“AYOS KA lang ba? Bakit parang pumayat at matamlay ka?” salubong kay Toni ni Manang Carla—na kasambahay ni GB— nang makarating siya sa bahay nito.
Pagka-out niya sa trabaho ay dumeretso siya kaagad sa bahay nito para kunin ang kanyang mga gamit. Para kasing uulan. Ayaw niyang ma-stuck sa traffic at maabutan ng ulan.
Noong isang araw pa sana niya kukunin ang kanyang mga gamit kaya lang marami siyang inasikaso. Naghanap siya ng mga documents niya para sa kasal nila ni GB. Kailangan pa daw kasi nitong mag-apply ng permit to marry. Hindi lang iyon, pabalik-balik din sila sa ospital.
Ngayon lang siya nagkaroon ng oras dahil hindi siya isinama ni GB sa ospital. May iba daw kasi itong pupuntahan.
“May sakit ka ba?” tanong ni Manang Carla.
“Okay lang po ako. Baka napagod lang. Sabi ni GB ay naayos n’yo na ang lahat ng gamit ko.”
Naging malungkot bigla ang aura ni Manang Carla. “Nag-away ba kayo ni Sir GB? Isang linggo ka yatang hindi umuwi dito.”
“Hiwalay na po kami,” deretsahang saad ni Toni. “Nandito po ako para kunin ang mga gamit ko.”
Nanlaki ang mga mata nito. “Bakit kayo naghiwalay?”
Ngumiti si Toni. “Sa kanya n’yo na lang po itanong.”
Dahil totoo namang hiwalay na sila ni GB kahit pa may kasunduan silang magpakasal. At hindi na niya problema kung paano ipaliwanag sa kasambahay nito ang set up nila. Tutal hindi na rin naman siya titira sa bahay na iyon.
Hinawakan ni Manang Carla ang kanyang braso. “Kumain ka na ba? Nagluto ako ng paborito mo—”
Ngumiti siya at marahang tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa kanya. “Samahan n`yo po ako sa taas. Sa room ni GB.”
“Si-sige,” atubili nitong sabi.
Sabay silang umakyat sa hagdanan at nang makarating sa second floor ay binuksan ni Manang Carla ang silid ni GB.
Nasa gilid ng kama ang dalawang bag at may mga libro pa siyang nakapatong sa bedside table.
Sandali niyang sinuri ng tingin ang silid. May nakita siyang bag na nakapatong sa island counter papunta sa closet nito. Hindi sa kanya ang bag na iyon dahil maganda at luxurious iyon. And that proved na may dinala nga itong ibang babae sa bahay nito.
And it made her uncomfortable.
Mabagal siyang naglakad palapit sa kanyang mga bag.
“Naghahanap pa ako ng bag na lalagyan ko ng mga libro mo,” sabi ni Manang Carla.
Alam niyang hindi totoo iyon. Ayaw lang nitong umalis siya kaagad kaya hindi nito inayos ang kanyang mga libro.
Ngumit lang siya at sinuri ang loob ng kanyang bag. Nakita niya doon ang mga alahas na niregalo sa kanya ni GB.
Kinuha niya ang mga iyon at inilagay sa ibabaw ng kama. “Pakisabi po kay GB na ibinabalik ko na ang mga ibinigay niya sa akin.”
Kinuha ni Manang Carla ang mga alahas at inilagay iyon sa island counter.
“Si sir GB rin ang bumili ng mga libro mo. Ibabalik mo rin ba `yan sa kanya?” tanong nito nang makabalik.
Mabilis na lumapit si Toni sa mga libro. “Akin na `to. `Yong mga alahas lang po ang ibabalik ko.”
Tumawa si Manang Carla. “Puwede mo nang iwanan `yan dito kasi alam ko na babalik ka naman.”
“Hindi na po ako babalik,” mahina niyang sabi.
“Normal lang iyan na magkatampuhan ang mga magkarelasyon,” sabi nito sa kanya.
Hindi na siya nagsalita pa. Isinalansan niya ang mga libro nang makaramdam siya ng pagkahilo.
Napapikit siya at napahawak sa kanyang sintido. The room spun around her and a disorienting wave made her feel like she was spinning. Her vision blurred, and her stomach lurched.
Mabilis na lumapit sa kanya si Manang Carla. “Ano’ng nangyayari sa `yo?” tanong nito.
