เข้าสู่ระบบMAGKAHARAP kaming nakaupo ni Sachi sa pantry, sa harap ng plastic containers na halos wala nang laman.
"Kung may nagtatanong pa kung bakit ako single, sabihin mo na lang I'm committed... to suffering," sabi ni Sachi sabay tusok ng natitirang lettuce sa pinggan nito.
"Same, pero sa kaso ko, I'm committed to thirsting over my boss na malamang, hindi alam ang buo kong pangalan," sagot ko habang ngumunguya ng malabsang crouton.
Naningkit ang mga mata ni Sachi. "Girl, Issa. Araw-araw kang nagte-train sa kanya. Sa tingin mo ba, hindi pa niya alam ang buo mong pangalan? For sure, alam niya ang birthday mo, blood type mo, pati kung ilan ang naging ex mo."
Nabulunan ako ng tubig. "Hala?"
"Okay, joke lang 'yung last part. Pero come on. Si Daddy Santi 'yan. If James Bond and a cinnamon roll had a baby, siya 'yon. Sa tingin mo ba, hahayaan niyang kung sino-sino lang ang makakapasok sa orbit niya nang gano’n-gano’n lang? Siyempre, pina-background check ka no’n, besh.”
Bago pa ako magreklamo, biglang lumitaw si Boss sa entrance ng pantry. Hindi naman dumilim ang paligid pero sa utak ko? May spotlight siya, girl. Naka-black polo siya, naka-roll ang sleeves hanggang elbows (again), nakangiti – 'yung ngiti na nakakakiliti.
At nalaglag ang hawak kong tinidor.
"Pulutin mo, besh," bulong ni Sachi. "Baka isipin pa ng 'daddy' mo na para kang tinidor mo, ang daling ma-fall!"
"Sachi!”
Lumapit si Boss sa amin with that kind of confidence only men who know they're hot have. Alam mo 'yon, 'yung tipo na mapapatanong ka tungkol sa life choices mo, sa morals mo, and possibly sa suot mong underwear.
"Miss Balmaceda, Miss Marcelo," bati niya. "May I join you, ladies?"
"Sure, Boss," tugon ni Sachi na para bang hindi niya alam na halos himatayin na ako sa nerbiyos.
So, naupo na nga si Sir Santi. Sa tabi ko. Sa dinami-rami ng bakanteng upuan, bakit sa tabi ko pa? "Lagi bang salad ang kinakain mo?" tanong niya sabay tingin sa salad na nasa harap ko.
"Minsan, Sir," marahan kong sabi. "Guilt meal ko, after two days of eating fries for breakfast."
Natawa si Boss. As in may tunog. At ‘yung tunog? Parang dark chocolate, 'yung melted, 'yung ipo-pour mo sa abs ni Boss at – Hoy Issa! Hanggang do’n ka lang!
"Okay,” sabi niya. “Same here. Pero sa halip na fries, whiskey ang sa akin.”
"Whiskey sa almusal?"\
"Well, depends on the night before,” sagot nito sabay kindat.
Lord, bakit po siya ganito, Lord?
Tapos, nang kumuha siya ng napkin, naramdaman kong dumikit ‘yung biceps niya sa braso ko and I swear, nanginig ang buong pagkatao ko!
"Teka, Miss Balmaceda, may something sa sulok ng bibig mo," bulong niya.
Natigilan ako. "H-ha?"
"Ayan." Hindi niya hinawakan, tinuro lang kung nasaan 'yung dumi.
Agad kong pinunasan ng tissue sa bibig ko, awkward and very aware na namumula na ang buo kong mukha sa kilig at kahihiyan. "O-okay na?" I asked.
"May kaunti pa, pero okay lang. Cute naman, eh."
Excuse me sir, hindi ako ready!
“Wow, ha. Bakit biglang uminit ang lunch break natin?” birong tanong ni Sachi.
Natawa si Boss, as in malakas na tawa. Tumayo na siya at kumindat pa nga. "Enjoy your break, ladies."
At gano’n lang, lumabas na siya ng pantry, at naiwan ang puso kong nagka-cartwheel. Tiningnan ako ni Sachi. "Besh, Sure na’ to. Lagot ka na. Basta, panonoorin ko ‘to na parang Kdrama.”
Naku, same, girl. Same.
~~
AT nang sumunod na araw, late ako. As in sobrang nakakahiyang late. Tumakbo ako mula sa lobby hanggang sa elevator, wala na ‘kong pakialam kung marinig ng lahat ang heels ko.
"Teka lang, pakihawak ang elevator, please!"
At dahil sadyang malupit yata ang Diyos sa akin nang araw na ‘yon, biglang nag-pause ang p***o ng elevator. At nang tuluyan iyong bumukas uli – oh my Lord, muntik na 'kong tumakbo uli palabas ng building.
