SOMETIMES the best things in life were unexpected. Sobrang na-guilty ako sa pagtatangka kong mag-suicide. Masyado akong nilamon ng lungkot at galit. Hindi talaga biro ang depression at anxiety. Sobrang suwerte ko na rin na nakilala ko si Dr. TJ Montealegre. Nang dahil sa kaniya ay unti-unti kong nilalabanan ang depression at anxiety ko mula nang namatay si Mama. Libre lahat ng mga medications at pagpapakonsulta ko sa kaniya. Nakakahiya man pero sobrang nagpapasalamat ako sa kabutihang mayro’n siya. Nakikitira din ako sa bahay niya lalo na’t hindi ko kayang tumira nang mag-isa sa bahay namin ni Mama at parang masisiraan lang ako ng bait at baka kung ano rin ang maisip kong gawin.
Bilang kabayaran ay naglilinis at nagluluto ako sa bahay ni Dr. TJ. Napag-alaman ko na isang biyudo na pala siya. Namatay ang kaniyang asawa dahil inatake sa puso. Mag-isa na lang siya sa buhay at devotion na rin niyang tumulong sa kapwa.
Isinasama rin niya ako sa klinika na pagmamay-ari niya para naman makadalo ako sa mga counseling at makipaghalubilo sa mga kapwa kong nilalabanan at lumaban sa depression at anxiety. Sa ilang mga linggo kong pananatili ay naramdaman ko na hindi pa pala katapusan ang lahat at kailangang maging positibo.
“Kate,” pagtawag sa akin ni Dr. TJ na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
“Bakit po, Dr. TJ?” tanong ko habang hawak-hawak ang walis tambo.
Ngumiti naman siya sa akin. “Hindi ba’t sabi ko sa iyo na hindi kita pinatuloy dito sa aking bahay para maging isang maid? Bisita kita rito, Kate.”
Napanguso naman ako. “Eh. . . Wala na pong bisita na halos dito na po tumira ng ilang mga linggo. At saka po masaya naman po ako sa ginagawa ko. Simpleng paglilinis at pagluluto lamang ang ginagawa ko po para sa iyo bilang kabayaran sa pagtulong mo po nang walang pag-aalinlangan sa akin. Nagsasawa ka na po ba sa pagmumukha at mga niluluto ko?”
Natatawa siyang umiling at bahagya niyang itinaas ang kaniyang salamin mula sa kaniyang ilong. “Hindi kita sinisingil, Kate. Bukal sa loob ko ang pagtulong ko sa iyo pati na rin sa ibang mga taong nangangailangan. Pero nagpapasalamat talaga ako na nakilala kita dahil hindi na ako magtitiis sa cup noodles at fast food take outs.”
“Naku! Ikaw lang ang doktor na nakilala ko na hindi healthy living,” natatawang pang-aasar ko.
Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. “Well, hindi naman kasi ako marunong magluto at wala na rin akong oras na maging conscious sa mga kinakain ko. Simula kasi nang namatay ang asawa kong si Beverly ay naging ganito na ang habits ko.”
Huminga ako nang malalim. Ang hirap nang pinagdaraanan niya. Ilang taon siyang namuhay nang mag-isa. Ngunit hanggang ngayon ay napakapositibo niya at matulungin. Damang-dama ko rin na sobrang mahal na mahal niya ang kaniyang asawa lalo na’t ni-minsan ay hindi ko siya nakikitang nakikipag-mingle sa ibang babae.
‘He was indeed a prince charming with a loyal heart to the woman he loved even though she was already dead.’
“Hayaan mo po, Dr. TJ. Sisiguraduhin ko pong makakakain ka po nang maayos at puro lutong bahay na. Bawal na rin ang cup noodles. Huwag ka pong mag-alala dahil ako na po ang bahala sa iyo,” sambit ko.
Tinitigan niya ako nang maigi habang nakangiti. “Thank you, Kate. In your presence, I’m not alone anymore. Pakiramdam ko ay kasama ko pa rin ang asawa ko na si Beverly.”
