nasaan ang banyo. "Thanks Katrina, wait for me, I have something to tell you," sabi nito. Tumango siya. "Okay." Nakangiting sabi niya. Naglakad na ito patungo sa banyo, habang hinihintay niya ang aktor ay nakarinig siya ng ingay mula sa likod na bahagi ng ampunan, dahil likas ang pagkakuryusidad niya ay pinuntahan niya iyon. Nakarating siya sa labas ng bodega pero wala namang tao roon, pabalik na siya ng mapansin niya ang papel na lumipad patungo sa kanya, nang lingunin niya ang pinanggalingan nakita niyang bukas ang back door at mahangin kaya siguro nilipad ng hangin ang papel. Dinampot niya iyon at tiningnan ang nilalaman. Nanggilalas siya ng mabasa iyon, til
Nabaling ang atensyon ni Katrina ng magsalita na ang host at ipakilala si Kim Yohan, ganon na lamang ang tilian at sigawan ng mga staffs na naroon, nakikitili din si Grace na katabi ni Clifford. Nakita naman niya ang pagsimangot ng binata. Nang tumingin ito sa gawi niya ay mabilis niyang inalis ang tingin dito, hiniling niyang hindi sana siya nito nahuli. Sa pagbaling niya sa entablado ay nakangiting kinawayan siya ni Yohan, nakangiting tinanguan lang niya ito. "Hi everyone! I'm honored to be here today to celebrate this special occasion. I want to share a memory that's close to my heart. In one of my movies, I played an orphan and spent over a week filming at an orphanage. It was an incredible experience that taught me so much about resilience, hope, and love." Nakangiting salaysay ni Yohan habang nakatingin sa mga taong naroon, "The kids I met there are a testament to the fact that kindness and compassion can make all the difference in someone's life. So, to all the caregivers
Nang araw na iyon ay ang araw ng anibersaryo ng Angel's Haven, habang hindi pa oras ng kanyang live coverage ay tumulong si Katrina sa kusina upang ayusin ang mga pagkain para sa pagkaing ihahain mamaya sa mga bata. "Naku, Miss Katrina hayaan mo na kami dito, kaya na namin ito," nakangiting sabi ni manang Rosa. "Wala pa rin naman po akong gagawin, okay lang naman po sa akin," nakangiti ring sabi niya, sinasalansan niya sa mesa ang mga food box. "Napakabait mo talaga, kaya paborito rin kitang panoorin sa pagbabalita, inaabangan ko palagi ang paglabas mo sa TV, at napakaganda mo lalo na sa personal," sabi pa nito. Bahagya siyang tumawa. "Manang naman, parang nagkita na tayo noon, hindi ito ang unang pagkikita natin," aniya. "Oo nga kaya nga tuwang tuwa ako at naikukwento ko sa mga kaibigan ko sa palengke na nakita na kita, sinasabi ko sa kanila na hindi ka lang magaling na reporter, napakaganda at napakabait mo pa," sabi nito. "Masyado ninyo naman po akong binibida," nat
"Parang sumobra naman yata ang mga sinabi mo kay Miss Santos, Ford," sabi ni Grace kay Clifford, "Ano bang nangyayari sayo ngayon? Okay ka naman kanina," patuloy nito. Hindi siya kumibo, he's looking out of the coffee shop, his eyes fixed on Katrina and Yohan's intimate proximity. His jaw clitches, a mixture of anger and disappointment settling in, hindi alam ng mga ito kung paanong pagpipigil ang ginagawa niya sa sarili kanina, nang mga sandaling iyon nga ay gusto niyang tumayo at lumabas, hilahin si Katrina palabas ng sasakyan ng lalaki. His chest was about to explode with jealousy. "Duke..." narinig niyang tawag sa kanya, nilingon niya ang isa sa mga shadow guard niya. Sinenyasan niya itong lumapit. Kunwa'y may dala itong tray na may lamang kape at tinapay, naupo ito sa tapat nila. "Ed, what's going on? I saw a suspicious man a while ago, he's been watching us," he said, his voice low and even, eyes narrowing as he scanned the area. "He was standing across the street, pretendi
"I didn't know you were with Mr. Han to discuss this guesting offer," sabi ni Yohan, sumenyas ito sa dumaang waiter at umorder ng kape at pastries para sa mga bagong dating. "Ah kailangan kasing narito si Ford para sa ibang detalye. The Han brothers made a sudden decision, next week na ang anniversary ng orphanage kaya kailangan ng madaliin ang lahat," nakangiting sagot nito. "And since I'm not used to these business deals, I dragged Ford along. He's okay with it, so he's here," nakangiting sabi ng babae na bumaling kay Ford, ganon na lamang ang pagsimangot nito. "Who said I'm-" hindi nito natapos ang sasabihin ng ipulupot ni Grace ang kamay sa braso ng binata at inilapit ang mukha sa tenga nito. May kung anong binulong ito, kung ano man iyon ay hindi na nagsalita pa ang binata at tahimik na lang itong sumandal sa upuan. Meanwhile, Katrina's heart was about to burst watching the two get cozy. She was seething with jealousy. Naramdaman niya ang mga tingin ni Yohan sa kanya, pinis
Mr. B's POV "She's Katrina Santos, granddaughter of the late Benjamin Santos – the man you killed years ago," K said at the phone, nagulat man si Victor Benzon sa nalaman mula sa lalaki ay tumawa din pagkatapos. Naaalala niya ang Benjamin Santos na iyon, ito ang pakealamerong Barangay Captain sa probinsyang nasasakupan ng kanyang ilegal na negosyo. Nalaman kasi ng kapitan na iyon ang mga ginagawa niyang transaksyon at ang ilang patayan na nagaganap na siya ang may kagagawan. Binabalaan niya ito pero hindi ito nagpatinag kaya naman para hindi na siya mamroblema dito ay pinatahimik na lang niya gaya ng mga pakealamerong tao sa buhay niya. "What an interesting woman, paano niya nakilala si Duke?" curious na tanong niya. Naroon siya sa kanyang opisina habang nakahilera naman ang ilang mga tauhan sa harapan. "She's the one who save Duke when you tried to kill him," anito pa, nakuyom niya ang mga palad. "So ano namang kinalaman ng babaeng iyon kay Duke?" "She is Duke's weakness,







