Share

Chapter 3

Napakaraming katanungan ang bumabagabag ngayon sa aking isipan. Napakabilis ng mga pangyayari at hindi magawang ma-rehistro sa aking utak ang lahat ng paliwanag sa akin kanina ni Archmaster Leonard. Hindi pa rin ako makapaniwalang isa ako sa mga Celestial Zodiac- ang labindalawang hinirang ni Empress Lumia. Pinili kami ng Phoenix Empress upang maging tagapangalaga ng kaayusan at kapayapaan sa mundo ng mahika.

Ako ang Cancer sa mga Zodiac, na sinisimbolo ng isang alimango. Hindi rin ako basta-basta salamangkero lamang dahil anak ako ng isang Archgoddess- isang katotohanang mahirap paniwalaan para sa akin. 

Nagkakilala na rin pala kami ni Archmaster, sampung taon nang nakalilipas. Nilagyan nila ng selyo ang aking kapangyarihan upang hindi ako mapahamak kapag hindi ko ito magawang kontrolin. Ngunit, wala naman akong matandaan na nagkita na nga kami dati ni Archmaster. At ang isa pang ipinagtataka ko, bakit hindi nila ako dinala sa paaralang ito para sanayin. Mas maigi pa iyon kaysa selyuhan ang aking kapangyarihan, 'di ba? Hindi na sana ko naghirap pa sa Earth kung ganoon ang nangyari.

Ngunit, ayos na rin ang ginawa nila. Natuto naman akong mamuhay nang mag-isa at tumayo sa sarili kong mga paa.

Ang mahalaga ngayon ay naibalik na ang aking kapangyarihan at hindi na ako nag-iisa. Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng mahika sa loob ng aking katawan. Ngunit, hindi ko pa ito kayang kontrolin. Sumailalim agad ako sa isang pagsasanay kanina, kasama sina Caya at Suzaine. Isa rin sila sa mga Chosen Twelve at sila ang kasama ko sa iisang bahay dito sa loob ng Academy. Malinis at maayos ang kanilang bahay.  Malawak din ito at patulis ang bubong nito na nakaturo sa mga ulap.

Sa lahat ng Chosen Twelve, tatlo pa lamang ang nakikilala ko. Sila ay sina Caya, Suzaine at ang maniyak na lalaking si Raid.

Ang daldal pala ni Caya. Hindi ka mababagot kapag kasama mo siya. Samantalang si Suzaine naman, kalmado lang at hindi ganoon palasalita. I have this intuition that we can be good friends. Magaan sila kausap at pakiramdam ko ay mababait naman sila.

Nasa kalagitnaan kami nang kuwentuhan nang may isang fairy crew ang kumatok sa pinto. Pinagbuksan siya ni Suzaine at saka sinabihan ang babaeng maghanda na kami para sa magiging pagdiriwang sa Dome Magia. Hindi ko alam kung para saan ang gaganaping pagdiriwang. Basta’t sinabihan lamang kami ni Archmaster kaninang tanghali na maghanda kaming lahat para sa isang selebrasyon. 

Hindi naman siguro isang ball ang dadaluhan namin kaya simple lang ang isinuot kong damit. Bukod sa libre ang pagkain at bahay na matitirhan, napakarami ring damit na ibinigay nila sa akin, ngunit hindi ko naman maisusuot. Hindi naman ako mapili pagdating sa aking kasuotan. Kahit ano, basta maayos at disente tingnan, ayos na sa akin.

“Sam, tapos ka na bang magpalit?” narinig kong tinig ni Caya na nasa labas ng aking kuwarto. 

“Tapos na Caya,” tipid kong tugon.

“Papasok na ako, ha! May ipakikita ako sa'yo,” pamamaalam niya saka binuksan ang pinto bago pa man ako pumayag na pumasok siya.

“Tadaaaan!” bulalas ni Caya at ipinakita sa akin ang kaniyang napakagandang ayos.

