Share

Chapter 52

Naging normal para sa akin ang mga sumunod na araw sa opisina. Hindi ko na muli pang nakita ang aking ina dahil tapos na din naman ang photoshoot ni Harrieth at naghihintay na lang kami sa araw ng kan'yang debut.

"Are we okay love?" tanong ni Zid nang nasa elevator na kami paakyat ng opisina.

Sa mga nagdaang araw ay nahihirapan akong magpanggap na maayos lang kapag kasama ko siya. Nagi-guilty kasi ako na hindi man lang masabi sa kan'ya ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko.

Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko ipinagkakatiwala ng buo ang sarili ko sa kan'ya gayong siya ay walang pag-iimbot na ipinapakita sa akin ang mabuti at pangit na parte ng kan'yang buong pagkatao.

"Oo naman love," masaya kong sagot sa kan'ya.

Inakbayan niya ako at masuyong hinalikan sa noo. Mas lalo akong nadidismaya sa sarili. Napakaduwag kong sabihin sa kan'ya na anak ako ng dating sexy star na naging kabit ng kan'yang ama noon.

Hindi ko naman kasalanan na siya ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status