Share

CHAPTER 06

Auteur: ROSENAV91
last update Dernière mise à jour: 2024-01-15 13:15:47

CHAPTER 06

CALL ME, KUYA!

“Anak nariyan ka na pala, mabuti at maaga kang nakauwi, mabuti iyan.” Nasisiyahan na sabi ng papa ko pagbukas ko ng pinto. Lumapit ako at nagmano sa kanilang dalawa ni mama na naghihintay talaga sa akin sa sala. Nanood sila ng tv.

“Oo nga po pa, ma. Sa awa po ng Diyos, naswertihan lang ngayong gabi, ito po ang kita ko mama and papa." Inabot ko sa kanila ang kita ko na pera, na itabi ko na iyong sukli ni bossing kung sakaling bumalik siya mamaya kung maaalala o di kaya bukas o kailan ba niya maisipan. Alam naman niya ang bahay namin.

“Thank you anak, hindi namin alam kung paano ka namin pasasalamatan dahil ikaw na tuloy ang naghahanap buhay na para sa amin, kayo ng mama mo.” Ito na naman si papa sa kanyang mga salita na sinisisi ang sarili niya.

"Papa ha, isa pang word na ganyan, mas lalo pa akong magtatrabaho, sige ka.” Banta ko na ikasimangot naman niya.

"Sorry, hindi ko lang mapigilan, huwag kang mag-alala dahil kapag naging maayos na ang lagay ko, babawi ako sa inyo ng mama mo.”

"Awsus papa, huwag mo munang alalahanin ang mga bagay na ganyan, lagi ka kayang nakakabawi sa amin ng anak mo lalo noong hindi ka pa na aksidente, trabaho ka kaya ng trabaho noong mga panahon na iyan.” Sabi ni mama habang nililista ang mga kita sa balut ngayong gabi sa isang maliit na notebook.

“Kaya nga papa, sige po, akyat na muna ako, feeling lagkit ko na kasi eh."

Nagpaalam na muna ako sa kanila para magbihis at makatulog na rin dahil gabi na, ganoon din sila.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa maliit ko na kwarto."Thank you self for today's successful journey, nakaraos ka rin sa ginagawa mo and now…kwarto is life, Lord.” Bulong ko sa sarili ko. Agad akong kumuha ng damit at pumasok sa cr sa labas ng kwarto.

Pagkatapos kong gawin ang ritwal ko ay nagbihis na ako ng malinis na damit. T-shirt at white pajama dahil medyo malamig ngayon. Paglabas ko ng cr ay nasa loob na rin ng kwarto ang mga magulang ko. Napangiti ako at pumasok na ulit sa aking kwarto.

Habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok ko ay naalala ko na naman ang lalaki kanina na masungit. Infairness, ang gwapo kaya niya. Sayang hindi ko alam ang pangalan at ng ma stalk sana sa social media at baka may account iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko na touchscreen na nilagay ko sa maliit na drawer katabi sa aking kama na maliit. Binuksan ko ito. Kapag kasi may lakad ako ay iniiwan ko ito sa drawer lalo kapag nagbebenta ako ng balut sa gabi, at ang keypad na lang ang ginagamit ko. Mahirap na kapag nawala pa itong pinag-ipunan ko na cellphone ng ilang buwan.

Nakita ko ang chat ni Budang sa akin kaya agad ko naman itong pinindot at binasa. Nangamusta lang ang kaibigan ko kung kamusta na ba ako at ang pamilya ko kaya agad din naman akong nagchat sa kanya at dahil madaldal tayo na person at walang tinatago sa kaibigan kaya agad naman ang reply ko na maayos lang ako at magulang ko.

Sinabi ko rin sa kanya na may nakasalubong ako na masungit na lalaki kaya ayon tinadtad naman ako ng pang-aasar na baka iyon na ang aking destiny or soulmate.

Iyong akala ko na makatulog ng maaga ay umabot pa ng alas onse dahil sa pareho kaming chismosa ng kaibigan ko na si Budang.

Umaga at maaga rin akong nagising para makahanap ng maging raket ko na naman ngayong araw. Kailangan ko ng trabaho dahil hindi lang pang-araw-araw na pera ang kakailanganin namin kundi sa panggamot na rin ni papa.

“Anak, kumain ka na." Tawag ni mama sa akin paglabas ko ng kwarto. Nakita ko si papa na nasa maliit namin na tindahan dahil may bumili. Isa ito sa kinukunan namin ng pagkakakitaan kahit papano.