Umupo si Toni sa kama. “Nahihilo po ako. Hindi kasi ako kumain ng lunch kanina.”
“Hindi ka pinakain ni GB?” bulalas ni Manang Carla. “Parang nawawala na sa katinuan ang batang `yon at hindi naman ganoon ang ugali niya—”
Napatigil sa pagsasalita si Manang Carla nang bumuhos ang malakas na ulan.
“Dito ka na maghapunan. Mamaya ka na umalis kapag wala nang ulan,” sabi nito.
“Hindi na po. Kailangan kong umuwi sa apartment ko,” aniya.
Baka kasi maabutan pa siya doon ni GB.
“Mababasa ang mga libro mo kapag namilit kang umalis,” sabi ni Manang Carla.
Tumango lang siya rito dahil pakiramdam niya ay nahihilo na naman siya. Mahigpit siyang kumapit sa kubre kama.
Kailangan na niya talagang magpa-check up sa doktor. Pakiramdam niya kasi ay hindi na normal iyong palagi siyang nahihilo.
Napatingin siya kay Manang Carla nang titigan siya nito nang mabuti na tila sinusuri siya.
“Hindi kaya buntis ka?” tanong nito.
“Ho?” Kinabahan bigla si Toni. “Imposible po `yon.”
“Alam ba `to ni GB?”
Sinubukan niyang salubungin ang titig ni Manang Carla para depensahan ang kanyang sekreto.
“Hindi po ako buntis. Kakatapos lang po ng period ko,” buo ang boses niyang sabi kasabay ng panalangin na sana ay paniwalaan siya nito.
“TALAGA bang hiwalay na kayo ni Toni, sir? Umalis kasi siya dala ang mga gamit niya. Umiiyak din. Kawawa nga,” kausap kay GB ni Manang Carla. Hindi siya sumagot. Ang dami niyang iniisip. Kararating lang niya mula sa kanyang meeting sa Fort Bonifacio. Kakatawag lang ng katiwala nila na nasa ospital. Ito ang nagbabantay sa kanyang lola doon dahil hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang ina. Maayos na kanina ang kalagayan ng kanyang lola. Ang problema, hinahanap nito si Toni. Ibibigay raw niya ang engagement ring nito kay Toni. Sinasabi rin nito na gusto nitong magpakasal na sila ni Toni. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang katotohanan sa kanyang lola. Nakukunsensiya kasi siya dahil sa kasunduan nila ni Toni. Nag-alibi na lang siya na nasa opisina si Toni at hindi niya puwedeng isama sa mga meeting niya at papunta sa ospital. Napahinga siya nang malalim at kinuha ang kanya cell phone. Abala siya sa pag-chat sa kanyang ina para i-monitor ang kalagayan ng kanyang lola. Mali
Yumuko si Toni. “I’m sorry. Pero alam kong hindi `yon ang totoong issue natin. K-kung may iba ka nang nagugustuhan, sabihin mo lang sa akin.” Her voice came out like whisper. “M-matatanggap ko naman.” Hindi umimik si GB. “I k-know that it will come to this. It’s only a matter of time,” pagpapatuloy ni Toni kahit na nananakit na ang kanyang lalamunan. “Alam kong may babaeng mas higit sa akin. Na mas bagay sa `yo. Tanggap ko naman iyon. Ang hindi ko lang matanggap kapag niloko mo ako. Kasi unfair `yon. Kasi ako, hindi naman kita niloloko so hindi ko deserve na lokohin.” Hindi pa rin nagsalita si GB. She slowly lift her head so she can look at him. “So, ?” tanong niya rito. “Hindi ko sinasadya…” Sa gilid niya nakatingin si GB nang sabihin nito iyon. Tumayo si Toni. “Please, makinig ka sa akin. Hindi ko naman ginusto `tong nararamdaman ko. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili pero hindi ko nagawa. Please, forgive me,” pagsusumamo nito. “Pinag-isipan kong mabuti `to k
