LOGINNamomroblema kasi siya dahil nasa ospital ang kanyang ama. At kapag ganoong may emergency sa bahay nila, kargo niya lahat ng gastos.
“Toni, pinapatawag na ni Sir Escalante!” malakas na sabi ni Ellen sa kanya. And you don’t have a choice. Orders are orders. You need to follow them, sa isip ni Toni. Tumayo siya para puntahan ang opisina ng boss nila nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Kumapit siya sa kanyang desk at napapikit nang mariin. “Ano’ng nangyayari sa `yo?” tanong sa kanya ni Ellen. “O—okay lang ako,” mahina niyang sabi at pinilit na dumilat. Tiningnan siya nito. “You looked pale.” Napahawak si Toni sa kanyang pisngi. Huminga siya nang malalim. Pakiamdam niya ay masusuka siya. “You really looked sick. Umupo ka muna,” tila natataranta na wika ni Ellen. Bumalik si Toni sa kanyang cubicle at pinakiramdaman ang sarili. Medyo hindi na siya nahihilo. Uminom siya ng tubig sa kanyang dalang tumbler. “Medyo okay na ako,” sabi niya nang lapitan siya ni Ellen. “Matagal kasi akong nakaupo, nagpupuyat din ako nitong mga nakaraan kaya baka nahilo lang ako noong bigla akong tumayo.” “Hindi mo kasi pinapahinga ang mga mata mo. Dito ay computer ang nasa harap mo, kapag nakauwi ka naman ay puro ka libro,” nakangusong sabi ni Ellen. Napangiti si Toni nang pilit. Hindi rin puwedeng malaman ng mga kasama niya sa opisina na buntis siya. “Kaysa naman lalaki ang atupagin ko,” pagsakay niya sa topic. “Dapat lalaki talaga!” Pumitik sa hangin ang mga daliri ni Ellen. “Wala kang mapapala sa mga libro kasi hindi totoo ang mga lalaki doon. Pero dito, napapaligiran tayo ng mga pogi. Sama ka sa amin mamaya, may ipapakilala akong sundalo sa `yo.” “May gagawin ako mamaya,” tanggi niya. Tumaas ang isang kilay ni Ellen. “Pogi `yong sundalo.” “Please. They’re just bunch of handsome faces with two lovers.” “Bitter! Maybe you haven’t met the right one,” komento ni Ellen. “I’ve met plenty. I’ve seen too may broken hearts and forgotten promises,” aniya. Isa na doon si GB. Ni hindi pa nga sila nag-celebrate ng kanilang anniversary, ni hindi nila na-reveal sa opisina ang relasyon nila, naghiwalay na silang dalawa! Worst, nabuntis pa siya! “Mabait `yong ipapakilala ko sa `yo,” pamimilit pa sa kanya ni Ellen. She rolled her eyes. “Please, give me a break.” Napalingon siya nang biglang bumukas ang opisina ni GB. “Buenafe!” malakas na tawag nito sa kanya. Suddenly she felt like the office was a battlefield of orders and memos. “Yes, sir!” Mabilis siyang tumayo. “Coming.” Malalaki ang mga hakbang siyang naglakad at pumasok sa opisina nito. Hindi lang lamig ng aircon ang sumalubong sa kanya kundi ang malamig na aura ng kanilang boss. “Sir, pinapatawag n’yo ako?” tanong niya nang makalapit siya sa desk nito. “We’re in a war zone and you move like a snail. Kanina pa kita ipinapatawag,” tila aburido na sabi nito. Yumuko si Toni. “I’m sorry, sir.” “Tapos mo na ang ipinapagawa ko?” tanong nito sa kanya. “Hindi pa, sir,” nakayuko pa rin niyang sabi. “But I am trying my best and working as fast as I can, sir.” She knew rushing the research can lead to errors that’s why she allocated a sufficient time to review the tasks given to her. Hindi nagsalita si GB. May ibinigay ito sa kanya na folder. Pinasadahan iyon ni Toni ng tingin. Tungkol iyon sa isang program na masidhi pero effective na training ng mga sundalo. Napabuntong-hininga siya. Mukhang mahirap iyong pag-aralan. “Study that and I need the results ASAP,” sabi nito sa kanya. “Yes, sir.” Muli niyang binasa ang isang page na laman ng folder. “This is a bit complex—” “Pinag-aralan ko na `yan,” sabi ni GB. “But I need a new set of eyes that can help. Can you give me a rough estimate kung kailan mo matatapos `yan?” tanong nito sa kanya. “Maybe a week, sir,” sagot niya rito. She’s on a tight deadline at kailangan niya talagang mag-focus doon dahil malapit nang matapos ang kanyang kontrata. Nang tumikhim si GB ay napatingin siya rito. Nagtama ang mga mata nila. “May gagawin ka mamaya?” tanong nito sa kanya. Saglit siyang nag-isip at naalala niya ang sinabi ni Ellen. “Niyaya ako ni PFC Ramirez na lumabas—”“Cancel all your appointments later, tomorrow and the following days or weeks,” sabi ni GB. “Sasama ka sa akin mamaya.”
