Share

Kabanata 3

Author: DonyaLoryanna
last update Last Updated: 2023-10-28 00:31:41

SA PAG-AKBAY NI Trinity kay Damira, alam niyang naguguluhan pa ito sa mga nangyayari.

“T-teka!”

Agad na lumapit sa kanila si Lorna at hinawakan sa magkabilang balikat ang pamangkin. Umiwas pa si Damira ng tingin dahil sa galit.

“P-paano ‘yong mama ni Damira? Pa’no kapag nalaman niya na hindi na siya sa amin nakatira. Binilin siya ng kapatid ko sa akin.”

Tumaas ang kilay ni Trinity. “That’s not your problem anymore. Ang isipin ninyo ay kung paano ninyo mababayaran ang pagkakautang ninyo sa akin. Hindi ko na pababayaran ang interest. Bayaran ninyo ang sampung libo na inutang ninyo.”

‘Teka…” Sumunod naman ang asawa nitong si Eddie. “Paano kami makakapagbayad kung kukunin n’yo sa amin si Damira?”

Mas lalong tumaas ang kilay ni Trinity dahil para bang isa siyang kontrabida sa sitwasyong ito.

“Hindi ako makapaniwalang may mga tao pa palang kagayan ninyo. Aba, magbanat kayo ng buto! Nakakahiya sa mga mas matatanda pa sa inyo na nakakaya pang maghanapbuhay!”

“Sandali! Papiliin natin si Damira,” ani Lorna at saka lumayo nang kaunti sa pamangkin.

“Oo nga. Hindi ba, Damira, kami naman ang pipiliin mo? Pasensya ka na kung pini-pressure ka namin. Hayaan mo, hindi na mauulit ‘yon. Hinding-hindi ka na namin gigipitin mula ngayon. Huwag mo lang kaming iwan…please?” pagsusumamo pa ni Eddie sa babae.

Kinabahan si Trinity ngunit dumadalanging huwag sanang pumayag ang babae na muling tumira sa mga ito.

“Ano, Damira? Sasama ka sa akin bilang bagong employer mo o mag-stay ka sa mga kamag-anak mo?” tanong niya pa sa babae.

Hindi ito umimik ngunit narinig niya ang pagbuntong-hininga.

“Sasama po ako sa inyo, Miss Trinity.”

Para bang hindi makapaniwala ang mag-asawa sa naging desisyon ni Damira.

“D-Damira, hindi mo naman kilala ‘yang babaeng ‘yan. Bakit ka sasama? Mas kilala mo kami, ‘di ba?” pang-eengganyo pa ni Lorna sa pamangkin. Nagawa pa nitong hawakan sa braso ang babae.

Iwinaksi ni Damira ang pagkakahawak nito. “’Yon na nga, eh. Kilala ko nga kayo. Kadugo ko nga kayo, pero ano’ng ginawa n’yo sa akin? Ginawa n’yo lang akong katulong. Kung ganyan lang din naman, papayag na lang din akong maging katulong sa ibang tao. Mas masahol pa kayo…”

Iginaya ni Trinity ang babae sa kotse habang nagsisisigaw ang mag-asawa.

“Pagsisisihan mo ‘yang desisyon mo, Damira! Wala kang utang na loob sa pagpapalaki namin! Kung alam lang namin na ganyan ka, hindi na sana kami nagsayang ng oras na patuluyin kayo ng nanay mo!”

Dinig na dinig iyon ni Damira kahit na nakasara na ang mga pinto ng kotse. Pinipigilan niyang umiyak sa masasakit na salitang iyon. Palagi niya itong naririnig at dapat immune na siya sa sakit pero mali pala siya ng akala…masakit pa rin pala.

“Okay ka lang?” tanong sa kanya ni Trinity.

“Hindi po. Sa totoo lang, hindi talaga. Pero ngayong…ngayong umalis na ako sa bahay na ‘yon, magiging okay na rin siguro ako.”

“Pasensya ka na kung hindi natin nakuha ang mga gamit mo, ha? Hayaan mo, sasamahan na lang kitang bumili ng bagong damit.”

