LOGINNapanganga naman si Katrina sa pagkagulat.
"What? You don't remember?" she asked, her voice lipped with concern, her eyes searching his face for answers. Umiling ang lalaki. Hindi kaya may amnesia siya? Nakalimutan niya ang mga nangyari at buong pagkatao niya dahil sa aksidente. Tiningnan niya ang benda nito sa ulo, nanlaki ang mga mata niya nang makitang dumudugo iyon. "Ah! Your wound is bleeding!" turo niya sa sugat sa noo nito. Hinawakan nito ang noo na mabilis naman niyang inalis. "Don't touch it! Baka maimpeksyon," sabi niya. Sumulyap ito sa kanya, muli siyang nailang sa paraan ng mga tingin nito. "Saglit lang, diyan ka lang, huwag mong hahawakan ha," aniya na iniwan ito saglit at nagpunta sa kusina, muli niyang kinuha ang medicine kit. Naupo siya sa tabi ng lalaki at walang imik na tinanggal ang benda nito, nilinis niya iyon at nilagyan ng bethadine. Hindi kaya humampas nang malakas ang ulo nito kaya nagka-amnesia ang lalaki? Pero may alaala din kaya ito noong gabing may mangyari sa kanila? "It's done, malinis na ulit," nakangiting sabi niya at tumingin sa lalaki. Tila pinangapusan ng hangin si Katrina nang magtama ang mga mata nila nito, muli niyang napagmasdan ng ganon kalapit ang mga mata ng lalaki. Maiitim ang mga mata nito subalit matiim kung tumingin, she could also count all his eyelashes because they're too close to each other. Muling bumilis ang tibok ng puso niya at bago pa nito marinig ang pagtambol ng dibdib niya ay mabilis siyang lumayo dito. "Alam kong gutom ka, saglit lang ipaghahanda lang kita ng pagkain,"aniya na hindi na tumingin pa dito. Hindi tuloy niya nakita na sinundan siya ng tingin nito hanggang sa makapasok sa kusina. Hindi nagtagal, bumalik siya sa sala, ibinaba ni Katrina ang tray na may lamang pagkain sa center table. She cooked rice porridge for the stranger man. "Kaya mo bang kumain?" tanong niya dito. Hindi ito umimik kaya naman kumilos siya at kinuha ang kutsara, marahan niyang hinipan ang mainit na lugaw atsaka iniumang sa bibig nito. "Here, isubo mo na, hindi na mainit," kaswal na sabi niya. Hindi naman ito kumilos kaya sinulyapan niya ang lalaki. Her heart began pounding faster. Inirapan niya ito upang itago ang totoong nararamdaman, ibinaba niya ang kutsara at tumayo. "Kumain ka na, tatapusin ko lang itong ginagawa ko," sabi niya na pilit na kinakalma ang sarili. Hindi naman makapagfocus si Katrina sa kaniyang ginagawa, napakahirap gumawa lalo na kung may maya't mayang tumitingin sa kanya. Marahas siyang nagbuntong hininga pagkuwa'y tumingin sa lalaki, napansin niyang hindi pa rin nito kinakain ang niluto niyang lugaw. Napapalatak siya. "Tsk, kung hindi ka gutom magpahinga ka na lang muna para mabawi ang lakas mo, I'm really busy here so feel at home," kalmadong saad kahit na parang nagwawala na ang puso niya sa loob ng kanyang rib cage. Sa kabilang banda ay nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil nag effort pa siyang ipagluto ito ng lugaw tapos ay hindi naman pala kakainin. "And by the way, stop staring at me," hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niyang sabihin iyon. Saglit pa itong nakatingin sa kanya, maya maya ay tumayo ang lalaki at walang salitang naglakad. "Saan ka pupunta?" takang tanong niya. "I'll find a nice room so I can rest well," kaswal na saad nito. "Magkaka backache ako sa maiksing sofa na iyan," turo nito sa sofa. Lihim na iningusan niya ang lalaki, sumobra naman yata ang pagka at home nito. "Okay, my bad, hindi kita pinagpahinga sa maayos na kuwarto, hindi kasi kita kayang buhatin paakyat sa itaas ng bahay," paliwanag niya. Tumalikod na ito at muling naglakad. 