ログインTahimik pa rin ang café matapos ang lahat.Hindi na iyon ang parehong katahimikan kanina—hindi na iyon ang tensyon ng dalawang taong nagtataguan ng lihim. Ito na ang katahimikan ng dalawang taong parehong may alam at parehong pumili na hindi na umatras.Nakatingin pa rin si Leon sa akin.Hindi na ganoon katalim ang tingin niya tulad kanina, pero hindi rin iyon naging magaan. Mas naging malinaw at mas buo. Mas totoo.“Ipapakilala kita kay Tito Eli,” sabi niya sa wakas.Bahagya akong napakunot ng noo. Hindi dahil hindi ko inaasahan—kundi dahil sa bilis ng susunod niyang hakbang.“At alam kong matutuwa siya kapag nalaman niyang buhay ka.”Nanatili akong tahimik. Hindi ko agad sinagot.Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil kailangan kong iproseso ang bigat ng pangalang iyon.Eli.Ang taong matagal nang nasa gilid ng kuwento namin—pero ngayon ay unti-unti nang pumapasok sa sentro ng lahat. Ang taong tumulong sa nanay ko at sa akin noong bata pa lang ako, noong mga panahong hindi pa ako napad
Tahimik ang café.Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas matapos kong itanong ang tanong na iyon. Pero pakiramdam ko ay parang oras ang lumipas sa bigat ng katahimikan sa pagitan namin.Nakatingin pa rin si Leon sa akin. Diretso sa mga mata ko. Walang pag-iwas. Walang pagkurap. Parang sinusubukan niyang basahin ang bawat bahagi ng mukha ko. Para bang hinahanap niya kung may bakas ba ng kasinungalingan sa mga sinabi ko.Pero wala. Dahil wala akong itinago.Hindi na.Sa sandaling ito, ang lahat ay nakalatag na sa mesa. At ang tanging kulang na lang ay ang sagot niya.Sa tenga ko ay narinig ko ang mahinang boses ni Atlas. “He’s thinking.”Hindi ako sumagot. Hindi ako gumalaw. Hindi ko rin inalis ang tingin ko kay Leon. Hindi ko kayang ipakita ang kahit anong kahinaan sa sandaling ito. Dahil kung may isang maling galaw lang ako ay maaaring mabasag ang manipis na linya na nagdudugtong sa amin ngayon.At kapag nangyari iyon ay wala na akong babalikan.Ilang segundo pa ang lumipas.Pag
“I am...” Huminto ako. Hindi dahil nag-aalinlangan ako. Kundi dahil alam kong sa sandaling matapos kong sabihin ang susunod kong mga salita ay wala nang babalikan at wala ng atrasan. Wala nang pagtatago. Wala nang kontrol sa kung paano niya ako titingnan pagkatapos nito.Tahimik ang café.Hindi naman literal—may mga mahihinang ingay ng kubyertos, may mga usapan sa malayo—pero sa pagitan naming dalawa, parang naglaho ang lahat ng iyon. Parang kami lang ang nasa loob ng mundong ito.Nakatingin si Leon sa akin nang diretso sa mga mata ko. Mukhang hindi na nga kumukurap. Naghihintay sa kung anong susunod kong sasabihin.At ramdam ko na handa siyang pakinggan ang kahit anong sasabihin ko—pero hindi ko pa alam kung handa siyang tanggapin iyon.Huminga ako nang malalim.“I’m not just a secretary,” sabi ko sa wakas.Bahagyang gumalaw ang ekspresyon niya. Hindi pa galit. Hindi pa duda. Pero naroon na ang alertness.“Then what are you?” tanong niya.Mababa ang boses niya. Kontrolado iyon pero r
Paglabas ko ng headquarters ng Astra Noctis ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi.Tahimik ang paligid.Kung kanina ay puno ng tensyon ang loob ng underground base, ngayon naman ay parang napakalawak ng mundo sa labas—pero mas mabigat.Mas tahimik at kapag mas tahimik ay mas mapanganib.Huminto ako saglit sa tabi ng sasakyan ko, nakatitig sa walang laman na kalsada. Sa tenga ko ay narinig ko ang mahinang boses ni Atlas.“So, you’re really doing this.”Hindi ako agad sumagot.Sa halip ay inilabas ko ang phone ko at tinitigan ang screen. Nandoon ang pangalan niya.Leon.Bahagya akong napapikit.Sa loob ng ilang segundo ay bumalik sa isip ko ang lahat.Ang usapan namin kanina. Ang kwento niya. Ang sakit sa boses niya habang kinukwento ang pagkawala ng pamilya niya. Ang galit na pilit niyang pinipigilan.At ngayon...Alam ko na kung sino ang kalaban niya at kung sino ang kalaban ko.Pareho lang.Pareho lang kami ng taong nais pagbayarin.Huminga ako nang malalim.“Atlas,”
