CONTRACT: 100 DAYS WITH THE RUTHLESS BILLIONAIRE

CONTRACT: 100 DAYS WITH THE RUTHLESS BILLIONAIRE

last updateLast Updated : 2025-01-20
By:  missrubyjeanOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
38Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

In a struggling life of an 22-year-old Priscilla faces the unimaginable: her younger sister, Presley, is in critical condition, battling a rare illness that their family can’t afford to treat. Desperate to save her sister, Priscilla encounters Atlas Ximon Lazaro or also known as AXL, a wealthy and enigmatic businessman who offers financial help. However, his assistance comes with a shocking condition—Priscill must agree to a contract that binds her to him for 100 days. Initially believing this is a straightforward arrangement to secure her sister’s medical treatment, Priscilla soon discovers that Axl's intentions are far more complicated. As the days pass, Priscilla begins to unravel a web of secrets tied to her family’s past and Axl’s true motives. What she thought was a lifeline turns into a perilous game where trust is scarce, and every revelation threatens to destroy her world. Caught between her sister's fragile health and Axl's hidden agenda, Priscilla must navigate a treacherous path. Will she uncover the truth in time to save her sister, or will the darkness of Axl's plan consume them all? As the countdown to the end of their contract approaches, Priscilla realizes that she has another problem: her heart and mind were fighting if she will forget Axl or the fact that Axl has also captured her heart? CONTRACT : 100 DAYS WITH THE RUTHLESS BILLIONAIRE.

View More

Chapter 1

Panimula

"Suki! Kunin niyo na ito, oh! Mura nalang 'to, 100 pesos. Bigay ko nalang sainyo ng 80!"

Mula sa kabilang banda ng mataong bahagi ng super market, matirik na init ng panahon at mausok na kapaligiran dulot ng samu't-saring dumadaang sasakyan ay hindi alintana iyon ng dalagang si Priscilla.

Patuloy pa din ito sa pag bebenta ng mga ukay-ukay na damit kahit pa walang tent ang babae sa labas. Paano ay hindi naman kasi ganoon karami ang kaniyang mga paninda at pa konti-konti lang ang damit na dinadala at binibili niya pa sa isang supplier ng dalaga sa bundle ng ukay-ukay.

"Magkano dito?"

"Bigay ko nalang sa'yo ng 80, suki!" Ani Priscilla at binigyan ng isang matamis na ngiti ang costumer.

Kailangan niyang mag doble kayod. Dahil bukod sa mahirap na nga ang dalaga ay may sakit pa ang kaniyang bunsong kapatid na si Presley. Kahit papaano, ang pag bebenta ng dalaga ng mga ukay-ukay ay nakakatulong naman ng kaunti sa kanilang pang-araw araw. Lalo pa at nakikita ng dalaga na nahihirapan na din ang kaniyang Ina na si Nilda Solana sa pag lalabada nito sa kanilang barangay.

"Sige, kukunin ko." Anang babae sa kaniya atsaka humugot ito ng limang daan sa kaniyang wallet.

Masayang napangiti si Priscilla habang isinisilid ang black denim high waisted shorts sa isang plastic at masayang ibinigay iyon sa babae at sinuklian ang pera nitong limang daan.

"Maraming salamat po!" Maligayang wika ni Priscilla.

Sobrang tuwa na ng dalaga sapagkat ngayong araw kahit papaano ay kumita ang babae ng isang libo. Hindi na alintana pa ng dalaga ang pag kirot ng kaniyang balikat at ang kaniyang binting namumulikat.

'Atleast, may pera na akong mauuwi saamin.' Sa isip isip pa ng dalaga at humugot na lamang ng buntong hininga.

Tagaktak na ang pawis sa kaniyang noo. Wala pang alas siete ng umaga ay pumarito na ang dalaga sa kaniyang pwesto upang mag benta at ngayon ay mag a-ala una na ng tanghali at kumakalam na din ang kaniyang sikmura. Paano ay tanging kape at dalawang pirasong pandesal lang din naman ang almusal niya.

"Isang item nalang... pagkatapos ay uuwi na 'ko sa'min," Mahinang bulong ng dalaga, nag dadasal sa Diyos na sana ay may lumapit pa sa kaniya at bumili pa ng paninda niya.

Ilang minuto pa ang pag hihintay ng dalaga ay may nakita siyang grupo ng mga dalagitang ka-edaran lamang din ng kaniyang nakakabatang kapatid na si Presley na papalapit sa mga paninda niya.

"Ay, ang ganda ng skirt oh!" Sabi ng dalagita at itinuro ang puting sayang may desinyo ding puting mga balahibo.

"Bigay ko sa'yo ng 70, beh." Nakangiting ani Priscilla.

Nakita niyang sinusuri pa ng mga dalagita ang iba niyang paninda.

"Ay ang ganda! Heto sa 'kin!"

"Isuot natin 'to sa school ha!"

"Sige!"

"Dalawa po sa 'kin ate, at dalawa din po kay Rica. Pabukod po ng plastic ah." Sabi noong dalaga sa kaniya at ibinigay ang mga skirt na napili ng mga dalagita.

Napangiti na lamang si Priscilla nang makitang mukhang nagustuhan ng mga dalagita ang pandinda niyang nakalatag lamang din sa mga hiningi niyang tarpaulin sa mga kapitbahay niya.

