LOGINTahimik ang sala.Hindi iyon ang tipo ng katahimikan na nakakailang—kundi iyong klase na puno ng bigat. Parang bawat tao sa loob ng silid ay may iniisip na hindi pa sinasabi, may mga tanong na hindi pa itinatanong, at may mga sagot na hindi pa handang ilabas.Nakaupo ako sa isang sofa na nakaharap kay Eli. Katabi ko si Leon. Sa kabilang gilid naman, tahimik lang na nakaupo si Ariana, hawak ang tasa ng kape pero hindi umiinom.Pinagmamasdan lang niya kami. Hindi siya nakikialam. Hindi nagsasalita. Pero ramdam ko ang presensya niya. Hindi siya simpleng tagapakinig lang. Para siyang nag-oobserba. Parang may sarili siyang pag-aanalisa sa lahat ng nangyayari.Sa harap namin, si Eli.Tahimik siyang nakatingin sa amin habang dahan-dahang iniikot ang tasa ng kape sa kamay niya. Hindi siya nagsasalita agad. Parang hinahayaan niyang bumaba muna ang emosyon sa loob niya.Hindi na siya katulad kanina na may bahid pa ng gulat. May emosyon.Ngayon ay wala na.Nasa harap namin ang strategist at ramd
Pagbukas pa lang ng pinto ay agad kong naramdaman ang bigat ng presensya sa loob ng bahay. Hindi ito tulad ng ibang bahay na napasukan ko na— walang ingay ng telebisyon, walang halong kaguluhan ng pangkaraniwang pamumuhay. Tahimik.Parang bawat bagay ay nasa tamang lugar, hindi dahil sa kaayusan kundi dahil sa disiplina.Isang babae ang bumungad sa amin.“Ate?” bahagyang tawag niya, pero agad din niyang binawi nang mapansin si Leon.“Kuya Leon,” sabi niya, bahagyang ngumiti.Si Ariana.Hindi ko siya makakalimutan.Siya rin ang babaeng nakita ko noon sa Cebu. Hindi nagbago ang aura niya—kalmado, pero may lalim. Parang may sariling mundo sa loob ng isip niya na hindi basta-basta binubuksan.Saglit na nagtama ang mga mata namin. At sa sandaling iyon, may kung anong pamilyar na dumaan sa pagitan namin.Parang may alam siya. Hindi ko iyon pinansin.“Nasaan si Tito?” tanong ni Leon.“Sa study,” sagot niya. “Pero—”Hindi niya natapos. Dahil sa sandaling iyon ay may isa pang boses ang narinig
Tahimik pa rin ang café matapos ang lahat.Hindi na iyon ang parehong katahimikan kanina—hindi na iyon ang tensyon ng dalawang taong nagtataguan ng lihim. Ito na ang katahimikan ng dalawang taong parehong may alam at parehong pumili na hindi na umatras.Nakatingin pa rin si Leon sa akin.Hindi na ganoon katalim ang tingin niya tulad kanina, pero hindi rin iyon naging magaan. Mas naging malinaw at mas buo. Mas totoo.“Ipapakilala kita kay Tito Eli,” sabi niya sa wakas.Bahagya akong napakunot ng noo. Hindi dahil hindi ko inaasahan—kundi dahil sa bilis ng susunod niyang hakbang.“At alam kong matutuwa siya kapag nalaman niyang buhay ka.”Nanatili akong tahimik. Hindi ko agad sinagot.Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil kailangan kong iproseso ang bigat ng pangalang iyon.Eli.Ang taong matagal nang nasa gilid ng kuwento namin—pero ngayon ay unti-unti nang pumapasok sa sentro ng lahat. Ang taong tumulong sa nanay ko at sa akin noong bata pa lang ako, noong mga panahong hindi pa ako napad
Tahimik ang café.Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas matapos kong itanong ang tanong na iyon. Pero pakiramdam ko ay parang oras ang lumipas sa bigat ng katahimikan sa pagitan namin.Nakatingin pa rin si Leon sa akin. Diretso sa mga mata ko. Walang pag-iwas. Walang pagkurap. Parang sinusubukan niyang basahin ang bawat bahagi ng mukha ko. Para bang hinahanap niya kung may bakas ba ng kasinungalingan sa mga sinabi ko.Pero wala. Dahil wala akong itinago.Hindi na.Sa sandaling ito, ang lahat ay nakalatag na sa mesa. At ang tanging kulang na lang ay ang sagot niya.Sa tenga ko ay narinig ko ang mahinang boses ni Atlas. “He’s thinking.”Hindi ako sumagot. Hindi ako gumalaw. Hindi ko rin inalis ang tingin ko kay Leon. Hindi ko kayang ipakita ang kahit anong kahinaan sa sandaling ito. Dahil kung may isang maling galaw lang ako ay maaaring mabasag ang manipis na linya na nagdudugtong sa amin ngayon.At kapag nangyari iyon ay wala na akong babalikan.Ilang segundo pa ang lumipas.Pag
