Share

Chapter 15

Nadia's Point Of View.

Kinamusta ko si Niel at tinanong kung anong mga nangyari noong wala ako. Ang sinabi naman niya ay maayos at noong una ay nahirapan siya pero nasanay na lang siya.

Nalulungkot ako dahil kailangan niyang maranasan ito, 'yong mag-isa sa bahay.

"Ayos lang naman na mag-isa ako, ate," aniya. "Parang practice ko na rin 'to para maging independent katulad mo."

Alam ko namang pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko. "Sorry parin dahil kailangan mo 'tong maranasan, kung nag paka nanay lang talaga ang mama natin. Hindi sana tayo mag kakaganito."

Bumababa ang tingin niya sa plato, kumakain kami ng hapunan. "Galit ka parin sa kanya, hindi ba?"

Hindi ako sumagot dahil alam niya na ang sagot sa tanong niya.

"Malapit na ang death anniversary niya," halos pabulong niyang wika.

Tumingin ako sa kanya. "Kung gusto siyang dalawin, pumunta ka."

"Pero. . . hindi ko gusto ang ginawa niya sa'yo noong bata ka."

Umilang ako. "Hindi porket may personal akong galit sakanya, kailangan magali
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status