แชร์

Chapter Five

ผู้เขียน: Margaux Wilde
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-16 20:40:54

SOBRANG tahimik sa office. As in sobrang tahimik na kahit heartbeat mo, maririnig mo na. Limang voicemails na ang natanggap ko from Sachi at bawat isa ay mas dramatic sa nauna.

"Girl, bakit nandiyan ka pa?" "Nag-o-overtime ka ba talaga o nag-o-over-daddy?" "Kapag talaga nalaman kong nag-iisa ka riyan kasama siya, naku Issa, sinasabi ko sa 'yo!"

Nag-iisa lang naman talaga ako. Katatapos ko lang mag-print ng monthly report na hindi ko naman talaga ginagawa dahil...basta mahabang kuwento na puno ng internalized capitalism – nang ma-realize ko na parang ghost town pala ang 25th floor kapag ganoong oras.

Except - click. Footsteps. Lalaki. Mabigat ang mga yabag. Oh no. Please lang, universe. Si manong janitor lang sana. O si manong guard. Kahit sino, huwag lang siya, please.

Dahan-dahan akong lumingon. At iyon na nga. Si Boss. White shirt na naka-roll ang sleeves, dark slacks. Parang K-drama feels lang. Tie undone, medyo magulo ang buhok pero ang guwapo-guwapo pa rin! Mukha itong pagod. Mukhang nakakatakot. Mukhang masarap. Argh! At ang pagtitig niya sa akin? Diretso sa kaluluwa, girl.

"Nandito ka pa pala," sabi nito sa mababang boses. Parang nagulat pero parang hindi rin.

Hinigpitan ko ang hawak sa report folder na parang may mang-aagaw. "Yes Sir. Nag-print lang po. Last minute."

Tumango lang siya nang marahan habang palapit. "Good girl," he muttered, mostly to himself.

Teka, ano raw? "Sorry Sir, ano po 'yon?"

Ngumiti siya na parang wala lang. "Sabi ko, you're thorough. That's good."

Sinungaling. Grabe si Sir, napakasinungaling! Sabi mo, good girl!

Huminto siya sa tabi ko. Na naman. Na para bang thing na namin 'yon ngayon - invading personal space and pretending that it's just normal.

“Karamihan sa interns, nakauwi na kanina pa.”

“Well, karamihan sa interns, walang irrational fear na i-let down ang boss nila,” sagot ko, pilit nagpapakanormal kahit pa nga parang bibigay na ang tuhod ko.

Bumaba ang tingin niya mula sa mata ko papuntang bibig. Saglit lang bes, tapos balik sa mata ko. "Alam mo, kakaiba ka sa karamihan sa interns," sabi niya, his voice a bit rougher now.

“Masama ba ‘yon, Sir?”

“Hindi, hindi. Kakaiba in a good way actually.” Then he took one final step. Ngayon, wala na talagang distance sa pagitan namin, kahit nga dignidad ko parang wala na rin.

"Issa." Again, Issa, hindi Miss Balmaceda. "Ganito ka ba talaga? Masyadong passionate?"

Napalunok ako. "Lagi mo bang tinatanong ang mga intern mo ng ganyang tanong after office hours, Sir?”

Ngumiti siya. Hindi 'yung usual smug, but a bit softer. Hungrier. Parang may something. Then, as if may nasabi sa itaas na, ‘okay, enough kalandian’, biglang bumukas ang mga ilaw sa hallway, na nagpabalik sa amin sa realidad. Medyo umatras siya pero ramdam ko pa rin 'yung init. "Hatid na kita hanggang sa elevator," kaswal niyang sabi, na para bang hindi niya ako tinitigan sa paraang gusto niya akong iuwi. Iuwi?!

Tumango na lang ako. Act cool, Issa. Huwag kang madadapa, huwag kang maglalaway…huwag kang uungol. 

At habang naglalakad kami sa hallway, hindi ko mapigilang isipin kung ano nga ba ‘tong gulong napasukan ko? At higit sa lahat, bakit parang gusto ko pa?

~~

"UY, at buhay ka pa! Kung alam mo lang, muntik na 'kong mag-file ng missing persons report!"

Iyon ang bungad sa akin ni Sachi nang umagang ‘yon.

Ngumiti lang ako. Kasi girl, wala akong tulog. Masyadong naging busy ang utak ko sa pag-replay ng mga ganap sa hallway kagabi na para bang isang full-length cinematic trailer. May slowmo, siyempre!

That man said good girl. Good. Girl.

At ayun na nga si Sachi, hinila na agad ako sa malapit na coffee shop bago pa kami makapasok sa opisina. Mukha itong off-duty K-pop manager dahil sa suot na oversized sunglasses.

"Late ka, hoy!" bati niya sa akin, nakahalukipkip pa ang loka na mukhang judgmental emoji.

"Sabi mo, 7:30, diba?" sabi ko, may hingal factor pa pagkaupo ko sa booth.

"7:35 na."

"Ay sorry naman, madam."

