Home / Romance / CONTRACTS AND SECRETS / CHAPTER IV (Advice of friends)

Share

CHAPTER IV (Advice of friends)

Author: JET HERRERA
last update Last Updated: 2025-09-05 15:10:06

“YOU CAN’T use your grandma’s health as a reason to marry someone,” komento ni Case nang ikuwento ni GB na magpapakasal na siya.

Pagkatapos niyang makausap ang kanyang abogado para maayos ang prenuptial agreement ay tinawagan niya ang mga senior niya dati sa PMA na sina Case at LA. Pinapunta siya ni LA sa bahay nito at doon na sila nagkuwentuhan. Inimbita niya rin ang mga ito sa kanyang nalalapit na kasal.

“That contract will surely backfire,” sabi naman ni LA.

Tumawa si Case. “Katulad sa nangyari sa inyo ni Mace. Kinontrata mo rin.”

“At least hindi kami naghiwalay,” tugon ni LA.

Natahimik si Case at sa kanya na tumingin. “What if you’ll get attached?”

“Protektado kami ng kontrata. There’s no complications. We have clear boundaries. Isa pa hindi kami magsasama sa isang bahay. Toni wanted a sole access to her house,” sagot niya rito.

Nakita niyang ngumisi si LA. His eyes sparkled as he leaned towards him.

“Talaga? Eh di ba dadalawin n’yo ang lola mo kada Linggo? Where would you like to meet your future wife?” tudyo sa kanya ni LA.

“Somewhere public, obviously,” seryoso niyang tugon saka lumagok sa beer in can na hawak.

“Anong oras kayo magkikita?” patuloy na panunukso sa kanya ni LA.

“Eh kayo ni Mace dati, anong oras kayo nagkikita?” balik niya rito.

Tumawa si LA. “Nagkikita kami kapag tirik pa ang araw.”

“Bakit parang iba ang tumirik?” biro niya rito.

“Oo nga. Lumaki ang tiyan ni Mace, eh,” segunda ni Case.

“Pustahan tayo. Mabubuntis din si Toni,” sabi ni LA. “One year agreement is long enough para walang mangyari. And there’s no bulletproof that can protect you kapag natapos `yang kontrata n’yo.”

“`Ayan. Makinig ka sa expert,” sabi ni Case habang itinuturo si LA.

“Hindi mangyayari `yon.” Inubos niya ang laman ng kanyang beer. “Kapag okay na si Lola ay kukumbinsihin ko siya na maghiwalay kami ni Toni. For sure maintindihan niya ako.”

“Well, you’re gonna need all the luck you can get,” sabi ni Case.

“My grandma was always saying how she wants me to find someone nice and kind.” Napabuntong-hininga siya. “Mabait naman si Shaira. I know they’ll get along once she meets her. And I hope she'll realize that love is what matters most, not some of her preconceived idea of what’s best for me.”

“Traditional pala ang lola mo. And she’s pushing you into someone you are not,” komento ni LA.

“Kung hindi lang siya nagkasakit, wala sana akong problema ngayon. Si Mommy na nga ang nag-asikaso sa reception ng kasal.”

Pakiramdam ni GB ay nahigop na lahat ng enerhiya niya sa dami ng kanyang inaasikaso. Kumuha pa siya ng permit to marry. Kaya malaking bagay na iyon sa kanya na pinapakinggan siya nina LA at Case.

“Mahirap nga `yang sitwasyon mo. Dahil din kasi sa lola ko kaya nagpakasal ako,” sabi naman ni Case.

Noon naman nila nakita ang asawa ni LA na bumaba mula sa second floor. Tinawag ito ni LA kaya lumapit ito sa kanila.

“Baka may maipayo ka kay GB,” sabi ni LA. “Magpapakasal siya sa babaeng hindi niya mahal.”

“Bakit? Nabuntis ba niya?” tanong ni Mace.

“Hindi. Kinontrata niya lang para sa kanyang lola na nasa ospital,” tugon ni LA.

Umupo si Mace sa tabi ni LA. “Kung pumayag ang babae na magpakasal, there’s nothing to worry. Kaming mga babae, calculated ang decision namin always. For sure may reason din ang babae kaya siya pumayag.”

“I compensated her in advance. I’ll buy her a house and I promised to buy her books every week,” sabi ni GB.

Nanlaki ang mga mata ni Mace. “Books? That’s really ideal. Oh my, I’m jealous!”

“Tumigil ka. Ang dami-dami mo nang libro,” saway ni LA sa asawa nito.

Sumimangot si Mace at hindi na pinansin si LA.

“For sure hindi siya pumayag dahil sa bayad mo. She’s there for the show because of the books. Don’t worry about her. She’s settled. She’ll be fine with her books,” pagdaldal ni Mace.

Napangiti at napailing si GB. Baka nga dahil sa mga libro kaya pumayag si Toni sa kagustuhan niya.

