Tinanguan ko na lamang ang mga pulis dahil hindi parin natigil sa pag-iyak si Quinn. Hinayaan ko na lamang siya at tumahimik. Naalala ko nanaman ang anak ko, muling tumulo ang aking luha ngunit agad ko rin iyong pinunasan. Nagpaalam ako kay nanay na aalis ako para nga sa surprise ko sa birthday ni Quinn ang kaso hindi niya alam na sinama ko si Zayne. Napatingin ako sa orasan at nakita kong mag aalas dose na ng madaling araw. "Quinn tumahan kana, wala kang kasalanan okay? Wag mong sisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan dahil basta basta nalang akong umihi sa ganoong lugar," Kailangan ko ring umuwi agad dahil maaaring magwala si nanay kapag hindi niya nakita si Zayne doon, hindi niya alam na isinama ko ito at worst ay ipinamigay ko pa sa ama nito. Humiwalay si Quinn sa pagkakayakap ko at umiling saakin. "H-hindi ito mangyayari kung—" "Shhh, tapos na yun Quinn. Ang mahalaga ay ayos na ako hindi ba? So bakit kapa ma guguilty jan?" Natahimik naman siya sa sinabi ko kaya n
Kinalong ni Zekiel ang sanggol at katulad kanina ay hindi pa 'rin maputol ang titigan nilang mag-ama. Si Zekiel ay parang mapuputol ang kaniyang hininga dahil sa nangyayari, nag uumapaw ang galak sa kaniyang puso sa di malamang dahilan. Lalo na nang buhatin niya si Zayne ay mas lalong napuno ng kasiyahan ang kaniyang puso. "Z-zayne," Hindi alam ni Zekiel pero yan ang naibigkas niya at pagkasabing pagkasabi niya niyon ay nakita nila ang masayang muka ng sanggol na naglilikot at tila inaabot ang muka niya. Hindi napigilan ni Zekiel ang pagngiti rin dahil sa kaniyang nakita na nakakuha ng reaction ng mga kasambahay dahil magkamukang magkamuka sila ultimo pagtawa. Sakto naman na napicturan ni Manang Cecelia ang tagpo na iyon at dahil nga may tunog ang pag click ng camera ay napatingin sa kaniya ang mga ito lalo na si Zekiel. "Hindi ko hahayaan na hindi makunan ang ganoong tagpo!" masayang sabi nito na ikinawala ng ngiti ni Zekiel at tumikhim. "W-where is his mother?" Hindi nap
"LOVE, mahahanap din natin si Claire," Pagpapalubag loob na sabi ni Dylan sa kaniyang asawa. Tatlong buwan na ang nakakaraan magmula nang lumipad sila patungo sa ibang bansa upang doon manganak at tatlong buwan narin ang nakakaraan magmula ng makita nila si Claire at ang pamilya nito. "Pero wala ako sa tabi niya, hindi ko na alam ang nangyari sa kaniya. Wala na sila doon sa tinitirhan nila saan sila nagpunta?" Naguguluhan na sabi ni Bea sa asawa. "Wag kang mag-alala darating ang araw na makikita natin sila. Kung ano man ang nangyari malamang ay may rason sila kaya sila biglang nawala hindi ba?" natahimik nalamang si Claire dahil sa sinabi ng kaniyang asawa. Walang oras o araw na hindi niya naiisip ang kaibigan dahil nag-aalala siya para dito. Hindi naman niya inaasahan na pagbalik nila ay wala doon sila Claire. Nagkaroon sila nang anak na babae na nasa dalawang buwan na ngayon. Natutulog ito sa may crib nito sa kwarto nila hanggat maaari na bata pa ang anak nila ay ayaw nilan
Pagbukas nila ng pinto ay nakita nila na nakaupo si Kiel habang nilalaro ang anak nito sa crib. Namangha sila sa ayos nang kwarto dahil panglalaking panlalaki ito at talagang napakaganda niya at alam mo na agad na mamahalin. Sa laki ba naman ng bahay ni Kiel hindi siya mawawalan siya ng pera pampagawa sa kwarto ng anak. Nagkatinginan muna ang mag-asawa dahil sa kanilang nasaksihan. Parehas na tumatawa ang mag-ama kaya nagulat silang dalawa. Ngayon lang nila nakita na natawa ng ganoon si Kiel. Tumikhim si Dylan kaya naagaw nila ang attention nito. Tumikhim si Zekiel at agad na tumayo. "You're both here," May diin na sabi ni Zekiel sa both ngunit hindi ito pinansin nang mag-asawa lalo na si Bea at agad na nakita si Zayne. "Zayne!!!" Agad na tumakbo si Bea kay Zayne nang mamukaan niya ito. Nagulat pa si Zayne dahil sa biglang pagtawag sa kaniya ngunit hindi naman ito umiyak dahil nakilala nito ang boses ng dalaga. "Zayne! TitaNinang is here! OMG! Ang laki mo na!" Binuhat a