Natunaw naman ang puso ko ro’n. “Bakit ayaw mo pong makipag-date sa ibang mga babae, Doc. TJ? Ang daming nagkaka-crush po sa iyo at halos mabusog na po ako sa mga ipinadala na mga Cake, Cupcake at Chocolates para sa iyo.”
“Wala pa ring makakapantay sa asawa ko na si Beverly. My love for her would never be faded even though she was already gone. Ang crush madaling mag-fade kapag nakahanap ka na ng iba pero ang true and eternal love ay hindi mawawala kahit humadlang pa ang kamatayan,” aniya.
Sobrang matured niyang mag-isip at loyal pa. Sobrang swerte ng babaeng mamahalin niya. Sana ay mayro’ng lalaking katulad niya.
Out of nowhere, I remembered Don Apollo’s dark brown tousled hair, deep-set blue eyes that were sharp and cold, aristocratic nose, thin lips and a cleft chin that were indeed perfect to the diamond shaped face. Also, he had a muscular built and sun-kissed skin.
“I want to taste every inch of you, and enter your p*ki now, Mia Adorabile Dea.”
Namula naman ang aking mukha dahil do’n. Agad akong umiling-iling para ialis sa aking isipan ang tungkol do’n.
‘May asawa na si Don Apollo kaya’t dapat hindi ko na siya pinagpapatasiyahan at iniisip pa. Mayro’n na siyang asawa at playboy na smajor turn off. Kagaya nga ng sabi ni Dr. TJ, ang crush madaling mawala lang kapag nakahanap na ng iba. Malilimutan ko rin ang tungkol do’n.’
“Ayos ka lang ba, Kate? Namumula ka. . . Teka, ano ang nangyayari sa iyo at panay ang pag-iling mo?” nag-aalala niyang tanong. “Itigil mo na iyang ginagawa mo at magpahinga ka na lang.”“Ay! Hindi po, ayos lang po ako. . . Mayro’n lang po akong naalala,” sagot ko.
“Hmm. . . Siguro naalala mo ang boyfriend mo, ‘no?” pang-aasar niya sa akin.
Mabilis akong umiling. “Naku! Wala po akong gano’n, Dr. TJ. No boyfriend since birth po ako.”
‘No boyfriend since birth ako pero hindi na ako virgin.’
Napakunot naman ang kaniyang noo. “Ha? Parang imposible namang paniwalaan iyon, Kate. Ang ganda-ganda mo at napakabait pa. Paniguradong walang lalaking hindi magkakagusto sa iyo.”
Namula naman ang mukha ko sa kaniyang sinabi. Hindi ko inakalang gano’n ang kaniyang sasabihin sa akin.
“Ahm. . . Wala po talaga, Dr. TJ. Hindi ko kasi priority ang gano’n dahil naka-focus po ako sa pag-aaral ko lalo na’t lagi po akong Dean’s lister sa pagiging Computer Engineering Student. Gusto ko pong maging proud sa akin si Mama at iahon siya mula sa hirap. Isang taon na lang po kasi at graduating student na po ako. Pangarap ko po kasing umakyat sa stage na mayro’n akong award na Suma Cum Laude at sasabitan po ako ni Mama ng mga medals. Hindi ko na po siya pagtitindahin ng Balut at paglalabahin ng mga damit ng aming kapitbahay dahil magkakaro’n po ako ng magandang trabaho.”
“Really? Wow! Impressed that you had that mindset. Dean’s lister ka rin pala. I’m sure that your Mama was indeed proud of you forever. Pero ayaw mo bang ituloy ang pag-aaral mo? Isang taon na lang pala at graduating student ka na. Paniguradong matutuwa ang Mama mo kung ipagpapatuloy mo ang iyon pag-aaral at tuparin ang mga pangarap mo,” aniya.