“Salamat po. Pero, bakit po ako ang kailangan ninyo? Pwede n’yo namang kunin si Tita Lorna na lang.”

“Sorry pero ‘di ko na sila mapagkakatiwalaan. Sa utang pa lang, nagsisinunaling na sila. Pa’no pa kaya kung ipasok ko siya bilang kasambahay? Pasensya ka na pero hindi naman talaga ako mahigpit sa pagbabayad nila ng utang. Sinabi kasi nilang may sakit ang kapatid niya kaya binigyan ko agad sila ng sampung libo.”

Hindi makapaniwala si Damira na dinamay pa ng mga ito ang kanyang ina sa kagaguhan.

“Totoo bang may sakit ang mama mo?”

“Nasa ospital siya. Kalahating taon na rin. Ayaw niya nang maging pabigat sa bahay kaya nagpa-confine siya kahit na kaya niya pa naman. Ayaw niyang maging abala kina Tita. Pero three months ago, lumala ‘yong lagay niya. Nag-chemotherapy na kami. Lumolobo na rin ang hospital bill namin pero hindi ako makapaniwala na…na nakaya nilang idamay ang mama ko sa kalokohan nilang dalawa,” aniya.

“I am so sorry. Hindi ko alam na mama mo pala ‘yong sinasabi nila.”

“Ni hindi kami nakatanggap ng tulong mula sa kanila. Ginawa ko ang lahat para makapagtapos ng college, para makapagtrabaho…pero…”

“Don’t worry. Wala ka na sa poder nila ngayon. From now on, you’re going to live with us.”

“Ano po bang gagawin ko bilang kasambahay?”

“Hmmmm…” Bahagya pang nag-isip ang babae. “I think you are too beautiful to be a house helper. But I am going to propose something for you. This is a good one and it can definitely help you and your mother.”

Kinabahan siya sa kung ano man ang offer na iyon. Hindi niya kilala ang babaeng ito at agad siyang nagtiwala dahil gustong-gusto niya nang makaalis sa impyernong buhay niya roon.

Pasalamat pa siya sa babaeng ito dahil kung hindi siguro ito dumating, baka hindi lang putok sa labi ang natamo niya. Kasalukuyan silang nagtatalo noon dahil dumating ang bumbay na naniningil sa mag-asawa.

Bumuntong-hininga siya at mariing napapikit nang maalala ang pag-amba ni Eddie ng suntok sa mukha niya.

“Mas masakit ba sa ‘yo?” tanong pa ng babae na katabi niya.

Lahat ay masakit sa akin.

“’Tong mukha ko lang. Pero aside ro’n, wala na,” pagsisinungaling niya.

“Gagamutin natin ‘yan mamaya sa bahay. Siya nga pala, may itatanong lang ako sa ‘yo…”

“Ano po ‘yon?”

“May boyfriend ka ba?”

Sa tanang buhay niya, never been kissed and never been touched siya. Wala siyang experience sa kahit ano maliban na lang sa mga K-drama na pinapanood niya sa social media—doon lang siya kinikilig.

“W-wala po…” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.

“Wala? Bakit?” natatawang tanong ni Trinity sa kanya.

“Hindi ko rin po alam. Baka ‘di pa talaga ‘to ‘yong time…”

“Ilang taon ka na nga?”

“Thirty-three po.”

“Bata ka pa. May mahahanap ka pa riyan.”

“Kung ‘di po ako papalarin, tatanggapin pa naman siguro ako sa kumbento, ano po?” biro niya para gumaan ang pakiramdam.

“H’wag kang mag-alala, hindi ka naman darating sa puntong gano’n.”

Nagngitian silang dalawa hanggang sa maramdaman niyang huminto ang sinasakyan nila sa tapat ng isang napakalaking bahay.

“Nandito na po tayo, Ma’am,” ani ng driver saka lumabas upang pagbuksan si Trinity.

“Halika na. Kakain ka ng masarap ngayong umaga. Sumabay ka sa amin mag-breakfast at ipapakilala kita sa mga anak ko.”

