Share

Chapter 29: The Search

Third Person's POV

Masayang nag-iinuman sa pribadong kuwarto ng isang tagong casino sina Jonathan Dela Cruz at Cris Fuentebella. Silang dalawa ang head ng Dela Cruz at Fuentebella mafia. Ang dalawang tanging natitirang grupo na patuloy sa pagpaplano para pabagsakin ang Anderson mafia maging ang mga kakampi nito.

"Nasisiguro ko na pinagpiyestahan maigi ng mga isda sa dagat ang mga nagkalasog-lasog na katawan nina Anderson at ng mga sipsip niyang kaibigan. They fell for my trap without them knowing. Sila na mismo ang gumawa ng paraan para mas mapadali ang mga buhay nila," buong pagmamalaking sabi ni Jonathan bago itinaas ang hawak na shot glass.

Gano'n din ang ginawa ng kausap niyang si Cris. Pinaghinang nila ang dalawang baso na naglikha ng malakas na tunog, bago sabay na ininom ang laman nito. Tahimik namang nakatayo sa likod nila ang kani-kanilang mga tauhan.

"Ang akala siguro nila ay hindi natin alam na mamanmanan nila tayo. Mabuti na lang at nagawa kong makapagtago agad." Umayos ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status