Share

Chapter Nine 1.2

Napaseryoso ako dahil nararamdaman ko ang malakas na enerhiyang nanggagaling sa kaniya. Tama isa nga syang High Class. Mahihirapan ako dito panigurado. Mabilis syang tumakbo palapit saakin kaya wala akong nagawa kungdi ang tumakbo palayo sa kaniya habang binabato niya ang apoy niya na syang iniiwasan ko.

Like hello napapalibutan sya ng apoy tsk.  "Wag kang tumakbo!"  Sigaw niya saakin  "Hindi ako tanga katulad mo! Marunong akong mag isip!"  Balik kong sigaw sa kaniya binato ko sya ng Air ball pero ang loka nakangisi lang saakin at inilagan iyon. 

Hindi talaga simpleng kalaban tong babaeng to. Muli akong humarap sa aking harapan at nag seryoso na, kailangan kong makaisip ng paraan para matalo sya. 

Agad akong napayuko ng muntik na niya akong matamaan ng apoy niyang kapangyarihan pero hindi ko nailagan ang muli niyang pagbato saakin. Kaya napatalsik ako sa puno doon

"Argh!"  Nag pagulong gulong ako sa lupa at dahan dahan akong tumayo ng makabawi ako. Ramdam ko ang masaganang pag agos ng dugo mula sa aking likuran. 

Mabilis na gumawa ako ng barrier ng patamaan niya akong muli. "Ano?! Masakit ba?!"  Sigaw niya saakin pero hindi ko sya sunagot bagkus ay gumawa ako ng air ball para itira sa kaniya pero sinabayan niya ang aking kapangyarihan na syang nagresulta ng malakas na impact at alam kong pareho kaming tumalsik dahil doon.

Hindi ko na ininda ang pagtalsik ko at nag teleport ako papunta sa kaniya at pinatamaan sya sa likod niya ng air ball na syang ikinatalsik niyang muli at kitang kita ko mula rito ang malaking sugat niya kapareho nang akin. Ngayon patas na kami.

"Arghh!!! Ang balat ko!!"  Napangiwi ako dahil sa sinabi niya mas mahalaga pa ba sa kaniya ang balat niya gayong alam niyang pwede syang mamatay kahit anong oras? Iba talaga kapag anak mayaman tsk.

Nanlikisik ang mga mata niyang nakatingin saakin at hindi parin nagbabago ang apoy na nakapalibot sa kaniya. Gumawa ako ng Air tornado at pinatama sa kaniya pero malaking pagkakamali dahil lalong lumakas ang apoy niya kaya agad ko iyong inalis.

"Haha nakalimutan mo atang apoy ang kapangyarihan ko? Sige pahanginan mo lang ako para tuluyan kang matusta"  napakuyom ako ng kamao dahil doon. This time ako na ang sumugod sa kaniya ng mano mano. Kahit pa may apoy na nakapalibot sa kaniya ay ginawa ko dahil pinalibutan ko naman ang kamay ko ng hangin ang kaso ay hindi maganda ang epekto niyon dahil nalapnos kang ang braso ko dahil lumakas ang apoy niya.

"Hahahaha!"  Malakas na tawa niya habang ako ay napakapit sa nalapnos kong balat. Kailangan kong makaisip ng panibagong paraan. Alam ko na.

Gumawa ako ng bow and arrow at habang abala pa sya sa pag tawa ay itinapat ko iyon sa kaniya at pinatamaan ang pisnge niya. Napatigil sya ng maramdaman niya iyon at agad na kinapa ang pisnge niyang dumadaloy ang masaganang dugo.

"Kyahh!!!"  Sigaw niya na lalo kong ikinangisi. Tama yan sige katakutan mo ang sugat na yan. Habang abala pa sya ay huminga ako ng malalim pagkatapos ay ikinuyom ko ang kamao ko at unti unting lumabas doon ang Violet kong kapangyarihan.

Ramdam ko ang sarili kong aura at talagang napakalakas niyon. Pilit ko pa syang tinatago pero hindi ito sumapat. Natigil naman sya sa pagkataranta dahil sa sugat sa pisnge niya at napatingin saakin at nagulat sa nakitang kapangyarihan ko

"T-teka ano yan?"  Sabi niya at agad kong ibinato sa kaniya yun na ikinatili niya at talsik niya sa malayo.  Nag teleport ako papunta sa kaniya at ngayon ay wala na ang apoy sa katawan niya marahil ay dahil iyon sa paghagis ko ng Violet kong kapangyarihan. 