Paglabas niya ng kotse, hindi niya maiwasang mapanganga. Para ba siyang nasa isang panaginip kung saan tinitingnan niya ang isa sa kanyang mga dream house.

“Sa inyo po ‘to?”

“Hindi. Sa asawa ko. Halika na.”

Sinundan niya ang babae patungo sa dining area. Kinakabahan siya habang nakatingin sa kanya ang mga kasambahay at iba pang kasama ng mga ito sa kanilang tahanan. Nakatingin ang mga ito sa kanya.

Hindi niya maiwasang mahiya dahil nakasuot lang siya ng t-shirt at maong na hanggang tuhod.

“Good morning, everyone!” masayang bati ni Trinity sa tatlong lalaking nasa hapag-kainan.

“Honey, where have you been? Akala ko nasa study room ka?”

“I am so sorry. I have some errands to do and I am with someone.”

Nakatingin ang tatlo sa kanya habang hinahawakan siya ni Trinity papalapit sa dining table.

“Who’s she?” tanong ni Leopoldo.

“She’s Damira Pascual and she’s going to be with us from now on.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Casablanca Series I: Alexander and His Secrets   Kabanata 17

    NANGUNOT ang noo ni Damira nang marinig niya ang malakas at sunod-sunod na katok sa pinto. Tatalikod sana niya nang maramdaman niya ang bigat sa kanyang baywang. “What the fuck?” Dahan-dahan siyang tumingala at nakita niya ang mukha ni Alexander na mahimbing pang natutulog. Nakayakap naman siya sa sarili ngunit ang isang braso nito ay nasa kanyang baywang at ang isa naman ay inunan niya. Nangunot ang kanyang noo. Iniisip niya kung uminom ba siya kagabi matapos magpunta sa ospital. Hindi, eh. Imposibleng uminom ako. Nang maramdaman niyang gumalaw ang lalaki kasabay ang mas malakas na katok sa pinto, tinulak niya ito upang humiwalay ito sa kanya. She heard him grunt while opening his eyes. Lumayo siya. As in nagpunta siya sa kabilang dulo ng kama. Doon niya na-realize na iba na ang damit na kanyang suot at ang damit niya kagabi ay naroon sa upuan—nakaupi. “Finally, you’re awake,” saad sa kanya ng lalaki nang maupo ito. “Ano’ng ginagawa ko rito?” naguguluhang tanong pa niya. “Xan

  • Casablanca Series I: Alexander and His Secrets   Kabanata 16

    NAGSALUBONG ang kilay ni Alexander habang papasok sa loob ng kwarto. Kanina, hinanap sa kanya ni Trinity si Damira habang kumakain sila ng hapunan. Ngayong bago siya umakyat, hinahanap naman ni Carla ang babae. Maski siya, hindi niya rin alam kung saan ito patungo matapos silang magkabanggan sa pinto—papasok na siya noon, nagmamadali naman itong lumabas.Tinginan niya ang relo. Alas dose y medya na ng madaling araw. Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number nito sa contacts. Wala naman sigurong masama kung tawagan niya ito at tanungin kung uuwi ba ngayong gabi sa mansyon. Ilang saglit lang, huminto siya.Sa mahigit tatlong buwan na pamamalagi ni Damira sa kanilang tahanan, hindi pa rin niya nagagamay ang ugali nito. Baka naman kung sakaling tawagan niya ito, singhalan na naman siya kagaya ng madalas nitong gawin matapos ang nangyari sa airport.Kahit naman siguro paulit-ulit siyang mag-sorry, hindi pa rin siya nito mapapatawad. Buti na nga lang kahit