“Opo, nanay, kumain na po kayo?" Tanong ko at kumuha ng pinggan sa lagayan at umupo sa silya.

"Tapos na anak, kumain ka na diyan." Agad din naman akong sumunod sa sinabi ni mama. Magana akong kumain dahil champorado ang niluto ng aking ina.

“Aalis ka ba ngayon araw anak?" Tanong ni papa, gamit ng kanyang baston ay dahan-dahan siyang naglakad at umupo sa silya kung nasaan si mama na nagtutupi ng damit namin.

“Ay opo pa, pupunta po ako ngayon sa bahay ni Budang, may condo unit daw siyang lilinisin kasama ang dalawang kasamahan at kulang pa ng isang tauhan kaya tinanong ako kagabi kung payag ba ako, of course ang sagot ko dahil salapi na iyon pagkatapos.” Masayang wika ko habang kumakain pa ng pang-agahan.

"Ganoon ba, mag-ingat ka.” Napangiti ako sa sinabi ni papa.

"Lagi po naman akong nag-iingat kaya huwag kayong mag-alala sa akin. Kayo po rito ang mag-iingat at text o tawagan niyo ako agad kapag may hindi magandang nangyari or kahit ano pa iyan.” Sambit ko.

Pagkatapos kong kumain ay tumulong muna ako sa mga gawaing bahay. Ayoko naman na umalis at naglilinis sa iba pero hindi ko ginagawa sa mismong tahanan ko.

“Matagal ba ako? Late na?" Tanong ko kay Budang pagkarating sa bahay niya. Nagtext kasi siya na hihintayin niya na lang ako para hindi ako maligaw sa daan.

“Timing lang ang dating mo, halika na at baka nandoon na ang mga kasamahan natin at baka kaunti lang ang maibigay sa atin na sahod mamaya," aniya.

Agad siyang nagpaalam sa kanyang mama at ganoon din ako at sumakay kami ng jeep patungo sa sinasabi niya na condo unit na lilinisan namin.

Pagkarating sa condo unit ay napamura pa ako sa isipan kung gaano ito ka dugyot, parang isang dekada na hindi na lilinisan, nagkalat ang mga papel anywhere, may nakita ako na lagayan ng basura, bakit hindi niya doon inilagay kung sinuman ang nilalang na iyan? Hays. Lazy person in fairness. Nanay mo ako, tadtad ka sa akin ng salita.

Nagsimula na kaming maglinis, kami ni Budang ay sa mga kwarto at ang dalawa ay nasa baba. One thousand five hundred pesos ang matatanggap na halaga ngayong araw kapag nagawa namin ng maayos ang trabaho namin.

“Sa susunod na Saturday meron ulit na lilinisin, sasama ka ba?" Tanong ni Budang sa akin habang tinatrapuhan niya ang mga

bintana habang ako naman ay tinatanggalan ko ang mga kumot at punda para ma palitan ng bago.

“Of course, wala naman akong lakad niyan kaya sasama ako Budang, sayang naman ang pera, ano."

“Sa bagay, sige text kita ulit para naman mas maaga kang pumunta sa bahay." Aniya.

"Okay, thank you Budang, kung makahanap ako ng pinakamagandang trabaho, ikaw talaga ang ililibre ko sa lahat ng kaibigan ko.” Saad ko habang nakangiti.

"Gagi! Parang ako lang naman ang kaibigan mo. Meron pa ba?”

"Wala na, ikaw lang- tambay iyong iba, kaaway ko pa sa kalsada.” sabi ko sabay tawa namin na dalawa.

Bigla akong napapikit ng mata dahil biglang nagring ang cellphone ko na nilagay ko sa bulsa. Medyo malakas pala ang ring, hindi ko man lang napahinaan ang volume. Agad ko itong kinuha at binasa.

“Oh my God. Ahhh..my goodness. Totoo!" Pinigilan ko na lumakas ang boses ko dahil sa binasa ko. Lumapit si Budang sa akin dahil sa reaction ko.

“Ano nangyari sayo? Parang nanalo ka ng lotto riyan."

“How I wish Budang, how I wish kung totoo iyan. Pero ito nga, natanggap ako sa trabaho, na inaaplayan ko noong isang araw. Look.” Binasa niya ito at napapangiti ang kaibigan ko.

"Sabi ko sa'yo eh, ikaw na talaga Budang. Congrats!” Excited na sabi niya.

"Omg, matutupad na ‘yong kakasabi ko pa lang sayo na libre." Mahinang bulong ko sa panghuli na tinawanan namin.