'Mukhang pinalad ako sa araw na ito at narinig ng Diyos ang panalangin ko at hindi lang isa ha kundi apat na damit!' Sa isip-isip ng dalaga.

"Maraming salamat sainyo." Nakangiting sambit ng dalaga.

Sa wakas! Malaki-laki ang perang maiuuwi ng dalaga! Bukod sa makakabili siya ng ulam at bigas ay mukhang may maibibigay pa siya sa kapatid niya kahit konti lang 'pag may matira sa pera niya.

Isinilid na ng dalaga ang mga paninda sa isang malinis na sako at kaagad na nag tawag ng tricycle upang makauwi na sa kanila. Sabik na makauwi ng bahay na may dalang grasya.

Nang makauwi ay kaagad na tinawag ng dalaga ang kaniyang ina at kapatid bitbit ang sampung kilong bigas at isdang nabili niya sa palengke.

"Nay! Nandito na 'ko!" Maligayang sigaw ng dalaga nang makitang walang sumalubong ni isa sa kaniya.

Inilapag niya muna ang mga gamit na dala sa kanilang maliit na mesa. Maliit lang ang tahanan nila ngunit masayang-masaya na silang tatlo doon. Kuntento na din sila sa buhay nila, kahit na mahirap ay hindi na din naman nila hinangad ang mas marangyang buhay.

Ayos na sa kanila ang makakain ng dalawang beses sa isang araw at mabayaran ang tubig kada buwan. Dahil kapos nga sa pera, tanging ang tahanan lamang nila aling Nilda ang walang ilaw sa kanilang street. Hindi kasi kaya sa kanilang bulsa ang madagdagan pa ang gastusin sa bahay. Ayos na din naman sa kanila ang gasera at bukod sa nag bibigay naman iyon ng liwanag sa gabi nila ay nakakatipid pa sila.

"Ella!"

Kaagad na kinabahan ang dalaga ng marinig ang panginginig at takot na takot na boses ng kaniyang Ina! Nang makita niya iyon ay bumilis kaagad ang tibok ng kaniyang puso nang makita ang pamumutla ni aling Nilda. May sabon pa sa mga kamay ang ginang at halatang galing pa ito sa kaniyang pag lalabada sa likod ng bahay nila.

"A-anong nangyari, Nay? Si Presley?"

Wala pa mang sinasagot ang kaniyang Ina ay naluha na si Priscilla lalo pa't nakita nito ang panginginig ng kaniyang Ina.

"Ella, dalhin na natin sa hospital si Presley! I-inatake siya sa puso!"

Nang sabihin iyon ng kaniyang Ina ay labis na nag-alala siya sa kaniyang kapatid. Ngunit imbes na tumunganga ay mabilis siyang lumabas ng kanilang bahay at humingi ng saklolo sa mga ito. Pareho kasi silang walang mga telepono upang tumawag ng ambulansya lalo pa't malayo ang hospital sa kanila.

Mabilis na rumesponde ang hospital nang matawagan iyon nila Jeven, ang kasambahay nila Priscilla na matagal na ding nag papalipad hangin ang lalaki sa dalaga ngunit kahit kailan ay hindi nabigyan ng pagkakataon ang lalaking matikman ang matamis na 'OO' ni Priscilla.

"Diyos ko, Priscilla! Ano nalang ang gagawin natin?" Walang tigil sa pag iyak ang kaniyang Ina habang nasa loob na sila ng ambulansya.

Nakaratay ang kapatid niya at nangingitim na ang mga labi nito. Mas nadurog ang puso niya lalo pa't nakita niya ang inang walang tigil sa pag-iyak at panginginig ang katawan dahil sa labis na pag-aalala.

"Ella, saan tayo kukuha ng pambayad sa hospital ni Presley? Mahirap lang tayo! Ano nalang ang gagawin natin?" Pag tangis ni Aling Nilda sa anak habang mahigpit na niyayakap si Priscilla.

Tumulo na din ang luha sa mga mata ng dalagang si Priscilla. Bigla ay tila dinaganan siya ng mundo, nag halu-halo ang mga naramdaman niya. Pagod, gutom, takot at pag-aalala para sa kaniyang kapatid na si Presley. Mariin na kinagat ng dalaga ang kaniyang labi.

"'Wag po kayong mag-aalala, Nay. Hahanap po ako ng paraan. Sa ngayon, kailangang maagapan si Presley." Pinalis ng dalaga ang kaniyang luha.

Sa sitwasyon kasi nila, dapat mas tatagan niya pa ang kaniyang loob. Alam niyang sa kanila lamang din humuhugot ng lakas ang kanilang Ina. At kung makita nitong nahihirapan siya ay mas lalong mamroblema ito.

"A-anong gagawin mo?" Nag aalalang tanong ng kaniyang Ina.

"Ako na po ang bahala do'n. Sa ngayon, kailangan na kailangan nating mahospital si Presley, Nay. Iyon muna ang isipin natin, ha?" Sambit ng dalaga sa kaniyang Ina.

Kahit pa sa loob-loob nito ay hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera. Ngunit gagawin ng dalaga ang lahat para sa kaniyang pamilya. Kahit pa ang kumapit sa patalim ay kaya niyang gawin.

___

written by: missrubyjean.

PLAGIARISM IS A CRIME!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
38 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status