共有

Chapter 164

作者: Bluish Blue
last update 公開日: 2026-03-10 15:01:04

Tahimik ang hallway ng apartment building nang makarating ako sa unit ko.

Hindi ko halos maalala kung paano ako nakauwi mula sa healthcare facility. Para bang awtomatikong gumalaw ang katawan ko habang ang isip ko ay nananatili pa rin sa silid na iyon—sa babaeng nakahiga sa kama, sa mga salitang binitiwan ni Leon, at sa pangalang paulit-ulit na bumabalik sa utak ko.

Janine.

Pagdating ko sa harap ng pinto ng apartment ko ay sandali akong tumigil. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa susi pero hindi
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 173

    Tahimik ang kalsada habang humihinto ang sasakyan sa isang madilim na bahagi ng lungsod.Mula sa labas ay tila wala namang kakaiba sa gusali na nakatayo sa harap ko.Pero alam ko ang totoo.Ang headquarters ng Astra Noctis.Ibinaba ko ang sarili ko mula sa sasakyan at tahimik na naglakad papunta sa pintuan ng gusali. Sa tenga ko ay narinig ko ang boses ni Atlas. “You're there again.”Bahagya akong ngumiti habang naglalakad. “Lagi naman.”“True,” sagot niya.Pagdating ko sa loob ay kaagad akong bumaba kung nasaan talaga ang headquarters, palamuti lang talaga ang nasa itaas. Ang loob ng headquarters ay ibang-iba sa itsura nito sa itaas. Moderno ang interior. Malinis. At puno ng advanced na kagamitan.Ito ang pugad ng organisasyong matagal ko nang kinabibilangan.Astra Noctis.Ang organisasyon na lihim na kumikilos laban sa mga taong tulad ng pamilya El Zamora.Pagpasok ko sa opisina ni Lucien ay agad kong nakita ang tatlong lalaking nakaupo sa mesa sa gitna ng silid.Ang tatlong leader

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 172

    Tahimik ang opisina matapos ang mahabang usapan namin tungkol sa nakaraan ni Leon.Ang sikat ng araw na kanina ay sumisilip pa lamang sa gilid ng mga gusali ay ngayon ay ganap nang sumikat. Mula sa malawak na bintana ng opisina niya ay makikita ang lungsod na unti-unting nagiging abala.Mga sasakyan na nagsisimula nang dumami sa kalsada. Mga taong naglalakad papasok sa mga gusali.Isang panibagong araw.Pero sa loob ng opisina na iyon, parang hindi gumagalaw ang oras.Nakatayo si Leon sa tabi ng mesa niya habang ako naman ay nakatayo malapit sa pintuan. Ang hangin sa pagitan namin ay nananatiling mabigat matapos ang mga rebelasyon na ibinahagi niya.Ang tunay niyang pangalan.Ang buhay niya bilang si Ralph Jimenez.Ang kidnapping.Ang bidding.Ang lalaking may tattoo ng ahas na nakapulupot sa korona at ang misyon na ngayon ay ibinigay niya sa akin.Hanapin ang lalaking iyon.Sa tenga ko ay narinig ko ang mahinang boses ni Atlas. “Quite the assignment.”Hindi ako sumagot.Sa halip ay t

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 171

    Tahimik ang opisina matapos sabihin ni Leon ang huling bahagi ng kuwento niya. Nakatayo pa rin siya sa tabi ng bintana, nakatanaw sa ilalim ng lungsod na unti-unting nagiging abala sa labas habang papaangat na ang haring araw.Samantalang ako naman ay nakatayo sa kabilang bahagi ng silid, nakaharap sa mesa niya.Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sinabi niya.Ang kidney na nawala sa kanya.Ang bidding na iyon.At ang pangalan ni Janine na binanggit niya nang hindi niya alam na ang taong kinakausap niya ngayon ay ang mismong batang iyon dalawampung taon na ang nakalilipas.Sa tenga ko ay narinig ko ang mahina ngunit seryosong boses ni Atlas.“Your heart rate increased earlier.”Hindi ako sumagot. Sa halip ay tumingin lang ako kay Leon. Kung may isang bagay akong natutunan sa buhay ko, iyon ay ang kakayahang magtago ng emosyon.Kahit gaano kalalim ang galit o sakit sa loob ko. Kaya dahan-dahan akong nagsalita. “So… ang taong iyon ang gusto mong hanapin ko?”Bahagyang lumingon si Leon mul

