Share

Chapter 33

"Heaven, paano mo sinagot si Sylvester?" bigla kong tanong kay Heaven na abala sa panonood ng k-drama. Ito ang madalas niyang gawin kapag nandito sa bahay bukod sa pag-aaral.

Nandito kami sa terasa at hinihintay na dumating ang ibang myembro ng grupo. Ang sabi ni Knight ay mayroon daw kaming bagong misyon.

"Bakit? Sasagutin mo na ba si Zid?" tila nagugulantang na tanong niya. Mabilis niyang tinigil saglit ang panonood at inilagay ang laptop sa lamesa.

Umayos ako sa pagkakaupo sa coffee table na nandoon. Alas-tres na nang hapon kung kaya't nasa likod na ng bahay ang sinag ng araw, hindi na abot sa aming kinalalagyan ngayon.

Tatlong linggo pa lang na nanliligaw sa akin si Zid at sa loob ng kaunting panahon na iyon ay mas lalo lamang siyang nagiging sweet at maalaga. Kung puso ang susundin ko ay sasagutin ko na siya. Pero sabi nga ni lola kailangan ko munang kilatisin nang mabuti si Zid.

Marami pa akong hindi alam sa kan'ya gayundin siya sa akin. Ayok

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status