Share

Kabanata 5 : Nice Abs

Sa Sabado sana kung okay lang.'

'Sa dati?'

'Ok,' reply nya.

Gusto ko sanang itanong kung pwedeng gabi para mas matagal tagal ko syang makakasama. Pero bago pa ako makapagtype ay...

'Okay lang ba kung overnight? Wala bang magagalit? Asawa mo...gf...'

Napangiti ako. 'Wala akong asawa. Wala akong girlfriend,' mabilis na reply ko.

'Okay. Around 6pm darating ako,' last na chat nya.

Napangiti ako uli. Dalawang araw mula ngayon, magkikita kami. Naisip ko bigla na hindi na lang siguro sa sogo kami pupunta. Pwedeng sa Villa Caceres, mas mahal pero alam ko naman na hindi sya magpapabayad kaya okey lang. Isa pa, alam ko naman na magiging masaya ang pagkikita namin, alam kong masusulit ang gagastusin ko.

Chinat ko uli sya para sabihin ang pagbabago ng venue kung okay lang sa kanya. Agad naman syang nagreply ng pagpayag.

Aaahh, hindi na ako matutulog, promise.

Gaya ng una naming pagkikita, nauna akong dumating dahil taga-Naga lang naman ako. Chinat ko lang sya kung anong floor at room kami, tinanong ko rin sya kung anong gusto nyang kainin at nagpadeliver na ako.

Hindi halatang excited, naligo na agad ako at nagsuot ng preskong damit, boxers at sando kahit maginaw sa kwarto.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang gusto kong ma-impress si Kara. Ayaw kong isipin na nakipagkita sya sa kung sino sinong lalaki sa loob ng dalawang buwan na hindi kami nagkita. Gusto ko, sa akin lang sya makipagkita. May kung ano sa kaloob looban ko na nagiging protective/possessive pagdating sa kanya kahit alam kong narito lang kami para sa sex. Siguro dahil ako ang nakauna sa kanya, pakiramdam ko may karapatan ako sa kanya kahit wala naman.

Ganun pa rin ang get up ni Kara, iba lang ang kulay. Sweat shirt na blue at puting pantalon, blue din na rubber shoes at back pack. Mas mukha syang bata ngayon kesa sa una kaming nagkita. Nakangiti sya, hindi katulad noon na mukhang tensed.

"Kumusta," hindi mapigilang bati ko sa kanya habang hinuhubad nya ang jacket nya.

Nakasando syang black at parang pumayat, "Okey lang," matipid na sagot nya.

"Kain tayo," yaya ko. Gusto ko sanang magtanong pero alam kong hindi rin naman nya sasagutin.

Tahimik kaming kumain. Kinarir kong manahimik at nagkasya na lang na tingnan nya.

Hindi ko maiwasan sumulyap sulyap sa kanya. Napapabuntung hininga pa ako kung minsan.

"Namiss mo ako ano?"

Halos mapatalon ako sa gulat sa sinabi nya. Hindi ko alam kung saan ako nagulat, kung sa biglaang pagsasalita nya sa gitna ng katahimikan o dahil guilty ako... totoong namiss ko sya.

Tiningnan ko sya, nakatitig sya sa akin at seryosong seryoso. Bakit ba bihira syang ngumiti? Kinakabahan tuloy ako.

"Tingin ka nang tingin, namiss mo ako?" tanong ni Kara na nakatitig pa rin sa akin gamit ang inosente nyang tingin.

Hindi ako nakasagot. Ni hindi ako makatanggi.

"Iwasan mong lagi akong tingnan. Bawal yan," sabi nya na tumutok na uli sa pagkain.

"Bakit bawal?" tanong ko na kahit kinakabahan pa ako ay pinilit ko ring magfocus na sa pagkain. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Ewan ko ba sa babaeng ito, may lahi yatang mangkukulam...

"Baka mainlove ka," biglaang sabi nya.

Napatingin ako uli sa kanya. Oo nga, she's a witch at unti unti nya akong ginagayuma. Teka, unti unti nga ba? Bakit parang noon pa, noong una pa lang...

"Bakit, bawal bang mainlove sa 'yo?" tanong ko.

"LOL!" sabi nya na patuloy lang sa pagkain. Ni hindi nya ako tiningnan.

LOL daw pero hindi sya tumawa. Ah, baka naman short for 'ulol' yung sinabi nya.

Hindi na ako nagsalita hanggang matapos kami. Ayokong mag-iba ang mood namin, lalo na nya. Andito kami para magsex, baka magbago pa isip nya at iwan ako.

Pagkatapos kumain ay nagsabi syang maliligo. Mabilis lang sya sa loob ng banyo, halfbath lang ang ginawa nya, nakapusod paitaas ang buhok nya at nakatapis sya ng towel. Ni hindi nya ako nilingon kaya sinamantala ko. Habol ang tingin ko sa kanya at tinitigan ang makinis nyang legs habang nakatalikod sya sa akin. Tiningnan ko rin ang mukha nya sa salamin, napakaganda nya, maamo ang mukha. I really wonder kung bakit sya nakikipagkita sa akin para makipagsex, wala ba syang boyfriend? Ako na rin ang sumagot sa tanong ko, kung may boyfriend sya, hindi nya ito gagawin. Kung ako ang boyfriend nya, hindi ko papayagan na makipagkita sya sa ibang lalaki. Hmmm, hindi ko naman alam kung nakikipagkita nga sya sa ibang lalaki o hindi... ayokong isipin, ayokong alamin.

Tapos bigla kong naisip, kung wala syang boyfriend, wala din akong girlfriend, baka pwedeng kami na lang... Tsk! Luki na ako.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong ko para lang alisin ang mga bagay na naglulumikot sa utak ko. Wala naman akong ibang maisip na topic.

"Walang maghahanap sa akin..." sagot nya na sa buhok nya nakatingin.

"Bakit? Asan ang parents mo?"

"Nasa Manila," sagot nya.

"Mga kapatid mo?"

"Wala..."

"Friends mo..."

Hindi na sya sumagot. Halatang ayaw nya magkwento kaya ipinasya kong pumunta sa banyo para magtoothbrush.

Kung anu anong naiisip ko habang nagbabrush. Bigla na naman akong naexcite at nagmadali kaya nabasa ang t-shirt ko sa pagbuga ko ng tubig.

Paglabas ko sa cr, nilapitan ko ang upuan sa tabi ng kama at isinampay ang sando ko doon.

Tumingin ako sa salamin, kay Kara na ngayon ay nakaupo sa kama. Titig na titig sya sa dibdib ko. Pucha, kinilig ako, hahaha. Tapos tumingin sya sa mukha ko at nagkatinginan kami. Blangko, wala akong makitang expression. Ang kilig na nararamdaman ko ay napawi. Ewan kung bakit pero parang nalungkot ako. Nakatitig sya sa mukha ko na parang wala lang.

Nginitian ko sya kahit medyo nasagi ang pride ko. Alam kong hindi ako kagwapuhan pero maganda ang katawan ko. Twice a week akong nasa gym at wala akong bilbil.

"Nice abs..." narinig kong sabi nya.

Hahaha. Ayun oh, para akong tanga na natawa para pagtakpan ang kilig na agad agad bumalik. Patal-patalon ka self. Hahaha

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status