Share

KABANATA 5

CHAPTER 5

HINDI ko alam ang gagawin. Ang dami kung mga pangamba at higit sa lahat ay nangingibabaw ang takot. Nauubos na ang mga pagkain ko rito sa unit at takot akong lumabas. Usap-usapan ang aking ginawa sa contract signing at kailangan ko pang i-deactivate ang aking social media accounts dahil inulan na ako ng sandamakmak na mga tanong. Ayokong maglabas ng kahit na anong pahayag tungkol dito dahil mahahalungkat lang ang itinatago kong lihim at mas lalo lamang akong pagkakaguluhan. Hindi rin ako tinitigilan ng katatanong ni Gieselle.

'Hindi na ako magri-renew ng contract, Gie,' sagot ko sa kanyang tanong kung ano ng plano ko dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ako nagpapakita sa opisina at maging kay Mother Chelsea.

'What? Why? Are you insane?'

'Ayaw na ni Papa. He has plans for me,' simpleng paliwanag ko.

'Akala ko ba lumayo ka na sa kanya at hinayaan ka na niya?' alam kong naiinis siya sa rason ko.

'Siguro dati pero not now. He needs me, after all he's still my father,' sana ay maliwanag na sa kanya iyon.

Wala ng naging sagot si Gieselle sa aking huling mensahe at siguro’y nasabi na rin niya ang tungkol doon sa aming manager. Simula noon ay hindi na sila nangulit pa at malamang ay kumalat na sa buong agency na hindi na ako magtatrabaho roon. Sunod-sunod din siguro ang project ng kaibigan ko dahil hindi na niya ako ginulo sa mga nakalipas na araw. So what now? Magkukulong na lang ako rito sa unit hanggang sa manganak? Paano ang kalusugan naming dalawa ng baby ko? Kahit malaki ang naipon ko’y mauubos pa rin ito dahil sa mga gastusin. Hindi magtatagal ay dalawa na angbubuhayin ko. I have to do something before its too late.

Ilang araw ko itong pinag-isipan at ngayon ay nakikita ko na lang ang sarili sa harapan ng malaking gate ng dati naming bahay. Nanginginig ang aking kamay habang pinipindot ang door bell. Hindi nagtagal ay hinarap naman ako ng guard.

"Ano pong kailangan nila, ma'am?" magalang na tanong niya pero hindi pa rin binubuksan ang gate upang papasukin ako.

"Iyong amo mo nandiyan ba?"

"Nasa loob po, ma'am, pero naghahanda na siya para sa pagpasok sa trabaho."

Until now ay hands on pa rin talaga si Papa sa negosyo naming real estate. Kahit may edad na siya ay hindi pa rin ito  nagriritero. Pwede namang iba na ang mamamahala ng negosyo niya pero ayaw niyang hindi namo-monitor ang galaw ng kanyang mga tauhan. Maya-maya’y may lumabas na babae mula sa front door at lumapit sa guard.

"Domeng, mag-almusal ka na muna-" At natigilan siya nang makita ako.

"Ma'am Paloma? Ikaw ba iyan? Naku, Domeng, bakit hindi mo pinapasok?!" sabi ni Inday, ang katulong namin at binuksan kaagad ang gate.

"Naku, ma'am, pasensiya na po wala na po kasi kayo rito nang dumating iyang si Domeng kaya hindi po kayo nakilala," paliwanag ni Inday habang sumabay sa akin papasok ng bahay.

"Ma'am, deritso na po tayo sa kusina para sa almusal pero wala po kasi iyong mga kinakain ninyong mga salad at cereals. Hindi po kasi namin alam na darating kayo ngayon," sabi niya nang nasa sala na kami.

Medyo natigilan ako dahil nandoon pa rin ang mga pictures namin ni Mommy, kaming buong pamilya at mga solo pictures ko. Pagkatapos ay nagawi naman ang paningin ko sa book shelf at kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang mga issue ng magazine kung saan ako napi-feature at ang mga iniindorso ko.

"Walang pinapalagpas ang papa mo, ma'am, kaya lahat ng magazines, fashion shows at iba pang mga guestings ay pinapanood o 'di kaya’y pinupuntahan niya. Kaya kompleto siya ng edition ng mga magazine na iyan," masayang saad ni Inday.

It touches my heart. Akala ko’y kinalimutan na ako ni Papa tulad ng gusto ko, kagaya ng ginawa ko sa kanya pero hindi pala. Nandiyan lang siya na nakamasid sa akin sa mula malayo.

Tumuloy na kami sa kusina at natakam kaagad ako sa mga nakahain. Tuyo at sinangag, sawsawang suka na may kamatis at mga prutas kaya umupo na ako at nagsandok na ng pagkain.

"Ma'am? Kumakain na po kayo ng ganyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Inday.

Tumango lang ako bilang tugon dahil hindi na makapagsalita dahil sa pagkaing nasa bibig.

"Inday, ‘yong breakfast-" hindi natuloy ang anumang sasabihin ni Papa dahil napako kaagad ang mata niya sa akin.

Kapapasok pa lamang niya sa kusina at nakabihis na papuntang opisina.

"Paki-serve ng aking kape, Inday. Dito na ako mag-aagahan," utos niya sa katulong at nagmamadali naman itong kinuha ang kape.

Walang akong imik habang umuupo siya sa aking harapan. Naghintay ako ng panunumbat mula sa kanya pero wala akong narinig.

"Just eat, Paloma. Pagkatapos nito’y saka na tayo mag-usap," sabi niya habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.