'Teka? Bakit ang sungit niya? Ako na nga itong tumulong? Hindi man lang nagpasalamat sa effort ko?' nag uumpisang mawala ang paghanga niya dito at mapalitan ng pagkainis. Pero naisip niya na baka dala lang ng aksidente kaya ganon ito makitungo. Tumayo siya at sinundan ito. "Halika sumunod ka sa akin," aniya dito na nagpatiuna sa hagdanan. Dalawa lamang ang silid sa itaas, silid niya at silid ng kanyang mga lolo at lola noon. Tumigil si Katrina sa tapat ng isang pinto, binuksan niya iyon at tumambad ang hindi kalakihang silid, kumpleto pa rin sa gamit ang silid na iyon at higit sa lahat ay malinis. Weekly kung maglinis doon ang caretaker ng bahay. "Dito ka muna mamahinga, silid ito ng mga lolo at lola ko," aniya. Walang imik itong naglakad papalapit sa malaking papag na may makapal na kutson. Nakita niyang pinagpag nito ang bed sheet. Tumaas ang isang kilay niya. "Mukha lang luma ang mga gamit dito pero tinitiyak kong malinis naman lahat, mayroon naglilinis nitong bahay lingguhan kaya free ito sa germs," sarkastikong saad niya. Tumingin ito sa kanya. "That's good to hear," sagot nito. Nagkibit balikat siya. He sounded arrogant, but she couldn't explain why she thought it only made him more appealing. She tried to shake off the feeling, but there was something about his confidence, his swagger, that drew her in. Maybe it was the way he carried himself, like he owned the place, or maybe it was the way he spoke, like he knew exactly what he wanted and wasn't afraid to go after it. Whatever it was, it intrigued her, and she couldn't help but wonder what lay beneath his tough exterior. Kumuha siya ng bagong kumot at unan sa loob ng cabinet pagkatapos ay ipinatong sa ibabaw ng kama. "Maaari mong buksan ang electric fan or kung gusto mo naman iyong bintana, malamig naman dito lalo na sa gabi," mahinahon pa rin niyang sabi. Tahimik pa rin ang lalaki kaya minabuti niyang magpaalam na dito. "Maiwan na kita, magpahinga ka muna, bumaba ka na lang kapag nagugutom ka," aniya na naglakad na patungo sa pinto. Isasara na lamang niya ang pinto nang marinig niyang magsalita ito. "Thank you, Rina," maikling sabi nito. Saglit siyang natigilan saka tumingin dito, nakita niyang nakahiga na ito at nakatalikod sa kanya. Wala sa sariling napangiti siya. Atleast, marunong din pala siyang magpasalamat. "Walang anuman, rest well," aniya na maingat na isinara ang pinto.Naglalakad na sa hallway pabalik si Katrina ng makasalubong niya si Yohan. Naiiling itong nagsalita ng makalapit sa kanya. "Ngayon lang ako nakaalis sa mga nagpapapicture, I'm sorry, pabalik ka na ba?" Tanong nito. Tumango siya. "Mag ccr ka ba?" Tanong niya. Tumango ito, tinuro naman niya ang direksyon kung nasaan ang banyo. "Thanks Katrina, wait for me, I have something to tell you," sabi nito. Tumango siya. "Okay." Nakangiting sabi niya. Naglakad na ito patungo sa banyo, habang hinihintay niya ang aktor ay nakarinig siya ng ingay mula sa likod na bahagi ng ampunan, dahil likas ang pagkakuryusidad niya ay pinuntahan niya iyon. Nakarating siya sa labas ng bodega pero wala namang tao roon, pabalik na siya ng mapansin niya ang papel na lumipad patungo sa kanya, nang lingunin niya ang pinanggalingan nakita niyang bukas ang back door at mahangin kaya siguro nilipad ng hangin ang papel. Dinampot niya iyon at tiningnan ang nilalaman. Nanggilalas siya ng mabasa iyon, til
Nabaling ang atensyon ni Katrina ng magsalita na ang host at ipakilala si Kim Yohan, ganon na lamang ang tilian at sigawan ng mga staffs na naroon, nakikitili din si Grace na katabi ni Clifford. Nakita naman niya ang pagsimangot ng binata. Nang tumingin ito sa gawi niya ay mabilis niyang inalis ang tingin dito, hiniling niyang hindi sana siya nito nahuli. Sa pagbaling niya sa entablado ay nakangiting kinawayan siya ni Yohan, nakangiting tinanguan lang niya ito. "Hi everyone! I'm honored to be here today to celebrate this special occasion. I want to share a memory that's close to my heart. In one of my movies, I played an orphan and spent over a week filming at an orphanage. It was an incredible experience that taught me so much about resilience, hope, and love." Nakangiting salaysay ni Yohan habang nakatingin sa mga taong naroon, "The kids I met there are a testament to the fact that kindness and compassion can make all the difference in someone's life. So, to all the caregivers
