Home / Romance / Carrying My Ex-Boyfriend's Child / Chapter 2: I'm Pregnant

Share

Chapter 2: I'm Pregnant

Author: Misshimichi
last update Last Updated: 2022-09-04 00:06:56

NIKITA

"Huh?" Maang-maangan kong turan sa kaibigan ko. Kailangan kong pigilang manginig hangga't maaari dahil alam nito ang bawat ikot ng bituka ko. Nahahalata niya agad ako na may tinatago. 

"What? I know you're hiding something. Come on, tell me. Parang hindi kaibigan." Seryosong ani niya kaya mas lalo akong natakot. Bakit kasi ngayon niya pa naisipang magtanong kung kailan kumakain kami? Baka mawalan ako ng gana kumain nito.

"A-ano ba yun?" 

"Ano nga ba yun? May tinatago ka ba?" Balik tanong niya sakin.

"A-aba malay ko sayo. Kung anu-ano nalang naiisip mo diyan eh." Pinipigilan ko ang sarili kong h'wag mabulol dahil mas lalo lang 'tong mangungulit kakatanong sa akin hangga't 'di ko sinasabi. Daig pa nito ang NBI kung magtanong. Masyadong mapanghinala.

"Sige na nga 'di na kita kukulutin. Tutal mukhang nawawalan na rin naman ng saysay pagiging magkaibigan natin sa 'yo." Saad niya. Alam niya talaga kung paano ako konsensyahin.

"Wait..." Sambit ko sabay hawak sa tiyan ko.

"Nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang sabi niya at bahagya pang inangat ang pwet sa upuan.

"Nag-iba pakiramdam ng tiyan ko, magbabanyo muna siguro ako. Diyan ka lang. Huwag kang kukuha ng mga pagkain ko kung 'di kukulamin kita." Paglilihis ko nalang ng usapan dahilan para mapatawa siya.

Dali-dali akong pumunta sa CR dahil pakiramdam ko'y matatae na talaga ako sa kaba. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya o hindi. Kilala ko rin kasi ang kaibigan ko. Tiyak na magtataka o magtatanong 'yun tungkol sa ama ng anak ko. Baka pilitin niya lang akong sabihin o alamin ang tunay na ama ng dinadala ko at sugurin si Kent para bugbugin o piliting panagutan ako. Masisira ang iniingatan komg sikreto kung ganoon. 

'Baby, sasabihin ko ba dapat kay Tito Hanz mo o hindi? Hindi ko na alam gagawin ko, baby.'

Matapos kong ilabas ang sama ng loob ng tiyan ko ay lumabas na rin ako sa cubicle. Humarap ako sa salamin at nagbukas ng gripo upang maghilamos, baka sakaling malamigan ang ulo ko bago maisipang lumabas ng comfort room. Naalala ko na naman yung time na nagmall din kami ni Kent tapos natae ako kaya hinintay niya ko sa labas ng CR. Nang mainip siya ay kinatok niya na talaga. 

'Mainipin!'

Napangiti ako nang maalala ko 'yun. Ewan ko ba at ang bilis ng metabolism ko kaya ilang oras pagtapos kong kumain ay makakaramdam na agad ako ng pagtawag ng kalikasan. Agad ding napalis ang ngiti ko nang sumagi ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Kent sa akin noong isang araw.

'Ano ba yan Nikita? For once, don't think about Kent. 'Di ka dapat ma-depress lalo na't buntis ka!'

Buntis nga pala ako. Bawal sa akin ang maging malungkot dahil baka mapaglihi ko ang anak ko sa sama ng loob at maging bugnutin paglabas. Imbes killer smile ang ibigay sa mga tao, baka lagi siyang nakabusangot siya.

'Ano kaya magiging itsura ko kapag malaki na ang tiyan ko?'

In-imagine ko ang sarili kong nakahawak sa tiyan tapos nakabestida tapos biglang pumasok si Kent sabay akbay sa 'min habang nakangiti. Lahat ay sa imahinasyon nalang mangyayari. I'm sorry, baby at napagkaitan kitang magkaroon ng buong pamilya. I just don't want us to live in a forced life. Ayokong buhayin ka sa buhay na walang pagmamahal at lahat ay pinagpipilitan na lamang. Ayokong buhayin ka sa isang pagkukunwaring masayang pagsasama.

Yumuko nalang ako saka naghilamos ulit. Pagkatapos ay lumabas na ng CR. Pumunta na ko sa table namin ni Hanz. Mabuti at nandoon pa rin siya, 'di niya pa rin tapos ang kinakain niya kahit kaunti lang naman in-order niya.

Ang bagal kahit kailan kung kumain 'tong panot na 'to.

