Share

Chapter 2

Author: CESSYPRINCE
last update publish date: 2026-02-04 16:53:44

EARLIER

Limang taon na silang magkasintahan ni Tristan Mendoza.

Habang nakahiga si Selene sa kama niya ngayong umaga at nakatingin sa ceiling, 'yun lang ang paulit-ulit niyang naiisip.

Limang taon.

Tangina, parang ang tagal na no'n. Pero parang kailan lang din.

Naalala pa niya kung paano sila nagsimula. College pa sila no'n. Third year siya sa Architecture, fourth year naman si Tristan sa Business Management. Iba ang mundo nila noon.

Si Selene, 'yung tipong studyante na laging naka-eyeglasses, laging naka-ponytail, laging may dala-dalang blueprint at sketch pad. 'Yung nerd, kung baga. Hindi siya 'yung tipo ng babae na papansinin mo sa hallway. Plain lang. Simple lang. Tahimik.

Si Tristan naman, kabaligtaran.

Campus heartthrob. Varsity player ng basketball. Anak ng may-ari ng malaking construction company. 'Yung tipong pag dumaan sa hallway, lahat ng babae, lilingon. 'Yung tipong pag nag-post sa social media, umabot ng thousands ang likes.

Pero hindi lang 'yun ang kilala tungkol kay Tristan.

Kilala rin siya bilang... babaero.

Oo, halata na agad no'n pa. May girlfriend siya tuwing semester. Minsan, dalawa pa. Tapos may mga fling sa gilid. Lahat alam. Lahat chismis. Pero hindi siya tumitigil.

Kaya noong lumapit siya kay Selene no'n, akala niya, joke lang.

Naalala pa niya 'yung araw na 'yun.

**Five years ago...**

Nag-aaral si Selene sa library. Solo. Kasi wala naman siyang kasama palagi. Okay lang naman sa kaniya. Mas focused siya kapag mag-isa.

Pero biglang may umupo sa harap niya.

Nag-angat siya ng tingin.

At nakita niya si Tristan Mendoza.

Nanlaki 'yung mata niya. Tangina, bakit nandito 'to? Bakit umupo sa harap niya? May exam ba siya? May kokopyahin?

"Hi," sabi ni Tristan na nakangiti. 'Yung ngiti niya na parang commercial ng toothpaste.

"H-hi?" sagot ni Selene, confused as fuck.

"You're Selene Flores, right? Architecture?"

Paano niya alam ang pangalan niya?

"Uh, yeah. Bakit?"

Ngumiti ulit si Tristan. Suminandal sa upuan. "I've been watching you."

Alarm bells. Red flags everywhere.

"Ha?" parang nag-panic si Selene. "W-watching me? Bakit? May ginawa ba ako?"

Tumawa si Tristan. "Relax. Hindi ganun. I mean, I've been noticing you. Palagi kitang nakikita dito sa library. Laging nag-aaral. Laging focused. Ang galing mo, eh."

Okay, ano 'to, nang-aasar?

"Uh, thanks?" sabi ni Selene, hindi sure kung paano mag-react.

"So I was thinking," dugtong ni Tristan, tapos lumapit siya nang kaunti. "Can I take you out? For coffee? Or dinner? Anywhere you want."

Natigilan si Selene.

Wait.

Wait, wait, wait.

Si Tristan Mendoza... nag-a-ask sa kaniya... ng date?

"Is this a joke?" tanong niya, deretsahan.

Tumaas ang kilay ni Tristan. "What? No. Why would it be a joke?"

"Kasi... kasi ako 'to?" sabi ni Selene, sabay turo sa sarili. "And ikaw 'yan. Tristan Mendoza. 'Yung laging may babae. 'Yung laging—"

"Laging ano?" tanong ni Tristan, pero ngumingiti pa rin.

"Babaero," sagot ni Selene nang walang paligoy-ligoy.

Tumawa si Tristan. Malakas. Halos napatingin 'yung ibang students sa kanila.

"Okay, fair," sabi niya pagkatapos. "Totoo 'yan. Pero... I want to change. And I think... ikaw 'yung reason."

Ano daw?

"Ano?" parang nag-glitch ang utak ni Selene.

"I'm serious," sabi ni Tristan, tapos hinawakan niya 'yung kamay ni Selene sa ibabaw ng table. "Give me a chance. One date lang. Kung ayaw mo pa rin after, okay lang. I won't bother you again."