Huminga ako nang malalim. “Nawalan na po ako ng gana na ipagpatuloy ang aking mga pangarap nang namatay po si Mama, Dr. TJ. Siya lang naman po ang nag-iisang rason para magsumikap po ako. Balewala na lang po iyon kung ipagpapatuloy ko pa po.”
“Why not, do it for yourself, Kate? Wala namang masama kung ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo dahil magagamit mo rin ito para sa future mo. Huwag mong pigilan ang sarili mo na ipagpatuloy ang iyong mga pangarap. Oo nga’t wala na ang nag-iisang inspirasyon mo at iyon ang Mama mo pero gawin mo naman ang mga gusto para sa ikasisiya mo. Make your Mama proud, Kate. Alam kong mas matutuwa siya kung ipagpapatuloy mo pa rin ang iyong buhay kahit na hindi mo na siya kasama,” paliwanag niya.
Medyo naliwanagan ako. Alam kong medyo matigas ang aking ulo pero hindi siya sumusuko na ipaliwanag sa akin kung ano ang makabubuti sa aking buhay. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga sakripisyo at paghihirap ni Mama para ibigay sa akin ang magandang kinabukasan. Ayaw kong mabalewala iyon. “Susubukan ko po, Dr. TJ. . . Susubukan ko pong ipagpatuloy ang pag-aaral ko pati na rin ang aking mga pangarap pero hindi po muna ngayon. . .”
Ngumiti siya sa akin at tumango. “Take your time, Kate. Don’t worry, tutulungan kitang makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho. I had lots of colleagues and patients in different companies. Matutulungan kitang abutin ang mga pangarap ninyong dalawa ng Mama mo.”
Napamaang naman ako nang dahil do’n. “Ahm. . . Ang dami ko na pong utang sa iyo, Dr. TJ. Sobra-sobra na po ang naitulong mo po sa akin. Nakakahiya na po pati. . .”
Humalakhak siya habang umiling-iling. “No, don’t be shy to me, Kate. Hindi nga ako nahiya na magpaluto sa iyo ng mga lutong bahay at aaminin ko na medyo nasanay na ako ro’n. At saka maliit na bagay lang naman ang naitutulong ko. Gusto kong makita na unti-unti mong naaabot ang mga pangarap mo.”
Natunaw naman ang puso ko nang dahil do’n. Sobrang napakabuti niyang tao na mayro’ng ginintuang puso. “Ipinapangako ko pong babawi po ako sa iyo, Dr. TJ. . .”
Ngumiti siya. “Masarap na ulam lamang ay sapat na sa akin, Kate. Ayaw ko na rin kasi na bumalik sa cup noodles at fast food era ko.”
Hindi ko napigilang tumawa na sinabayan naman niya.
***
NAPATAKBO ako nang mabilis sa lababo para magsuka nang pagkabukas ko ng plastic tupperware na naglalaman ng Siomai. Bumaliktad ang sikmura nang naamoy ko ang Siomai at halos umiyak na ako sa sobrang hapdi ng aking lalamunan. Pakiramdam ko ay isusuka ko na pati ang aking mga bituka. Nang natapos ako ay hinang-hina ako at hindi ko napigilang sumandal sa gilid ng lababo. Medyo pinagpawisan ako nang malamig.
Nakatulog ako kanina pagkaalis ni Dr. TJ dahil mayro’n siyang aasikasuhin na mga pasyente sa kaniyang klinika. Ngunit gumising naman ako bago mag-alas tres ng hapon dahil maghahatid pa ako ng meryenda ni Dr. TJ. Medyo napasarap ang tulog ko at tinatamad akong bumangon pero paniguradong hahanapin ako ni Dr. TJ dahil hawak ko ang kaniyang meryenda.
