Share

CHAPTER 2

SHE FELT him crashed her lips with his. Luscious' thumb was on her cheek, while his other fingers were gently caressing the skin just below her jaw. His touch was scorching that she felt like there was a fire being ignited inside of her. She was breathless. 

Her body shuddered in both pain and pleasure when they became one under the bright crescent moon. He dried the tears that fell from her eyes. In her entire existence, she never felt this kind of excruciating pain, just now. But he was thoughtful and sweet. With his kisses, he drove away the pain, and made her his woman. 

Their bodies danced along with the rythm they both created. Sa unang beses ay nagpasakop ang dalaga at wala siyang magiging pagsisisi. Alam niya iyon. 

She was happy and satisfied. And it's seems like her heart tells the same thing.

NAGISING SI Angel sa isang kwartong pamilyar sa kaniya. Ganito rin ang interior ng silid na tinutuluyan niya sa resort kung saan naganap ang party na kanilang dinaluhan. Mariin siyang napapikit sa sakit ng kaniyang ulo. Her head is throbbing in pain. Siguro dahil marami siyang na-inom kagabi.

'Kagabi?'

Her eyes narrowed when the memory of last night dawned on her. Napatakip siya ng sariling bibig nang maalala ang kabaliwang nagawa niya kagabi. Malinaw na malinaw sa alaala niya ang lahat ng nangyare. 

A man named Jezzer tried to take advantage of her. At doon dumating si Luscious, ang tanging lalakeng nakakuha ng kaniyang pansin nang gabing iyon. 

Her memory was very clear when Luscious saved and carried her in a bridal style. Higit sa lahat, tandang-tanda niya ang sumunod na nangyare sa kanila ng napaka-gwapong binata.

They had a very steamy sex. Luscious is the man who made her a woman last night! He was the one who made her scream, and moan in ecstasy that her body shuddered. She ended up losing her strength after he's finally done with her. Kahit ang mukha nitong sarap na sarap sa bawat pag-ulos sa kaniyang pagkababae ay tandang-tanda niya. Pati na rin ang angking kakisigan nito habang walang ni isang saplot!

Angel flushed at the thought. 

Nagpalinga-linga siya sa kabuuan ng kwarto at nakita niya ang lalakeng nakatalikod sa kaniya. Puno ng kalmot ang likod nito at bakas ang marka ng kuko niya doon. 

Ganito ba siya ka-wild kagabi? Lalong nag-init ang pisngi niya nang makita ang ilan sa marka ng kaniyang kagat rito.

She felt so ashamed about last night. Hindi niya akalaing siya ang may gawa nito sa lalake, ngunit hindi na iyon mahalaga. Kailangan niyang maka-alis rito habang mahimbing pa ang tulog nito. 

Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na sakit sa kaniyang pagkababae. Luscious is huge kaya naman inaasahan niya na ito lalo pa at ang binata ang naka-una sa kaniya. 

Kagat-labi niyang pinigil ang sakit nang muli siyang gumalaw. Bukod sa masakit ang kaniyang ulo ay tila nilalagnat din siya. Tahimik ang dalagang bumaba ng kama habang tinitiis ang kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita. Ramdam niya ang pagod at ngalay dulot ng pakikipagtalik sa nakaraang gabi. 

Mabilis niyang pinulot at isinuot ang nagkalat na damit sa sahig. Napangiwi siya sa sakit sa kaniyang bawat paggalaw. She even noticed some bruises and hickeys on her legs. Ano bang klaseng pagtatalik ang ginawa nila kagabi? She's physically worn out! 

Natigilan ang dalaga at talaga namang nanlamig siya nang bumaling paharap sa direksyon niya ang binata. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag nang makitang mahimbing pa rin itong natutulog. Mabilis niyang tinungo ang pinto at muling sinulyapan ang gwapong anyo ng nito bago tuluyang isara ito.

'Goodbye, Luscious.'

NAKARAMDAM NG pagkahilo si Angel habang naglalakad patungo sa kaniyang suite. Sapo niya ang ulo habang kumukuha ng lakas sa pader upang hindi siya mabuwal. She felt her world spinning and she's nauseated. 