Pinaliit niya ang mga mata at tumingin sa akin. "Alam ko 'yang ganyang aura mo, Issa. 'Yung post-kilig-panic-still-in-denial look."

"Ano na naman 'yang pinagsasasabi mo r'yan?"

"'Yan! 'Yang itsura ng babae na kilig na kilig at affected na affected sa hot boss niya with rolled up sleeves and God-tier bone structure!"

Muntik na 'kong mabilaukan sa iniinom ko, girl.

"Chika na kasi, Issa!"

Napapikit ako. Napapikit rin siya. At napapikit uli ako. "Sach," bulong ko sabay tingin sa paligid na para bang may pinaplano kaming hindi maganda. "Nando'n siya. Kagabi. Sa hallway. Mag-isa. After office hours."

Nanlaki ang mga mata niya. "Oh my God...hindi naman kayo-"

"Hoy hindi! Pero Sach, sabi niya sa 'kin...good girl."

Literal na napahawak si Sachi sa gilid ng mesa. "Hindi nga?"

"Oo nga! Tapos, nagkunwari si Boss na hindi nangyari."

Wala na, sumigaw na si Sachi sa croissant niya.

~~

MUKHANG normal naman ang opisina nang umagang 'yon. Na medyo suspish. Dahil ako, hindi ako normal. Para akong naglalakad na glitch sa matrix. I'd spent the morning fighting imaginary battles sa harap ng salamin like, "Okay, Issa, huwag mag-overthink, please. Boss mo siya, professional ka. Huwag kang sasabog dahil lang sa tinitigan ka niya."

Spoiler: Eh, sumabog na nga.

At heto pa nga, hindi pa nag-iinit ang puwet ko sa upuan, nagpatawag na agad si Boss ng meeting. Kaming dalawa lang, sa loob ng pinakamalaking boardroom sa floor ng building. With the blinds half-closed, girl.

It was tense. It was too still. It was too quiet. Nilapag ko ang printed reports sa harap niya habang pinipigilan ang sariling huminga nang malalim.

"Thank you," sabi nito, habang marahang dumantay ang mga daliri sa kamay ko.

Grabe 'yung epekto sa 'kin, no’n. Dantay pa lang 'yon, ha! "You're welcome."

Pinag-aralan niya ang documents, tumango at tsaka tumayo. Lumakad siya sa may whiteboard na para bang nasa klase kami at siya 'yung hot professor.

"May mga na-miss kang detalye," seryoso niyang sabi habang may isinusulat sa whiteboard.  

"Oh?"

Lumingon uli siya sa akin. 'Yung titig niya? Parang sinasabi na 'I'm about to devour you and explain market growth metrics at the same time'.

Girl. Girl.

"Ito, ipapakita ko sa ‘yo," halos pabulong niyang sabi at pagkatapos ay lumakad na siya papunta sa likod ko. SA LIKOD KO. Dumantay ang braso niya sa ibabaw ng braso ko habang tinuturuan ako na parang nasa isang romcom from hell kami. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa gilid ng leeg ko nang magsalita siya ulit. GIRL.

“See this part?” bulong niya. “Nakalimutan mong i-calculate ang inflation. Always consider how the market swells.”

Market. Swells. Sir. Please. Dapat nagno-notes ako, 'di ba? Pero hindi, girl. Hindi ko kinaya.

“Issa.”

Lumingon ako para tingnan siya. BIG mistake. Ilang inches lang ang pagitan namin, girl. Titig na titig siya sa akin na para bang - ah basta. Censored!

“Nakikinig ka ba?”

“H-hindi,” sagot ko nang wala sa sarili, na agad niyang ikinatawa.

“Sabi ko na nga ba.”

Nakita ko siyang iiling-iling. Bahagya siyang lumayo at bumuntung-hininga.

“Fix the numbers. Alam kong you’re smarter than this.”

At ganoon na lang kabilis, bumalik na naman siya sa pagiging all business, na parang walang nangyari.

Samantalang ako? Wala na. Tunaw na tunaw na ako, girl.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Five

    SOBRANG tahimik sa office. As in sobrang tahimik na kahit heartbeat mo, maririnig mo na. Limang voicemails na ang natanggap ko from Sachi at bawat isa ay mas dramatic sa nauna."Girl, bakit nandiyan ka pa?" "Nag-o-overtime ka ba talaga o nag-o-over-daddy?" "Kapag talaga nalaman kong nag-iisa ka riyan kasama siya, naku Issa, sinasabi ko sa 'yo!"Nag-iisa lang naman talaga ako. Katatapos ko lang mag-print ng monthly report na hindi ko naman talaga ginagawa dahil...basta mahabang kuwento na puno ng internalized capitalism – nang ma-realize ko na parang ghost town pala ang 25th floor kapag ganoong oras.Except - click. Footsteps. Lalaki. Mabigat ang mga yabag. Oh no. Please lang, universe. Si manong janitor lang sana. O si manong guard. Kahit sino, huwag lang siya, please.Dahan-dahan akong lumingon. At iyon na nga. Si Boss. White shirt na naka-roll ang sleeves, dark slacks. Parang K-drama feels lang. Tie undone, medyo magulo ang buhok pero ang guwapo-guwapo pa rin! Mukha itong pagod. Muk