Sa wakas, thank you Lord.

Hapon na at dumating ang sahod namin. Agad akong nagtabi para sa gamot at ang iba naman ay para sa pagkain namin.

Dumaan muna kami sa isawan dahil na miss na namin na kumain, masaya ako dahil sa magandang balita, pwede na akong magsimula sa Monday. Kahit hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang maging trabaho ko. Pero ayon nga sa gusto ko na kahit ano basta marangal na trabaho ay gagawin ko, hindi naman ibig sabihin na ang pagtitinda ng balut ay isang bagay na hindi marangal, kaso nga lang, sa tulad ko na babae ay naging delikado na kahit masasabi ko na kahit papano, parami na ang mga suki ko pero iba pa rin ‘yong kaba kapag nasa kalsada ka at gabi pa.

Masaya akong umuwi ng bahay at agad inabot kay mama ang pera para sa gamot ni papa, at ang pinamili ko na pagkain. Bawal si papa sa karne kaya more kami sa isda o di kaya gulay.

“Kanina ka pang napapangiti riyan, anong meron ha?" Tanong ni mama sa akin. Kumakain kami ngayon ng hapunan na tatlo.

Uminom muna ako ng tubig bago ko sila sinagot.

“Kasi po mama and papa, guess what? Natanggap po ako sa inaaplayan ko na trabaho."

“Ganoon ba, wow, congrats anak." Masaya nila na sabi.

“Kaya pala, iba iyong ngiti mo, simula kanina na dumating ka ha.” Saad ni mama.

"Magandang balita kaya dapat masaya tayo." Sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay agad akong pumasok sa kwarto ko, naghanap agad ako ng damit na nababagay sa akin pagpasok sa kumpanya sa lunes, dapat elegante pa rin tayo sa simpleng damit at baka sasabihan na naman ako na weird o nerd dahil sa pananamit ko, wala pa naman magawa ang ibang tao kundi ang manghusga, mukha man iyan o pananamit mo.

Hindi mo naman inaano ang buhay nila.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (3)
goodnovel comment avatar
ROSENAV91
... iba talaga ang bida natin ...
goodnovel comment avatar
Federico Ronquillo
party party na ate
goodnovel comment avatar
Federico Ronquillo
congratulations ate tagompay
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Call Me, Kuya!    EPILOGUE PART 02

    EPILOGUE PART 02CALL ME, KUYA!“Anong nangyayari sa iyo? Parang wala kanang ganang mabuhay pa sa mundo ah," busangot ang mukha ko na nakatitig kay Montenegro. Isang salita pa at ihampas ko talaga itong bote sa bungo niya at ng manahimik.“Kalma mo lang iyan dude, wala na tayong magagawa, magkapatid nga kayo. Grabe, akalain mo iyon, sa daming nangyari ay akalain mo iyon, magkadugo nga pala talaga kayo." giit naman ni Ryker. Hindi ko alam kung bakit pa ba ako narito sa bar at sumama sa kanila, ako naman pala ang topic ng mga gago na ito. Tumayo na ako na hindi sila pinapansin at naglagay ng bill sa ibabaw ng lamesa. Marahil, tulog na siya ngayon at pagdating ko, hindi na magkasalubong ang mga landas namin. “Mauna na ako…”" Hala, killjoy oh, may chicks, ayaw mong patulan?" Hindi na ako nakatiis at binatukan ko na talaga si Edziel Montenegro. “Kung gusto mo, ikaw na at uuwi na ako. Makita ko lang ang mukha mo, nasusuka na ako.” saad ko at hindi na nakinig pa sa kung ano man ang mga

  • Call Me, Kuya!    EPILOGUE PART 01

    EPILOGUE part 1CALL ME, KUYA! “Thank you!" I said in a cold voice. Thirty minutes left and I am almost done with my project. Pwede itong ipabukas para makauwi ng maaga but I remember that I have a business meeting tomorrow from morning to afternoon. It's almost ten in the evening and I feel like I'm dead while looking at the blueprint and my laptop. More projects, more pennies on your bank account. That's life, you work hard, you earn and vice versa. Narinig ko na tumunog ang cellphone, kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa at sinilip kung sino ang tumawag. “Si daddy." I whispered and answered his call. “Dad…” "Where are you, son?” malungkot nitong tanong sa akin. "In my office dad.” "Go home now, your mommy is looking for you. After what happened to your sister, hindi na s'ya mapakali na wala pa tayo sa bahay.” aniya at napabuntong hininga na lamang ako.“Okay dad, thank you for calling me." Tama si dad, hindi ko dapat pinag-alala si mommy, she's still not okay until now dahil