“Ha?” gulat na tanong ni Toni.
“Nasa ospital si Lola. Hinahanap ka niya,” walang paligoy-ligoy na sabi ni GB.
“Kamusta siya? Okay lang ba siya? Malala ba ang kalagayan niya?” sunod-sunod niyang usisa.
Nag-aalala siya dahil sa loob ng halos siyam na buwan nilang relasyon ni GB ay naging mabait ang lola nito sa kanya. “I can’t tell. Wala pa ang result ng CT scan niya. Under monitoring pa siya ng doktor sabi ni Mommy at hindi ako maka-update dahil marami akong inaasikaso,” tugon nito sa kanya. Niyakap ni Toni ang folder na hawak. “Pero hindi kaya masagwa tingnan kung sasama ako sa `yo sa ospital? Hiwalay na tayo. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao at ng pamilya mo?” mahina niyang tanong. “Sa tingin mo gusto kitang isama?” balik-tanong ni GB. “Niyaya lang kita kasi gusto kang makita ni Lola. Ginagawa ko `to dahil sa kanya.” Hindi alam ni Toni kung ano ang sasabihin. “Hindi rin pwedeng malaman ni Lola na hiwalay na tayo. You need to pretend that we’re still together,” sabi ni GB. Napaawang ang bibig ni Toni. “Pretend?” “Babayaran kita,” sabi ni GB. “Pretend as my girlfriend hanggang sa makalabas si Lola sa ospital.” “Pretend girlfriend?” hindi makapaniwalang ulit niya. Tumayo si GB mula sa upuan nito, saka naglakad palapit sa kanya. “Just for a few days or weeks. Akala kasi ni Lola magkarelasyon pa rin tayo.”“But... it's lying. You want me to lie to your grandmother?”