  • Casablanca Series I: Alexander and His Secrets   Kabanata 15

    HALOS hindi makahinga si Damira nang makita niyang nasa kanyang harapan ang tiyo at tiyahin. Basang-basa siya sa ulan na nagpunta sa ospital dahil sa natangap niyang tawag. Nabangga niya pa nga si Alexander na papasok pa lang noon sa living room. “Bakit kayo nandito?” nanginginig ang boses niyang tanong. “Aba, hindi ba namin pwedeng dalawin ang kapatid ko?” ganting tanong sa kanya ni Lorna. As usual, nakataas na naman ang isang kilay nito sa kanya. “B-bumisita lang sila dito, ‘nak.” Ngumiti sa kanya ang inan si Almira. Inalalayan niya pa ito sa pag-upo mula sa pagkakahiga. “Ikaw, Damira, makakapangasawa ka lang ng bilyonaryo ang laki na agad ng ulo mo. Pa’no pa kaya kung kinasal ka na sa Casablanca na ‘yon,” patutsada pa ni Eddie sa kanya kasabay ang pag-ekis ng dalawang braso. Ito ang reunion na ayaw na ayaw niyang magaganap. Kaya nga pumayag siyang umalis sa poder ng mga ito upang hindi na siya mahamak pero heto siya ngayon—kung t

  • Casablanca Series I: Alexander and His Secrets   Kabanata 14

    BAGSAK ang balikat at nakaawang lang ang labi ni Damira nang marinig niya ang dire-direstong pagkukwento ni Alexander matapos niyang kumpirmahin na isa siyang cashier sa convenience store.Sa pagsasalita nito, para bang ang tagal na nilang magkakilala. Hindi niya alam kung paano pinagdugtong-dugtong nito ang kaganapan sa kanilang dalawa na para bang totoong nangyari.“Alam kong darating ‘yong panahon na kung sakali mang malaman ng mga tao na ganito ang sitwasyon sa buhay ni Damira, mamaliitin siya ng mga taong mas nakakaangat sa buhay. That is the reason why we are dating in secret. But now, you can judge all you want because we’re getting married and nothing can stop us from happening it.”Napadiretso pa ng upo si Damira nang maramdaman niya ang pagpisil ng lalaki sa kanyang balikat habang nakaakbay ito sa kanya.“Will your wedding be on a live broadcast?”“It surely will! Ayaw naman naming ipagdamot ang b

  • Casablanca Series I: Alexander and His Secrets   Kabanata 13

    TAHIMIK sa kotse ni Alexander habang nasa parking lot pa lan sila ng isang malaking media network. Taliwas sa katahimikang iyon ang ingay sa labas ng kotse. Dagdag pa ang flash ng mga kamera na tila ba tumatagos sa tinted na salamin ng sasakyan.“Sir, sure ba kayo na hindi n’yo kailangan magdagdag ng security? Parang ‘di kayo kaya no’ng tatlong guard na nakaabang sa labas, eh,” tanong pa ni Macario.“We’re going to be fine. If they ask you something, just shut your mouth, okay?” ani pa ng lalaki habang nag-scroll sa cellphone.“No problem, boss.”Parang tambol ang puso ni Damira. Halos matanggal ang lipstick sa kanyang labi dahil kanina pa niya kagat-kagat iyon. Hindi siya mapakali.“Feeling nervous already?” nakangising tanong ng lalaki sa kanya.“K-kinakabahan ako dahil ayoko na mapanood ako ni Mama kung pa’no magkalat sa TV. Hindi ko sinabi s

  • Casablanca Series I: Alexander and His Secrets   Kabanata 12

    HILOT-HILOT ni Alexander ang sintido habang binabasa ang isang plot ng love story na nakasulat sa isang buong bond paper. Muli, narito sila sa study room ni Damira, malayo ang sarili sa isa’t isa dahil sa tensyong namamagitan sa kanila.Hindi niya matanggap ang mga nasabi sa kanya nito noong nakaraan. Tila ba naapakan ang pagkalalaki niya nang isampal sa kanya nito ang katotohanang hindi lahat ng babae ay posibleng ma-attract sa kanya.Napabuntong-hininga siya habang itinuon ulit ang atensyon sa papel. Who would have though that his mother will make a cringy love story on how he and Damira met two years ago—without anyone noticing it.Kung tutuusin, napakadali lang sa kanya na kabisaduhin ang mga detalyeng nakalagay ngunit hindi niya talaga malunok ang mga iyon kahit nakakadalawang tasang kape na siya.“You’re going to have an interview with Maximo Oliveros in the afternoon. Please make sure that you have memorized anything because

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status