"Hanggang ngayon ba naman? Maarte ka pa rin kumain?" Pambabasag ko sa pagiging maarte niya sa pagsubo. Inirapan lang ako ng loko saka tinuro ang inupuan ko kanina. Umupo na ako at nilantakan nalang ang mga pagkain. Grabe! Nakakagutom ang amoy ng mga 'to.

"Ano? Tara na?" Pag-aaya sa 'kin ni Hanz matapos naming maubos ang mga pagkain.

"Tara na! Bayaran mo na 'yan since ikaw ang nagyaya at balikbayan dito." Sabi ko para makalibre ako. Maraming pera 'yan kaya kahit hindi ko sabihin ay alam kong siya ang magbabayad. Nagagalit pa nga 'yan kapag naglabas ako ng pera ko.

"Ganoon? Eh kung ipaduwal ko sa 'yo yung mga kinain mo kanina? Kababoy mo pa naman kumain. Pinagsabay-sabay mo pa iba-ibang putahe sa bunganga mo." Sabi niya rin kaya hinarap ko siya at pinektusan. "Aray! Napakamapanakit mo na ngayon ah? Ganyan mo 'ko ka-miss?" Sambit niya pa kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Ganiyan magsalita 'yan. Mapanakit at magaling mag-realtalk.

Natutuwa akong kurutin siya. Ang lambot ng balat, balat expensive.

"Aray! Ano ba 'yan mangkukulam, nag-evolve ka na ahh, naging sadistang mangkukulam ka na." Sabi niya pa nang kurutin ko ulit ito sa pisngi. Inirapan ko nalang siya para 'di na humaba ang usapan dahil kating-kati na 'ko sa arcade.

Namiss kong mag-arcade. 

Lumabas na kami ni Hanz sa restaurant. Naglalakad na kami ngayon papuntang Tom's World. Since nasa fifth floor pa ang Tom's World, hinila ako ni Hanz papuntang elevator.

"A-ayoko d-diyan!" Sabi ko dahil pakiramdam ko'y maduduwal ako kapag sumakay pa ko diyan. Knowing na andami kong nakain kanina tapos may baby na ko sa tiyan, baka ayaw niya sa ganyan kaya humindi na ko at baka bumaliktad ang ikot ng anak ko.

"Huh? Akala ko ba gustong-gusto mo 'to? Dati, ikaw pa 'yung nanghihila sa 'kin papuntang elevator. Ngayon, nangyari sa 'yo?" Sabi niya pa kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ah-eh- kasi 'di ba, ahm, ano kasi, baka magbrownout dito t-tapos mastuck tayo sa taas." Pang-uuto ko sa kaniya, walang maisip na magandang dahilan.

Stupid liar! Bakit 'yun pa ang naisip kong excuse?

"Tss, OA ka masyado. Siyempre may generator sila tapos pagaganahin nila ang elevator hanggang sa makababa ang nastuck sa taas! Napasok ba ng seafoods 'yung utak mo, Witch? Natalangka ka na rin." Biri pa niya pero 'di ko siya pinansin imbes hinila ko nalang siya papuntang escalator.

"Kasi 'di ba try naman natin 'yung escalator. Sawa na 'ko sa elevator eh." Sabi ko nalang pero 'di niya 'ko sinagot kaya nilingon ko siya at ayan pa rin ang pagtataka sa mukha niya. Nagbuntong-hininga nalang ako.

Nang mapunta kami sa fourth floor, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Nandito si Kent.. kasama si Lauren. Nakahawak sa Kent sa bewang ni Lauren na dati'y sa 'kin nakapulupot. 

Ang sama ng tadhana sa 'kin. 'Di ba siya naaawa eh buntis na nga 'ko tapos pinagtagpo niya pa rin kami ni Kent. Ang sama mo tadhana!! Ayoko na.

'P*ste'

Napahinto ako sa paglalakad. Ang saya ni Kent at 'yun ang lalo kong ikinaiyak. Ang bilis niyang makahanap ng iba samantalang ako, naniniwala sa kasabihang.. 'Dapat hintayin mo muna ang anim na buwan bago ka maghanap ng iba kapag kayo ay nagbreak.'

Pero hindi naman siya naghanap ng iba dahil sa simula palang ay hindi niya na 'ko pinatira sa puso niya. Simula palang, si Lauren na ang laman ng puso niya at hanggang ngayon, si Lauren pa rin ang mahal niya. 'Di niya man lang ako minahal sa isang taon naming pagsasama.

