Share

CHAPTER 44 "STRANGERS IN THE NIGHT 7"

SIGURO alam ni Jason o nababakas nito sa mukha niya ang labis na kapaguran kaya naman pinayuhan nalang siya nito na humiga. Napangiti siya doon.

"Hey," nang marahil mapuna nito ang pagngiti niya ay iyon ang naging reaksyon ng binata. "What is it?" 

Umiling si Jenny. "Naisip ko lang, kahit naman nakahiga ako mapapagod din naman ako sa gagawin mo," aniyang hindi napigilan ang matawa ng mahina na sa kalaunan ay napasinghap nang tuluyang bumalik sa ibabaw niya ang binata.

Amuse hindi lang ang ngiti kundi pati ang kislap sa mga mata ni Jason na tumitig sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. 

"Really?" tanong nitong ibinuka ang kaniyang mga hita saka sa mabilis at hindi niya namamalayang pangyayari ay nagawa na nitong ibalik sa loob niya ang pagkalalaki nito. "Yeah?" ang nanunukso pa nitong tanong sa kaniya saka muling itinulak papasok sa kaniyang bukana ang pagkalalaki nito.

Daing ang tanging naisagot ni Jenny sa ikinilos na iyon ni Jason.

Katulad ng sinabi niya kanina, kahit na sabihin pang nakahiga na siya ay mapapagod parin siya. Pero hindi na niya nagawang ipaliwanag pa iyon kay Jason dahil nang mga sandaling iyon ay sinimulan na nito ang magkakasunod nitong pananalasa sa kanya kaya tuluyan na nga siyang nawala sa sarili niyang katinuan.

"Sweetheart, malapit na ako," iyon ang narinig niyang ibinulong sa kaniya ng binata makalipas ang ilang sandali ng malalalim at buo nitong ulos.

Napangiti doon si Jenny saka  masuyong hinaplos ang mukha ni Jason. Pagkatapos ay kinabig niya ito saka siniil ng halik. "Okay," sagot niyang mariing ipinikit ang kaniyang mga mata kapagkuwan.

Sinalubong ni Jenny ang mga ulos  ni Jason at iyon ang naging dahilan kung kaya naramdaman niyang katulad nito ay muli na naman siyang lumapit sa kaluwalhatian. 

"H-Hayan na naman, ako, mmmnnnn..." pagbibigay alam pa niya sa katalik pagkatapos ay isinubosob sa leeg nito ang kaniyang mukha.

Walang anumang naging pagtugon si Jason sa sinabi niyang iyon. At sa halip ay mas ginawa pa nitong pangahas ang sumunod nitong paglalabas-masok sa pagkababae niya. Ilang sandali lang nang maramdaman niyang malapit na siya ay siya na mismo ang gumawa ng paraan upang pagtagpuin muli ang kanilang mga labi, hanggang sa hindi nagtagal, matapos ang ilang malalalim at buong ulos ay naramdaman niya ang tila ba mainit na sumabog sa loob niya kasabay ng pag-agos ng mainit na likido mula sa kaniya.

*****

"ARE you okay?" tanong ni Jason makalipas ang ilang sandali at pareho na silang nakahiga. 

Kinuha ng binata ang kumot saka iyon itinakip sa kahubaran nilang dalawa saka siya nitong kinabig at saka iniunan sa mismong braso nito.

"Okay lang ako," pag-amin niya saka isiniksik ng husto ang sarili sa tagiliran nito at saka mahigpit na iniyakap ang kamay niya sa katawan nito.

Napangiti siya sa paglapat ng mainit na labi ni Jason sa kanyang noo pero minabuti parin ni Jenny ang ipikit ang kaniyang mga mata dahil sa ngayon ay matinding antok at pagkahapo na nararamdaman niya.

"Sweet dreams," ang narinig niyang sinabi pa muna sa kaniya ni Jason habang hinahaplos nito ang mga hibla ng buhok na bahagya pang tumabing sa kaniyang mukha.

"Matutulog na ako," aniya habang pikit ang mga mata at inaantok na tono.

Narinig niyang tumawa ng mahina si Jason. "Okay," anitong mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya pagkatapos.

