NAGISING si Claire dahil sa sikat ng araw mula sa bintana. Sumalubong sa kaniya ang bukas na bintana kung saan nagmumula ang sinag ng araw na gumising sa kaniya. Napaunat siya dahil sa sarap ng kaniyang pagkakatulog ngunit agad natigilan ng mayroong mapansing kakaiba. Agad siyang napahawak sa kumot na nakatalukbong sa kaniya ng mapansin na wala siyang suot kahit isang damit sa katawan. “You're awake,” Nagulat siya ng mayroong magsalita sa tabi niya kaya agad siyang napalingon doon at nakita niya si Zekiel. Nagsimula ng magsitambulan ang puso niya sa sobrang kaba dahil doon. Lalo na at nagpasukan sa isip niya ang nangyari kagabi. ‘N-no this can't be happening,’ Piping sabi niya sa sarili at agad na sumilay ang luha sa mga mata niya. Nakita iyon ni Zekiel kaya agad itong nag-alala sa dalaga. “Hey why are you crying?” Sabi nito at hinawakan siya sa magkabilang braso ngunit agad iyong inalis ni Claire na ikinagulat nito. “No don't touch me, this is wrong. Mali itong nangyari
“Tita-Mommy!” niyakap siya ni Zayne ng makarating ito sa gawi nila sa pinto kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang yakapin nalang ito. Gusto niyang kumuha nang lakas mula sa anak. Napagawi ang tingin niya kay Zekiel na seryosong nakatingin sa kaniya kaya napiwas nalamang siya ng tingin. “Kanina papo kita hinahanap Tita-Mommy, nagpunta kami ni daddy sa room niyo pero wala po ata kayo kasi di niyo binubuksan ang pinto,” Nabaling ang tingin niya sa anak dahil sa sinabi nito. Nakatingin ito sa kaniya kaya ngumiti siya dito at ginulo ang buhok. “Wala si tita kanina lumabas ako eh,” Napakunot ang noo ni Zekiel dahil doon. Ngayon sigurado na talaga siyang iniiwasan siya ng dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit, alam niya sa sarili niya papanagutan niya si Claire kung sakali mang mabuntis ito ngunit sa tuwing iniisip niya iyon ay napasok sa isip niya ang ina ni Zayne hindi niya ito magawang iwan-iwanan. Hindi niya maiwan ang nakaraan. “Ganon po ba? Dito ka na po mag dinner a
“It's okay Mommy I understand po! Masaya na po ako sa nalaman ko at least may itsura na siya sa imagination ko!” Napangiti ng mapait si Claire dahil doon at iniba ang usapan. “Kamusta na nga pala si anay Lucing at si tita Quinn mo?” “They are okay mommy, natutulog na po sila. Pagod po kasi si ita Quinn kanina sabi niya po marami siyang work na ginawa samantalang si nanay naman po pinagpahinga ko na 'rin po para maagang nakatulog. While me I'm waiting for your call,” Napatango naman si Claire dahil sa sinabi nito nakalilimutan na niyang tawagan si Quinn, naiwan dito lahat nang trabaho niya. Si Quinn ay kasosyo niya sa negosyo at pinakang pinagkakatiwalaan niya para dito sa panandalian niyang pagkawala. “Tell tita Quinn that I'll call her tomorrow, at pakisabi kay nanay wag magpapakapagod okay? While you, sleep na okay? Tulog na pala sila jaan,” “Yes po mommy! I'm so happy that you called miss na po kasi kita eh!” “I miss you too, behave okay? I love you and goodnight,” “
PAGDILAT ng mga mata ni Claire ay sumalubong sa kaniya ang muka ni Zekiel at Zayne na nag-aalalang nakatingin sa kaniya. “Tita-Mommy are you okay now?” Agad napabangon si Claire mula sa pagkakahiga sa sala na siyang inalalayan naman agad ni Zekiel. “I'm okay, what happened?”Hirap pa na sabi ni Claire na ikinatinginan ng mag-ama. Si Zayne ang sumagot dahil alam niya na walang balak na magsalita ang ama niya. Andoon na si Zayne magmula ng sumabat si Zekiel pagkatapos nang tawag ni Claire. Nagtaka kasi si Zayne na ang tagal bumalik ng dalawa kaya sumunod siya dito at doon nga ay naabutan niya ang dalawa hanggang sa hindi na niya napigilan at nakinig siya sa usapan ng matatanda. Although alam niya na bawal makinig sa usapan nang mga ito ngunit hindi niya napigilan lalo na at tungkol iyon kay Claire. “You passed out again Tita-Mommy,”Napaisip si Claire dahil sa sinabi ni Zayne at agad na nanglaki ang mata pagkatapos ay napatingin sa mag ama at muling umiwas dahil alam na ng dalawa an