Nang nasa harap na niya ako ay pinag susuntok ko sya sa muka.  "Eto ba?! Eto ba ang pinag mamalaki mo?! Ang muka mo pwe! Maganda ka nga pero ang panget ng ugali mo!"  Sigaw ko habang sinusuntok sya. Duguan na rin ito pero alam kong kaya niya pa 

"Ahhhh!!!"  Napahinto ako sa ginagawa ko at agad na napatayo't namilipit sa sakit na naramdaman ko nanaman sa aking katawan.  "Ahhhh!!!"  Muli kong sigaw dahil sa sakit na iyon, nagamit ko nanaman pala ang kapangyarihan ko pero bakit sobrang sakit nito ngayon gayong kaunti lang naman ang nagamit ko?

"Ahhh!!" Napaluhod ako sa sakit at pilit na kinakalma ang sarili ko. Nag tagal ako sa ganoong ayos at pilit na kinikimkim ang sakit. Bakit sobrang sakit niya ngayon? Dahil ba ito sa lugar na ito? Dahil nasa Peridian ako? 

"A-anong kapangyarihan meron ka?"  

Unti unti kong idinilat ang kaliwa kong mata at nakita ko sya na muli nang nakatayo kahit na duguan na. Dahan dahan akong tumayo at kinalimutan ang sakit saaking katawan

"G-gusto mo bang maalala ang una nating pagkikita?"  Nagtaka sya sa sinabi ko kaya tinitigan ko lang sya at ipinakita ko sa kaniya ang unang pagkikita namin sa Centra de Enchanted. 

Matapos kong ipakita sa kaniya ang lahat ay hindi makapaniwalang nakatingin sya saakin at parang nakakita ng multo.  "S-sino ka? Paano ka nagkaroon ng ganiyang mga kapangyarihan?"  Gulat niyang tanong saakin na syang ikinakibit ng balikat ko.

"Hindi ko rin alam kaya wag mo akong tanungin ng ganiyan. Ngayon gusto mo bang malaman kung sino ako?"  Nakangisi kong tanong na ikinaatras naman niya  "Ano?! Tinatanong kita gusto mo ba?!"  Ulit kong sabi nang hindi sya sumagot saakin.

"Tsk. Sige ako na ang magpapakilala. Ako si Katanaya tandaan mo yan ha? KATANAYA SANDOVAL" 

Katulad ng inaasahan kong reaction mula sa kaniya ay gulat na gulat ang muka niya at nakita ko ang panginginig ng katawan niya. 

"S-sandoval? H-hindi totoo yan! Patay na ang mga sandoval!"  Napairap ako sa sinabi niya  "Edi wag kang maniwala eh isa akong Sandoval pake mo ba? Naalala mo yung sinabi ko sayo sa Centra de Enchanted? Ang sabi ko hahanapin kita dito" 

Nag teleport ako sa likod niya at hindi naman sya makagalaw dahil sa sobrang takot.  "At dahil ikaw mismo ang nakahanap saakin maaari ko ng gawin ang balak mo saakin" 

Sa isang iglap lang ay itinarak ko na sa kaniya ang isang espada na gawa sa hangin na syang ikinasuka niya ng dugo  

"Kilala mo na kung sino ako High Class at hindi ko hahayaan na makilala ako ng marami"  hinugot ko na iyon at bumagsak na sya sa lupa at alam king patay na sya

Hindi ako pumapatay ng kapwa ko Magicians pero kung hindi ako papatay ako ang papatayin nila. Lalo pa at isa akong sandoval. Pinasok ko tong larong to bakit hindi ko nalang sabayan ang laban, patay kung patay.

Naitungkod ko ang sandata ko ng muli kong maramdaram ang sakit sa katawan ko. 

Nanalo ako. Napatay ko sya, nakapatay na ako ng isa samantalang 400 kaming LAHAT at sugatan na ako. Kailangan kong magpakatatag.

Sinubukan kong tumayo at pilit na hindi iniinda ang sakit.  

"Ahhhh!!! Tulungan nyo ako!"  Napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw na iyon. Pinagana ko ang Vision ko at nakita ko ang isang babae na tumatakbo habang habol ng isang halimaw. 

Kailangan niya ng tulong pero kailangan ko rin ng tulong tsk! Bahala na at ililigtas ko sya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status