“Baka naman magpabuntis `yan sa `yo at ma-trap ka,” sabi naman ni Case.

“No. Bookworms are a great sport.” Kontra ni Mace rito. “And I think she’s charming. I wanna meet her.”

“Maricelll…” warning ni LA kay Mace.

“Kung puwede lang naman.”

Natawa si GB. “Kaya nga ako nandito. Imbitado kayo sa kasal namin sa next week.”

“Agad-agad? Teka, ano ang ireregalo natin?” Parang nag-panic si Mace.

“Kahit wala na. Pero kung gusto mo talaga, pwedeng si Toni na lang ang regaluhan mo. Matutuwa `yon,” sabi ni GB. Napatingin siya sa kanyang wrist watch. Alas nueve na ng gabi.

“Ang mabuti pa ay mag-focus ka na lang sa mga dapat mong gawin. Mukha naman kasing walang magiging problema sa asawa mo,” sabi sa kanya ni Mace.

Alam niyang walang magiging problema kay Toni pero ang inaalala niya ay si Shaira. Baka magalit ito at hindi na nmn magpakita sa kanya.

Dahil sa iniisip at napabukas siya ulit ng beer in can.

“Magpapakasal na si GB, ano ang payo mo sa kanya?” tanong ni LA kay Case.

“Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ko nga mapauwi si Brin sa bahay ko. Blocked pa niya ako.” Umiling-iling si Case.

“Brokenhearted ka? Ito. Tagay!” Inabot niya ang beer na kanyang binuksan rito.

“Tigilan mo na yang pagiging lasenggero mo,” saway sa kanya ni LA. “Mag-aasawa ka na. Walang babae na gusto ang lalaki na manginginom.

“Hindi ko ititigil ang pag-inom ko dahil lang sa babae,” tugon niya rito.

“Bahala ka nga. Kapag ikaw iniwan ng asawa mo, comatose ka,” sabi ni LA. “Wala akong maipapayo sa `yo maliban sa tigilan mo na `yang pag-inom mo. Kawawa ang asawa mo kapag amoy alak ka palagi.”

Tumayo si GB. “Sayang naman ang mga whis at wine ko sa bahay kung hindi ko iinumin. Pero salamat. Paano, mauuna na ako,” paalam niya sa mga ito.

Hindi naman siya pinigilan ng tatlo.

Dumaan muna siya sa kanyang lola sa ospital bago siya umuwi sa bahay niya sa Cavite.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XLV (Nakakasilaw)

    “BABALIKAN na lang nila mamaya ang ibang mga gamit,” sabi ni GB at binuksan ang pintuan ng sasakyan na pina-book niya. Iyong sasakyan niya kasi ang nilagyan ng mga gamit ni Toni para ilipat sa bahay nito. Pina-drive niya lang iyon sa driver ng kanyang ina. Wala na silang mapuwestuhan sa loob kaya nagpa-book na lang siya ng masasakyan para pumunta sa bahay ni Toni para tulungan itong ayusin ang mga gamit nito doon.“Hey… are you okay?” tanong niya kay Toni nang hindi ito kaagad pumasok sa sasakyan. Lumingon ito sa apartment. Ngumiti si Toni nang matipid. “Medyo nalulungkot lang ako kasi aalis na ako sa lugar na to.”“Babalik ka pa rin naman mamaya.”Napabuntong-hininga si Toni saka pumasok na sa sasakyan. Pumasok na rin si GB at isinara na iyon. Alas diyes na ng umaga. Natagalan kasi sila kanina sa pag-aayos ng mga gamit sa kanyang sasakyan. Inayos nila iyon para mabilis lang idiskarga mamaya. Kahit araw ng Sabado ay medyo ma-traffic pa rin.Kaagad itong naghalungkat ng libro sa ba

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XLIV (Let's be friends)

    “WHAT’S THIS?” tanong ni Toni nang tanggapin niya ang iniabot sa kanya ni GB. Parihaba iyon na regalo na nakabalot sa kulay asul na wrapper at may hinala siyang libro ang laman niyon pero gusto niya pa ring makasigurado. “Open it.” Naupo siya nang maayos sa kama at binuksan iyon. Libro nga. Tungkol sa mga bampira. Pero bagong edition iyon na noong isang linggo lang inilabas ng publisher. Pigil na pigil niya ang sarili na mapalundag sa excitement. Inamoy niya iyon. Muntikan na niyang mahalikan. It was a fore edge painted book na kapag ginalaw mo ang dulo ng pages ng libro ay may makikita na image ng character na lalaki. Kapag binaliktad mo from back to front ay iyong babaeng character naman ang lilitaw.“This is so pretty. Sana mo to nakuha? Nag-pre order ka ba nito? Bakit ang bilis mong nakakuha ng libro na to?” sunod-sunod niyang tanong.Nagkibit-balikat si GB. “Ang mahal nito, ah.” Tiningnan niya ang mga pahina niyon. May mga illustration sa loob. “Kasama sa kontrata natin na

