I tried to open the window here in my room, but to no avail. I let out a deep sighed when I noticed that it’s locked from the outside. Though I can just break it, but it will surely gain attention. Which, as much as possible, I’m avoiding to happen.Muli akong tumanaw sa labas ng bintana at kitang-kita ko kung paanong walang katinag-tinag na nakatayo ang mga bantay na nandoon, habang may mga hawak na baril. Inilibot ko rin ng tingin ang kabuuan ng paligid at doon ko lang napagtanto na napapaligiran ng matataas na pader ang kinatitirikan ng mansyon na ‘to.Nang maligo naman ako kanina ay napansin ko na wala man lang ni maliit na bintana sa loob ng banyo. Siguro ay sinadya ang pagkakagawa nito upang dito ikulong ang mga taong dinudukot nila.Bagsak ang balikat na ibinaba ko na ang kurtina at nagsimulang libutin ang kabuuan ng kuwarto. The room is huge, and the elegance travels to every part of this room. There is a small chandelier hanging on the ceiling, while the floor were covered by
Bakas ang gulat sa kanyang mukha nang dahil sa ibinato kong tanong. May dumaan na pag-aalala sa kanyang mga mata, pero mabilis din itong nawala. Napansin ko rin na ibinaba nina Ace at Shantel ang mga hawak nilang baril.“What do you mean?”Dahan-dahan niya akong binitiwan, bago bumalik sa kinauupuan niya kanina na para bang walang nangyari.Nagdududa ko siyang tiningnan. “Sino ka ba talaga? May kinalaman ka ba sa nakaraan ko?”He looked at me in disbelief. “What? I don’t know what you are talking about. Bakit? Nakita mo na ba ako rati?” balik tanong niya sa ‘kin.Natigilan ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ko ba biglang naisip at naitanong ‘yon. Gusto kong batukan ang sarili nang dahil sa kahihiyan.“Hindi pa.”He shrugged. “That answers your question.” Napatingin siya sa phone niya na nakalapag na ngayon sa ibabaw ng mesa. “Oh. I forgot something. Hindi pa nga pala ako tapos makipag-usap sa—”Bigla akong natauhan nang maalala ang pinag-uusapan namin kanina.“Fine!” malak
“Wow! Hindi ko akalain na may mas igaganda ka pa pala.” Pumalakpak si Shantel, habang nakatayo sa likod ko at titig na titig sa ‘kin mula sa salamin na nasa aming harapan.Samantalang ako naman ay blangko lang ang ekspresyon habang sinusuri ang ayos ko, hanggang sa gown na suot ko. Pinatalikod pa ako ni Shantel para masipat ko rin daw ang hitsura ng likod ng suot kong gown. She even squealed and looked amaze at the same time.Well, who wouldn’t? It’s a princess like ivory bridal gown, which have a striking beaded lace embroidery on the plunging neck over the illusion bodice. Then, the beaded lace cap sleeves flow into the magnificent illusion back with lace accents and button closure. It was paired with four inches, white embellished satin block heel sandals.While my ash gray wavy hair was fixed to a loose updo. It has a few strands out to the front to frame my face and give the style a softer look. With a light make-up on and a pair of diamond earrings.To sum it all, I actually loo
“How dare you say that to them? We both know what’s the truth!” mahinang sigaw ko sa kanya. Pilit na pinipigilan ko ang sarili na magwala.Wala na ba talaga siyang ibang maisip na palusot na mas matino pa bukod roon?Tanan? Really?“Okay lang ‘yan, Thalia. Wala ka namang dapat na ikahiya pa sa ‘min. Kasal na kayo at para na rin naman tayong magkapatid.” Harold grinned like an idiot.Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Ang magaling kong mga kaibigan ay nagpaloko naman! Mukha ba akong lihim na nakikipagrelasyon at basta na lang sasama sa kung sino?Napataas ang kilay ni Stephen at nanghahamong tumitig sa ‘kin. “Then, what do you want me to tell them? The truth? Are you ready for the consequence, if ever?” nang-uuyam niyang bulong.That made me shut my mouth. Kung gano’n ay sinabi lang pala niya ang totoo sa pamilya ko. Marahil ay napalapit na rin sa kanya sina Mads kaya ayaw na niyang idawit pa ang mga ito hangga’t maaari.Napailing siya at muntik na akong mapatili nang bigla n
