Home / Romance / CONTRACTS AND SECRETS / CHAPTER I (PREGNANCY)

Share

CONTRACTS AND SECRETS
CONTRACTS AND SECRETS
Author: JET HERRERA

CHAPTER I (PREGNANCY)

Author: JET HERRERA
last update Huling Na-update: 2025-08-29 10:16:25

“LOVE OR MONEY?”

“Siyempre money!” mabilis na tugon ni Antonia o Toni sa tanong ng kaibigan na si Lizzy.

Naroon sila sa isang bar at nasa dance floor ang ilang co-worker ni Lizzy. Silang dalawa na lang ang naiwan sa table nila.

She was not much of a heavy drinker pero nang gabing iyon, parang gusto niyang magpakalasing. Gusto niyang kalimutan ang lahat ng sakit at pait na nararamdaman sa kanyang dibdib. Naghiwalay kasi sila ng boyfriend niyang sundalo na si GB. And that was a week ago, pero pakiramdam niya ay kanina lang iyon nangyari.

“Mas okay na marami tayong pera para hindi tayo alipustahin ng ibang tao,” sabi ni Lizzy.

“O kaya ay ipagpalit sa ibang babae,” may pait niyang wika.

“Sinabi ko naman sa `yo na lolokohin ka lang ng sundalo na iyon,” sermon sa kanya ng kaibigan. “Tayong mga nasa middle class, dapat alam natin kung saan tayo lulugar. O kung sino ang lalaki na puwede nating patulan. Ikaw kasi, pumatol ka pa sa sundalo na `yon. Alam mo namang milyonaryo ang pamilya no’n.”

“At ako ay isang hamak lang na empleyado,” malungkot na sabi ni Toni.

“Walang milyon sa bangko, walang sasakyan at walang mansion,” dagdag pa ni Lizzy. “Kawawa ka.”

Inisang lagok ni Toni ang alak na nasa baso. Sa nakalipas na mga araw, she tried to act stoic. Nagtapang-tapangan siya. Nag-perform nang maayos sa trabaho para maging occupied ang kanyang isip.

Nahiling niya na sana bukas ay end of contract na niya. Para makaalis na siya sa Cavite.

“Gusto ko nang kalimutan siya,” aniya habang pinapasadahan ng daliri ang gilid ng baso na nakapatong sa mesa.

Hinawakan ni Lizzy ang kanyang kamay. “Tutulungan kitang makahanap ulit ng trabaho at apartment na malilipatan. Don’t worry. You can rise all above these adversities. You’re only twenty seven. Marami pang lalaki sa mundo. Malay mo makabingwit ka ng mas bata pa kay GB.”

“He’s only thirty three,” aniya.

Tumirik ang mga mata ni Lizzy at binitawan ang kanyang kamay. “Sige ipagtanggol mo pa ang matanda at manloloko mong ex!”

Tumingin siya kay Lizzy. Lasing na yata siya dahil nagiging dalawa na ito sa kanyang paningin.

“Let’s forget about the heartbreak, betrayal, pain and men. We’re here to drink to forget. Cheers!” Itinaas ni Lizzy baso na hawak nito.

The moment their glasses clanked, tuluyan nang in-enjoy ni Toni ang gabing iyon. Heartbreak lang iyon. Kung nalalagpasan iyon ng ibang babae, makakaya din niya.

----

NAPAHIGPIT ang kapit ni Toni sa gripo dahil muntikan na siyang matumba.

Naroon siya sa apartment ni Lizzy sa Taguig. Hindi maganda ang kanyang pakiramdam kaya alas tres pa lang ng umaga ay gising na siya.

“Are you okay?” boses iyon ni Lizzy.

Sinubukan niyang tumayo nang tuwid. Nagmugmog siya at naghilamos. Tiningnan niya ang sarili sa salamin para lang muling mahilo. Napapikit siya.

“Mahiga ka na doon.” Inalalayan siya ng kaibigan na mahiga sa sofa. “Nasobrahan ka yata ng inom ng alak kagabi.”

Nanghihinang sinapo ni Toni ang kanyang noo. Nahihilo pa rin siya. Humiga siya at inabot ang isang throw pillow.

“Magtitimpla ako ng kape para maging maayos ang pakiramdam mo. Ikaw kasi…” Tumalikod si Lizzy at nagtungo sa dining area. “Pinipigilan kita kagabi na tama na ang inom pero ayaw mong papigil. Ayan,” sermon pa nito habang nagtitimpla ng kape.