She was worried. Nakokonsensiya rin siya kahit pa kailangan niya ng pera dahil nasa ospital din ang kanyang ama. May diperensiya ang atay nito dahil mahilig itong uminom noon. Malapit na ring matapos ang kanyang kontrata kaya kailangan niya ng extra income para hindi mabawasan ang kanyang savings. At… kailangan niya ng pera para sa kanyang ipinagbubuntis. The check ups, laboratories, doctor’s f*e, books about pregnancy, vitamins, cravings… Saan niya kukunin ang pambayad doon? “What she doesn't know wouldn't hurt her,” sabi ni GB. “Parang nakakatakot naman `yang plano mo, sir,” komento ni Toni. Hindi niya ini-expect na pagkatapos nilang maghihiwalay ay may ganoong mangyayari. Napangiwi siya nang titigan siya ni GB. She cleared her throat. “How much are we talking about, sir?” “Ten thousand per day,” sabi ni GB. “Sasama ka lang sa akin sa ospital kapag bibisita ako doon and you have to make it convincing.” Hindi pa rin sigurado si Toni. “Okay. Let's make it fifteen. Just imagine ilang libro ang mabibili mo sa halagang iyon,” pangungumbinsi pa ni GB sa kanya. Hindi na ako lugi, sa isip niya. Inilahad niya ang kanyang kamay. “Ano `yan?” tanong ni GB. “Payment first, sir,” sabi niya rito. Tiningnan siya nito nang masama pero kinuha naman nito ang cell phone nito. “Isi-send ko na lang sa `yo.” Ilang sandali itong nagpipindot sa cell phone nito pagkatapos ay may ipinakita ito sa kanya. Na-send na nito ang fifteen thousand na bayad sa account niya. “Maraming salamat, sir. Makaaasa kang pag-iigihan ko ang aking trabaho,” sabi niya rito. “I know you can handle the work load,” sabi nito. Ngumiti siya rito. “Thank you for the compliment, sir.” “Dismissed!” pagtataboy nito sa kanya. Mabilis na lumabas si Toni at dumeretso sa kanyang cubicle. Kaagad niyang tiningnan ang kanyang cell phone at tsinek ang balance sa kanyang account. May pumasok nga na fifteen thousand. Kaagad niya rin iyong ipinadala sa kanyang kapatid para ipambili ng gamot ng kanilang ama na nasa ospital. Nang sumapit ang hapon at maka-out na siya sa trabaho ay umuwi siya sa kanyang apartment at nagbihis ng medyo maluwang na damit. Nagdala rin siya ng jacket. Hindi nagtagal ay dumating din si GB. He was wearing a black shirt that accentuated his toned body and a brand-new looking denim jeans that fitted him well, showcasing his strong legs. Kumurap siya at mabilis na pumasok sa sasakyan nito. Nandoon siya para magtrabaho, hindi para tingnan ito. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa ospital.Naabutan nila ang ina nito roon na nagbabatantay at nalaman nila na nasa ICU na ang lola ni GB.
“I’m glad you came. Maayos na siya kanina but all of a sudden, she needed the supplemental oxygen,” pagbabalita ng ina ni GB sa kanila. Pinayagan sila ng doktor na pumasok sa ICU pero sa limitadong oras lamang. May naka-attach na endotracheal tube sa lola nito at nakikita ni Toni na mahina talaga ang matanda. Nang lumabas sila sa ICU ay parang nauupos na kandila na umupo si GB. He was unrecognizable. The battle-hardened soldier, the one that won’t be shaken by the intensity of waves and storms, was now wrapped in sorrow. He looked like a thousand battles were on his shoulders and he could do nothing about it. Gone is the soldier who had a frosted and solid composure. She wanted to hold his hand, but she opted not to. Dahil wala naman sila sa harapan ng lola nito para umakto. Lumapit siya rito. “Don’t worry. She’ll be fine,” sabi na lamang niya. GB looked at her. She stared at him. He stared more. “Bakit?” nagtatakang tanong ni Toni. Iniwas niya rin ang kanyang tingin. Hinawakan ni GB ang kanyang braso st hinila siya palayo sa ina nito. “Let’s get married,” bigla ay sabi nito. Sa gulat ay napaatras siya. Bakit siya nito niyaya na magpakasal? She’s only a pretend girlfriend. But when she looked into his eyes, she noticed a deep-seated sadness and exhaustion like he lost his comrades in battle. “Let’s just focus on your