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Four

    MAGKAHARAP kaming nakaupo ni Sachi sa pantry, sa harap ng plastic containers na halos wala nang laman."Kung may nagtatanong pa kung bakit ako single, sabihin mo na lang I'm committed... to suffering," sabi ni Sachi sabay tusok ng natitirang lettuce sa pinggan nito."Same, pero sa kaso ko, I'm committed to thirsting over my boss na malamang, hindi alam ang buo kong pangalan," sagot ko habang ngumunguya ng malabsang crouton.Naningkit ang mga mata ni Sachi. "Girl, Issa. Araw-araw kang nagte-train sa kanya. Sa tingin mo ba, hindi pa niya alam ang buo mong pangalan? For sure, alam niya ang birthday mo, blood type mo, pati kung ilan ang naging ex mo."Nabulunan ako ng tubig. "Hala?""Okay, joke lang 'yung last part. Pero come on. Si Daddy Santi 'yan. If James Bond and a cinnamon roll had a baby, siya 'yon. Sa tingin mo ba, hahayaan niyang kung sino-sino lang ang makakapasok sa orbit niya nang gano’n-gano’n lang? Siyempre, pina-background check ka no’n, besh.” Bago pa ako magreklamo, bigl

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Three

    OKAY, so pagkatapos ng coffee incident na iyon, which, by the way, was seriously H-O-T - hindi naging madali ang mga bagay-bagay. I mean, masisisi mo ba ako?Si Cortéz kasi…well, ay si Cortéz pa rin. Kalmado. Controlled. Professional. Pero nakakainis ang sobrang karisma niya na laging nagpapakaba sa akin, na para akong nakasakay sa rollercoaster 24/7. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa excitement o sa takot. Or both. Kaya pagkatapos ng munting coffee disaster, desperado akong mabawi kahit man lang kaunting control sa sitwasyon. Kailangan kong patunayan na hindi lang ako isang starry-eyed intern na madaling matunaw sa ngiti ng isang gwapo at malanding boss, 'di ba?Kaya naman sinubukan kong magseryoso. O at least, iyon ang akala ko.Naupo na ako sa desk ko, trying to concentrate on the pile of papers sa harap ko. Pero siyempre, ramdam ko 'yung mata niya sa akin. It was like he had this magnet kaya hindi ako maka-focus sa kahit ano, kundi sa kanya lang. Parang irresistible force o

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Two

    MAAGA akong pumasok today.Like, "Ako-pa-lang-ang-tao-sa-buong-building" early. Kasi nga, first official day ko ito as temp assistant ni Mr. Jose Santiago Cortéz! At sa sobrang kaba ko, nag-make up ako na parang magsho-shoot ng music video. Blown-out hair, light blue na blouse na parang nagsasabing, “Harmless ako, please huwag mo ‘kong pansinin dahil malapit na ‘kong ma-panic attack” kind of shade.Pumasok ako nang poised, kahit punung-puno ang tiyan ko ng butterflies na parang mga lasing. The office was glass-walled, all sharp corners and minimalist furniture. Ang tahimik. Ang sosyal. Ang intimidating. Kahit nga ‘yung mga upuan, parang mas mahal pa sa laptop ko.Then, click. Bumukas ang elevator. Then, footsteps. Leather shoes, confident ang tunog. At gano’n lang, biglang uminit na naman ang temperature sa opisina. Nang lumingon ako, nando’n na si Boss, ang survivor ng coffee disaster kahapon. At sa kasamaang-palad para sa mahina kong puso, nag-dugs-dugs-dugs na naman siya dahil sa

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter One

    PUMASOK ako sa M&C Holdings para sa internship. Pero nag-stay ako dahil sa boss. Literal. Wala pa akong ten minutes dito pero ayoko nang umuwi, girl. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa...kanya - kay Mr. Jose Santiago Cortéz. Ang bago kong boss na parang palaging bagong ligo, na parang tumalon mula sa perfume ad sa billboard sa EDSA.At ako? Well, natapunan ko lang naman siya ng umuusok na kape - sa unang araw ko sa trabaho.“Hala, Sir! I-I'm so sorry!" sigaw ko habang hawak ang paper cup na wala nang laman.Tiningnan niya ang slacks niya na basang-basa na ng kape, at pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin, dahan-dahan. Nakakunot ang noo, matalim ang tingin. Pero ang labi? May slight na pagngiti, girl.“‘Yung pantalon ko talaga ang target mo, intern?” tanong niya sa mababa niyang boses. Malalim, mapang-asar, na parang alam na alam niya ang epekto niya sa sistema ko na malapit nang mag-crash.O baka ako lang talaga ang praning? Pero swear, may kung ano sa paraan ng pagtingin niya sa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status