Nadia's Point Of View.Kinamusta ko si Niel at tinanong kung anong mga nangyari noong wala ako. Ang sinabi naman niya ay maayos at noong una ay nahirapan siya pero nasanay na lang siya.Nalulungkot ako dahil kailangan niyang maranasan ito, 'yong mag-isa sa bahay."Ayos lang naman na mag-isa ako, ate," aniya. "Parang practice ko na rin 'to para maging independent katulad mo."Alam ko namang pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko. "Sorry parin dahil kailangan mo 'tong maranasan, kung nag paka nanay lang talaga ang mama natin. Hindi sana tayo mag kakaganito."Bumababa ang tingin niya sa plato, kumakain kami ng hapunan. "Galit ka parin sa kanya, hindi ba?"Hindi ako sumagot dahil alam niya na ang sagot sa tanong niya. "Malapit na ang death anniversary niya," halos pabulong niyang wika.Tumingin ako sa kanya. "Kung gusto siyang dalawin, pumunta ka.""Pero. . . hindi ko gusto ang ginawa niya sa'yo noong bata ka."Umilang ako. "Hindi porket may personal akong galit sakanya, kailangan magali
Nadia's Point Of ViewKinausap ko si Niel tungkol sa nangyaring pag uusap namin ni Lola. Sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit galit sa akin si mama at tulad ng naging reaksyon ko, nagalit din siya. Dahil ang babaw daw nitong dahilan para magalit si mama sa akin at saktan ako ng pisikal.Lumipas ang mga sumunod na araw ay kinalimutan ko na lang ang nangyaring pag uusap namin ni Lola, nawawala kasi ako sa sarili kapag iniisip ko ito. Inabala ko ang sarili katulad ng palagi kong ginagawa, araw-araw ay nag lilinis ako ng bahay at gumagawa ng mga kung anu-anong bagay para hindi ko maisip ang naging pag uusap namin.Kung makakapag ipon pa ako ng pera para mapaayos ang bahay namin ay plano kong ipagawa ito. Hindi kasi ligtas tuwing umuulan na gawa sa kawaan ang sahig at bubong namin. Matagal na kaming nahihirapan lalo na tuwing may malakas na ulan.Ayoko ring mahirapan mag-isa rito si Niel kapag nasa trabaho ako, kaya hangga't maari ay gusto kong ipaayos itong bahay namin.Nagiging main
Nadia's Point Of ViewKinabukasan ay nagising ako dahil sa tawag ni Jala. Sinabi niyang mag ayos na kami ng aming mga sarili, narinig niya raw kay Ethel na masyadong maraming gagawin ngayon.Kaya naman alas singko palang ng umaga ay ligo na ako at nag hihintay na lang tawagin. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok, ayoko sanang itali ito dahil basa pa ngunit makakaabala ito sa pag tratrabaho ko kaya sa huli ay tinali ko na lang ito.Si Jala naman ay naka ayos na rin at tulad ko ay nag hihintay na lang din tawagin. Isang katok ang narinig namin mula sa pintuan kaya nag mamadali kaming lumapit doon at binuksan ito.Si Ethel ang nakita namin."Good morning, punta na kayong dalawa sa kusina." Ngumiti siya sa amin.Pag katapos niyang sabihin iyon ay umalis na rin siya para sabihan din ang ibang mga katulong. Lumabas na kaming dalawa ni Jala, nakita rin naman si Karen na palabas din ng kanyang kwarto kaya sabay na kaming tatlo na pumunta sa kusina."Kamusta naman ang naging bakasyon mo, Karen?"