At dahil tanga si Selene noon...

Pumayag siya.

---

**Present day...**

Bumangon si Selene mula sa kama. Nag-stretch. Tiningnan ang phone.

6:30 AM. October 12.

Fifth anniversary nila.

Dapat masaya siya, diba? Dapat excited? Kasi five years, grabe, ang tagal na no'n. Ibig sabihin, seryoso sila. Ibig sabihin, may future sila.

Pero bakit... bakit parang may kulang?

Bumaba siya sa kusina ng apartment niya. Small lang 'yung place niya—one-bedroom unit sa Mandaluyong. Kaya naman niyang rent-an kasi may trabaho naman siya. Architect siya sa isang medium-sized firm. Hindi sikat, pero stable. Okay naman ang sahod.

Nag-brew siya ng kape. Habang naghihintay, nag-check siya ulit ng phone.

Wala pang text si Tristan.

Wala pang greet.

Wala man lang "Good morning."

Napangiti si Selene nang mapait.

Typical.

Hindi naman kasi sanay si Tristan na maging sweet. Hindi 'yun ang personality niya. Sanay na si Selene. Limang taon na, eh. Alam na niya.

Pero minsan... minsan lang naman... sana naman, alam niyang may special day.

Nag-buzz 'yung phone niya.

Mika.

**Mika:** Oy teh, happy anniversary! So, ano? May surprise si Tristan?

Napangiti si Selene. Si Mika, best friend niya since college. 'Yung tipo ng kaibigan na walang filter. Deretsahan. Minsan, sa sobrang honest to the point na nakakasama ng loob. Pero mahal niya 'yun.

**Selene:** Wala pa. Tulog pa siguro.

**Mika:** Tulog? Teh, alas-sais na. Gising na 'yan. Baka naman busy sa iba.

Natahimik si Selene.

Alam niya kung ano ibig sabihin ni Mika.

Kasi oo, paulit-ulit na 'to. Ilang beses na niya nahuli si Tristan na may katext na ibang babae. Ilang beses na rin niyang narinig from other people na may nakita silang kasama si Tristan na ibang babae sa mall, sa restaurant, sa bar.

Pero pag kinukumpronta niya, laging may dahilan si Tristan.

"Kaibigan ko lang 'yun, baby."

"Kaklase ko sa grade school."

"Client ng tatay ko."

Tapos mag-so-sorry. Tapos sweet. Tapos okay na ulit.

Cycle.

Paulit-ulit.

**Selene:** Hindi naman siguro. Baka busy lang talaga.

**Mika:** Ewan ko sa'yo. Ilang beses ko nang sinabi, Sel. Si Tristan, hindi 'yan magbabago. Babaero 'yan nung una, babaero pa rin 'yan ngayon. Pero ikaw, ayaw mo pang maniwala.

Nabasa ni Selene 'yung message. Hindi niya nireplyan agad.

Kasi alam niya. Alam niyang totoo 'yung sinasabi ni Mika.

Pero... mahal niya eh. Mahal niya si Tristan.

At pag mahal mo, tinitiis mo, diba?

Diba?

**Selene:** Anyway, mamaya, may surprise ako sa kaniya. Pupunta ako sa condo niya. Nag-prepare ako ng dinner.

**Mika:** Seryoso? Teh, ikaw pa talaga nag-effort? Hindi man lang siya?

**Selene:** Okay lang. Sanay na ako.

**Mika:** 'Yan, 'yan ang problema mo eh. Sobrang bait mo. Sobrang "okay lang." Kailan mo ba ma-re-realize na deserve mo ng mas matino?

Hindi na nag-reply si Selene. Si-neen na lang niya ang message nito.

Kasi alam niya naman.

Alam niyang tama si Mika.

Pero... ayaw niya pang bitawan si Tristan.

Kasi paano? Limang taon na sila. Ilang taon pa ba bago niya tanggapin na wala nang patutunguhan 'to?

Nag-prepare si Selene buong araw. Bumili siya ng wine—Tristan's favorite. Red wine, mahal, 'yung tipong three thousand pesos isang bote. Ginastos niya 'yung sweldo niya para lang doon.

Bumili rin siya ng ingredients para sa favorite food ni Tristan. Steak. Mashed potatoes. Carbonara. Lahat, niluto niya. Kasi alam niya, gusto ni Tristan kapag home-cooked.