grandma’s health,” sabi na lamang niya. “Gusto ni Lola na pakasalan kita. I think it will bring her strength kapag sinunod ko ang gusto niya.” “I…I” Halos hindi malaman ni Toni kung ano ang sasabihin. “I care about your grandma, but I don’t think this is a good idea—” “Babayaran kita. Five million… for one year. Or kahit six months. Maghihiwalay tayo kapag nakumbinsi ko siya na hindi talaga tayo para sa isa’t isa.” “This is not a joke,” madiin niyang sabi. Nababaliw na ba ito? Sininghot niya ito. Hindi naman ito amoy alak kahit na alam niyang gabi-gabi itong umiinom. Pampatulog daw kasi nito iyon. Pero baka umakyat na sa utak nito ang alak kaya kung ano-ano na ang sinasabi nito. Muntikan na siyang mapapiksi nang hawakan nito ang kanyang kamay. “This is what she wanted. In fact bago siya na-ospital ay may engagement ring siyang gustong ibigay sa akin para mag-propose sa `yo. Kaya kailangan mo akong tulungan.” GB sounded desperate. “Five million, is that not enough?” Five million? Napaisip si Toni. Kahit kumayod siya araw-gabi sa loob ng isang taon hindi siya magkakaroon ng ganoon kalaking pera. “Think about it some more. I’ll buy you books every week, buy you food everyday,” pangungumbinsi pa nito. Hindi pa rin siya kumibo. Hindi kasi siya makapag-isip nang maayos. “Ako ang bahala sa annulment after. I know a lot of lawyers,” sabi pa ni GB. “Wait…” sabi niya rito. Ngumiti ito na tila nabuhayan ng loob. “Payag ka na?” “I want five million… saka bahay,” demand ni Toni. Naisip niya kasi na kailangan niya rin ng bahay para hindi siya nahirapan kapag nanganak na siya. “Saang bahay ba ang gusto mo?” tanong ni GB, almost immediately. Alam niyang madali lang iyon para dito. He had that kind of wealth that made her savings looked like a pocket change. Pero hindi naman siya oportunista. “Kahit sa Pag-IBIG okay na `yon.” “Okay then. I’ll draft the contract tomorrow. I’ll find you a house in your name. Magpapakasal tayo and my grandma will get better.” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Thank you. Thank you. I’ll send the money right away.” Lihim na napangiwi si Toni. Kailan pa naging gamot sa sakit ang pagpapakasal?-----
“THERE’S NO emotional involvement, no sex, and you’re not allowed to interfere with my personal affairs. I am no criminal so I expect my freedom kahit kasal na tayo,” sabi ni GB sa kanya.
Naroon sila sa labas ng isang kubo sa kampo para walang may makaalam sa transaction nilang dalawa. May panaka-nakang sundalo na dumadaan pero hindi naman nakaiistorbo sa kanila.
Tinakpan ni Toni ng kamay ang kanyang bibig saka humikab. Alas-tres pa lang ng hapon pero inaantok na siya.
Tiningnan siya ni GB na parang naawa ito sa kanya.
“Pagkatapos nito puwede kang matulog sa quarters ko,” sabi nito.
Sunod-sunod siyang umiling. Nahihibang na ba ito? Ano na lang ang sasabihin ng mga kasama nila kapag natulog siya sa quarters nito sa oras ng trabaho?
“It's fine kung ayaw mo. Pero hindi ka puwedeng tumira sa bahay ko kahit kasal na tayo,” sabi ni GB.
“Doon na ba nakatira si Shaira?” tanong niya.
Hindi sumagot si GB kaya naisip ni Toni na baka tama ang kanyang hinala. Kung doon man nakatira ang babae, hindi naman malalaman ng lola nito kasi nasa Quezon City ito. Unless merong magsumbong.
“She’s not aware I am doing this,” sabi ni GB.
“Hindi mo sasabihin sa kanya?” mangha niyang tanong.
“I won’t do stupid things to jeopardize my plan by telling her something she doesn’t need to know.” His voice was cold but defensive.
“How convenient. Baka ako ang lumabas na masama nito kapag nalaman ng ibang tao,” mababa ang boses niyang sabi.
“You’re not.” Biglang lumambot ang expression ng mukha ni GB. “In fact ikaw ang tutulong sa akin. Paano ka magiging masama?”
Hindi pa rin mapakali si Toni. She couldn’t shake the feeling that she was the one standing in the way of the man’s happiness with someone else. Pero may bata sa sinapupunan niya. Kailangan niya ng pera para paghandaan iyon.