Nakasuot siya ngayon ng isang mahabang pulang ball gown na gawa sa seda. Kumikinang ito dahil sa mga glitters na nakadikit dito. It's shining, shimmering and splendid, hahaha! Pero, napakaganda niya. Bumagay ang kaniyang damit sa kompleksiyon ng kaniyang kutis. Mas lalo pang tumingkad ang kaniyang kagandahan dahil sa magandang pagkatirintas ng kaniyang kulay kahel na buhok. She looks stunning. 

         

Napatigil naman ako sa paglalarawan kay Caya nang pitikin niya ang aking ilong. Ouch, my beautiful nose, it hurts! Ano bang kasalanan ng cute kong ilong sa kaniya at kailangan pa niya itong pitikin? Humagikhik lamang siya sa kaniyang ginawa. Masakit kaya 'yon.   

“Iyan na ba ang outfit mo tonight? Magpalit ka nga. Nagmumukha kang manang sa suot mo,” turan ni Caya sa akin at nilait pa ang aking pagkatao.

Sobra naman ang mga tao pala dito, ang sakit nila magsalita, ha! Una si Raid na tinawag akong ‘tanga’, tapos itong si Caya na tinawag naman akong ‘manang’. Aangal pa sana ako ngunit bigla na lamang umilaw ang aking kasuotan at nagbago ito. 

Ang aking simpleng kasuotan ay naging isang lavender dress na sobrang sikip nito sa akin. Close-fitted ito at ipinapakita ang magandang kurba ng aking katawan. Oo na, ako na ang confident sa katawan ko.

 Humarap ako sa salamin at kumurap nang ilang beses. Ako ba talaga ito? Bakit parang mas lalo akong gumanda? Hahaha!

“Napakayabang mo talaga, Ash,” sita ko sa aking sarili.

Hindi ko inalis ang aking paningin sa harapan ng salamin. Ang aking mahabang buhok ay nakapusod na ngayon. Parang isa itong tinapay sa tuktok ng aking ulo at may iilang baby hairs ang malayang nagpapalugay-lugay sa aking noo.

“That suits you,” mahinahong wika ni Suzaine habang nakasandal sa pinto. Nakapag-ayos na rin siya ng kaniyang sarili. Dilaw na bulaklaking cocktail dress ang suot-suot niya ngayon.

“Bakit pa kailangan nating magsuot ng mga ganito kung simpleng selebrasyon lang naman yata ang magaganap?” usisa ko buhat ng pagtataka.

“Anong simple ka riyan? Kapag sa Dome Magia gaganapin ang isang event, asahan mong magiging bongga at enggrande ito. At saka nakahihiya naman sa anak ng isang Archgoddess kung pipitsuging selebrasyon lang ang isasagawa sa kaniyang pagbabalik. Ngayong gabi rin ipakikilala ang lahat ng 12 Celestial Zodiacs kaya asahan mong bongga ito,” paliwanag ni Caya bilang tugon sa aking katanungan. 

Pinaikot ko na lamang ang aking mga mata. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako makapaniwalang anak nga ako ng isang Archgoddess at ayaw kong mag-iba ang pakikitungo ng iba sa akin na para bang isa akong diyosang kulang na lang ay sambahin nila. Though, diyosa naman talaga ako ng kagandahan. Pero, gusto ko iyong treatment na normal lang. 

“Gutom na ako. Ano kaya kung dumaan muna tayo sa Elves Café?”   

“That’s a good idea, Vela. I am a bit hungry, too,” pagsang-ayon ni Suzaine kay Caya na tinawag niya sa pangalawa nitong pangalan. 

I have left with no option but to agree. It’s six in the evening and we still have more time to relax in the said Café. We encountered many students wearing their best outfit for tonight while we are on our way. Some greeted us and some even bowed to us. It’s kinda awkward but I managed to throw them my most perfect smile. I know I’m not used of those treatments but I can at least recognized their modesty and sincerity to give me a warm welcome.     

“Hey, ladies, the three of you, look stunning tonight,” Raid complemented. Here comes the pervert. His presence is annoying.

“Too bad you look like a dog tonight,” I blabbered then rolled my eyes to him. Wala na ang bukol sa kaniyang ulo dahil sa ginawa kong pagsapak sa kaniya kanina. 

