“Gusto ko lang linawin sa’yo na hindi kita gusto at hindi ako katulad ng mga babaeng dini-date mo noon o hanggang ngayon, na nagkakandarapa sa’yo.”
Kanina ko pa isinasaulo ang mga salitang iyon sa aking isipan habang nasa daan kami ni Zid, at nang bigla nga siyang huminto sa isang tabi ay hindi ko na napigilang sabihin.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kan’ya pero naaaninag ko sa aking tabi ang pagkunot ng kan’yang noo. Marahil ay nagtataka siya kung paano at bakit bigla ko na lang iyon nasabi.
Minsan talaga’y hindi ako nagsisisi na over-thinker ako at advance palagi mag-isip. Sa sitwasyon ngayon, kung hindi ko iiwasan si Zid at lilinawin ang namamagitan sa amin, ay patuloy lang siya sa pagpapakita ng kabaitan at pagbibitaw ng mga matatamis na kataga sa akin. Alam kong baka tuluyan na akong mahulog sa kan’ya. Ngayon ko pa lang naramdaman ang kasiyahan at kakaibang kapanatagan kapag kasama ko siya, kaya alam kong
Parte ba nang pagkumpisal ng lalaki sa tunay niyang nararamdaman para sa isang babae ay ang hindi pagpapakita ng ilang linggo? Hindi ko naman siya direktang ni-reject pero bakit parang sumuko na siya kaagad. Ang babaw naman pala nang nararamdaman niya para sa’kin.Ganito ba talaga kapag nagkakagusto ka na sa isang tao, hindi mo lang makuha ang atensyon na ini-expect mo ay nasasaktan ka na? Kasi ako oo, ang pangit pala ng konsepto ng ‘love’.“Wow, ang daming pagkain Ivan! Baka naman mamaya n’yan kapag naubos na naming lahat ito ay singilin mo kami?” tanong ni Blue habang binubuksan ang pizza na dala-dala ni Ivan. Hindi lamang iyon dahil nang nakaraang araw ay palagi siyang may ipinapa-deliver na pagkain para sa aming lahat.Inabot nang halos dalawang linggo ang pagpapanggap kong mananaya sa jueteng at taga-sigaw sa tupada. Nahirapan akong makapasok sa malalaking pasugalan ni Mr. Bagatzing. Kinailangan pa naming kumidnap ng isa
Pangarap kong maging photographer pero ngayon na may nag-o-offer na sa'kin, na hindi na katulad ng pagiging undercover ko, ay parang gusto ko nang umatras. Kung hindi lang sa utang na loob ko kay Zid ay hindi talaga ako papayag. Isinama niya ako patungong Gayon Falls. Halos dalawang oras ang naging byahe namin. Sunod-sunod ang natatanggap na tawag ni Zid kung kaya't hindi nakakailang ang hindi namin pag-uusap. Masikip ang daan simula highway patungo sa Gayon Falls. Halos kabukiran ang dinaraanan namin at hindi pa ganoon ka-sementado ang daan, pero maaari nang daanan ng mga sasakyan. Sa bungad pa lamang ay naririnig ko na ang agos ng tubig. Nakita ko ang 'sign' sa entrance ng falls kung saan nakasaad na sarado ito ngayon para sa gagawing photoshoot. Masasabi kong sulit ang haba ng byahe sa ganda ng lugar. Nakakatuwang hindi ginalaw ng mga namamahala ng lugar ang natural na ganda ng Gayon Falls. Kulay berde ang makikita sa buong paligid, maliban n
Suot-suot ang fitted maong pants, puting kulay ng branded t-shirt na katulad ng disenyo ng suot ni Zid, itim nga lang sa kanya, at ang sapatos na suot ko kanina, ay iginiya niya ako palabas ng resort.Nakaalis na lahat ng empleyadong kasama namin at kami na lamang ni Zid ang natira sa lugar.Buong akala ko'y sa kotse kami sasakay pero dumiretso siya sa isang motor. Mayroong nakahandang helmet at jacket sa upuan. Kinuha niya ang itim na jacket at ipinasuot sa akin. Ang helmet ay siya na ang nagsuot sa ulo ko. Seryoso niya itong ni-lock."Masikip ba?" tanong niya habang ina-adjust ang lock ng helmet."Hindi naman. Saan ba tayo pupunta?" Kailangang alam ko, nagsisimula na naman kasi siyang hilahin ako patungo sa kung saan-saan. Ang pinagkaiba nga lang ay takot ako noon ngayon ay hindi na.Masaya at excited ang nararamdaman ko."Somewhere you'll love."Ang taray! Dati-rati'y ang linyahan niya ay, 'somewhere where you'll beg me