“Huwag mo nang problemahin ang buhay ko. I’ll handle it accordingly. Basta `wag kang magpapakita kay Shaira pagkatapos ng kontrata mo sa opisina,” sabi ni GB.
His words shattered her pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Mas gusto na lamang niya ng pera para sa kanyang kinabukasan.
“You’re allowed to see other women and have a relationship with them? Paano kapag nalaman ng lola mo?”
“Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin,” wika ni GB. “Hindi rin naman siya lalabas sa bahay niya kasi magpapagaling pa siya.”
“You have a point.” Binasa niya ang nakasulat sa hawak na document. “So, scheduled ang bisita natin sa kanya every Sunday? You really love your grandma.”
Napabuntonghininga si GB. “She’s the reason why I’m living my dreams.”
Naikuwento na iyon ni GB sa kanya dati noong magkarelasyon pa sila.
Gustong-gusto kasi talaga nito noon na mag-aral sa PMA at maging sundalo ngunit tutol ang mga magulang nito sa gusto nitong gawin. Balak pa itong ipadala noon ng parents nito sa Singapore para doon ito mag-Masteral sa Electrical Engineering.
Para hindi maipadala sa ibang bansa ay naglayas si GB. At doon ito namalagi sa lola nito. Ang lola rin nito ang tumulong rito para palihim itong makapag-process ng mga documents sa pag-apply sa PMA.
“You can keep that copy para pag-aralan mo ulit,” sabi ni GB.
Muli siyang humikab. Malinaw naman kasi ang nakasaad sa dokumento. “A sexless and loveless marriage…”
“But you’ll get the financial security and stability. Nakahanap na ako ng bahay na maganda ang location. Puwede natin iyong tingnan mamaya. Pero sigurado ka ba na sa Taguig ka titira?” usisa nito.
Ngumiti siya rito. Mas gusto niya sa Taguig para malayo siya rito at para na rin hindi siya mahirapan masyado kapag nanganak na siya. Gusto niya iyong malapit kay Lizzy.
“Plano ko kasi na doon na maghanap ng trabaho,” pagdadahilan niya.
“Are you sure you really wanted a one bedroom house?” tanong pa ni GB. “Parang maliit iyon para sa`yo at mga libro mo.”
“Okay na iyon. Nakakapagod kasi maglinis kapag malaki ang bahay,” sagot niya rito.
“But it’s not ideal na sa Pag-IBIG ka kukuha ng bahay. I know you value your space. I know a broker na nagbebenta ng nasa subdivision. Somewhere private and quiet,” offer pa nito.
“That sounds good but… I’m fine. Saka mas okay na rin iyong medyo malayo sa lola mo para hindi niya tayo mahalata.”
Tumango si GB. “Okay. Basahin mo na lang nang maigi ang mga condition ko. I think it’s fair for both of us. I thought about what’s best for my grandmother and I already weighed the risks.”
“No sex, no love, at walang pakialaman, memorize ko na,” sabi ni Toni.
“Eh ikaw, may condition ka ba?” tanong ni GB.
“Isa lang ang condition ko. Hindi ka puwedeng pumunta sa bahay ko kapag kasal na tayo.”
“Ha? Bakit naman?” tanong nito.
“Because I value my own space,” sagot niya rito.
Pero ang totoo ay ayaw niya talagang malaman nito ang kanyang pagbubuntis. Maitatago niya siguro iyon sa loob ng dalawang buwan kaya ngayon pa lang ay nag-iisip na siya kung ano ang gagawin niya hanggang matapos ang kontrata nila.
Noon naman biglang nag-ring ang cell phone nito. Nang sasagutin na iyon ni GB ay nakita niyang si Shaira ang tumatawag.
Nag-excuse sa kanya si GB at lumayo bago sinagot iyon.
Dahan-dahan niyang kinuha ang ball pen at pinirmahan ang dokumento.