“Oh, am I so cute to the point that I looked like a dog in your eyes?” he pouted. Screw him! He suddenly became a duck. 

“Stop pouting. Hindi bagay sa'yo,” mapang-uyam na tudyo ko sa kanya.        

“Haha, ang cute niyong dalawa. Para kayong magkasintahang nag-aaway,” pagsingit naman ni Caya sa usapan.

“Magkasintahan? No way!” Raid and I exclaimed in chorus then we furiously look on each others' eyes, as if there are electric currents flowing in between us.

“Okay. Sabi niyo, ehh!” Caya forfeited.

Nauna na akong naglakad sa kanila pero naalala kong hindi ko pala alam ang daan patungo sa Elves Café kaya hinintay ko lang din sila saka sumabay sa paglalakad. 

Bigla namang may isang malaking nilalang ang dumapo sa aming harapan at may lulan itong dalawang tao. Isang lalaking kasing-edad lang yata namin at isang batang lalaking nasa walo hanggang sampung taon ang edad.

Bumaba sila sa isang malaking palakang may mga maliliit na pakpak at may buntot ito na katulad ng buntot ng mga isda. Anong uri ng hayop iyan? Kakaibang lakas din ang nararamdaman kong nagmumula sa dalawang sakay nito at alam kong nagtataglay sila ng malakas na kapangyarihang maihahalintulad sa mga kasama ko.

“Yoww, Raid, my dude!”

Naglakad palapit ang lalaking nasa anim na talampakan siguro ang tangkad, patungo sa aming gawi. Nakabukas ang kaniyang polo na naging dahilan upang makita ang hulma ng kaniyang mabatong katawan. Kulay abo ang kaniyang buhok at sobrang makalaglag-panty ang kaniyang umiigting na panga.

“Hey, Glade, my best friend,” masiglang wika ni Raid at nagsalubong ang kanilang mga kamao.

Isang malakas na salpukan ang kumawala sa kanilang mga suntok at parehong tumilapon sa magkasalungat na direksiyon. Tae, ganito ba sila bumati sa isa't -isa?

Mabilis silang nakatayo at muling nagpakawala ng malalakas na banggaan ng mga suntok. Natuhod ni Raid sa sikmura ang lalaking tinawag niyang best friend kanina. Ngunit, nagawa namang gumanti ni Glade at naabot ng kaniyang kamao ang panga ni Raid. Sabay silang tumilapon sa ere. Bumagsak si Raid sa isa sa mga gusali at dahil sa lakas ng impact, nasira ang ilang bahagi nito. Samantalang si Glade naman ay tumama sa malaking palakang sinakyan niya kanina kasama ang isang bata. 

“Poly!” naiiyak na sambit ng bata at dali-daling niresponde ang kaawa-awang palaka.

 Palaka ba iyan o pinaghalong uri ng palaka, isda at aso? Anong tawag sa nilalang na iyan? Nadamay pa tuloy sa kalokohan ng dalawang damuhong ginawang pagbati ang basagan ng bungo.

Bigla namang umihip ang malamig na hangin. Napatigil ako sa panonood kina Raid at Glade. What's with this chill?

“We need to protect ourselves. Everyone run and hide!” Suzaine screamed and warned everybody to stay away from here. What’s happening?

“Masamang galitin ang batang iyan. He is Marc Ryan Vertuso, the Sagittarius of the 12 Celestial Zodiacs. Saktan mo na ang lahat, ngunit huwag lang ang kaniyang alaga. Mawawasak ang buong Academy kapag nagkataon,” paliwanag ni Caya. 

A very strong presence reverberates on the ground. That boy named Marc, he sends chills through my spine. Lahat ng bagay ay bigla na lamang lumutang. Ang mga gusali ay nagsisimula nang kumalas ang bawat parte. Umangat kaming lahat sa ere, maging ang mga bato, halaman at ang mga puno naman sa lugar ay humihiwalay na sa lupa. Napakalakas ng gravity at pressure na tila ba hinihigop ang lahat ng bagay pataas. What kind of magic is this?       