Nadia's Point Of ViewKumunot ang noo ko at muling binuksan ang pintuan, ngunit sa ikalawang pag bukas ko rito ay hindi parin ito bumubukas. Napahigpit ang hawak ko sa door knob at mabilis kong naramdaman ang panlalamig ng mga kamay ko.Bakit ayaw bumukas ng pinto?Bumuntong hininga ako ng malalim para hindi mag panic, kalma Nadia. Muli kong sinubukang buksan ang pinto at sa ikatlong beses ay hindi parin ito bumukas. Doon ako tuluyang nag panic kaya sunod sunod ang pag subok kong busan ito, at tulad ng mga unang nangyari ay hindi parin ito bumukas.Ano bang nangyayari? May nag sara ba ng pinto? Sinadya ba ito o may problema ang pinto na ito?Ilang minuto na rin ang lumipas simula ng kanina binubuksan ko ang pintuan, nakaramdam ako ng pagod kaya tinigil ko ito at kinakabahang nilibot ang paningin sa paligid.Hanggang anong oras ako rito makukulong?Dahan dahan akong lumapit sa bintana, sinilip ko ang nasa labas at bigo ako dahil puro puno ang nakikita ko. Possible kayang may mapadaan d
Nadia's Point Of ViewHindi ako makagalaw sa gulat, kung hindi pa nag simulang mag lakad si sir Cax habang buhat ang babaeng bata sa kanyang braso. Hindi pa ako babalik sa ulirat, umatras ako at dahan dahan na nag lakad pabalik sa may bench.Nakaawang pa rin ang labi ko sa gulat. Ano raw? Daddy? Tinawag noong bata si sir Cax na Daddy?Bakit?I mean wala naman sa akin kung may anak na si sir Cax, pero anak niya ba talaga 'yon? Hindi ko masyadong nakita ang mukha noong bata kaya hindi ko alam kung mag kamukha sila. Pero ang sabi ni ma'am Ruby wala pang asawa si sir Cax.Hindi kaya single dad si sir Cax? Napatakip ako ng bibig bago umupo nang maayos sa bench. Hindi impossible na single dad si sir Cax. Pero kung totoo man na single dad siya, nasaan kaya ang nanay noong bata?Umilang ilang ako sa aking sarili, hindi ko dapat ito iniisip at mas lalong hindi ko dapat pasukin ang buhay niya.Pag katapos ng ilang minuto ay naisip ko nang pumasok sa loob ng mansyon. Nakita ko agad sila Jala at
Nadia's Point Of ViewKinabukasan ay maaga akong nag walis sa labas ng mansyon, para kapag nagising si Vivy ay maasikaso ko siya nang maayos.May katagalan akong nag walis dahil maraming patay na dahon ang nahulog mula sa mga puno. Kaya nang matapos ako ay masakit ang aking braso.Tinawag din ako sa kusina para idala kay Vivy ang kanyang almusal, cereal lang 'yon at isang basong gatas. Hawak hawak ko ang tray habang nag papunta sa kwarto ni Vivy, nang makarating ay bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto niya ngunit bigla itong bumukas at lumabas si sir Cax.Bahagya naman akong napa atras.Tumingin sa akin si sir Cax at bumaba ang kanyang mata sa hawak kong tray."Good morning, sir. Gising na po ba si Vivy?" tanong ko, hindi na pinapansin ang kabang nararamdaman.Tumikhim naman siya bago tumango at umalis sa harapan ko.Napanguso naman ako, hindi man lang niya 'ko binati ng good morning? Napakunot ang noo ko, kailangan niya ba 'kong batiin?! Hindi naman big deal na hindi niya ako bati
Nadia's Point Of View"Ha? Talaga?" gulat kong sabi at muling napatingin sa heels. Ano raw? Ito ang pangatlong pinakamahal na heels sa kompanya nila sir Cax?Na alala kong gumagawa ng mga sapatos ang kompanya ni sir Cax, pero hindi ko alam na gumagawa rin sila ng mga heels."Yes." Nakangiting sagot sa akin ni Kevin."Kaya pala kapag pumupunta ako sa kompanya ni sir Cax, pinag titinginan ng mga tao ang heels na 'to," sabi ko. Ngayon alam ko na kung bakit, akala ko talaga ay may mali sa paa ko o sa heels na 'to.Tumango siya. "Limited edition din kasi ang heels na 'yan. Tatlo o limang tao lang ata ang meron niyan at isa ka na roon."Isa ako roon? Bakit pakiramdam ko mas mahal pa ang heels na ito kaysa sa buhay ko? Mag sasalita pa sana ako kaso biglang dumating si sir Cax at sinabing kailangan na naming umalis. Pag katapos naming mag paalam kay Kevin kaya umalis na rin kami.Hindi ako mapakali sa loob ng sasakyan habang pauwi kami. Bakit naman ako bibigyan ni sir Cax ng ganito kamahal na
Nadia's Point Of View"How is she?" tanong niya habang nakatingin sa akin.Napakagat naman ako ng labi para pigilan ang kaba, bakit ba ako kinakabahan?"A-ayos lang naman po, umiyak po dahil gusto niyang makuha 'yung teddy bear." Tinuro ko ang teddy bear na hawak hawak niya."I see." Tumango si sir Cax at nilapitan si Vivy."Look, Daddy! Ang galing niya." Tinuro ako ni Vivy. "Kinuha niya 'to para sa akin!" Nakangiti sabi ni Vivy na para bang pinag mamayabang niya ang teddy bear."That's great," sabi ni sir Cax habang nakatingin sa akin. Napa iwas naman ako ng tingin dahil sa kabang nararamdaman ko."Are you hungry?" narinig kong tanong ni sir Cax kay Vivy, nakita ko namang tumango si Vivy."Hey, Nadia." Muntikan pa akong mapatalon sa gulat dahil sa pag tawag sa akin ni sir Cax."Bakit Sir?" tanong ko "Come with us, kakain tayo," aniya.Gusto sanang umaway kaso nahihiya ako at kinakabahan para mag salita. Buti na lang ay dumating na rin ang driver kaya hindi gaanong awkward. Nasa lik