Nang bumalik si GB ay inabot niya iyon dito.
Tinanggap nito iyon at sandaling tiningnan.
“I will transfer the half of the payment now. Kapag kasal na tayo, saka ko ibibigay ang natira.”
Hindi nga ito nagbibiro. Saglit itong nagpipindot sa cell phone nito, saka iniharap sa kaniya para lang ipakita ang notification ng succesfull transaction nito.
“Puwede ka nang bumalik sa office. May pupuntahan pa kasi ako. Kakausapin ko ang attorney ko para sa prenup agreement,” sabi nito.
Hindi na siya kumibo. Alam naman niyang pupuntahan nito si Shaira.
“BABALIKAN na lang nila mamaya ang ibang mga gamit,” sabi ni GB at binuksan ang pintuan ng sasakyan na pina-book niya. Iyong sasakyan niya kasi ang nilagyan ng mga gamit ni Toni para ilipat sa bahay nito. Pina-drive niya lang iyon sa driver ng kanyang ina. Wala na silang mapuwestuhan sa loob kaya nagpa-book na lang siya ng masasakyan para pumunta sa bahay ni Toni para tulungan itong ayusin ang mga gamit nito doon.“Hey… are you okay?” tanong niya kay Toni nang hindi ito kaagad pumasok sa sasakyan. Lumingon ito sa apartment. Ngumiti si Toni nang matipid. “Medyo nalulungkot lang ako kasi aalis na ako sa lugar na to.”“Babalik ka pa rin naman mamaya.”Napabuntong-hininga si Toni saka pumasok na sa sasakyan. Pumasok na rin si GB at isinara na iyon. Alas diyes na ng umaga. Natagalan kasi sila kanina sa pag-aayos ng mga gamit sa kanyang sasakyan. Inayos nila iyon para mabilis lang idiskarga mamaya. Kahit araw ng Sabado ay medyo ma-traffic pa rin.Kaagad itong naghalungkat ng libro sa ba
“WHAT’S THIS?” tanong ni Toni nang tanggapin niya ang iniabot sa kanya ni GB. Parihaba iyon na regalo na nakabalot sa kulay asul na wrapper at may hinala siyang libro ang laman niyon pero gusto niya pa ring makasigurado. “Open it.” Naupo siya nang maayos sa kama at binuksan iyon. Libro nga. Tungkol sa mga bampira. Pero bagong edition iyon na noong isang linggo lang inilabas ng publisher. Pigil na pigil niya ang sarili na mapalundag sa excitement. Inamoy niya iyon. Muntikan na niyang mahalikan. It was a fore edge painted book na kapag ginalaw mo ang dulo ng pages ng libro ay may makikita na image ng character na lalaki. Kapag binaliktad mo from back to front ay iyong babaeng character naman ang lilitaw.“This is so pretty. Sana mo to nakuha? Nag-pre order ka ba nito? Bakit ang bilis mong nakakuha ng libro na to?” sunod-sunod niyang tanong.Nagkibit-balikat si GB. “Ang mahal nito, ah.” Tiningnan niya ang mga pahina niyon. May mga illustration sa loob. “Kasama sa kontrata natin na
“That’s violence disguised as a command. Dapat mag-sorry ka sa asawa mo.” “Hindi na kailangan yun,” tugon ni GB sa sinabi ni Case. Alas otso na ng gabi at naroon sila sa loob ng kampo, sa may kubo malayo sa ibang quarters at nag-iinuman. Kasama niya sina Case at Jazz. Tinawagan niya kasi si Case kanina dahil alam niyang may kilala itong puwedeng gumawa ng logo sa bookstore niya. Ang isinama nito ay isang ex-marine na dating tagagawa ng mga T-shirt and jersey design, mugs logo at mga plaque nila sa PMC—si Jazz.Tapos na silang mag-usap ni Jazz tungkol sa trabaho kaya nauwi na sa kung ano-anong bagay ang topic nila. Hanggang sa naikwento na niya ang nangyari kanina.“Alam kong hindi big deal kay Toni ang nangyari kasi hindi naman siya nagdrama katulad ng ibang babae,” sabi niya. Akala niya kasi ay aawayin siya nito, pero nagbigay pa ito ng payo sa kanya. Ang totoo ay hindi naman niya ito gustong itago noon. Hindi lang kasi talaga magandang tingnan iyong nasa opisina niya nagtatraba