Hindi ako mapalagay habang hinihintay siya rito sa veranda. Tinawagan pa niya ang kanyang sekretarya na mahuhuli siya ngayon ng dating sa opisina. Hindi nagtagal ay may tumikhim sa aking likuran at alam kong siya ang dumating. Nilingon ko siya at nakita ang malungkot niyang mata habang nakatunghay sa akin.

Wala na akong maraming sinabi at kahit walang isang salita ang lumabas sa aming mga bibig ay alam kong tulad ko, ay na-miss din niya ako, kaya sinugod ko na siya ng yakap at doon umiyak sa kanyang balikat. Para akong isang bata na nagsumbong at hinayaan niya lang ako.

"Anong problema, Paloma?"malumanay niyang tanong habang hinahawi ang aking mahabang buhok na tumabing at dumikit sa mukha dahil sa pag-iyak.

" Papa, I'm sorry," walang pagdadalawang-isip kong sambit kasabay ng paghagulgol.

"Tahan na," inaalo niya ako mula sa pag-iyak habang hinahaplos ang aking likod.

"I'm sorry dahil binigo ko po kayo. I'm sorry kasi hindi ako nakinig sa’yo. I'm sorry kasi mas pinili ko ang aking gusto and now I failed you," saad ko sa pagitan ng mga hikbi.

"Paloma, its all in the past. Ang importante ay nandito ka at umuwi sa akin."

"Papa, I got pregnant at hindi ko alam kung sino ang ama. Nalasing ako and I woke up in a strange place. I'm sorry, Papa, dahil ipinahiya ko kayo, binigo ko kayong dalawa ni Mama." Mas tumindi pa ang aking pag-iyak habang inaamin ang pagkakamali.

"Paloma, don't ever think na binigo mo kami. After all a single mistake cannot define a persons lifetime personality. I am proud of you dahil kinaya mong umakyat sa tuktok na walang anumang tulong mula sa aking impluwensiya. You are on top because your talented and because you deserved it."

"Papa, buntis po ako at walang maiturong ama. Kapag nalaman ng lahat, hindi lang ako kung hindi ikaw rin ay mapapahiya."

"Huwag mo na lang isipin iyon. Ang importante ay umuwi ka rito. Paloma, we are always dreaming this, kami ng Mama mo, na balang araw ay makakakita kami ng apo mula sa sa'yo. We always wanted to have a grandchild at hindi mahalaga kung sino ang ama ng bata, ang mahalaga ay nandito ka at ang magiging apo ko." At niyakap na niya ako pabalik.

Ang sarap sa pakiramdam na sa kabila ng lahat ng ginawa ko ay tinanggap pa rin ako ni Papa. Swerte pa rin ako at ang aking anak dahil tinanggap niya kami.

"Papa, may problema pa po ako kasi hindi ako nag-renew ng contract at natatakot akong ibigay sa kanila ang aking rason. Alam ko pong kapag nalaman ng mga kasamahan ko ang nangyari ay mas lalo lang nila akong pag-uusapan, maging ng iba pang mga tao. Hindi ko alam kung paano ko ito malulusutan. Ayaw kong pagkaguluhan kami, lalo na ang anak ko. Gusto kong maging pribado ang lahat." Sa wakas ay may napagsabihan na rin ako sa aking mga iniisip nitong mga nakaraang araw.

Tahimik lamang siyang nakikinig sa akin. Hinayaan niya akong magsabi tungkol sa mga gumugulo sa akin.

"Kung kagaya ng mundo ko ang kamumulatan ng aking anak ay mas lalong mahirap kung wala akong maipakikilalang ama niya. Gusto kong maging pribado ang lahat mula sa pagbubuntis hanggang sa lumaki siya. Ayokong lumaki siya sa kahihiyan gawa ng aking katangahan,"naiiyak kong wika.

"Paloma, biktima ka rin ng sitwasyon. Kahit may kasalanan ka, still walang mangyayari kung magsisisihan pa tayo. Gusto mong magtago sa publiko para maprotektahan ang apo ko? Tutulungan kita, anything for you, my dear princess," sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok.

Nakahinga ako ng maluwang. Tila nakahanap ako ng nag-iisang kakampi mula sa milyon-milyong kaaway.

"Thank you, Papa," sabi ko na may ngiti sa labi.

Nang mahimasmasan na kami pareho ay saka pa lang ako nagtanong.

"Papa, paano natin gagawin iyon? Na manganganak ako na hindi malalaman ng mga tao."

"I have an idea. You cannot go abroad dahil mahirap kung makita ka sa airport lalo na ngayon na hindi mo sinipot ang contract signing. Kailangan ay maging maingat tayo sa bawat galaw natin."

"Saan ako pwedeng pumunta, Pa? Iyong lugar na walang makakakilala sa akin. Kung saan pwede akong mamuhay ng malaya na walang iniisip na mga tao?" naguguluhan kong tanong.

"May lupa akong nabili sa isang maliit na isla. Kakaunti pa lamang ang mga tao roon at napag-iwanan ng kabihasnan. Malayo iyon mula rito at nakasisiguro tayong walang nakakakilala sa iyo roon. Dalawang beses ko pa lang napupuntahan ang isla, noong nagpagawa ako rest house at nang natapos na ito. Ayos lang ba kung doon ka muna titira? Ako na rin ang bahalang magpaliwanag sa publiko sa naging desisyon mo at bakit mas pinili mong iwanan ang career."

"Thank you so much, Papa." At niyakap ko siyang muli.

Ano na lang ang gagawin ko kung wala si papa? Saan ako tatakbo sa ganitong sitwasyon?

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ramil Sampanta Dalura Sabuga-a
nice story sana maituloy ko ang pagbabasa
goodnovel comment avatar
Cristina Templo Ra
miss blu is the best writer..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status