Natigilan muli si Claire dahil sa sinabi ni Bea, hindi niya akalain na huhusgahan siya agad nng kaibigan niya. “Wala kang alam Bea bakit nangenge-alam ka?”Natawa si Bea ng mapakla dahil sa sinabi ni Claire at kitang-kita ang sakit sa mata ni Bea dahil sa sinabi ni Claire.Nagulat din ang dalaga sa nasabi niya at gusto sanang bawiin ito ngunit huli na. “Oo nga naman sino ba naman ako para pakialamnan ka! Tama sino nga ba ako?! Hahaha tinatapos mo ba ang pag kakaibigan natin Claire?” “Wala akong sinasabing ganiyan Bea,” mahinahong sabi ni Claire sa kaniya. “Pero yun ang pinaparating mo! I hate you! Bigla kang nawala na parang bula tapos ipinamigay mo pa ang anak mo at pagkatapos ganito ang ipapakita mo saakin?! I hate you!” Pagkasabi ni Bea ‘non ay agad itong umalis habang si Claire naman ay hindi na nagawa pang habulin ang kaibigan. Feeling niya ay sinaksak siya ng maraming karayom dahil sa sinabi ni Bea sa kaniya. Sunod-sunod na nagsituluan ang luha sa mga mata ni Claire dahil d
“Dear Bea, First of all gusto kong humingi ng tawad dahil wala ako sa tabi mo sa oras na kailangan mo ako. Nung manganak ka at umuwi kayo ng pilipinas. Trust me I don't want that but it just happened. Second is I want you to know the reason why. Ilang araw lang ang lumipas matapos kong manganak at ng umalis kayo nang mamatavy si mama. Sobrang sakit saakin ng araw na iyon, hindi ko alam ang gagawin ko kung kakayanin ko ba o kung makaka move on ako. And then fresh pa ang lahat saakin ng ilibing si Mama nang may panibagong dagok nanaman na dumating sa buhay namin. Dumating ang mga taga bangko at sinabing na bankrupt kami at lahat nang ari-arian na meron kami ang siyang bayad sa utang na iyon. We don't have a choice but to leave the house. Nakapagsimula kami ng maayos kahit nangungupahan and I found a Job until unexpected thing happened again. Nagkasakit si Zayne, nagkaroon siya ng Dengue. Nung mga panahon na yun nagsisimula na akong kwestyunin lahat ng mga nangyayari saamin lalo na
Second year college si Quinn ng mag-aral si Claire sa first year pero she took exam that is why she upgraded into second year. Nang mapasa niya ang exam and solid with no wrong doon nagsimula na makilala siya ng lahat nang professor. Siya ang takbuhan nang marami sa tuwing mayroong kinakailangan na big events at biglaan na design for dresses in short dipa siya nakaka graduate kinokontrata na siya nang mga prof niya. Their Dean was so approved with that and to her surprised magulang ni Quinn ang dean nang school. Kaya nag-offer si Quinn na tutulungan siya sa pag-aaral dahil sila pala ang may-ari nito. Habang nag-aaral ay hindi lingid sa lahat na may anak na si Claire dahil paminsan minsan niya itong sinasama doon. Zoey grow up with a beuty and brain just like her mother. Maraming nagsasabi na si Zoey ang susunod sa yapak ng kaniyang ina at naniniwala si Claire doon, baby pa lang ay nakikitaan na niya ng potential ang anak and she's proud of it. Now, bumalik na ang buhay nila sa
“Wow mommy! Ang ganda nga!” Sumalubong sa kanila ang isang bahay na karamihan ay mayroong bulaklak sa bawat sulok ng bahay. Makikita mo ang ilang pagkakaayos ng mga gamit na familiar kay nanay Lucing. “Katulad parin nang dati,” napangiti si Claire dahil sa sinabi ng kaniyang nanay. “Sinadya ko ho ito nay, gusto ko na kapag balik natin ay kaparehong kapareho parin ito ng ating bahay noon,” Napatingin si Claire sa paligid. Masasabi niyang gumaan na ang pakiramdam niya kahit papaano dahil sa kaniyang ginawa. Walang mapapagsidlan ang kaligayahan na naramdaman nilang mag-nanay. Pagkatapos nilang libutin ang bahay ay nagpahinga na ang mga ito sa kani-kanilang mga kwarto habang silang dalawa ni Zoey ay magkasama sa kwarto niya noon. “Mommy kwarto mo ito noon? Ang ganda po!” nakangiting sabi ni Zoey habang nakaupo sa gilid ng higaan at nagmamasid sa paligid. Napangiti si Claire dahil doon at tumabi sa kaniyang anak na nagmasid sa loob ng kwarto. “You know what my daughter, I have a