Nakatanaw lang si Toni sa papalayong pigura ni GB. Ang totoo ay nasaktan siya sa nakita niya kanina pero wala naman siyang karapatan na mag-emote kaya sinarili na lamang niya ang lahat ng sakit na nararamdaman. Wala rin namang kwenta kahit na maglupasay siya at mag-iiyak. Mabagal siyang naglakad, pakiramdam niya ay mabigat ang kanyang mga paa. Pumasok siya sa comfort room dahil naramdaman niyang naiihi siya. Pagkatapos ay bumalik sa opisina para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.Nang nag-usisa ang ilan niyang kasamahan ay sinabi na niya ang totoo na nakatulog siya sa bench. “Magpapa-late na lang ako ng out mamaya,” sabi niya kay Ellen.Iyon kasi ang unang beses na nagkaroon siya ng problema sa trabaho. Hindi niya alam kung paano iyon i-handle.“Ikaw ang bahala. Ano ba ang sabi ni Sir Escalante?” tanong nito. “Pinagalitan niya lang ako nang kaunti.”“Maswerte ka dahil hindi siya masyadong istrikto ngayon. In love kasi sa doktora. Alam mo ba kanina na nakita namin siyang dinala niya
NANLAKI ang mga mata ni GB nang may nakita siyang tao na natutulog sa bench. He looked closer. Si Toni iyon! Nagmamadali siyang naglakad para lapitan ito. Nakita niya ang libro nito na nakataob sa lupa. Pinulot niya iyon saka pinagpag para matanggal ang dumi. Isa iyon sa sa negative trait nito. Hindi ito marunong mag-alaga sa mga libro nito. Kung saan-saan iyon nakalagay, minsan face down pa iyong nakalatag sa kama.“Toni…” Niyugyog niya nang marahan ang balikat nito para magising ito.Kaya pala wala ito sa cubicle nito dahil natutulog pala ito sa oras ng trabaho!Unti-unti itong gumalaw at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Tila hindi rin ito nagulat nang makita siya. “Bakit dito ka natutulog?” tanong niya rito.“Anong oras na ba? Ala-una na ba?” tanong din nito sa kanya.“Malapit nang mag-alas tres. Magmimiryenda na ang mga kasama mo sa trabaho.”Noon ito nag-panic. Ibinaba nito ang paa sa lupa saka hinanap ang pares ng sandals nito. Napansin niyang tila mabagal ito kung kumilo
Nakahinga nang maluwag si GB nang magpaalam na ang kanyang ina na aalis na ito. Maliban sa balita tungkol sa kanyang lola ay may mga dala pa itong pagkain para kay Toni. Iniwan niya iyon sa loob ng kanyang opisina at mabilis niyang binalikan si Shaira sa kanyang quarter.Nag-usisa pa ito kung ano ang nangyari pero nag-alibi na lamang siya na family matters ang naging usapan nila ng kanyang ina. But the truth is his mother wanted to visit the house ha purchased for Toni. Ang problema ay may kasunduan sila ni Toni na hindi puwedeng bumisita sa bahay nito ang kanyang pamilya. “Ihinain ko na ang lunch natin. Halika na,” yaya sa kanya ni Shaira. Hindi maintindihan ni GB ang kanyang sarili dahil wala siyang ganang kumain kahit na hindi pa siya nakakain ng tanghalian. It felt like he was puzzled by his own feelings. He knew he loved Shaira, but the lack of appetite for spending time with her left him confused. He couldn't pinpoint why he was not feeling that spark, that love, that attr