Dahil heto na naman siya. Nakatayo sa loob ng elevator, looking annoyingly perfect as always. Naka-itim na polo, nakarolyo ang manggas hanggang bisig, may suot na mamahaling relo na kumikislap sa ilalim ng ilaw, at siyempre, nandoon ang pamilyar niyang ngiti na parang nagsasabing, "Oo, gwapo ako. At alam na alam ko 'yon."
Eh wala na akong choice kaya pumasok ako sa loob, at mas hinigpitan ko na lang ang hawak sa laptop bag ko, hoping na makakatulong ‘yon para pigilan ang kung ano mang tumatakbo sa isip ko. Dahil biglang uminit ang loob ng elevator, girl.
"Good morning," mahina at malalim nitong sabi.
"Morning, sir." Tumango lang ako at nagpanggap na busy sa phone, na parang hindi ako aware sa six-inch distance namin sa isa't-isa.
At dahil gustung-gusto ng universe na asarin ako, biglang huminto ang elevator. Nagpatay-sindi ang ilaw, at biglang tumahimik ang paligid.
“Ay ang galing,” bulong ko sa sarili ko. “Ano na namang pagsubok ito, Lord? Stuck sa elevator with my boss? Nang ganito kaaga? Ay grabe naman talaga…”
Natawa siya. “Mukhang may problema ang elevator natin ngayon.”
“Parang pati elevator, kinakabahan sa presence n’yo, Sir.”
Teka. Nasabi ko ba talaga iyon nang malakas? Dahil nakita kong bahagya siyang tumagilid at tumingin sa akin.
“Oh? Gan’on ba iyon?”
“H-Hindi po, Sir.” Mabilis akong umiling. “Joke lang po. Nag-jo-joke talaga ako kapag nine-nerbiyos. Defense mechanism ko po talaga iyon. Tawa na lang tayo, tapos move on na.”
Pero hindi siya tumawa. Ngumiti siya, dahan-dahan, na parang pinag-iisipan niya kung tama bang tinanggap niya akong intern o hindi. Pagkatapos, humakbang siya palapit. Isang hakbang lang pero sapat para mawala ang distansya sa pagitan namin.
Hay, naamoy ko na naman siya - ‘yong signature scent niya na mamahalin, na parang masarap…Nagpigil na lang ako ng hininga, girl. Pakiramdam ko pati mga pekas ko sa mukha, natahimik.
“You get nervous around me, Miss Balmaceda?”
Nag-panic ako. As in literal na nagkanya-kanya ng takbo ang brain cells ko. “Talaga pong nine-nerbiyos lang ako sa elevators.”
Bahagya siyang yumuko palapit, sakto lang para maramdaman ko ang init ng hininga niya.
“Talaga ba?” mahina niyang tanong. “Claustrophobia?”
“Y-Yes, Sir. Parang gano’n na nga…claustrophobic nga ako.”
“Hmm…hindi ba…delikado ‘yon? Baka mahimatay ka or something? Gusto mo bang…alalayan kita?”
“Ay, hindi na, Sir. Okay lang ako. Kailangan ko lang mag-inhale-exhale.” Kahit ang totoo, gusto ko nang lamunin ng elevator.
Umatras siya nang kaunti. may kislap sa mga mata, obvious na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Mabuti na lang talaga at biglang umandar na uli ang elevator. Nang bumukas ang p***o sa floor ng opisina namin, pinauna niya akong lumabas at habang dumaraan ako, bahagyang sumayad ang likod ng kamay niya sa kamay ko.
Masyadong mabilis para mapansin, obvious na sinadya para maging aksidente.
“See you upstairs, Issa.”
At pagkatapos no’n, naglakad na siya palayo, iniwan akong nakatulala, hinihingal, at emotionally unstable.