Tapos bumili rin siya ng... lingerie.

Namula 'yung mukha ni Selene habang pumipili sa mall. Tangina, ilang beses na niya to ginagawa pero hindi pa rin siya sanay. Nakakahiya pa rin.

Pero iniisip niya, baka ngayong gabi na.

Baka ngayong gabi eh, bibigay na siya.

Kasi five years na. Sobrang tagal na. At paulit-ulit nang hinihingi ni Tristan.

"Baby, I love you. I want you. Bakit ba ayaw mo pa?"

Lagi niya lang sagot ay, "I want to wait. Pag-kasal na tayo."

Pero ilang taon pa ba bago sila mag-asawa?

Siguro... siguro ngayong gabi, ready na siya.

Siguro ngayong gabi, 'yun na 'yung sign ni Tristan na seryoso siya.

Siguro nga, mag-pro-propose na si Tristan.

Kaya buong araw, excited si Selene. Kinakabahan, oo. Pero excited.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Caged by Desire   Chapter 55

    SELENE FLORES POVChapter 54IIsang linggo na naman ang nakalipas ng halo-halong emosyon,lungkot, galit, pag-asa, at takot. Paulit-ulit. Animo'y parang rollercoaster na hindi ko kontrolado.Pero isang linggong iyon, may nagbago.Hindi ko alam kung ano o paano, pero parang unti-unting bumabawi ang mundo sa pagpapahirap sa akin. Hindi naman totally okay dahil malayong-malayo sa katotohanan ng estado ng puso ko ngayon, pero parang may liwanag na sumisilip sa dulo ng mahaba at madilim na tunnel na kinaroroonan ko.Ang S.F. Design Studio? Tuloy-tuloy ang pag-angat nito. Dumadami ang clients. Lumalaki ang portfolio. At sa wakas, nakakapag-focus na ulit ako nang hindi umiiyak sa gitna ng meeting.Si Mika? Araw-araw nagte-text. Hindi na masyadong pushy tungkol kay Drake. Sa katunayan ay mas focus siya sa akin, lagi itong nagtatanong kung kumakain ba ako, kung natutulog ba ako, kung okay lang ako. At kahit papano, malaking tulong iyon.Si Drake?Araw-araw may simpleng message. Hindi naman nag

  • Caged by Desire   Chapter 54

    Selene Flores POVTatlong linggo ko sinubukang mag-isa. Tatlong linggong pinilit na ituon ang atensyon sa trabaho, sa studio, sa mga designs na kailangang ipasa. Kung may isang bagay na nagligtas sa akin sa mga oras na gusto ko nang sumuko, iyon ay ang S.F. Design Studio.Araw-araw, pumapasok ako nang maaga. Umuuwi nang hatinggabi. Iniiwasan ang lahat ng puwedeng magpaalala sa akin kay Drake, kasama na ang pagdaan sa mga lugar na pinupuntahan namin, ang pagkain ng mga pagkaing pinagsaluhan namin, at ang pagsuot ng mga damit na regalo niya.Pero hindi ko maalis ang singsing.Nakatingin ako rito habang nagkakape sa opisina. Mag-isa. Alas-otso ng gabi. Walang ibang tao kundi ako at ang mga blueprint na nakakalat sa mesa."Selene?"Napalingon ako. Si Carla, ang secretary ko, nakatayo sa may pinto."Ms. Carla? Akala ko umuwi ka na," sabi ko, nagtataka."Dapat po," sabi niya, nag-aalangang pumasok. "Pero may... may nagpapahatid po sa inyo nito."Iniabot niya sa akin ang isang maliit na kaho

  • Caged by Desire   Chapter 53

    SELENE FLORES POV Ilang araw pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin si Drake. Hindi dahil handa na ako. Hindi dahil okay na ako. Kundi dahil kailangan kong marinig galing sa kanya nang personal, at harapin ang lahat kahit na durog na durog na ako. Nagkita kami sa Tagaytay. Sa parehong lugar kung saan siya lumuhod at nagbigay sa akin ng singsing na iyon. Nang makita ko siya, parang may pumitik sa dibdib ko. Ang dating pogi niyang mukha ay mababanaag na ang kapayatan. May malalim na eyebags. Halatang hindi kumakain, hindi natutulog. "Selene," sabi niya, basag ang boses. "Sabihin mo sa akin," simula ko, diretso sa mata niya. "Lahat. Wala kang itatago. Ngayon na." At ginawa niya iyon. Kinwento niya ang lahat, mula sa gabing iyon hanggang sa kung paano niya dinala ang lihim na iyon nang ilang linggo. Umiiyak siya habang nagsasalita. Nanginginig. Basag na basag. At sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, ramdam ko ang sincerity niya. Ramdam ko ang pagsisis

