Share

Can't Help Falling In Love
Can't Help Falling In Love
Author: Yumina Cacho

Kabanata 1 : Meet up for 1k

Nakangiting binasa ko ulit ang nasa screen ng phone ko bago ko pinindot ang 'post'.

'SISAY DIGDI AVAILABLE? MAGHILINGAN KITA SA NAGA, YUNG PAYAG SA 1K. SEX KITA.'

Yan ang pinost ko sa group (ng lugar namin) na kinabibilangan ko gamit ang dummy account na ginawa ko mahigit anim na buwan na. Shitposter ako sa group na yun at kung anu ano lang namang kalokohan ang pinopost ko kapag wala akong magawa. First time ko magpost ng ganyan sa group, try ko lang naman kung anong magiging comments ng mga naging followers ko na.

Ilang minuto pa ay may mga nagcomment at react na.

'Noy, libog lang yan.'

'Dae ka man magporopost ng arug ka-yan.'

Natatawa na lang ako sa mga comments gaya ng dati. Maya maya ay may comment na...

'Ako, payag ako.'

Nacurious ako at agad sinilip ang f* account nya. Tsk! Bakla yata. Alangan naman ako pa ang magbigay sa kanya ng 1k. Hahaha. Saka hindi naman ako seryoso. Hindi ko na lang pinansin.

"Mico, noy, minsan nga umuli ka man sa harong. Garu dae ka nagkakakan maray digdi," si mama yun isang hapon kauuwi ko lang. Nadatnan ko syang nagluluto.

Nag-iisa lang akong naninirahan dito sa bahay namin sa Naga City dito sa Camarines Sur. Narito kasi sa Naga ang trabaho ko. Taga Del Gallego talaga ang pamilya namin at tagalog ang salita doon. Si mama, taga-Lupi kaya minsan kinakausap nya kami ng Bicol language.

Binili ang bahay na ito simula noong nag-aral ng college ang ate ko dito sa Naga. Lima kaming magkakapatid, ako ang bunso at inisip ng mga magulang namin na magboboard kami lahat balang araw kaya bumili sila ng bahay dito sa isang subdivision at paminsan minsan ay bigla na lang sumusulpot si mama. Lahat ng mga kapatid ko ay may kani kanyang asawa na kaya wala ng ibang nakukulit si mama kundi ako.

"Next week po, kapag hindi busy," sagot ko.

"Noaren ka man dae busy?" tanong nya. Kailan daw ako hindi busy.

Hindi ako sumagot, hahaba lang ang usapan.

"Mag-agom ka na kaya, nganing may mag-ataman sa imo," sabi pa nya. (Mag-asawa ka na para may mag-alaga sa iyo.)

"Mayu ngani ming bata, papano man magkakaagom?" sagot ko. (Wala nga akong girlfriend, paano ako mag-asawa?)

"Papano, habo mo magbata ng seryoso. Puro ka kalokohan," sabi nya.

Tinawanan ko lang ang sinabi nya. Totoo naman yun, ayaw ko talaga ng seryosong relasyon. Gusto kong ienjoy ang buhay ko bilang binata at walang iniisip na responsibilidad. Kaya nga yung mga babaeng nakakasama ko ay sinisiguro ko munang pareho kami ng opinyon tungkol sa sex bago ako makipagkita.

Ilang linggo ang lumipas at patuloy lang ang buhay. Trabaho, bahay, papost post sa group, minsan chat kung kani kanino, landi landi, swerte na kung may makikipag-meet upl at maisasama sa motel. Hindi naman ako fuck boy o playboy na masasabi, ini-enjoy ko lang ang buhay ng pagiging single.

Minsang walang magawa ay nilinis ko ang messenger ko. Nagdelete ako ng mga messages na hindi naman kailangan. Inisa isa ko hangga't kaya ko.

'Hi, open pa ba ito?' napakunut noo ako sa isang message request. May screenshot ng post ko sa group about sa paghahanap ng kasex for one thousand pesos. Mahigit two weeks na ang message, hindi ko lang agad nakita. Napangiti ako at ini-stalk ko agad ang sender. Sa pag-open pa lang ng account nya sa messenger ay na-curious na ako. Mukhang maganda sya kaso ang liit ng picture kaya diniretso ko na sa view profile. Lumawak ang ngiti ko... ang ganda nga nya kaya naghanap pa ako ng ibang pictures nya. Wala naman akong ibang makitang pictures sa account nya. Malamang poser ito.

Sayang.

Binalikan ko ang profile pic nya, nakasimpleng t-shirt lang sya na puti at seryosong nakatingin lang sa camera at parang sa akin sya nakatingin. Ang mga mata nya, mapupungay, matangos ang ilong at mapula ang labi. Pati mga pisngi nya ay namumula. Mukhang anghel, pero nang maisip kong magpapabayad sya ng 1k ay naturn-off ako. Cheap na babae. P****k.

Hindi ko na pinansin ang message nya pero hindi ko dinilete. Tinandaan ko rin ang pangalan nya.

Isang araw na nag-i-scroll lang ako sa f* nang madaanan ko ang isang post.

'Send daw ng picture mga ka-bicol, at nang magkabiristuhan man kita'

Nakangiting tiningnan ko naman ang mga nagcomment ng pictures. Ayos ah, ang daming pumatol. Napatigil ako sa pag-scroll nang may mahagip ang tingin ko. Si Kara, ang babaeng bayaran, nakisali sa nagsend ng picture, para siguro makakuha ng costumer. .Napailing na lang ako saka tinitigan ang picture nya.

Nakared t-shirt naman sya this time. Ganun pa rin ang seryoso nyang mukha. Mas maganda lang sya sa picture na ito, mas nakakaakit kasi ang mga mata nya. Katunayan, maraming pumuso dito. Ilang minuto ko pang tinitigan ang picture saka wala sa loob na nagtungo sa messenger.

Halos one month na mula noong sinend nya ang message nya.

'Hi. Sorry, now ko lang nabasa ang message mo,' reply ko.

'Hello po. 😊 Okay lang po.' mabilis ang reply nya.

'Seryoso ka? Makikipagkita ka?'

'Kung payag po kayo eh.'

Luh, mukha ngang papayag. Kung totoong ito ang hitsura nya at yun ang trabaho nya, malamang na hindi lang one thousand pesos ang presyo nya. Mukhang artistahin, malamang mamahalin ito.

'Oo naman, kung may papayag.'

'Sige po, magkita tayo,' reply nya.

'Hindi mo ba ako papasend muna ng picture?' tanong ko.

'Okay lang po kahit hindi na.'

Napataas ang kilay ko, hindi ba talaga sya interesado? Sabagay, ayaw ko rin naman magsend, baka niloloko nya lang ako eh, eh di nakita pa nya ang mukha ko. Saka hindi nga pala mahalaga sa kanya ang hitsura. Pera pera lang ika nga.

Nagkasundo kami na magkita sa Naga. Sya ang pumili ng date at isang linggo pa yun mula ngayon. Matagal pa, bakit kaya next week pa? May schedule na siguro sya sa ibang lalaki hanggang next week, naka-book na? Napakibit balikat na lang ako. Pakialam ko ba, basta ba wala syang sakit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status