SOBRANG tahimik sa office. As in sobrang tahimik na kahit heartbeat mo, maririnig mo na. Limang voicemails na ang natanggap ko from Sachi at bawat isa ay mas dramatic sa nauna."Girl, bakit nandiyan ka pa?" "Nag-o-overtime ka ba talaga o nag-o-over-daddy?" "Kapag talaga nalaman kong nag-iisa ka riyan kasama siya, naku Issa, sinasabi ko sa 'yo!"Nag-iisa lang naman talaga ako. Katatapos ko lang mag-print ng monthly report na hindi ko naman talaga ginagawa dahil...basta mahabang kuwento na puno ng internalized capitalism – nang ma-realize ko na parang ghost town pala ang 25th floor kapag ganoong oras.Except - click. Footsteps. Lalaki. Mabigat ang mga yabag. Oh no. Please lang, universe. Si manong janitor lang sana. O si manong guard. Kahit sino, huwag lang siya, please.Dahan-dahan akong lumingon. At iyon na nga. Si Boss. White shirt na naka-roll ang sleeves, dark slacks. Parang K-drama feels lang. Tie undone, medyo magulo ang buhok pero ang guwapo-guwapo pa rin! Mukha itong pagod. Muk
MAGKAHARAP kaming nakaupo ni Sachi sa pantry, sa harap ng plastic containers na halos wala nang laman."Kung may nagtatanong pa kung bakit ako single, sabihin mo na lang I'm committed... to suffering," sabi ni Sachi sabay tusok ng natitirang lettuce sa pinggan nito."Same, pero sa kaso ko, I'm committed to thirsting over my boss na malamang, hindi alam ang buo kong pangalan," sagot ko habang ngumunguya ng malabsang crouton.Naningkit ang mga mata ni Sachi. "Girl, Issa. Araw-araw kang nagte-train sa kanya. Sa tingin mo ba, hindi pa niya alam ang buo mong pangalan? For sure, alam niya ang birthday mo, blood type mo, pati kung ilan ang naging ex mo."Nabulunan ako ng tubig. "Hala?""Okay, joke lang 'yung last part. Pero come on. Si Daddy Santi 'yan. If James Bond and a cinnamon roll had a baby, siya 'yon. Sa tingin mo ba, hahayaan niyang kung sino-sino lang ang makakapasok sa orbit niya nang gano’n-gano’n lang? Siyempre, pina-background check ka no’n, besh.” Bago pa ako magreklamo, bigl
OKAY, so pagkatapos ng coffee incident na iyon, which, by the way, was seriously H-O-T - hindi naging madali ang mga bagay-bagay. I mean, masisisi mo ba ako?Si Cortéz kasi…well, ay si Cortéz pa rin. Kalmado. Controlled. Professional. Pero nakakainis ang sobrang karisma niya na laging nagpapakaba sa akin, na para akong nakasakay sa rollercoaster 24/7. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa excitement o sa takot. Or both. Kaya pagkatapos ng munting coffee disaster, desperado akong mabawi kahit man lang kaunting control sa sitwasyon. Kailangan kong patunayan na hindi lang ako isang starry-eyed intern na madaling matunaw sa ngiti ng isang gwapo at malanding boss, 'di ba?Kaya naman sinubukan kong magseryoso. O at least, iyon ang akala ko.Naupo na ako sa desk ko, trying to concentrate on the pile of papers sa harap ko. Pero siyempre, ramdam ko 'yung mata niya sa akin. It was like he had this magnet kaya hindi ako maka-focus sa kahit ano, kundi sa kanya lang. Parang irresistible force o
MAAGA akong pumasok today.Like, "Ako-pa-lang-ang-tao-sa-buong-building" early. Kasi nga, first official day ko ito as temp assistant ni Mr. Jose Santiago Cortéz! At sa sobrang kaba ko, nag-make up ako na parang magsho-shoot ng music video. Blown-out hair, light blue na blouse na parang nagsasabing, “Harmless ako, please huwag mo ‘kong pansinin dahil malapit na ‘kong ma-panic attack” kind of shade.Pumasok ako nang poised, kahit punung-puno ang tiyan ko ng butterflies na parang mga lasing. The office was glass-walled, all sharp corners and minimalist furniture. Ang tahimik. Ang sosyal. Ang intimidating. Kahit nga ‘yung mga upuan, parang mas mahal pa sa laptop ko.Then, click. Bumukas ang elevator. Then, footsteps. Leather shoes, confident ang tunog. At gano’n lang, biglang uminit na naman ang temperature sa opisina. Nang lumingon ako, nando’n na si Boss, ang survivor ng coffee disaster kahapon. At sa kasamaang-palad para sa mahina kong puso, nag-dugs-dugs-dugs na naman siya dahil sa
PUMASOK ako sa M&C Holdings para sa internship. Pero nag-stay ako dahil sa boss. Literal. Wala pa akong ten minutes dito pero ayoko nang umuwi, girl. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa...kanya - kay Mr. Jose Santiago Cortéz. Ang bago kong boss na parang palaging bagong ligo, na parang tumalon mula sa perfume ad sa billboard sa EDSA.At ako? Well, natapunan ko lang naman siya ng umuusok na kape - sa unang araw ko sa trabaho.“Hala, Sir! I-I'm so sorry!" sigaw ko habang hawak ang paper cup na wala nang laman.Tiningnan niya ang slacks niya na basang-basa na ng kape, at pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin, dahan-dahan. Nakakunot ang noo, matalim ang tingin. Pero ang labi? May slight na pagngiti, girl.“‘Yung pantalon ko talaga ang target mo, intern?” tanong niya sa mababa niyang boses. Malalim, mapang-asar, na parang alam na alam niya ang epekto niya sa sistema ko na malapit nang mag-crash.O baka ako lang talaga ang praning? Pero swear, may kung ano sa paraan ng pagtingin niya sa