  • Call Me, Kuya!    CHAPTER 114

    CHAPTER 114CALL ME, KUYA!“Wala akong kasalanan, siya ang nagpakidnap sa sarili niya!” Galit na sigaw ni Samantha sa amin. Nasa kulungan siya ngayon dahil sa salang accessory to the crime. Siya ang nag-utos sa kilala niya na may sindikato na kidnapin si Cherry para hindi magsumbong kay Izaak na may ibang boyfriend siya bukod kay Izaak. Si Nova ang lesbian na kaibigan at may lihim na nagkagusto kay Cherry ang naging testigo sa ginawang plano ni Samantha, una, hindi magawang magsumbong ni Nova sa mga magulang ko dahil hindi n'ya rin alam kung talagang si Samantha ang may gawa at natatakot din siya na baka anong gawin ni Samantha sa kanya at sa kanyang pamilya nito kapag nagsumbong. Napatunayan na siya nga ang may sala dahil sa mga conversation sa kanyang phone na kahit na delete na ito ay nagawan ng paraan.“I thought you're real, I disgusted you! She trusted you, she loves you being a sister tapos ito lang ang gagawin mo sa kanya. Hinding-hindi kita mapapatawad, tandaan mo iyan, I'l

  • Call Me, Kuya!    CHAPTER 113

    CHAPTER 113CALL ME, KUYA!"What? Omg, anong gagawin ko?” natatarantang tanong ni Vannielyn. Si Manong ay hindi rin alam kung ano ang gagawin dahil maya-maya dumadaing ako sa sakit ng tiyan ko. Gusto niyaang tumulong pero nagmamaneho ito ng kotse at panay sabi niya na relax lang ma'am kaya medyo nakakatulong sa akin unlike Vannielyn na pakiramdam ko, sa aming dalawa, siya ang manganganak."Pakihinto muna ng sasakyan kuya sa gilid ng kalsada,” sabay sabi ko kay Kuya, magtatanong pa sana pero sinunod naman niya. “What are we gonna do here? Hindi pa ito hospital, Unique?” Kinakabahan niya na tanong. Pinalabas ko muna si Manong para makasiguro sa safety namin. "Vannielyn, be my assistant nurse tonight, okay?”"What? You mean…I'm going to catch your baby from your-” namilog ang mata niya na makita akong humiga sa backseat para mas maka ere ako at maging komportable. Gusto kong matawa sa hitsura niya pero hindi ito ang tamang oras para magwalang-bahala lalo at first time baby ko ito. “Y

  • Call Me, Kuya!    CHAPTER 112

    CHAPTER 112CALL ME, KUYA! Habang pinagbubuntis ko ang aming anak na babae ni Izaak ay nag-aaral ako kung paano maging interior designer, ganito siguro na almost everyday nakikita mo ang mga magulang at asawa mo na busy sa kanilang trabaho na pagiging engineer kaya kahit ako ay parang gusto ko na rin silang gayahin, mahilig ako sa mga design lately kaya nagfocus ako rito kaysa naman sa ibang bagay. Nagresign na rin ako sa trabaho ko bilang assistant nurse sa Hong Kong sa kadahilanan na ayaw na talaga ng asawa ko na lumayo pa ako, okay lang kung pumunta para magbakasyon basta kasama ko siya pero kung trabaho ay mas mabuti na dito na lang sa Pilipinas, samantala ang kaibigan ko na Zirvianna ay hindi na rin nakabalik dahil pag-uwi niya ay may umaaligid yata sa kanya kaya ayon hindi na makaalis. Ang sarap daw kaya ayaw niya ng hiwalayan, loka-loka talaga na babae na iyon. Ayaw pa ng mga magulang namin na magbukod kami kung malayo lang naman at baka matagal na naman kaming magkikita ka

  • Call Me, Kuya!    CHAPTER 111

    CHAPTER 111CALL ME, KUYA!“Congratulations Mr. and Mrs Martinez!" sabay na pagbati ng mga nakakila sa amin. Hindi ko akalain na marami akong makilala sa araw ng kasal namin ng asawa ko na si Izaak. Madami pala siyang circle of friends. Ang iba sa kanila ay classmates or di kaya schoolmates, ang iba naman ay nagkakilala lang dahil sa business. Akala ko nga nasa ibang mundo ako dahil sa mga kaibigan niya na out of nowhere ang mga kagwapuhan, pero mas gwapo parin ang asawa ko kaysa sa kanila. Kahit ang iba sa kanila ang may lahi pa talaga kaya nakakatuwa na makita sila pero ang napapansin ko ay may seryoso, meron ding alaskador sa grupo nila, may iba ay may mga asawa na, ang iba naman ay wala pa raw sa isip nila ang mag-asawa. Mas lalo yata akong nahiya no’ng nalaman ko na halos sa kanila ay engineer, architect, may mga business owners, at dahil engineer si Izaak kaya mas marami ang kaibigan niya na nasa field na. “Thank you! Thank you." wika namin sa kanila habang magkahawak kamay