Nang araw na iyon ay ang araw ng anibersaryo ng Angel's Haven, habang hindi pa oras ng kanyang live coverage ay tumulong si Katrina sa kusina upang ayusin ang mga pagkain para sa pagkaing ihahain mamaya sa mga bata. "Naku, Miss Katrina hayaan mo na kami dito, kaya na namin ito," nakangiting sabi ni manang Rosa. "Wala pa rin naman po akong gagawin, okay lang naman po sa akin," nakangiti ring sabi niya, sinasalansan niya sa mesa ang mga food box. "Napakabait mo talaga, kaya paborito rin kitang panoorin sa pagbabalita, inaabangan ko palagi ang paglabas mo sa TV, at napakaganda mo lalo na sa personal," sabi pa nito. Bahagya siyang tumawa. "Manang naman, parang nagkita na tayo noon, hindi ito ang unang pagkikita natin," aniya. "Oo nga kaya nga tuwang tuwa ako at naikukwento ko sa mga kaibigan ko sa palengke na nakita na kita, sinasabi ko sa kanila na hindi ka lang magaling na reporter, napakaganda at napakabait mo pa," sabi nito. "Masyado ninyo naman po akong binibida," nat
"Parang sumobra naman yata ang mga sinabi mo kay Miss Santos, Ford," sabi ni Grace kay Clifford, "Ano bang nangyayari sayo ngayon? Okay ka naman kanina," patuloy nito. Hindi siya kumibo, he's looking out of the coffee shop, his eyes fixed on Katrina and Yohan's intimate proximity. His jaw clitches, a mixture of anger and disappointment settling in, hindi alam ng mga ito kung paanong pagpipigil ang ginagawa niya sa sarili kanina, nang mga sandaling iyon nga ay gusto niyang tumayo at lumabas, hilahin si Katrina palabas ng sasakyan ng lalaki. His chest was about to explode with jealousy. "Duke..." narinig niyang tawag sa kanya, nilingon niya ang isa sa mga shadow guard niya. Sinenyasan niya itong lumapit. Kunwa'y may dala itong tray na may lamang kape at tinapay, naupo ito sa tapat nila. "Ed, what's going on? I saw a suspicious man a while ago, he's been watching us," he said, his voice low and even, eyes narrowing as he scanned the area. "He was standing across the street, pretendi
"I didn't know you were with Mr. Han to discuss this guesting offer," sabi ni Yohan, sumenyas ito sa dumaang waiter at umorder ng kape at pastries para sa mga bagong dating. "Ah kailangan kasing narito si Ford para sa ibang detalye. The Han brothers made a sudden decision, next week na ang anniversary ng orphanage kaya kailangan ng madaliin ang lahat," nakangiting sagot nito. "And since I'm not used to these business deals, I dragged Ford along. He's okay with it, so he's here," nakangiting sabi ng babae na bumaling kay Ford, ganon na lamang ang pagsimangot nito. "Who said I'm-" hindi nito natapos ang sasabihin ng ipulupot ni Grace ang kamay sa braso ng binata at inilapit ang mukha sa tenga nito. May kung anong binulong ito, kung ano man iyon ay hindi na nagsalita pa ang binata at tahimik na lang itong sumandal sa upuan. Meanwhile, Katrina's heart was about to burst watching the two get cozy. She was seething with jealousy. Naramdaman niya ang mga tingin ni Yohan sa kanya, pinis
Mr. B's POV "She's Katrina Santos, granddaughter of the late Benjamin Santos – the man you killed years ago," K said at the phone, nagulat man si Victor Benzon sa nalaman mula sa lalaki ay tumawa din pagkatapos. Naaalala niya ang Benjamin Santos na iyon, ito ang pakealamerong Barangay Captain sa probinsyang nasasakupan ng kanyang ilegal na negosyo. Nalaman kasi ng kapitan na iyon ang mga ginagawa niyang transaksyon at ang ilang patayan na nagaganap na siya ang may kagagawan. Binabalaan niya ito pero hindi ito nagpatinag kaya naman para hindi na siya mamroblema dito ay pinatahimik na lang niya gaya ng mga pakealamerong tao sa buhay niya. "What an interesting woman, paano niya nakilala si Duke?" curious na tanong niya. Naroon siya sa kanyang opisina habang nakahilera naman ang ilang mga tauhan sa harapan. "She's the one who save Duke when you tried to kill him," anito pa, nakuyom niya ang mga palad. "So ano namang kinalaman ng babaeng iyon kay Duke?" "She is Duke's weakness,