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 170

    Pagkatapos niyang itanong kung bakit talaga ako interesado sa usaping iyon, ilang segundo akong hindi agad nakasagot. Tahimik ang buong opisina.Ramdam ko ang bigat ng titig ni Leon habang naghihintay siya ng sagot ko. Hindi siya gumagalaw. Hindi rin siya nagsasalita. Para bang sinusubukan niyang timbangin kung magsisinungaling ba ako o magsasabi ng totoo.Sa tenga ko ay narinig ko ang mahinang boses ni Atlas. “Careful. He's watching every micro-expression.”Alam ko iyon. Kaya dahan-dahan akong huminga bago ako nagsalita.“Well,” sabi ko habang bahagyang ikiniling ang ulo ko, “sabi ko naman sa iyo, gusto kong malaman kung bakit gusto mong pabagsakin ang mga El Zamora gayong sila naman ang nagbigay ng magandang buhay na mayroon ka ngayon.”Nanatiling diretso ang tingin ko sa kanya. Hindi ako kumurap. Hindi ako umiwas. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik bago siya bahagyang napangiti.Hindi iyon malaking ngiti.Isang maliit lang, halos hindi mo mapapansin kung hindi ka nakatingin na

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 169

    Pagkatapos kong banggitin ang tungkol sa El Zamora, sandaling nanahimik ang buong opisina.Nakatayo ako sa gitna ng silid habang si Leon naman ay nasa likod ng mesa niya. Hawak pa rin niya ang folder na kanina ay tila binabasa niya bago ako dumating.Hindi agad siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako. Hindi iyon basta simpleng tingin. Para bang sinusuri niya ang bawat kilos ko, bawat pagbabago sa ekspresyon ng mukha ko.Parang gusto niyang malaman kung may ibang dahilan ba kung bakit ko biglang binuksan ang usaping iyon. Ilang segundo ang lumipas bago siya bahagyang ngumiti.Hindi iyon masayang ngiti.Kung hindi isang ngiting puno ng pagdududa at amusement.“Bakit?” tanong niya. Bahagya siyang sumandal sa upuan niya. “Curious ka na naman?”Sa tenga ko ay narinig ko ang mahinang boses ni Atlas. “Careful.”Hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon sa narinig ko. Sa halip ay pinanatili kong kalmado ang mukha ko habang nakatingin kay Leon.“Parang ganoon na nga,” sagot ko. Dahan-dahan a

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 168

    Kinabukasan ay mas maaga akong nagising kaysa sa nakasanayan ko.Hindi dahil sa alarm. Hindi rin dahil sa ingay mula sa labas ng apartment. Nagising ako dahil sa sarili kong isip.Halos buong gabi ay hindi ako nakatulog nang maayos. Kahit na ipinikit ko ang mga mata ko ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang lahat ng nangyari kahapon.Ang pag-uusap namin nina Lucien, Caius, at Morpheus. Ang kumpirmasyon na ako si Janine El Zamora. Ang katotohanan tungkol kina Javier at Sol na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabigkas ang mga salitang mama at papa, pero wala akong maramdamang galit para sa kanila. Wala naman silang kasalanan. Sadyang naipit lamang kami sa isang mapagbiro at mapanakit na tadhana.Ang misyon na ngayon ay hindi na lamang utos ng Astra Noctis, kundi isang bagay na personal na para sa akin.Tahimik ang apartment habang nakahiga ako sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame. Pakiramdam ko ay parang may bagong bigat na nakapatong sa dibdib ko—isang responsibilidad na hindi k

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status