Nanuot sa ilong niya ang aroma ng purong kape na tinimpla nito. Parang dumeretso iyon sa kanyang sikmura. Pero sa halip na maging komportable ay bigla siyang nangasim.

“Ikaw na lang ang uminom niyan,” sabi niya kaya napalingon sa kanya si Lizzy.

“Ano ka ba? Para `to sa hang over mo.” Lumapit sa kanya si Lizzy bitbit ang mug. Palakas nang palakas ang aroma na nasisinghot niya. Parang hinalukay ang loob ng kanyang tiyan at bigla siyang naglaway.

Mabilis siyang bumangon at tumakbo sa lababo. She threw up.

Mabilis naman siyang dinaluhan ni Lizzy. Hinihingal siyang nagmugmog at bumalik sa sofa. Nang mapatingin siya sa kalendaryo na nakapatong sa drawer sa gilid ng sofa, she knew right there and then that it was not the alcohol from last night.

Nakaramdam siya kaagad ng takot at pag-alala dahil naalala niya na delayed ang kanyang period.

“I think… I’m pregnant,” mahina niyang sabi kay Lizzy.

“What?” bulalas nito.

“Kaya siguro masama palagi ang pakiramdam ko.”

“Are you sure? How late is it?” tanong ni Lizzy.

“Bili ka ng pregnancy test. Please.” Nakikusap ang boses na hiling niya sa kaibigan. Alam niyang maraming bukas na botika at tindahan sa paligid ng tinutuluyan ni Lizzy.

“Nasaan ba ang wallet mo? Magkano ba iyon?” tila natatarantang tanong ni Lizzy.

“Abonohan mo muna,” nanghihina pa rin ang boses na sabi ni Toni. Panay ang dalangin niya na sana false alarm lang ang lahat.

Pero nang makabili na si Lizzy ng kit at nagamit na niya iyon, she saw two pinkish lines. Nanghihina niya iyong inilapag sa may lalabo sa loob ng banyo saka siya bumalik sa sofa at naupo.

Naluluha niyang itinaas ang laylayan ng suot na T-shirt at sinilip ang kanyang tiyan.

“Ano na ngayon ang plano mo?” tanong sa kanya ni Lizzy.

“I don’t know.”

“You should see a doctor. Para maging sure ka talaga. I’m worried kasi uminom tayo kagabi,” sabi ni Lizzy.

Tumango lang siya rito. Natatakot kasi siya baka pagalitan siya ng doktor.

“Sasabihin mo ba `to sa ex mo?” tanong sa kanya ni Lizzy.

Hindi kaagad nakasagot si Toni. Dahil hindi niya rin naman alam kung ano ang gagawin. She felt nervous, scared…and lost.

“Pero bago mo isipin ang gagawin, isipin mo muna kung papasok ka ba ngayon sa opisina,” sabi ni Lizzy.

Muntikan nang mapabalikwas si Toni.

She should go to work? Yes.

Should she tell her ex-boyfriend that she’s pregnant? Not sure.

----

MAINGAT na kinuha ni Toni ang libro sa loob ng kanyang bag at inilapag iyon sa ibabaw ng kanyang mesa. Lunchtime na kasi at balak niyang ipagpatuloy ang pagbabasa.

Isa siyang researcher at may contract of service sa Philippine Marine Corps sa kampo sa Cavite. Limang buwan na siyang nagtatrabaho doon at isang buwan na lang ay matatapos na ang kanyang kontrata.

“Ang kapal naman ng libro mo,” puna sa kanya ni PFC Ellen Ramirez.

“The thicker, the better.” Kinindatan niya ito.

“Parang iba na ang title niyan. Ang dami mong time para magbasa, ah,” sabi pa nito.

Ngumiti siya at nagkibit-balikat. “Single person things.”

Napawi ang kanyang ngiti nang lumabas mula sa opisina nito si Captain Gerbacio Escalante o mas kilala sa kampo na GB. Ito ang boss nila at ang director ng Marine Corps Training and Development Center. Ito rin ang kanyang ex-boyfriend.

Hindi nila puwedeng ipaalam sa mga kasama nila ang kanilang relasyon noon dahil parang unethical iyon. Ayaw niyang matsismis sa loob ng kampo. Pero ipinakilala naman siya nito sa parents at pamilya nito.

Kasabay ni GB na lumabas sa opisina si Shaira. Isang doktor ang babae na may kapamilya na mataas ang ranggo sa military. She came unannounced into her life, into her relationship with GB.

