Share

Kabanata 8 : Nagreduce ako

Nagtatrabaho si Cris sa isang insurance corporation.

"May pinuntahan ako sa kabilang office kuya. At dahil mukhang good mood ka, papalibre na rin ako. Hahaha."

"Sige ba, lunch tayo," yaya ko.

Ewan ko pero good mood nga talaga ako at hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko. Magaan din ang pakiramdam ko, ewan kung bakit.

Iiwan ko sana ang cp ko pero bigla yung tumunog at mabilis ko ring dinampot at napangiti ako nang mabasa ko ang message.

'Pwede ako until Sunday kung free ka. Saka kahit saan okey lang. Alam ko nagagastusan ka tuwing nagkikita tayo. Girl scout ako, kahit sa bukid kung may kubo kayo... 😅😅😅'

Nireply ko naman sya ng 'Hahaha, meron kaming kubo, nasa tabing ilog.'

"Sheeet, sarap ng smile ni kuya," si Cris na binangga pa ang braso ko.

Hindi ako nagsalita at hindi rin nagkwento kahit kinukulit ako ng pinsan ko, hahaha. Basta ang alam ko lang, nakangiti ako maghapon.

Sabado ay maaga akong gumising at naglinis ng bahay. Oo, balak kong dito na lang dalhin si Kara. Hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status