Muli niyang naalala ang maamong mukha ni Luscious sa kwarto kung saan pinagsaluhan nila ang tamis ng isang gabing hindi na mauulit pa. Nakaramdam siya ng lungkot sa sandaling iyon kahit batid niyang mali. Marahil dahil hindi niya inaasahang wala na ang bagay na pinaka-iingatan niya. Ngunit iyon lamang ba talaga? Paano naman ang lalakeng pinag-alayan niya ng sarili?

Ipinilig niya ang kaniyang ulo at pilit na binura ang mga bagay na naisip. Ginusto niya ito. Iyon ang malinaw sa kaniya.

She's almost there. Angel was just a few steps away from her room. Ngunit unti-unti siyang natumba habang nagdidilim ang paningin. Tanging boses na lamang ng mga kaibigan niya ang huling narinig ng dalaga bago siya lamunin ng labis na kadiliman.

TUMAMBAD sa kaniyang paningin ang puting pintura ng kwarto kung nasaan siya. Amoy na amoy niya ang gamot kaya naman alam niyang nasa ospital siya. 

She collapsed earlier and the last thing she knew was hearing her friends in panic. 

"Oh my, Jas, she's awake!" Joy geeked.

"Ano na, gaga?" tanong ni Jasmine sa kaniya.

"Anong ano na ka d'yan, gaga? Bukod sa babaeng ito, ikaw itong isa pang may ipapaliwanag sa akin!" 

Napangiwi na lamang siya sa kaibigang nakapameywang pa.

Naiirita naman itong bumaling sa kaniya. "Ikaw namang babae ka, alam mo ba kung bakit nasa ospital ka?" 

"Please, Joy... spare me the lecture. Can't you see? I'm sick," she said dryly in a lazy tone and pull the sheets up to her neck.

Napapantastikuhan naman itong nameywang uli sa kaniya. "Hoy babae, h'wag mo 'kong ma-spare me spare me ngayon. Alam namin kung anong nangyari sa 'yo." Joy eyed her from head to toe. Alam niya ang ibig sabihin ng mapanuring tingin nito.

"Alam ko rin kung anong nangyare sa 'kin. Nilalagnat ako kanina at masakit ang ulo ko." Umiwas siya ng tingin sa mga mata nito. Sometimes it's really not good that her friends could read her like the back of their hands. She grimaced at the thought.

Joy scoffed at her, "Jasmine, pigilan mo 'ko ha. Nanggigigil ako sa tropa mo," wika nitong nakahawak pa sa sentido.

Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanila nang may narinig silang katok sa pinto. Pumasok ang isang may edad na babaeng doktora at matamis na ngumiti sa kaniya.

"Good morning, Engr. Buencamino." Napangiwi siya sa pormal na pagbati nito.

"Just Angel, Doc."

"Oh I'm sorry for that, Angel. Kamusta na ang pakiramdam mo, hija?" tanong nito sa kaniya.

"Okay naman ho, Doc. Medyo masama na lang po ang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya. She can't say that her v*gina is painful, obviously. That would be embarrassing.

"How about your, s*x?" Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito.

"H-Ho?"

"Doc, pwede po ba pakisabi ng straight to the point sa babaeng 'yan," pagsingit ni Joy sa kanilang usapan.

"I understand you, hija. But there's nothing to be ashamed of. Laceration really happens at times, especially when it's your first time, and of course if your partner is 'big'."

Tila nabato si Angel sa kama kung saan siya naka-upo na ngayon. Nakaawang ang kaniyang mga labi habang nakatulala sa doctor. 

Geez! God knows how much she wanted to get swallowed by the ground right now. Pakiramdam niya ay nag-akyatan patungo sa kaniyang ulo ang lahat ng dugong mayroon siya. She can feel her cheeks burning in embarrassment.

"I'll be fine, Doc," maikli niya na lang na sagot dito dahil sa kahihiyan nang makabawi.

"Yes, you'll be." Humarap ito sa kaniyang mga kaibigan. "Ito ang mga kailangang gamot ng pasyente. She needs a lot of rest. H'wag rin muna siyang maggagalaw masyado para mabilis siyang makarecover." 

"Thanks, Doc." Dinig naman niyang sagot dito ni Jasmine.

"Aayusin ko lang 'yong bill."

Dalawa silang na-iwan ni Jasmine sa loob ng kwarto na iyon. Namayani ang nakabibinging katahimikan sa kanila.