Tahimik pa rin ang silid matapos banggitin ni Atlas ang codename na iyon.King Serpent.Parang may kung anong bumalot sa dibdib ko sa sandaling marinig ko iyon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit… pero pakiramdam ko, mas malalim pa sa inaakala ko ang koneksyon ng lahat.Hindi lang ito basta tungkol kay Leon. Hindi lang ito tungkol sa akin. Mas malaki ito. Mas malalim at pag malalim ay mas madilim.“Ibig sabihin…” mahinang bulong ni Atlas sa tenga ko, “…iisa lang ang kalaban ninyo.”Tahimik ang buong silid.Hindi ko agad pinansin ang sinabi niya. Pero habang tumatagal, unti-unti itong pumapasok sa isip ko.Si Leon, ako at ang organisasyon na iyon. Lahat kami ay konektado sa iisang pinanggalingan.Dahan-dahan akong huminga bago ako nagsalita. “Ibig sabihin…”Bahagya akong napatingin kina Lucien.“…kakampi siya.”Tahimik ang buong silid. Walang sumagot agad. Pero nakita ko ang reaksyon nila.Si Lucien ay bahagyang napapikit. Si Morpheus naman ay nakatingin sa mesa, parang pinoproseso pa an
Tahimik ang kalsada habang humihinto ang sasakyan sa isang madilim na bahagi ng lungsod.Mula sa labas ay tila wala namang kakaiba sa gusali na nakatayo sa harap ko.Pero alam ko ang totoo.Ang headquarters ng Astra Noctis.Ibinaba ko ang sarili ko mula sa sasakyan at tahimik na naglakad papunta sa pintuan ng gusali. Sa tenga ko ay narinig ko ang boses ni Atlas. “You're there again.”Bahagya akong ngumiti habang naglalakad. “Lagi naman.”“True,” sagot niya.Pagdating ko sa loob ay kaagad akong bumaba kung nasaan talaga ang headquarters, palamuti lang talaga ang nasa itaas. Ang loob ng headquarters ay ibang-iba sa itsura nito sa itaas. Moderno ang interior. Malinis. At puno ng advanced na kagamitan.Ito ang pugad ng organisasyong matagal ko nang kinabibilangan.Astra Noctis.Ang organisasyon na lihim na kumikilos laban sa mga taong tulad ng pamilya El Zamora.Pagpasok ko sa opisina ni Lucien ay agad kong nakita ang tatlong lalaking nakaupo sa mesa sa gitna ng silid.Ang tatlong leader
Tahimik ang opisina matapos ang mahabang usapan namin tungkol sa nakaraan ni Leon.Ang sikat ng araw na kanina ay sumisilip pa lamang sa gilid ng mga gusali ay ngayon ay ganap nang sumikat. Mula sa malawak na bintana ng opisina niya ay makikita ang lungsod na unti-unting nagiging abala.Mga sasakya
Tahimik ang opisina matapos sabihin ni Leon ang huling bahagi ng kuwento niya. Nakatayo pa rin siya sa tabi ng bintana, nakatanaw sa ilalim ng lungsod na unti-unting nagiging abala sa labas habang papaangat na ang haring araw.Samantalang ako naman ay nakatayo sa kabilang bahagi ng silid, nakaharap
Pagkatapos niyang itanong kung bakit talaga ako interesado sa usaping iyon, ilang segundo akong hindi agad nakasagot. Tahimik ang buong opisina.Ramdam ko ang bigat ng titig ni Leon habang naghihintay siya ng sagot ko. Hindi siya gumagalaw. Hindi rin siya nagsasalita. Para bang sinusubukan niyang t
Pagkatapos kong banggitin ang tungkol sa El Zamora, sandaling nanahimik ang buong opisina.Nakatayo ako sa gitna ng silid habang si Leon naman ay nasa likod ng mesa niya. Hawak pa rin niya ang folder na kanina ay tila binabasa niya bago ako dumating.Hindi agad siya nagsalita. Tinitigan niya lang a