  • Call Me, Kuya!    CHAPTER 110

    CHAPTER 110CALL ME, KUYA!“Ang hilig, hilig mo pala sa ganito…. kamuntikan na akong mawalan ng malay dahil sa ginawa mo.” naramdaman ko na tumawa siya dahil yumogyog ang kanyang balikat, nakahiga kami sa kama pero nakatagilid kami pareho at nasa likuran ko siya.“Para lang mapatunayan ko sa iyo na hindi pa ako matanda, na kaya ko pa kahit ilang rounds ang gusto mo babe….” Bulong nito malapit sa tenga ko at napadaing ako na kinagat niya ang gilid ng tenga ko kaya nakurot ko siya sa braso niya na kung saan ginawa kong unan.“Ewan ko sa iyo, sinabi ko lang naman na malaki ang age gap natin tapos napikon ka naman, mabuti na lang at masarap ang parusa dahil kung hindi….”"dahil kung hindi …." “Wala nang next time,” wika ko na hindi naman niya sinang-ayunan. "After mong manganak, mas gagalingan ko pa masyado para masarapan ka pa lalo-” "Ewan ko na talaga sa'yo, ang dami mo talagang alam, hindi porke’t nagpakasal tayo ng maaga sa civil wedding ay halos gami-gabi mo na akong niroromansa,

  • Call Me, Kuya!    CHAPTER 109

    CHAPTER 109CALL ME, KUYA!“Excited na iyan, malapit mo na ngang matupad ang pangarap mo na maikasal ka sa kanya, ano? Sa mismong simbahan.” Napangiti ako sa sinabi ni Budang. “Tama ka, Budang. Parang kailan lang ay tinatawag ko pa siyang kuya, kaya pala parang naiilang ako na kuya ang tawag ko sa kanya, iyon pala….”"Mas bagay ang…ano ba ang tawagan niyo? Love? Honey, Sweet?" “Babe-, yan ang tinatawag niya sa akin." “And you?" Napatingin ako kay Budang at umiwas ng tingin. “Hindi ko alam, minsan pangalan niya lang, hindi kasi ako sanay na tinatawag ko siya ng ibang pampalambing na pangalan.” " Well, hindi rin naman masama, maganda rin kapag totoong pangalan niya. Ano na, excited na ba sa pangalawang honeymoon niyo,? Ayeeh-" “pangalawang honeymoon?" Nagtataka naman ako sa tanong niya. Tumawa siya ay ako naman ay napanguso dahil hindi ko maintindihan."Kasi di ba. Nauna na ang honeymoon niyo kaya ka nabuntis, so, huwag mong sabihin Unique…. noong nalaman mo na hindi nga kayo mag

  • Call Me, Kuya!    CHAPTER 108

    CHAPTER 108CALL ME, KUYA Masama ang ipinukol kong tingin kay Vannielyn Martinez habang nasa sala kaming tatlo. Ang sabi ni mama ay ganito talaga kapag buntis na, may mga scenario na bigla na lang umiinit ang ulo o nagcacrave ng pagkain.“Why are you still here?" seryoso kong tanong sa kanya.Natatawa siyang nakatitig sa akin. “Why, natatakot ka bang agawin ko siya sa iyo? Eww, hindi ko siya type no, kahit malaman ko na hindi kami magkapatid.” maarte niyang sambit. Umirap ako at hindi naniniwala sa kanya.“Planado mo pala lahat. I hate you.” hindi niya na mapigilan na humahalakhak dahil sa inasta ko. Maagang umalis ang mga magulang namin dahil pumunta ng office at si mama at ako, ay hindi na namin itutuloy na umalis ng bansa gayong nalaman na ni Izaak na buntis ako, talagang hindi niya na ako pinayagan pa na magtrabaho lalo na sa ibang bansa pa at baka raw mapano ako lalo at first child namin ito at first time kong mabuntis sa unang anak namin. “Kasi….I wanted to test you kung

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status