Share

KABANATA 6

CHAPTER 6

MAHINANG hampas ng alon na nagsisilbing musika sa aking tainga ang sumalubong sa akin bawat umaga. Mag-iisang linggo na rin simula nang ipinahatid ako ni papa rito at hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon. Maliit lang ang isla Mirabel at madalas ay napag-iiwanan ng panahon. Lumuluwas ako sa sentro ng bayan kapag magpapa-check up o ‘di kaya’y bumili ng mga kailangan sa bahay.

Hindi ganoon kalaki ang rest house namin dito. Dalawang palapag na may tatlong kwarto sa itaas. Tamang-tama lamang para sa dalawa o tatlong tao. May maliit na maids quarter malapit sa kusina para sa kasambahay na tutuloy rin sa bahay.

Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito at marami ring kababaihan ang gumagawa ng tuyo na ipinagbibili naman sa mga kalapit-bayan. May isang pampublikong paaralan ng elementarya at isa rin sa highschool. Ang mga nagkokolehiyo naman ay sa mga mas malalaking bayan sa labas ng isla nag-aaral kaya kadalasan sa mga bata rito’y hindi na nakapagpatuloy sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cristina Templo Ra
love this story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status