Share

Kabanata 2 : Ang Pagkikita

Lumipas ang mga araw, may natanggap akong message mula kay Kara, ipinaalala na bukas na kami magkikita, Sabado. Nireply ko lang ng 'ok'.

Kahit paano ay iniisip ko rin ang ibabayad sa kanya kaya nagwithdraw ako ng 10k sa ATM ko nang mag-uwian kami. Dapat handa ako, papakainin ko pa yun, yung pambayad sa motel at kapag magaling sya, bibigyan ko sya ng tip. Tsk! Ang laki ng nabawas sa savings ko para sa isang babae... babaeng bayaran.

Alas-onse ang usapan namin ni Kara at sa mismong loob na ng Sogo Hotel na malapit sa bus terminal kami magkikita. Nagdala ako ng pagkain mula sa isang restaurant.

Pagpasok ko sa kwarto ng motel ay naligo agad ako at nagsuot ng puting t-shirt at jogging pants. Thirty minutes pa bago ang usapan namin, chinat ko sya ng room number at nanood00 muna00 ako ng porn sa isa sa mga gc na kinabibilangan ko. Gusto kong libog na libog ako mamaya para masulit naman ang magagastos ko sa babaeng yun.

Nakatayo na si manoy at handang handa na sa giyera, yung kalaban na lang ang kulang.

Maya maya ay may kumatok. Bigla akong kinabahan, baka poser ang babae at ibang tao ang dumating. Nag-aatubili akong lumapit sa pinto, ngayon ako nagsisi na dito agad nakipagkita, dapat pala sa mataong lugar muna pero huli na para magsisi.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at napalunok ako nang makita ang kumatok. Nakatingala sya sa akin, bahagyang nakaawang ang mga labi at seryosong nakatingin.

Mapupungay ang mga mata, matangos ang ilong at mapula ang mga labi...sya nga. Sya yung nasa picture. Nang bumaba pa ang tingin ko, parang chubby sya sa suot na dilaw na sweater at pantalon. pero proportion naman tingnan dahil matangkad sya.

Lalong nagalit ang manoy ko. Pasimple kong hinila ang t-shirt ko para matakpan ang nakatirik na sandata.

"Hi," bati nya. Hindi man lang ngumiti.

"Kara," sambit ko.

Pumasok sya kahit hindi ko pinapasok. "Nakakahiya sa labas, baka may makakita sa akin," sabi nya. Oo nga naman.

Sinundan ko sya ng tingin bago ko i-lock ang pinto. Nice ass.

Niyaya ko syang kumain kahit gusto ko na sanang magsimula kami. Maganda kasi ang mood ng mga babae kapag busog, para siguradong hindi ako mabibitin.

"Taga saan ka?" tanong ko habang nakatitig sa mukha nya. Maganda na sya pero gumaganda pa lalo habang tumatagal na tinitingnan.

"Kailangan pa bang malaman yun?" tanong nya. Malalaki at mabilis syang sumubo pero hindi nakakainis tingnan. Hindi dugyot, hindi mukhang patay gutom, wala lang talagang arte.

Hindi ako nakaimik. Hindi naman talaga kailangan. "Wala kang ibang pictures sa account mo," sabi ko para maiba ang usapan.

"Kasi hindi kita friend sa f*," sabi nya. Kinuha nya ang cellphone nya, nagdutdot, saka iniabot sa akin.

Nagtaka pa ako noong una, Kara Arcilla. Ah, pinapatingnan nya sa akin ang account nya, scroll naman agad ako. Marami palang ibang pictures, halos lahat nakashirt lang sya, simpleng simple lang. Magaganda pero lahat ay hindi nakangiti. Sosyal din ang cp nya, mamahaling model ng Huawei, 20 - 30k+ ang halaga.

"Sigurado ka bang 1k lang ang ibabayad ko?" tanong ko habang ibinabalik sa kanya ang cp nya.

"Bakit?" tumingin sya sa akin.

Ang mga mata nya... lihim na napahigit ako ng hininga.

"Mukha ka kasing mamahalin," sagot ko.

"Talaga?" gulat na tanong nya. "Sa tingin mo, magkano dapat ang presyo ko?"

Seryoso sya? "5 to 10k," sagot ko na hindi sigurado. "Actually hindi ko alam. Hindi naman talaga ako ..."

"Namimick-up ng babae?"

"Yeah. First time ito. pero sa tingin ko ganon. Hindi ka mukhang mumurahin," matapat na sagot ko.

Nakakunut noo sya. Malamang binabarat ito ng mga nagiging costumer nya.

"Kung virgin ako, nasa magkano sa tingin mo?" seryosong tanong nya pero hindi tumitigil sa pagkain.

Napaisip ako at tinitigan ang mukha nya pababa sa dibdib. "50k?" sagot ko.

Napamulagat sya. "Talaga?"

"Ahm, sa tingin ko lang," tinitigan ko ang mukha nya. Pero kung ako ang makakauna sa 'yo, apelyido ko ang ibibigay ko. Napasimangot ako sa naisip ko.

"Naloko pala ako nung nakauna sa akin," sabi nya.

"Magkano ibinayad sa yo?"

"5k," sagot nya saka nagpatuloy sa pagkain na parang wala lang.

"Ahm, pero hindi talaga ako sure. Gaya ng sabi ko, ngayon lang ako nagyaya ng babae... na may bayad."

Hindi na sya nagsalita kaya iniba ko ang topic. Normal naman syang tingnan pero kapag kausap na, parang may saltik. Ni hindi sya ngumingiti, parang walang pakiramdam. Ewan...

"Nakakatamad na. Busog ako," sabi nya pagkatapos kumain.

Sabay ganun? Lihim akong natawa, napakacute nya. Lintian!

"Anong trabaho mo?" tanong ko sa kanya para lang may mapag-usapan. Ang sagwa naman kung sex agad. Saka kahit ako ay inaantok din pagkatapos ng lunch na yun.

"Kailangan mo pa bang itanong yan?" tanong nya. Hindi naman sya galit. Wala ngang reaksyon eh.

Oo nga naman. Obvious nga naman kung anong trabaho nya, bakit ko pa itatanong?

"Tagasaan ka?" tanong ko.

Tiningnan nya ako, medyo matagal... "Tinanong mo na yan kanina."

Oo nga pala.

"Cam Sur," sinagot din naman nya.

"Saan dito?"

"First district."

"Saan?" tanong ko. First district kasi kami.

"Hmmm, huwag mo na lang itanong," sagot nya.

Naiinis na ako. Ni hindi sya nalilito. Kahit paikut ikutin ko ang tanong, hindi nya sinasagot ng direkta ang tanong ko. Sinusundan pa nya ng... "Magsisex lang naman tayo. Walang dahilan para alamin pa yan."

Yun naman pala eh, kinorner ko sya. Dumukwang ako at itinukod ang kamay ko sa magkabilang gilid ng upuan. Saka inilapit sa mukha nya ang mukha ko. "Start na tayo para makarami," nakangising sabi ko. Napalunok ako nang maamoy ko ang mainit na hininga nya. At mas maganda sya sa malapitan. As in sa sobrang malapitan. Makinis ang mukha nya at napakabango nya.

"Ah, pwedeng maligo muna?" alanganing tanong nya.

Gusto ko nang halikan sya nang maamoy ko ang mabango nyang hininga pero nagpigil ako. Tumayo ako at pinabayaan syang pumunta sa banyo. Dala nya ang bag nya.

Napabuntung hininga ako. Matigas na si nonoy sa ibaba ako. Excited na. Sobrang excited!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status