Hindi na napigilan ni Claire ang mapaiyak dahil doon. Napatakip siya sa bibig niya dahil ayaw niyang marinig ng dalawa ang kaniyang pag-iyak. Parang dinudurog ang puso niya dahil doon, parang gusto niyang saktan ang sarili niya dahil sa maling ginawa niya. Gusto niyang maglaho nalamang upang wag maramdaman ang sakit na nararamdaman niya. Nang hindi matigil-tigil ang pag-iyak niya na halos hindi na niya ikahinga sa sobrang pagpipigil ay dali-dali siyang tumakbo palabas dala-dala ang kaniyang cellphone at dumeretsyo sa beach. Maraming nakapansin sa kaniyang mga empleyado ni Bea ngunit hindi niya ito pinansin at nagderederetsyo sa patutunguhan. Nang makarating sa beach ay doon na niya ibinuhos ang sakit na nararamdaman niya, ang pagpipigil niya sa pag-iyak. Unti-unti siyang napaluhod dahil sa panghihina ng kaniyang mga tuhod. “Ahhh!!!” Napasigaw nalamang siya dahil sa sakit na nararamdaman. Ang gusto niya at ang plano niya ay ang mapalapit sa anak niya, hindi niya ginusto na mag
Kinabukasan ay maagang nagising si Claire at maaga ring pumasok. Nagbabakasakali siya na pansinin na siya ni Zayne o di kaya ni Zekiel at pabalikin siya sa trabaho. Nag asikaso muna siya nang mga papeles na andodoon hanggang sa dumating si Zekiel kasama ang anak nito. Agad siyang ngumiti at tumayo upang batiin ang dalawa. “Good morning Sir, Good morning Zayne!” Malaking ngiting sabi niya sa dalawa ngunit parang bingi ang mga ito na walang narinig na nagpatuloy sa paglalakad papunta sa office. Nanghihinang napaupo si Claire sa upuan niya at tumulo ang luha niya kasabay ng pagkawala nang ngiti niya sa labi. Agad niyang ipinilig ang ulo dahil naiintindihan niya na galit pa ang mga ito sa kaniya. Bibigyan niya muna nang oras ang mga ito. Ngunit ang oras na ibinigay niya ay umabot na nang halos isang linggo, paulit-ulit na nangyayaring dumadaan ang mga ito at paralamang siyang hangin. Hindi na niya kaya, hindi na niya kinakaya. Sa tuwing nilalagpasan lamang siya nang mga ito lal
CLAIRE Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa lalaking gwapong nasa harapan ko. Kung titignan mo siya ay mahahalata mo na agad na isa 'rin siyang business man na katulad ni Zekiel lalo na at pareho silang naka business attire. Pero mas gwapo si Zekiel masama nga lang ugali di tulad ng kaharap ko ngayon. Pero bakit parang familiar saakin ang Hunt na apilyido?“Yes it was me, sorry kung hindi ako nagpakita sayo that time nahihiya kasi ako. Pero binantayan kita hanggang sa dumating ang kaibigan mo,” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya so all that time may nakabantay saakin?! Kaya pala parang feeling ko may nakatingin saakin. “Binantayan mo ako? Wait! Wag kang mag sorry ako nga dapat magpasalamat sayo pero hindi mo na kailangang gawin yun,” Napangiti siya sa sinabi ko at nakita ko ang pantay pantay niyang mapuputing labi, bagay na bagay sa kaniya ang ngiti niya. “How could I leave? You look like depressed that time and crying,”Natahimik ako sa sinabi niya at napangiti nanaman n
“Zayne,” lumingon ako sa likod ko at nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ako nakakilos dahil doon, hindi ko inaasahan na nasa likuran ko lamang siya dahil sa pagkakaba ko kanina sa labas. “I-I'm sorry Tita-Mommy sa hindi pagpansin sayo, sorry kung umabot sa ganito ang lahat, nalungkot lang po talaga ako sa balita mo na meron ka nang—” “Shhh tapos na yun Zayne stop crying,” Lumuhod ako upang makapantay si Zayne at hinagod ang likuran nito. Ayokong nakikitang naiyak ang anak ko kaya mas gugustuhin kong masaktan nalang ako o ako ang umiyak kesa siya. “Sorry po kung tinanggal kayo ni daddy—” “Zayne stop, ayos lang yun kay Tita-Mommy. Naiintindihan ko si daddy mo, I hurt you that time. Ako dapat ang humingi ng tawad, I'm sorry Zayne nasaktan kita ng sandaling yun kaso wala nang magbabago Zayne may anak na ako,” Napahiwalay siya sa pagkakayakap ko dahil sa sinabi kong iyon at tumingin saakin. “About you daughter Tita-Mommy what is she look like? You? What is her n