"Good morning."Normal nang magpalitan kami ng good mornings ni Zid tuwing magbubukas ako ng pinto ng aking unit at makikita ko siyang naghihintay sa akin sa labas, pero ngayong araw ay iba.Maaliwalas ang mukha niyang humakbang palapit sa akin. Nakatago ang kanang kamay niya sa likod at unti-unti iyong inilabas. Hawak ang isang tangkay ng pulang rosas ay iniabot niya sa'kin iyon."Rosas para sa magandang binibini," aniya.Hindi ko napagilan ang mapangiti dahil sa pagiging makata niyang magsalita.Biro lang! Kinikilig talaga ako."Thank you. Good morning din." Sa kabila ng kilig na nararamdaman ko ay naggawa ko siyang batiin pabalik.Inalalayan niya akong sumakay ng elevator at sa kan'yang kotse, katulad ng ginagawa niya dati. Ang pinagkaiba nga lang sa ngayon ay nakompirma ko na ang kahulugan ng mga ito sa kan'ya. Hindi na ako mag-a-assume dahil sigurado na ako, may pinanghahawakan na kumbaga.Nag-order muli siya sa fast
"Heaven, paano mo sinagot si Sylvester?" bigla kong tanong kay Heaven na abala sa panonood ng k-drama. Ito ang madalas niyang gawin kapag nandito sa bahay bukod sa pag-aaral.Nandito kami sa terasa at hinihintay na dumating ang ibang myembro ng grupo. Ang sabi ni Knight ay mayroon daw kaming bagong misyon."Bakit? Sasagutin mo na ba si Zid?" tila nagugulantang na tanong niya. Mabilis niyang tinigil saglit ang panonood at inilagay ang laptop sa lamesa.Umayos ako sa pagkakaupo sa coffee table na nandoon. Alas-tres na nang hapon kung kaya't nasa likod na ng bahay ang sinag ng araw, hindi na abot sa aming kinalalagyan ngayon.Tatlong linggo pa lang na nanliligaw sa akin si Zid at sa loob ng kaunting panahon na iyon ay mas lalo lamang siyang nagiging sweet at maalaga. Kung puso ang susundin ko ay sasagutin ko na siya. Pero sabi nga ni lola kailangan ko munang kilatisin nang mabuti si Zid.Marami pa akong hindi alam sa kan'ya gayundin siya sa akin. Ayok
Kating-kati na akong hilahin pababa ang napaka-ikli at hapit na hapit na tube dress na ipinasuot sa akin. Unang gabi ko sa ikatlong misyon namin at hindi ko inaasahan na ganito ka-revealing ang damit na ipapasuot sa akin.Narinig ko ang reklamo ni Zid kay Knight mula sa maliit na earpiece na nakakabit sa malaking hikaw ko."That's too revealing Cloud. F*ck kapag may nangbastos sa kan'ya hindi ako magdadalawang-isip na hilahin siya palabas," dinig kong sabi niya.Hindi ko alam kung nasaan silang parte ng hotel nagtatago. Hindi kasi sila kasama sa masquerade party na ito. Hindi sila maaaring makita sa loob ng pribadong pagtitipon na ito lalo pa't hindi naman sila imbitado, baka pagdudahan lamang sila ng mga tauhan ni Mr. Hermosa."I'm fine Ice. Please 'wag kang gagawa ng kahit ano na makakasira ng misyon," pasimple kong bulong sa kan'ya.Hindi nakikita ang paggalaw ng aking bibig mula sa pag
Mataas na ang sikat ng araw nang tumahak kami ni Blue patungo sa headquarters. Hindi ako nakatulog nang maayos kung kaya’t pilit kong nilalabanan ang kaunting sakit ng ulo na nararamdaman ko.Bago ako humiga kagabi ay umalis si Zid. Alam kong nagpunta siya sa headquarters subalit kahit anong pilit kong sumama ay hindi siya pumayag.“I saw you on the cctv. You were talking to one of Mr. Hermosa’s staff at hinila ka din niya palabas nang dumating ang mga pulis,” seryosong saad ni Blue.Matagal ko siyang tinitigan bago ibinaling sa dinaraanan namin ang atensyon.“Oo. Kakilala ko siya. Dati siyang taga-linis sa terminal na tinutulugan ko noon,” kwento ko.Hinintay kong magtanong pa siya subalit hindi na iyon nasundan.Nang dumating kami sa headquarters ay nandoon na sa parking area ang kotse ng apat naming kasamahan sa grupo.“Pwede ba tayong dumaan muna sa interrogation room?” tanong ko kay
Nawala si Skire dahil pinairal niya ang emosyon habang nasa isang misyon. Paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ko ang sinabing iyon ni Knight. Ito ang unang pagkakataon na binanggit ang pangalan niya sa akin. Bukod doon ay wala na siyang iba pang nabanggit sa kung paano namatay si Skire. Mabilis na kasing hinila ni Zid ang kamay ko palabas.Mula sa gilid ko ay nakikita ko ang mga simpleng sulyap sa akin ni Zid. Habang ako naman ay nakatuon ang atensyon sa labas ng sasakyan. Nasa byahe na kami pauwi. Bukas ko na lamang kakausapin si Knight at ang iba pang myembro upang humingi ng tawad.“Are you hungry?” tanong niya.Hapon na subalit hindi pa din kami kumakain ng pananghalian. Umiling ako sa kan’ya dahil hindi ako nakakaramdam ng gutom. Matapos ang nangyari kanina ay nawalan ako ng ganang kumain.“I’m sorry for shouting at you earlier. It’s part of the act. Ayokong isipin ni Tere na magkakasama tayo baka magduda siya. Lalo