Share

Chapter 14

Humarap sa akin si Deborah at hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Napaawang na lamang ang aking bibig dahil sa labis na pagkagulat. Bigla niya akong dinamba ng yakap at saka umiyak sa aking balikat. 

“Ate Ash!” malungkot niyang sambit, at saka impit siyang napahikbi. 

“Debbie,” mahinang bulong ko. 

Nagsimulang mangilid ang aking mga luha hanggang sa hindi ko na napigilang tumulo ang mga ito. Na-miss ko 'to. Na-miss ko ang kaniyang mga yakap noong mga bata pa lamang kami. Na-miss ko ang batang Deborah na sobrang higpit ng yakap sa akin tuwing may mga kulog at kidlat. 

“Ate Ash...” muling pagtawag niya sa aking pangalan, at tila may gusto siyang sabihin na hindi niya maituloy-tuloy.

“Ssshhh, huwag kang mag-aalala. Nandito na ang iyong Ate. Hindi na ako mawawala,” pagpapatahan ko sa kaniya, habang hinahagod-hagod ang kaniyang ulo. 

“Ate, patawarin mo ako!&rd

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status