*****

KINABUKASAN ay minabuti ni Jason ang magising ng mas maaga. Sinadya talaga niyang unahan ang nanay niya at si Aling Malou sa alam niyang oras ng pagbangon ng mga ito para naman hindi mag-isip ng hindi magandang ang dalawang matanda tungkol kay Jenny.

Nasa kwarto na niya siya nang maalala niyang padalhan ng text message ang dalaga. 

Sigurado kasi siya na kapag nagising ito ay agad siya nitong hahanapin kaya minabuting niyang magpaliwanag nalang kay Jenny para makaiwas sa kahit anong hindi maganda na pwede nitong isipin tungkol sa kaniya.

Kung may isang bagay man kasi siyang kailangang ibalik ngayon iyon ay ang tiwala ni Jenny sa kaniya. At kapag nangyari iyon ay alam niyang hindi narin magiging mahirap para sa dalaga ang paniwalaan nito ang lahat ng sinasabi niya, at kasama na roon ang kung ano ang tunay niyang damdamin para rito.

Masayang-masaya siya nang mga sandaling iyon. 

Hindi man iyon ang unang beses na may nangyari sa kanila mula nang muli silang nagkita ay masasabi niyang nakakasilip parin siya ng pag-asa.

Pag-asa na darating ang araw ay magagawa niyang ibalik sila ni Jenny sa dati. Ang ibig niyang sabihin ay katulad noong mga bata pa sila.

Nahiga si Jason at matapos i-check kung anong oras na sa orasan na nasa kaniyang cellphone. 

Kinse minutos bago ang ikalima ng umaga. 

Alam niyang ganoong oras ay gising na si Aling Malou kaya minabuti narin niya ang bumangon nalang dahil ang totoo, wala naman na sa plano niya ang bumalik sa pagtulog.

Tutulong nalang siya sa paghahanda ng agahan dahil alam niyang hindi kaagad makakabangon si Jenny dahil nga sa pinagod niya ito ng husto. Sa naisip niyang iyon ay hindi napigilan ni Jason ang mapangiti.

Hindi niya makakalimutan ang nangyari sa nakalipas na gabi. 

Kung gaano kainit na tinugon ni Jenny ng mahihina nitong daing at halinghing ang lahat ng ginawa niya rito. At hindi niya maipapangako sa sarili niya na iyon ang magiging huli. Dahil kung siya ang tatanungin, gusto niyang maging sila ulit at seryoso siya nang sabihin niya sa dalaga ang tungkol doon.

Although nauunawaan naman niya ang dalaga kung bakit hindi ito pumapayag sa gusto niyang mangyari, willing din naman siyang paghirapan ang lahat makuha lang muli ang dalaga at tuluyan na itong gawing kaniya.

*****

MABIGAT ang katawan na bumango si Jenny mula sa pagkakahiga niya nang araw na iyon. 

Una niyang hinanap ang cellphone niya na nakapatong sa sidetable ng kama at doon siya agad na napangiti nang makita kung kaninong mensahe ang naroon, walang iba kundi kay Jason.

Nagising nga siya na wala na ito sa tabi niya.

Inasahan naman niya iyon dahil alam niyang hindi gugustuhin ni Jason na matanong ito ni Mama Loida o kahit ni Aling Malou kung saan ito nagpalipas ng gabi kung sakali. At hindi napigilan ni Jenny ang kiligin dahil doon.

Matagal na panahon man ang lumipas nang magkalayo siya, alam parin pala niya kung paano mag-isip ang binata at kinikilig siya tungkol doon.

Good morning sweetheart,

Hindi na kita ginising nang umalis ako kasi alam kong pagod ka. Umuwi na ako kasi ayokong magkaroon ng idea sina nanay at Aling Malou kung ano ang nangyari sa atin. Magpahinga ka, ako na ang magdadala ng almusal at pananghalian mo.

Iyon ang message na ipinadala sa kanya ni Jason na totoong nagpakilig at nagpangiti sa umaga niya.

Bumangon narin si Jenny pagkatapos niyon. 

Mabilis na namula ang mukha niya nang makita ang roba niyang inihulog kagabi ni Jason sa gilid ng kama. Kinuha niya iyon saka tuluyang pumasok na ng banyo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status