"Hindi na muna kita sesermonang babae ka. Magpagaling ka muna," natatawang sambit nito sa kaniya.

"Wow ha! Mukhang may ginawa ka ring kalokohan kaya parehas lang tayo. Ihanda mo na rin 'yang tenga mo kay Joy," nakabusangot niyang sagot dito.

"Yeah. We're dead."

"Did you have s*x with someone too?" wala sa loob niyang tanong dito. Marahas naman itong nag-angat ng tingin sa kaniya. 

Jasmine's blushing. And she's obviously taken aback because of her question. Jasmine's reaction just confirmed her gut feeling.

"At bakit mo naman naitanong, aber?" She sounded so defensive. Gusto niyang matawa sa reaksiyon nito.

"Chill, Ja. Nagtatanong lang eh," she scoffed and snickered.

"Che!"

Pagkabukas ng pinto ay agad namang pumasok si Joy na may dala-dalang wheelchair.

"Oh para sa'n yan?" tanong ni Jasmine habang nakanguso dito.

"Kainin mo baka masarap. Vovo amfota." Nakasimangot itong bumaling sa kaniya. "Ikaw magbuhat d'yan sa kaibigan mong imbalido." Idinuro pa siya nito.

"'Bakit ako?!" reklamo ni Jasmine.

"Because you both reek of s*x! Period!"

"I-I don't!" Jasmine hissed and stomped her feet.

"And pigs can fly!" sabay nilang tugon ni Joy. Natawa na lang sila sa lukot na mukha nito.

"Sumakay ka na, Gel," utos sa kaniya ng kaibigan.

Angel gave her this, 'Seriously?' look.

"Sabi ng Doctor h'wag daw ako masyadong gumalaw. Narinig niyo naman 'yon hindi ba? Tsaka sabi niya I need a lot of rest." 

"Utot mo, Gel. Sumakay ka na dito." 

Napilitan siyang tumayo mula sa hospital bed at naupo sa wheelchair.

'Mga walang konsensya.'

Bulong niya sa kaniyang isip.

Pagka-upo niya sa wheelchair ay si Jasmine ang nagtulak sa kaniya. She felt so giddy like a kid while riding it.

Angel looked at Jasmine over her shoulder. "Ja, may chupa chups ka d'yan?"

She knows she's acting like a kid, but who cares? Angel could really be childish and a baby around her friends. Malayong-malayo sa pagkakakilala sa kaniya ng ibang tao.

Iilan lang ang mga pinagkakatiwalaan niya. At sa mga ito niya lamang nailalabas ang itinuturing niyang mahinang bahagi ng kaniyang pagkatao. 

She's nothing but a rude woman for others. And it's her choice for being like that. Angel doesn't want others to see her gentle side. Umiiwas lang siyang samantalahin ng mga ito ang kaniyang kabaitan. 

"Sa kotse marami. Bumili na 'ko kanina. Nakakahiya naman sa 'yo," sagot nito.

Alam ng mga ito ang mga hilig niyang pagkain. And lollipop is one of those. It's like a comfort food for her.

"Aww, I love you so much." She smiled cheekily while blinking some puppy eyes.

"You're making me puke," Jasmine replied and sneered, jokingly.

"You two got a lot of explaining to do," wika ni Joy na nasa gilid niyang naglalakad. "Lalong lalo ka na, Gel. Kailangan naming malaman kung sino ang nangwasak sa 'yo at kinailangan ka pang dalhin sa ospital."

Angel's lips thinned.

She almost forgot about it. Saglit na nawala kanina sa kaniyang isip ang lalakeng tulog nang iwan niya. Angel can't help but to wonder...

'Hinahanap niya kaya ako?'

Mabilis niyang binura ang kalokohang naisip at lihim pang napatampal sa noo. Kalokohan! Isang malaking kalokohan! Sigurado siyang sa dinami-rami ng babaeng nai-kama nito ay wala lang siya para rito. He can obviously bed any woman he wants.

'But I'm a virgin.'

No! She has to stop thinking about him, and what happened between them. There should only be one thing she has in mind. And that is the single reason why she had s*x with Luscious.

Isang gabing hinding-hindi niya makakalimutan, ngunit hindi na mauulit pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status