“Ang ganda ni Doc Shaira, ano? Bagay sila ni sir GB,” tila kinikilig na pabulong na sabi ni Ellen.

Hindi kumibo si Toni. Sa kanyang libro lang siya tumingin.

Yeah, sure. Shaira was beautiful — a kind of beautiful that makes men forget they have a girlfriend.

Napatingin siya sa kanyang tiyan, pagkatapos ay kay GB. Nakita niyang nakakapit si Shaira sa braso nito.

“Mamaya n`yo na tapusin ang mga ginagawa ninyo. Mag-lunch muna tayo,” anunsiyo ni GB.

Mabilis na kumilos ang mga kasamahan ni Toni pero siya ay nanatili sa kanyang puwesto.

Kinalabit siya ni Ellen. “Halika na, Toni!”

Napatingin siya rito. “Mamaya na ako. I noticed an error in this that needs to be fixed,” aniya na ang tinutukoy ay ang file na kanyang inaayos.

“Mamaya mo na ayusin `yan,” pamimilit ni Ellen.

“Hayaan mo na siya, Ramirez,” sabi ni GB. “Sumunod ka na lang pagkatapos mo diyan sa ginagawa mo,” dagdag nito na hindi man lang tumingin sa kanya.

Dati, hindi ito mapakali kapag hindi siya nakikita. Now, he barely glanced at her.

“You can go now,” sabi ni GB sa mga sundalo na naroon.

Walang nagawa ang mga ito kundi ang sumunod. Lumabas ang mga ito sa opisina habang tuwang-tuwa na kausap si Shaira.

Mariing napapikit si Toni at humarap sa computer. Pero hindi niya kayang mag-concentrate sa kanyang ginagawa. She felt like her breath stopped, strangling her.

Tumayo siya pero napatigil rin nang makita si GB na nakatayo sa gilid ng kanyang upuan. Hindi pala ito sumama kina Shaira na umalis.

He stood there tall, his confident posture radiated impressive physique hiding in his camouflage uniform. His masculine presence did not command order and attention, it was always surrendered to him. But at that moment she refused to surrender even though she felt weak. Ni wala nga siyang lakas para magsalita.

“Naayos na ni Manang Carla ang mga gamit mo sa bahay,” sabi sa kanya ni GB. “Puwede mo nang kunin mamaya kapag naka-out ka na sa trabaho.”

Tumango lang siya rito.

“I-double check mo na rin ang room ko kung may naiwan ka pang gamit na hindi niya alam at nailagay sa bag mo,” sabi ni GB.

Tumango siya ulit. Her heart ached, her throat burned she couldn’t speak.

“Speak!” ma-otoridad na sabi ni GB kaya napakurap si Toni. “Bakit hindi ka nagsasalita?”

She cleared her throat. “Yes, sir! Kukunin ko na mamaya ang mga gamit ko. Pasensiya ka na hindi ko kaagad naasikaso. Marami kasi akong ginagawa.”

“Like what? Are you dating someone?” usisa nito sa kanya.

Umiling siya. “Naghahanap ako ng trabaho, sir.”

Totoo iyon. Naghahanap siya ng puwedeng pasukang ibang trabaho dahil alam niyang malapit nang matapos ang kanyang kontrata.

Mabuti na lang ay may naghihintay nang kompanya na puwede niyang pasukan. Inirikomenda iyon ng kanyang kaibigan at nasa BGC ang building ng kompanya.

She sighed. “May sasabihin pa ba kayo, sir?”

“Drop the formalities,” utos nito sa kanya.

“You’re my boss—”

“Tayong dalawa lang ang nandito,” giit nito.

Dahil ito naman lagi ang nasusunod, she obliged. Napansin din kasi niyang parang mainit ang ulo nito. Nagmamadali siguro itong maalis ang mga gamit niya sa bahay nito.

May apartment naman kasi siya pero paminsan-minsan ay doon siya natutulog sa bahay nito noong magkarelasyon pa sila kaya may mga gamit siya sa bahay nito.

“Okay. I’ll gather my stuff later—”

“I-delete mo na rin ang numero ng mga tao sa bahay sa cell phone mo. Hindi magandang may communication ka pa sa kanila kasi hiwalay na tayo,” sabi ni GB.

“Don’t worry. I’ve already deleted their numbers…” mahina niyang sabi. Napatingala siya sa kisame dahil uminit ang sulok ng kanyang mga mata. “But I still have yours. Gusto mo bang i-delete ko na rin?”