Akala ko'y hindi siya playboy pero wala rin pala siyang pinagkaiba dahil manloloko siya. Pinaniwala niyang minahal niya 'ko kahit hindi naman. Ginamit niya 'ko para punan ang pangungulila niya sa dati niyang kasintahan at ngayon na nagbalik na ay tapos na ang responsibilidad ko sa kaniya. 

Bakit ganoon? Alam ko ng 'di niya 'ko minahal pero hindi ko pa rin magawang magalit sa kaniya? Ang unfair ng mundo sa akin. Siya masaya, samantalang ako ay naiwan mag-isa.

'Baby, bakit ganoon? Hayaan nalang natin si daddy, 'no? Pasasayahin mo naman si mommy 'di ba?'

"Oh? Ang layo-layo ko na nandito ka pa rin pala. Akala ko nakasunod ka lang sa 'kin eh. Kanina ka pa pala nakatulala diyan." 

Nakita ko silang papasok sa bilihan ng mga bags. He really loves her. He buys everything she wants. She gives everything he could for her. He gives her the love that she deserves. Ang swerte mo, Lauren.

"Hoy Witch!" 

Bigla nalang akong dinala ng mga paa ko malapit sa shop na pinasukan nila.

"Teka! Wala ka sa sarili mo eh. Ano ba talagang nangyayari sayo?" Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang humablot sa mga braso ko. Doon lang ako natauhan na kasama ko pa pala si Hanz. Masyado akong nilalamon ni Kent.

"A-ano yun?" Tanging nasambit ko nalang nang makabalik ako sa katinuan.

"Kanina pa kita kinakausap. Looks like wala ka sa hulog ngayon! Nakahithit ka ba?" Seryoso niyang pagkakasabi pero biro ang sinabi niya. Siya lang may kakayanang magbiro habang seryoso ang mukha.

Nangilid nalang bigla ang mga luha ko at ewan ko, basta ko nalang siyang hinila papuntang escalator at tinangay papuntang parking lot. Pinapasok ko siya sa kotse at doon ako sa driver's seat.

"T-teka, saan tayo pupunta?" Nagtataka nitong tanong sa akin. "Hoy! Ako na magdadrive."

Hindi ko siya pinansin at binuksan ang makina. Patuloy lang siya sa pagsasalita pero maski isa wala akong pinansin. Puno ang isip ko ng mga kadramahan ko ngayon.

Nang makarating na kami sa isang playground na malapit lang sa subdivision namin ay hinatak ko na siya papalabas ng kotse. Umupo ako sa isang bench doon at alam ko namang sinusundan niya 'ko at umupo sa tabi ko.

"Tell me what's wrong?" Nag-aalalang tanong niya. Kusa na lamang na nagsibagsakan ang mga luha sa mata ko kasabay ang pagyakap ko sa best friend ko.

I need comfort. I need someone beside me. Gusto ko ring may kasama sa buhay na nagmamahal sa 'kin.

"Hanz, buntis ako" I said and that's when his eyes widened in shock.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Author's Note

    Hi! You're reading this now which means you've reached the epilogue. Before anything else, I just want to thank each and everyone of you for being with me throughout the story. It took me almost 3 years, I think, to finish this one and I'm very sorry for that. I was very busy with school and now that I'm already a Civil Engineer (just passed the boards) that is when I started writing again. Thank you for being patient and understanding. I enjoyed reading all of your comments. I hope this is not the last time that we will meet. I'll be more responsible in my next story (if given a chance again, lol). Nikita and Kent are now signing off!

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Epilogue

    KENT"Noah, kailan ka magbabagong bata ka? Tingin mo nakakatuwa 'yung ganyan? Nakakatuwa bang manakit?" Rinig kong kausap ni Nikita sa pangalawa naming anak na si Noah."Mom, hindi ko talaga 'yun girlfriend. I don't know why she's insisting." Pagtatanggol ni Noah sa sarili niya."What's happening here?" Singit ko na dahil paniguradong magagalit na naman si Nikita sa kaniya. "Hi, babe.""Ito kasing si Noah, may pumunta na naman ditong babae na nagpakilalang girlfriend niya na naman. Jusme, Kent! Hindi ka naman babaero dati, hindi rin naman ako lalakero, pero bakit 'yung anak mo, napakababaero?" Frustrated na pagsusumbong sa akin ni Nikita."Mom, I told you hindi ko po siya girlfriend. E sa.. sa.. nahalikan ko siya kahapon. Kasi naman, 'yung tropa niyang baliw sinadyang patirin siya kaya sa 'kin siya bumagsak. Tapos.. tapos.." Pahina nang pahina ang boses nito. "Tapos?" Sambit ko."Tapos ayun, hinalikan ko-""Anak ka ng batang maharot! Ilang taon ka nga lang ulit?" Labis na pahtitimpi