Nagluto ako ng Maruya at inilagay sa tupperware at nagdala rin ako ng Lemon Juice na paborito niya. Sinundo ako ni Manong Lenard na driver ni Dr. TJ para ihatid ako sa klinika. Ngunit bago ako nakapasok ay lumapit sa akin ang binatilyong anak ng pasyente ni Dr. TJ at nag-abot ng mga pagkain ngunit hindi ko inakalang Siomai iyon. Kumakain naman ako dati nito at ito rin naman ang nagsalba sa akin no’ng nag-aaral ako mula high school at college. Ngunit nagtataka ako kung bakit ganito ang reaksyon ng aking katawan.
Mabilis akong lumayo kung saan nakapuwesto ang tupperware na naglalaman ng Siomai dahil pakiramdam ko ay masusuka na naman ako kapag lumapit ako ro’n.
“Uy! Hinahanap ka na ni Dr. TJ. Teka, aong nangyari sa iyo, Kate? Medyo namumutla ka, ha?” nag-aalalang tanong ni Miley, secretary ni Dr. TJ.
Nagulat naman ako dahil hindi ko napansin na mayro’ng pumasok sa loob ng Pantry Area.
“Ha? Ano. . . Ayos lang ako. . . Medyo nagsuka lang ako sa amoy ng Siomai at mukhang panis na, Miley.” sagot ko.
Napakunot ang kaniyang noo at nilapitan ang tupperware ng Siomai. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil nandidiri ako sa itsura ng mga Siomai sa loob.
“Uy! Hindi naman, ha? Echosera ka talaga, Kate. Ang bango-bango nga’t mukhang bagong luto pa,” nagtatakang turan ni Miley.
Napakunot ang noo ko. “Hindi, mabaho talaga iyan at itatapon ko na lang. Hindi ko ibibigay iyan kay Dr. TJ at baka sumakit lang ang kaniyang tiyan. Nagluto naman ako ng mga Maruya at iyon na lang ang kaniyang kakainin para sa kaniyang meryenda.”
Malakas siyang suminghap. “Uy! Huwag kang aksayado ng pagkain, Bruha! Itatapon mo pero bagong luto? Akin na lang ito kung ayaw mong ibigay kay Dr. TJ. Sayang ito at sakto rin dahil gutom na gutom ako.”
Nangasim naman ang aking mukha. “Kakainin mo ang Siomai na iyan, Miley?”
Naguguluhan siyang tumango at saka tumusok gamit ang toothpick para isubo sa loob ng bibig. “Oo, bakit? Wow! Ang sarap naman nito!”
Parang nasusuka naman ako sa isiping kakainin ni Miley ang mabahong Siomai na nasa loob ng tupperware ay kinakain niya. Mabilis na namang napatakbo ako sa lababo at sumuka.
“Ew! Kadiri ka naman, Kate! Bruha ka talaga!” bulalas niya.
Halos manghina ako sa pagsuka. Napakapit ako nang mahigpit sa lababo dahil pakiramdam ko ay babagsak ako. Puro laway lang naman ang sinusuka ko pero ang hapdi ng aking lalamunan. Nang matapos ako ay medyo nakaramdam ako ng hilo.
“Uy! Ano ba ang nangyayari sa iyo? Buntis ka ba? Bakit ka naman nagsusuka?” pagpapaulan ng tanong ni Miley sa akin.
“Ayos lang ako, pahingi na lang ako ng tubig,” paos kong sagot.
Mabilis naman niya akong inalalayang umupo sa silya at inabutan ng isang basong tubig.
“Alam mo, sa inaakto mo ay para kang buntis. Kabisado ko na ang gan’yan lalo na’t nanganak na ako ng apat. Teka nga, kailan ang huling menstruation mo?” aniya.
Parang bombang sumabog iyon sa aking utak. Regular ang aking menstruation at mahigit isang buwan na akong hindi dinadatnan. Sa sobrang stress ko ay hindi ko na napansin iyon.
Lumapit siya sa akin at bumulong sa aking tainga. “Hinayaan mo bang iputok ng boyfriend mo sa loob ang kanyang semilya pagkatapos ninyong mag-sex? At saka nagsuot ba siya ng kapote, I mean ng condom sa kaniyang junior?”
Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko iyon at parang gustong lumabas ng kaluluwa ko mula sa aking katawan.
‘Hala! Hindi ko na mabilang kung ilang beses iyon. Wala rin siyang sinuot na condom. Hindi puwedeng i-describe sa kaniyang kahandaan ang junior dahil isa iyong halimaw.’
“Kapag gano’n ay mayro’ng malaking posibilidad na mabuntis ka. Pero try mo pa rin na gumamit ng pregnancy test kit para mas makasiguro na buntis ka o hindi,” pagpapatuloy niya.Hindi ko napigilang makaramdam ng takot at kaba dahil hindi ko pa nakikita ang aking sarili na magkakaro’n ng anak. Hindi pa ako handa na maging isang ina.
“Ahm. . . Ikaw na muna ang bahalang magbigay kay Dr. TJ ng meryenda niya at mayro’n lang akong pupuntahan,” paalam ko.
Nakakaunawa siyang tumango. “Oh, sige. Mag-iingat ka, ha? Sabihan mo na rin ang boyfriend mo kung ano ba ang magiging resulta. Bumili ka rin ng maraming pregnancy test kits para makasiguro ka sa resulta.”
Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Ipinasok ko sa loob ng aking mga bulsa ang mga kamay ko dahil sobrang nanginginig iyon.
With that, I immediately left the clinic, and headed secretly to the nearest pharmacy to buy some pregnancy test kits before I returned to the clinic to use the comfort room to do my deed. I badly wanted to know if I’m really pregnant or not even though I’m really scared.
NAPANGUSO ako habang nakatingin sa mga tao sa loob ng bahay at halos wala sila. It was already the twenty-first day of August which was my birthday. At mukhang nalimutan ng lahat ang araw na ito lalo na’t busy silang lahat. Ang tanging kasama ko lamang sa bahay ay ang bunso naming anak ni Orion na si Reagan Alessandro na magiging one year old ngayong taon. No’ng mga nakaraang mga birthday ko ay talagang hindi pumapasok si Orion sa trabaho para mag-date kami pagkatapos naming ihatid ang aming mga anak sa school at susunduin din pagkatapos ng klase para mag-family date ulit. Ngunit mukhang hindi mangyayari iyon. Napakatahimik ng buong bahay at maaga silang umalis dahil busy sila sa kani-kanilang mga gagawin. Si Orion na ang naghatid sa aming mga anak dahil mayro’ng gagawin na tasks at activities sina Hunter, Ravi at Stella Diana. Ang bilis ng panahon at Junior High School na ang aking triplets at sobrang active sila sa school at laging nasa honors. Sobrang supportive naman kaming dala
Mafia Lord Orion’s POVI STARED at my precious children who were busy putting candles and flowers around the mausoleum. It was already years after that tragedy happened, and it was now all done. Many people were terrified in my presence, especially that I’m powerful and strong which made anyone try not to mess up with me, because they would definitely face their worst nightmare which was a brutal death. ‘But there was only one person who could make a Mafia Lord like me turn weak, and that was his beloved queen. The real Mafia Queen was his wife, and the mother of his babies who were the future descendants of Dio del Sole Clan.’ I couldn’t help but to sighed heavily as I remembered Kate who turned pale and lifeless around my arms while blood was all over upper body. It was indeed a nightmare to see her in that state, and after we rushed her into the hospital, she was in critical condition, and became comatose. There were times that her heartbeat would be flat, and I’m so insane and fr