“Go ahead,” walang gatol na sabi nito.

Mabagal na kinuha ni Toni ang kanyang cell phone sa loob ng kanyang bag. Binura niya ang numero nito. Binura niya pati ang mga litrato nilang dalawa na hindi man lang niya na-post sa social media dahil umiiwas nga sila sa issue.

Nanlalabo ang mga matang napangiti siya. He used to make her so happy. Pero ngayon parang pinaparusahan siya nito kahit wala siyang ginagawang masama.

Mabait at magiliw naman ito sa ibang tao, pero pagdating sa kanya, para itong taglamig.

“May ipapagawa ka pa ba?” tanong niya rito. Nang hindi ito sumagot ay nagsalita siyang muli. “Baka hinahanap ka na ni Shaira.”

Kumilos ito at namulsa. “Sabay na tayong lumabas.”

Mabilis siyang nag-isip ng alibi. “Mauna ka na. Magbabanyo pa ako.”

Tiningnan siya nito bago ito naglakad palabas.

Nanghihinang naupo si Toni sa kanyang upuan. Pakiramdam niya wala na siyang lakas para makihalubilo pa sa kanyang mga kasamahan sa labas para mananghalian.

Kumuha na lang siya ng biscuit sa kanyang bag. Kasabay ng unang kagat ay ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Mabilis niya iyong pinunasan. Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib at marahas iyong ibinuga.

Nakabuo siya ng desisyon na hindi ipaalam kay GB ang kanyang kalagayan. What’s the point of telling him when she knows he’s already happy with someone else?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
dhing
bgong aabangan
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER VII (Duplicate key)

    “TALAGA bang hiwalay na kayo ni Toni, sir? Umalis kasi siya dala ang mga gamit niya. Umiiyak din. Kawawa nga,” kausap kay GB ni Manang Carla. Hindi siya sumagot. Ang dami niyang iniisip. Kararating lang niya mula sa kanyang meeting sa Fort Bonifacio. Kakatawag lang ng katiwala nila na nasa ospital. Ito ang nagbabantay sa kanyang lola doon dahil hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang ina. Maayos na kanina ang kalagayan ng kanyang lola. Ang problema, hinahanap nito si Toni. Ibibigay raw niya ang engagement ring nito kay Toni. Sinasabi rin nito na gusto nitong magpakasal na sila ni Toni. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang katotohanan sa kanyang lola. Nakukunsensiya kasi siya dahil sa kasunduan nila ni Toni. Nag-alibi na lang siya na nasa opisina si Toni at hindi niya puwedeng isama sa mga meeting niya at papunta sa ospital. Napahinga siya nang malalim at kinuha ang kanya cell phone. Abala siya sa pag-chat sa kanyang ina para i-monitor ang kalagayan ng kanyang lola. Mali

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER VII (Apologies)

    Yumuko si Toni. “I’m sorry. Pero alam kong hindi `yon ang totoong issue natin. K-kung may iba ka nang nagugustuhan, sabihin mo lang sa akin.” Her voice came out like whisper. “M-matatanggap ko naman.” Hindi umimik si GB. “I k-know that it will come to this. It’s only a matter of time,” pagpapatuloy ni Toni kahit na nananakit na ang kanyang lalamunan. “Alam kong may babaeng mas higit sa akin. Na mas bagay sa `yo. Tanggap ko naman iyon. Ang hindi ko lang matanggap kapag niloko mo ako. Kasi unfair `yon. Kasi ako, hindi naman kita niloloko so hindi ko deserve na lokohin.” Hindi pa rin nagsalita si GB. She slowly lift her head so she can look at him. “So, ?” tanong niya rito. “Hindi ko sinasadya…” Sa gilid niya nakatingin si GB nang sabihin nito iyon. Tumayo si Toni. “Please, makinig ka sa akin. Hindi ko naman ginusto `tong nararamdaman ko. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili pero hindi ko nagawa. Please, forgive me,” pagsusumamo nito. “Pinag-isipan kong mabuti `to k

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER V (Books over boys)