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 59: Where It All Started

    KENT"Hoy!" Pagtawag pansin ko sa kaklase kong umiiyak ngayon sa ilalim ng puno. "Hoy!" Tawag ko ulit nang hindi man lang ako nililingon. Kilala ko siya pero hindi ko pa nakakausap. She's always with the girls at lalong hindi rin ako palakaibigan. I only talk to my classmates about school. "Hoy may pasok pa tayo." Tawag ko ulit sa kaniya. Nag-angat ito ng tingin pero hindi pa rin inaalis ang kamay sa mata. Para siyang bata na nagtatakip ng mata habang umiiyak kasi inaway ng mga kalaro. I tried to sit near her. Maganda itong lugar na napili niya para umiyak. Kaunti lang ang mga tao na dumadaan. Harap kasi ito ng field at parang kagubatan na ang likod. "Are you okay?" Tanong ko pa rin sa kaniya kahit napaka-estupido ng tanong kong iyun. Kita ko na ngang umiiyak, tatanungin ko pa. Hindi niya 'ko sinagot at bumalik sa pagkakayuko. I'm not the type of person na mahilig manghimasok sa buhay ng iba but I always see her smile and laugh in class. I know she has a boyfriend kaya nakakapagt

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 58: Proposal

    NIKITANakauwi na kami galing sa Paris. Limang araw lang kami doon dahil may trabaho pa kami ni Kent.Kasama ko ngayon si Levi sa bahay. Ngayon namin bibisitahin si papa at mamaya ay isasama ko rin si Levi sa trabaho. Basta may hawak lang siyang libro na babasahin ay hindi siya mahirap isama kahit saan. Mabuti na rin 'to kaysa magbabad sa iPad o cellphone. He also doesn't like nursery rhyme. He thinks it's too young for him. Akala mo dalawampung taong gulang na kung makapagsalita. I just make sure na hindi pangit ang mga libro na binabasa niya. Malay ko ba kung may bed scene na pala siyang nababasa. Mabuti ng nag-iingat.Going back sa naging trip namin sa Paris, ang dami naming pinuntahan. Kakapagod ang mag-ama kapag nagsama. Ginagawa akong taga-picture slash yaya.Naalala ko pa nga 'yung paghahanap ng anak ko nong portrait ni Mona Lisa sa Louvre Museum. Tinatawanan pa namin siya. N

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 57: à quoi s'attendre?

    NIKITA"Babe?" Napalingon ako kay Kent nang marinig kong tawagin nito ang pangalan ko. "Is there anything wrong?""Ah, no. Nagchat sa 'kin si mama, gising na raw si papa." Banggit ko rito. "That's good news." Tumango ako sa sinabi nito. I'm very happy na sa wakas ay gising na si papa. I can't wait na umuwi na ng Pilipinas. Pero alam kong hindi naman pwede 'yun. Kent still has business to do here at masaya ang anak kong makapamasyal kaya hindi nalang siguro muna kami uuwi. Besides, limang araw nalang naman kami rito. I'll just give mama a call once we go back to our hotel. "I'll call mama later sa hotel." Tumango naman si Kent sa sinabi ko. I'm so glad na gising na rin sa wakas si papa. I know hindi pa kayang magtrabaho ni papa kaya siguradong hindi pa ako makakabalik ng America. America? Ngayon ay napapaisip na 'ko. Hindi ko alam kung babalik pa ba 'ko ng America or are we going to stay here for good. I mean, I haven't talk to Kent about his plan or kung ano ba talaga ang estado

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 56: Des moments à Paris

    NIKITA"How's work, babe?" He asked me when I enter the car. "Tiring. Ang aga mo naman atang matapos sa trabaho mo?" Sabi ko. This past few days he's so busy working on his proposal na ipepresenta niya raw sa Paris. Halos sa kumpanya na nga siya natutulog dahil doon. Gustong-gusto niyang sinusundo ako pero ako 'yung umaayaw dahil pagod nga naman siya. Baka kung ano pa mangyari sa kaniya kapag nagdrive nang puyat. Besides, he has his mini rest room in his office kaya doon ko nalang din siya pinapatulog. "Well, I missed you. I wanna see you both." He said as he reach for my seatbelt at siya na ang nagtuck in. "Where's my kiss?" Dahil naaawa ako sa kaniya ay 'di na rin ako nagpabebe pa at binigyan nalang siya ng halik sa pisngi. Pero dahil sugapa 'tong unggoy na 'to, humabol pa ng halik sa labi. "Babe, can you clear your schedule for me next week? I want to visit Paris with you two. It'll be our first family vacation." We're on our way to hospital para sunduin si Levi. Si mama na mu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status