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XLIII (Status)

    “That’s violence disguised as a command. Dapat mag-sorry ka sa asawa mo.” “Hindi na kailangan yun,” tugon ni GB sa sinabi ni Case. Alas otso na ng gabi at naroon sila sa loob ng kampo, sa may kubo malayo sa ibang quarters at nag-iinuman. Kasama niya sina Case at Jazz. Tinawagan niya kasi si Case kanina dahil alam niyang may kilala itong puwedeng gumawa ng logo sa bookstore niya. Ang isinama nito ay isang ex-marine na dating tagagawa ng mga T-shirt and jersey design, mugs logo at mga plaque nila sa PMC—si Jazz.Tapos na silang mag-usap ni Jazz tungkol sa trabaho kaya nauwi na sa kung ano-anong bagay ang topic nila. Hanggang sa naikwento na niya ang nangyari kanina.“Alam kong hindi big deal kay Toni ang nangyari kasi hindi naman siya nagdrama katulad ng ibang babae,” sabi niya. Akala niya kasi ay aawayin siya nito, pero nagbigay pa ito ng payo sa kanya. Ang totoo ay hindi naman niya ito gustong itago noon. Hindi lang kasi talaga magandang tingnan iyong nasa opisina niya nagtatraba

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XLII (Lectures)

    Nakatanaw lang si Toni sa papalayong pigura ni GB. Ang totoo ay nasaktan siya sa nakita niya kanina pero wala naman siyang karapatan na mag-emote kaya sinarili na lamang niya ang lahat ng sakit na nararamdaman. Wala rin namang kwenta kahit na maglupasay siya at mag-iiyak. Mabagal siyang naglakad, pakiramdam niya ay mabigat ang kanyang mga paa. Pumasok siya sa comfort room dahil naramdaman niyang naiihi siya. Pagkatapos ay bumalik sa opisina para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.Nang nag-usisa ang ilan niyang kasamahan ay sinabi na niya ang totoo na nakatulog siya sa bench. “Magpapa-late na lang ako ng out mamaya,” sabi niya kay Ellen.Iyon kasi ang unang beses na nagkaroon siya ng problema sa trabaho. Hindi niya alam kung paano iyon i-handle.“Ikaw ang bahala. Ano ba ang sabi ni Sir Escalante?” tanong nito. “Pinagalitan niya lang ako nang kaunti.”“Maswerte ka dahil hindi siya masyadong istrikto ngayon. In love kasi sa doktora. Alam mo ba kanina na nakita namin siyang dinala niya

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XLI (Rehearsed)

    NANLAKI ang mga mata ni GB nang may nakita siyang tao na natutulog sa bench. He looked closer. Si Toni iyon! Nagmamadali siyang naglakad para lapitan ito. Nakita niya ang libro nito na nakataob sa lupa. Pinulot niya iyon saka pinagpag para matanggal ang dumi. Isa iyon sa sa negative trait nito. Hindi ito marunong mag-alaga sa mga libro nito. Kung saan-saan iyon nakalagay, minsan face down pa iyong nakalatag sa kama.“Toni…” Niyugyog niya nang marahan ang balikat nito para magising ito.Kaya pala wala ito sa cubicle nito dahil natutulog pala ito sa oras ng trabaho!Unti-unti itong gumalaw at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Tila hindi rin ito nagulat nang makita siya. “Bakit dito ka natutulog?” tanong niya rito.“Anong oras na ba? Ala-una na ba?” tanong din nito sa kanya.“Malapit nang mag-alas tres. Magmimiryenda na ang mga kasama mo sa trabaho.”Noon ito nag-panic. Ibinaba nito ang paa sa lupa saka hinanap ang pares ng sandals nito. Napansin niyang tila mabagal ito kung kumilo

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XL (Half day?)

    Nakahinga nang maluwag si GB nang magpaalam na ang kanyang ina na aalis na ito. Maliban sa balita tungkol sa kanyang lola ay may mga dala pa itong pagkain para kay Toni. Iniwan niya iyon sa loob ng kanyang opisina at mabilis niyang binalikan si Shaira sa kanyang quarter.Nag-usisa pa ito kung ano ang nangyari pero nag-alibi na lamang siya na family matters ang naging usapan nila ng kanyang ina. But the truth is his mother wanted to visit the house ha purchased for Toni. Ang problema ay may kasunduan sila ni Toni na hindi puwedeng bumisita sa bahay nito ang kanyang pamilya. “Ihinain ko na ang lunch natin. Halika na,” yaya sa kanya ni Shaira. Hindi maintindihan ni GB ang kanyang sarili dahil wala siyang ganang kumain kahit na hindi pa siya nakakain ng tanghalian. It felt like he was puzzled by his own feelings. He knew he loved Shaira, but the lack of appetite for spending time with her left him confused. He couldn't pinpoint why he was not feeling that spark, that love, that attr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status