    NAKATINGIN lang si Toni sa chandelier. Tapos na silang maghapunan. Alas otso na ng gabi pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. Mabuti na lang at hindi pa rin umuuwi si GB. Baka kung naroon ang lalaki ay pinalayas na siya nito.Pero hindi niya rin napigilan ang sarili na isipin kung saan ba ito pumunta. Kung sino ang kasama nito. Baka si Shaira. Naiinis niyang ibinalik ang pansin sa mga libro na tinitingnan sa isang international website. Matagal na niya iyong gustong bilhin pero hindi niya mabili-bili dahil nagtitipid siya. Pero ngayon, bibilhin na niya iyon. Yes, she’s brokenhearted pero hindi niya kailangang magmukmok. Ang kailangan niya ay mga libro. Maraming-maraming libro. Matapos ma-i-check out ang mga nasa cart ay inilapat ni Toni ang likod sa sofa. Her mind and body felt tired.Kumuha siya ng libro sa kanyang bag at sinimulan iyong basahin. Eventually she felt sleepy so she closed her eyes. Gusto niyang ipahinga iyon saglit. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog si

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER IV (Advice of friends)

    “YOU CAN’T use your grandma’s health as a reason to marry someone,” komento ni Case nang ikuwento ni GB na magpapakasal na siya. Pagkatapos niyang makausap ang kanyang abogado para maayos ang prenuptial agreement ay tinawagan niya ang mga senior niya dati sa PMA na sina Case at LA. Pinapunta siya ni LA sa bahay nito at doon na sila nagkuwentuhan. Inimbita niya rin ang mga ito sa kanyang nalalapit na kasal.“That contract will surely backfire,” sabi naman ni LA.Tumawa si Case. “Katulad sa nangyari sa inyo ni Mace. Kinontrata mo rin.”“At least hindi kami naghiwalay,” tugon ni LA. Natahimik si Case at sa kanya na tumingin. “What if you’ll get attached?”“Protektado kami ng kontrata. There’s no complications. We have clear boundaries. Isa pa hindi kami magsasama sa isang bahay. Toni wanted a sole access to her house,” sagot niya rito. Nakita niyang ngumisi si LA. His eyes sparkled as he leaned towards him.“Talaga? Eh di ba dadalawin n’yo ang lola mo kada Linggo? Where would you li

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER III (Moving out)

    “AYOS KA lang ba? Bakit parang pumayat at matamlay ka?” salubong kay Toni ni Manang Carla—na kasambahay ni GB— nang makarating siya sa bahay nito. Pagka-out niya sa trabaho ay dumeretso siya kaagad sa bahay nito para kunin ang kanyang mga gamit. Para kasing uulan. Ayaw niyang ma-stuck sa traffic at maabutan ng ulan.Noong isang araw pa sana niya kukunin ang kanyang mga gamit kaya lang marami siyang inasikaso. Naghanap siya ng mga documents niya para sa kasal nila ni GB. Kailangan pa daw kasi nitong mag-apply ng permit to marry. Hindi lang iyon, pabalik-balik din sila sa ospital. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras dahil hindi siya isinama ni GB sa ospital. May iba daw kasi itong pupuntahan.“May sakit ka ba?” tanong ni Manang Carla. “Okay lang po ako. Baka napagod lang. Sabi ni GB ay naayos n’yo na ang lahat ng gamit ko.” Naging malungkot bigla ang aura ni Manang Carla. “Nag-away ba kayo ni Sir GB? Isang linggo ka yatang hindi umuwi dito.” “Hiwalay na po kami,” deretsahang sa

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER II (Proposal)

    “I WANT nothing and nothing but good news.” Iyon agad ang bungad ng Lola Corazon ni GB nang bisitahin niya ito sa bahay nito sa Tivioli Royale sa Quezon City. Nagkita kasi sila ng mga mistah at senior niya kagabi sa BGC. May inuman nang kaunti at sa condo ni Case na siya nagpalipas ng gabi kasi ayaw niyang mag-drive dahil nakainom siya. “Well, malapit na po akong ma-promote mula sa pagiging kapitan—” “Hindi ‘yan ang gusto kong marinig,” putol ng kanyang lola sa gusto niyang sabihin. “Ano ho ba ang gusto ninyong marinig? Napakunot-noo ito at napatingin sa likuran niya, tila may hinahanap. “Nasaan si Toni? Bakit hindi mo kasama si Toni?” tanong nito. Hindi kaagad nakasagot si GB. Alam niyang gustong-gusto ng lola niya si Toni. Ayon sa kanyang lola, wife material si Toni. Maganda, mabait, masipag, at marunong makisama. Ang sabi pa nito, kapag si Toni ang maging asawa niya, magiging tahimik at smooth sailing ang kanyang buhay. Sang-ayon naman siya roon. Mabait si Toni, walang masy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status