Pagkatapos kong kumain ay naisipan ko munang manood ng TV. Habang umupo naman si Cole sa pang-isahang sofa at nakinood rin.Kahit na ang totoo ay gustong-gusto kong malaman ang lagay ni Stephen at gamutin ang sugat niya.Pero pilit kong pinigilan ang sarili. Wala dapat akong pakielam sa kanya. Kung gusto niya magpakamatay, bahala siya sa buhay niya. Pabor pa nga sa ‘kin ‘yon kapag nagkataon.“Gaano katagal ka ng nagtatrabaho kay Stephen?” tanong ko kay Cole, habang nakatuon ang mga mata ko sa TV.Kung tutuusin ay wala naman akong maintindihan sa pinapanood ko dahil kung saan-saan naman lumilipad ang isip ko.I saw he smiled from my peripheral view.“Ang totoo po niyan ay bata pa lamang ako ng mapunta sa poder ng mga Anderson. Nakita lang nila akong pagala-gala sa kalsada noon. Tumakas kasi ako sa bahay ampunan na kinalakihan ko, dahil hindi ko kasundo ang ibang mga bata na nandoon.”Narinig ko ang lalim ng kanyang paghinga.“Kinupkop nila ako. Inalagaan, binihisan, pinag-aral at binig
Dalawang linggo na kong nakakulong dito sa loob ng mansyon. Kung hindi ang mga katulong ay ang mga halaman ang madalas na kinakausap ko. Pakiramdam ko tuloy ay mamamatay at mababaliw na ko sa sobrang pagka-bored.Idagdag pa pala si Cole na palaging nakabuntot sa 'kin. 'Yon nga lang ay bihira ko lang siya makausap ng matino. Hindi kasi siya nauubusan ng lame and corny jokes. Puro kalokohan pa ang madalas na lumalabas na salita mula sa bibig niya. Which I found unusual for a bodyguard.Ewan. Siguro dahil kapag narinig ko ang salitang 'yon, ang unang pumapasok sa isip ko ay isang taong seryoso at nakaka-intimidate ang aura.But with Cole, everything is just cool. Kahit papaano ay napapagaan niya ang loob ko.Sila Mads naman ay ilang beses na rin akong nadalaw rito. Pero dahil may mga nakabantay sa paligid, lalo na si Cole ay hindi rin ako kumportable na makipag-usap sa kanila ng maayos. Mukhang sanay na rin naman sila sa dami ng tauhan na nakakalat sa buong mansyon.I tried to grab the o
"Just let me see her! You dumbass!""She's still resting! So, will you just shut your fucking mouth? You might wake her up!""I don't care! Besides, you still have a lot of explaining to do. What the hell happened? You promised us that you won't endanger her!"Nagising ako nang dahil sa malakas na sigawan na naririnig ko mula sa kung saan. Hindi ko na lang sana ito papansinin nang bigla kong mapagtanto na pamilyar sa 'kin ang dalawang boses na nagtatalo."Things happened. Alam mong kahit anong ingat ang gawin ko, nandiyan lang sila sa paligid at naghihintay ng tamang pagkakataon para umatake.""Alam ko at binalaan na kita dati pa tungkol sa bagay na 'yon. Pero hindi ka pa rin nakinig. Kaya babawiin ko na siya!""No! I won't let you!"Dahil rinding-rindi na ako sa ingay na naririnig ay tuluyan ko ng iminulat ang aking mga mata. Ilang beses ko muna itong ikinurap dahil sa nanlalabo pa ang aking paningin. Hanggang sa unti-unti ng naging malinaw at pamilyar ang paligid.Dahan-dahan akong
Stephen's POVMabilis akong bumaba pagkahinto ko ng sasakyan sa tapat ng headquarters. Agad kong napansin ang iilan pang mga sasakyan na magkakatabing nakaparada sa isang tabi.Inayos ko ang suot na polo bago nagsimulang maglakad. Binati naman ako ng mga nagkalat na bantay sa paligid."Good evening, Sir!"Tinanguan ko lang sila bago dumiretso sa loob ng isang bahay na bungalow. Naabutan ko roon ang ilan sa mga tauhan ko na mukhang kanina pa inaasahan ang aking pagdating.Mabilis nilang binuksan ang pinto na nasa sahig, kung saan ay mayroong hagdan pababa. Nang makababa ay bumungad sa 'kin ang stainless steel door na bubukas lamang sa oras na ma-recognize ka ng eye sensor security na nasa tabi lamang nito.Itinapat ko ang kanang mata ko rito. Hindi nagtagal ay lumabas ang salitang "Access Granted" sa screen, bago dahan-dahang bumukas ang pinto.Sinalubong ako ng malakas na ingay pagkapasok. Napamaang ako nang makita silang nagkukulitan at nagbabatuhan ng kung ano-ano.I shook my head.