“I am...” Huminto ako. Hindi dahil nag-aalinlangan ako. Kundi dahil alam kong sa sandaling matapos kong sabihin ang susunod kong mga salita ay wala nang babalikan at wala ng atrasan. Wala nang pagtatago. Wala nang kontrol sa kung paano niya ako titingnan pagkatapos nito.Tahimik ang café.Hindi naman literal—may mga mahihinang ingay ng kubyertos, may mga usapan sa malayo—pero sa pagitan naming dalawa, parang naglaho ang lahat ng iyon. Parang kami lang ang nasa loob ng mundong ito.Nakatingin si Leon sa akin nang diretso sa mga mata ko. Mukhang hindi na nga kumukurap. Naghihintay sa kung anong susunod kong sasabihin.At ramdam ko na handa siyang pakinggan ang kahit anong sasabihin ko—pero hindi ko pa alam kung handa siyang tanggapin iyon.Huminga ako nang malalim.“I’m not just a secretary,” sabi ko sa wakas.Bahagyang gumalaw ang ekspresyon niya. Hindi pa galit. Hindi pa duda. Pero naroon na ang alertness.“Then what are you?” tanong niya.Mababa ang boses niya. Kontrolado iyon pero r
Paglabas ko ng headquarters ng Astra Noctis ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi.Tahimik ang paligid.Kung kanina ay puno ng tensyon ang loob ng underground base, ngayon naman ay parang napakalawak ng mundo sa labas—pero mas mabigat.Mas tahimik at kapag mas tahimik ay mas mapanganib.Huminto ako saglit sa tabi ng sasakyan ko, nakatitig sa walang laman na kalsada. Sa tenga ko ay narinig ko ang mahinang boses ni Atlas.“So, you’re really doing this.”Hindi ako agad sumagot.Sa halip ay inilabas ko ang phone ko at tinitigan ang screen. Nandoon ang pangalan niya.Leon.Bahagya akong napapikit.Sa loob ng ilang segundo ay bumalik sa isip ko ang lahat.Ang usapan namin kanina. Ang kwento niya. Ang sakit sa boses niya habang kinukwento ang pagkawala ng pamilya niya. Ang galit na pilit niyang pinipigilan.At ngayon...Alam ko na kung sino ang kalaban niya at kung sino ang kalaban ko.Pareho lang.Pareho lang kami ng taong nais pagbayarin.Huminga ako nang malalim.“Atlas,”
Mula nang matapos ang tawag namin ni Atlas ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. Alam kong puwede kong ipagpabukas ang desisyong iyon. Puwede kong sabihin sa sarili ko na kailangan ko munang mag-isip, kailangan kong mag-research pa, kailangan kong maghintay ng mas malinaw na ebidensya.Pero hindi ko
Tahimik ang hallway ng apartment building nang makarating ako sa unit ko.Hindi ko halos maalala kung paano ako nakauwi mula sa healthcare facility. Para bang awtomatikong gumalaw ang katawan ko habang ang isip ko ay nananatili pa rin sa silid na iyon—sa babaeng nakahiga sa kama, sa mga salitang bi
Tahimik ang silid matapos banggitin ni Leon ang pangalang iyon.Janine.Isang simpleng pangalan.Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may kung anong kumirot sa loob ng dibdib ko nang marinig ko iyon.Pinilit kong huminga nang normal habang nakatingin pa rin ako kay Sol na mahimbing na natut
Tahimik pa rin ang silid matapos sabihin ni Leon na patay na ang anak nina Sol at Javier.Twenty years ago.Paulit-ulit na umuukit ang mga salitang iyon sa isip ko habang nakatingin ako sa babaeng nakahiga sa kama. Mahimbing siyang natutulog, walang ideya sa lahat ng usapan na umiikot tungkol sa ka