  • Caged by Desire   Chapter 52

    SELENE FLORES POV Tatlong araw. Tatlong araw akong hindi bumangon mula sa kama. Hindi ko binuksan ang pinto ng condo ko kahit kanino. Hindi ko sinagot ang mga tawag ni Mika. Hindi ko binasa ang sunod-sunod na messages ni Drake na dumadating sa phone ko na parang walang katapusang alon. Basta nakahiga lang ako. Nakatingin sa kisame. Paulit-ulit na pinapatugtog sa utak ko ang mga salitang iyon. Buntis siya, Selene. Anim na linggo na raw. Anim na linggo. Anim na linggong may lihim siyang dala-dala. Anim na linggong may kasinungalingan sa pagitan namin, habang ako, akala ko okay na ang lahat. Akala ko, wala nang tinatago. Akala ko, sa wakas, totoo na ang lahat. Gago pa rin pala ako. Sa ikaapat na araw, may kumatok sa pinto ng condo ko. Malakas. Paulit-ulit. Hindi tumitigil. "Selene! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo ang pinto na 'to o ipapasara ko ito sa'yo gamit ang mukha ko!" boses ni Mika. Hindi ako kumilos. "Selene Marie Flores! Bibilang ako hanggang tatlo! Isa... dalawa...

  • Caged by Desire   Chapter 51

    MAHIGIT isang buwan na ang lumipas simula nung mag-propose si Drake sa Tagaytay. Hindi naman talaga proposal yun, sabi niya. Pero para sa akin, yun na yun. Yung singsing na simpleng simple pero sobrang bigat ng ibig sabihin, suot-suot ko pa rin hanggang ngayon.Hindi ko pa rin maiwasang titigan yung kamay ko habang nagtatrabaho sa studio. Si Mika, napapailing na lang tuwing nakikita akong nakatulala."Teh, ikaw na talaga," sabi niya isang hapon nung dumalaw siya sa office. "Para kang bagong kasal. Ano ba naman kasi yang si Drake, pinahirapan ka pa sa paghihintay."Tumawa lang ako. "Hindi naman sa ganun. Masaya lang talaga ako."At totoo naman. Simula nung nagkaayos kami, parang ibang-iba na ang lahat. Yung dating bigat na dala-dala ko araw-araw, parang nawala. Yung lagi kong pag-aalala na baka may itinatago nanaman siya, wala na. Nagbago talaga si Drake.Araw-araw, may effort siya. Simpleng text lang na "Kain ka na" o "Naiisip kita." Minsan, nagpapadeliver siya ng kape sa studio ko ka

  • Caged by Desire   Chapter 50

    SELENE's POV Tatlong buwan matapos kaming magkausap ni Drake sa office ko. Tatlong buwan ng unti-unting pag-aayos. Ng mabagal na pagbabalik. Ng mga date na hindi naman talaga date kundi mga pagkakataong magkasama kami nang walang pressure. At ngayon, nakaupo ako sa harap ni Mr. Santillan. Oo. Si Don Rafael Santillan mismo. Ang ama ni Drake. "Miss Flores," bati niya, kalmado ang boses. "Thank you for agreeing to meet with me." Nasa private office kami ng Valencia Hotels. Yung pinakataas. Yung may view ng buong Maynila. "Thank you po sa pag-imbita, Sir," magalang kong sagot. Hindi ako kinakabahan. Well, konti lang. Tiningnan niya ako nang matagal. Parang tinitimbang. "I know about you and my son," sabi niya. Tumango lang ako. "I also know na alam mo na ang tungkol kay Patricia." "Opo." Napabuntong-hininga siya. "I'm not proud of what I did. Pinilit ko si Drake sa kasal na 'yun. Akala ko, tama. Akala ko, para sa future niya. Para sa kumpanya." Hindi ako nagsali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status