Share

Chapter 46

Nang maging myembro ako ng The Veracity ay sinabi kong hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon upang makilala ang tunay kong mga magulang. Gusto ko nang makuntento sa buhay na mayroon ako ngayon.

Pero malaki ang impact na nagawa sa akin ng mga salitang binitiwan ni Tiya Chona. Mas lalo kong naramdaman ang pagkamuhi niya sa akin.

Tatlo silang magkakapatid at lahat ay babae. Ang bunso ay si Tiya Cynthia. Hindi ko na siya naabutan dahil ayon kay lola ay namatay ito bago pa ako ipinanganak. Kung ano ang ikinamatay niya ay hindi ko alam.

"Kai?" Napabalik ako sa ulirat nang tawagin ni Apollo ang pangalan ko.

Nasa isang photoshoot kami para sa isang magazine. Saglit kaming nag-breaktime habang inaayusan ang mga modelo.

"Sorry," sabi ko nang mapagtantong tila kanina niya pa ako tinatawag.

"Mukhang malalim yata ang iniisip mo," aniya.

Marahil ay oo dahil kanina pa kami nandito pero pakiramdam ko'y lumilipad ang isipan ko.

"Wala, hindi la

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status