DEATH was the wish of some, the relief of many, and the end of all. Nanginginig ako sa galit at takot lalo na’t kasama ko ang aking mga anak na triplets habang nakangising nakatingin sa amin si Venus na tila nasisiraan na ng bait. “Huwag na huwag mong sasaktan at idadamay ang mga anak kong triplets, Venus. Ako ang harapin mo at magtuos tayong dalawa hanggang sa kamatayan,” seryoso kong turan. Venus chuckled devilishly. “Why? Scared that your f*cking bastard children would die like what happened to their pathetic unborn sibling? Don’t worry, death would definitely take them out of the pain from having a b*tch mother like you.” “Bad ka! Bad ka! Huwag mong aawayin ang Mama namin! Isusumbong ka namin kay Papa!” nanggigigil na asik ni Ravi.Napanguso naman si Venus. “Oh, why, Darling? I’m with you when that b*tch mother of yours ran away, and I even took care of the three of you. I’m still your Mommy like what you always called me before.”Hunter scoffed. “You weren’t our mother! Kahit
THERE would be two options in a war, hunt or get hunted. Months had passed after Orion and I reconciled after he knew the truth behind everything that happened, and Venus was the greatest nemesis we had to deal with. But I couldn’t believe that Venus suddenly was missing in action in the past few months after Orion knew the truth, and both of us were hunting and finding her whereabouts all around the world, but still, there was no clue to where she was hiding. Maraming nag-pull-out sa mga negosyo at endorsements ni Venus at na-bankrupt ang lahat ng mga ito lalo na’t hindi nagpapakita at nagbibigay ng mga updates si Venus kaya naman ang mga investors at lumipat sa Artemis. Naging missing in action din ito dahil nag silabasan din ang mga baho nito. Mula sa affairs nito sa iba’t-ibang mga lalaki at mga illegal na transaksyon. Habang hinahanap namin si Venus ay nagkaro’n ng pagkakataon na makilala nina Papà at pati na rin ng aking mga kapatid na sina Ate Carla at Ate Yeye ang aking mg
THERE were three things that couldn’t hide which were the sun, moon and the truth. Tinawagan ko si Ate Carla na hindi muna ako makauuwi ng ilang mga araw dahil kailangan ako ng mga bata at sasama muna ako pansamantala sa bahay ni Orion. Naintindihan naman niya iyon at sasabihin na lang kay Papà ang mga nangyari para hindi mag-alala si Papà. Ngunit hndi nakaligtas sa akin ang tili ni Ate Yeye mula sa kabilang linya na halatang nakikinig sa usapan naming dalawa ni Ate Carla. Inaasar pa ako ni Ate Yeye habang humahagikhik na baka pagbumalik na ako ay buntis na naman daw ako. Sisiguraduhin naman ng aking mga kapatid pati ni Jossel na maayos ang pamamalakad ng Artemis. Humingi rin ako ng paumanhin kay Alexander at ipina-reschedule ang photoshoot ko dahil mayro’n akong important emergency matter na kailangang asikasuhin at mabuti na lang ay pumayag siya. Namula naman ang aking mukha dahil malabong mangyari ang sinasabi ni Ate Yeye lalo na’t hindi ako masyadong pinapansin ni Orion at sobran
THERE were no secrets that time didn’t reveal. Naging madalas na ang pasikretong pagbisita ko sa aking mga anak na triplets sa aming sikretong tagpuan sa school. Mayro’n ding pagkakataon na dinadalhan ko ng mga iniluto kong pagkain para sa kanila at sobrang masaya ako dahil na-a-appreciate nila ang mga efforts ko at ipinapadama ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal kahit tuwing weekdays lamang. Sobrang malaki ang pasasalamat ko kay Ate Carla lalo na’t ginagawan niya talaga ng paraan na magkaro’n kami ng oras ng aking mga anak na magkasama kahit sandali lamang. Hindi ko napigilang mag-alala nang isang araw ay nahimatay si Stella Diana dahil sobrang taas ng lagnat. Nanghihina rin sina Hunter at Ravi. Nagtataka ako kung bakit pinapasok sila ni Orion kung ganito ang nararamdaman ng mga bata. Nadurog ang aking puso na nagsinungaling sila para lamang makita at makasama ako. Ayaw nilang mag-stay sa bahay dahil hindi nila ako makikita. Nag-aalala ako at hindi ko napigilang samahan si Ste