NAKATINGIN lang si Toni sa chandelier. Tapos na silang maghapunan. Alas otso na ng gabi pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. Mabuti na lang at hindi pa rin umuuwi si GB. Baka kung naroon ang lalaki ay pinalayas na siya nito.Pero hindi niya rin napigilan ang sarili na isipin kung saan ba ito pumunta. Kung sino ang kasama nito. Baka si Shaira. Naiinis niyang ibinalik ang pansin sa mga libro na tinitingnan sa isang international website. Matagal na niya iyong gustong bilhin pero hindi niya mabili-bili dahil nagtitipid siya. Pero ngayon, bibilhin na niya iyon. Yes, she’s brokenhearted pero hindi niya kailangang magmukmok. Ang kailangan niya ay mga libro. Maraming-maraming libro. Matapos ma-i-check out ang mga nasa cart ay inilapat ni Toni ang likod sa sofa. Her mind and body felt tired.Kumuha siya ng libro sa kanyang bag at sinimulan iyong basahin. Eventually she felt sleepy so she closed her eyes. Gusto niyang ipahinga iyon saglit. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog si
“YOU CAN’T use your grandma’s health as a reason to marry someone,” komento ni Case nang ikuwento ni GB na magpapakasal na siya. Pagkatapos niyang makausap ang kanyang abogado para maayos ang prenuptial agreement ay tinawagan niya ang mga senior niya dati sa PMA na sina Case at LA. Pinapunta siya ni LA sa bahay nito at doon na sila nagkuwentuhan. Inimbita niya rin ang mga ito sa kanyang nalalapit na kasal.“That contract will surely backfire,” sabi naman ni LA.Tumawa si Case. “Katulad sa nangyari sa inyo ni Mace. Kinontrata mo rin.”“At least hindi kami naghiwalay,” tugon ni LA. Natahimik si Case at sa kanya na tumingin. “What if you’ll get attached?”“Protektado kami ng kontrata. There’s no complications. We have clear boundaries. Isa pa hindi kami magsasama sa isang bahay. Toni wanted a sole access to her house,” sagot niya rito. Nakita niyang ngumisi si LA. His eyes sparkled as he leaned towards him.“Talaga? Eh di ba dadalawin n’yo ang lola mo kada Linggo? Where would you li
“AYOS KA lang ba? Bakit parang pumayat at matamlay ka?” salubong kay Toni ni Manang Carla—na kasambahay ni GB— nang makarating siya sa bahay nito. Pagka-out niya sa trabaho ay dumeretso siya kaagad sa bahay nito para kunin ang kanyang mga gamit. Para kasing uulan. Ayaw niyang ma-stuck sa traffic at maabutan ng ulan.Noong isang araw pa sana niya kukunin ang kanyang mga gamit kaya lang marami siyang inasikaso. Naghanap siya ng mga documents niya para sa kasal nila ni GB. Kailangan pa daw kasi nitong mag-apply ng permit to marry. Hindi lang iyon, pabalik-balik din sila sa ospital. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras dahil hindi siya isinama ni GB sa ospital. May iba daw kasi itong pupuntahan.“May sakit ka ba?” tanong ni Manang Carla. “Okay lang po ako. Baka napagod lang. Sabi ni GB ay naayos n’yo na ang lahat ng gamit ko.” Naging malungkot bigla ang aura ni Manang Carla. “Nag-away ba kayo ni Sir GB? Isang linggo ka yatang hindi umuwi dito.” “Hiwalay na po kami,” deretsahang sa
“I WANT nothing and nothing but good news.” Iyon agad ang bungad ng Lola Corazon ni GB nang bisitahin niya ito sa bahay nito sa Tivioli Royale sa Quezon City. Nagkita kasi sila ng mga mistah at senior niya kagabi sa BGC. May inuman nang kaunti at sa condo ni Case na siya nagpalipas ng gabi kasi ayaw niyang mag-drive dahil nakainom siya. “Well, malapit na po akong ma-promote mula sa pagiging kapitan—” “Hindi ‘yan ang gusto kong marinig,” putol ng kanyang lola sa gusto niyang sabihin. “Ano ho ba ang gusto ninyong marinig? Napakunot-noo ito at napatingin sa likuran niya, tila may hinahanap. “Nasaan si Toni? Bakit hindi mo kasama si Toni?” tanong nito. Hindi kaagad nakasagot si GB. Alam niyang gustong-gusto ng lola niya si Toni. Ayon sa kanyang lola, wife material si Toni. Maganda, mabait, masipag, at marunong makisama. Ang sabi pa nito, kapag si Toni ang maging asawa niya, magiging tahimik at smooth sailing ang kanyang buhay. Sang-ayon naman siya roon. Mabait si Toni, walang masy