Sobrang nagpupuyos sa galit ang mga mata ng batang si Marc. Nag-aalab ang mga ito at tila ba gusto niyang wasakin ang lahat ng kaniyang makikita. Ang Sagittarius symbol sa kaniyang noo ay umiilaw.    

“Masama 'to,” pag-iling ni Suzaine.

“Sinaktan niyo ang aking Poly babe! Kung gusto niyong magbangasang dalawa, huwag kayong mandamay ng iba!” nakakapangilabot na asik ni Marc.

Iniangat niya ang kaniyang isang kamay at lumutang sina Raid at Glade nang magkaharap sa isa't-isa. Sa isang kisapmata, nagbanggaan ang ulo nilang dalawa at saka tumilapon sa magkasalungat na direksiyon.  

“Marc, stop this!” sigaw ng isang babaeng kararating pa lamang sa lugar. Mukhang kasama rin siya sa Chosen Twelve. 

Hindi siya pinakinggan ni Marc at nagpatuloy lamang sa kaniyang ginagawang pagsira sa paligid.

“Liquid Magic: Relaxation Droplets!”  

Grains of water materialized on the air. Then, these droplets penetrated Marc's body. Instantly, Marc became unconscious and he collapsed to the ground. Nawala naman ang napakalakas na pressure mula sa itaas.

Maayos kaming nakaapak sa lupa at ang lahat ng nasira ay bigla na lamang naayos. Bumalik ang lahat sa normal na tila ba walang nangyari.

Wow, they are awesome! Is this the power of the Zodiacs? Lumapit kami sa walang malay na bata ngunit sinabihan naman kami ng babae na ayos na siya at walang dapat ipag-alala. Samantalang, ang dalawa namang ugok na dahilan kung bakit biglang nagalit si Marc ay nagtawanan lamang at tila ba masayang-masaya pa. 

Nang makalapit sila sa amin ay walang pakundangan kong piningot ang kanilang mga tainga. 

“Alam niyo ba kung anong ginawa niyo? Mga iresponsable!” sermon ko sa kanila. 

“Woah, teka lang, sino ka ba, miss?” nagtatakang tanong sa akin ng lalaking Glade ang pangalan. Napabuga na lamang ako ng hangin at inirapan siya.

“Glade, she’s—”         

“Get your hands away from me,” matigas kong saad nang akmang aakbayan na naman sana ako ni Raid at saka tinabig ko ang kaniyang kamay. Nakakainis siya! Silang dalawa ng kaniyang kaibigan.       

“Acanta, Almirah, mabuti na lamang at mabilis kayong dumating, kundi baka wasak na ngayon ang kalahati ng Academy,” wika ni Caya sa dalawang babaeng kasali rin yata sa labindalawang Zodiacs. 

Bumulong naman sa akin si Caya at sinabing si Almirah ang babaeng buhat-buhat ngayon si Marc at si Acanta naman ang babaeng nagbalik lahat sa mga nasirang bagay. Ang kaniyang mahika raw ay Recreation. Ang mahikang kayang gawing muli ang mga bagay na nasira na.

Pambihira talaga ang mga taong ito. Tao pa ba sila o halimaw na? Ang tindi ng kanilang mga kapangyarihan. Ako kaya? Ano kayang kapangyarihan ang tinataglay ko? Bigla namang may nagsalita sa aking isipan.

“Attention! All students shall proceed to the Dome Magia, now!”

It’s the Archmaster speaking. He repeats what he had said earlier and I think, the celebration is about to begin.       

“Faster, guys! Kapag nagsara ang pinto ng Dome, hindi ka na maaari pang makapasok pa,” Almirah mentioned.

Tumango ang dalawa kong kasama. Hinigit ni Caya ang aking kamay saka kinaladkad patakbo. Tae, mukha ba akong malandi para kaladkarin?

Mabilis namang sumunod sina Raid at Glade sa amin at tila nagkakarerahan pa ang dalawa. Habang tumatakbo, nagbabago ang kanilang mga punit-punit na kasuotan at naging tuxedo ang mga ito. Nagmukha na silang mga normal na tao.

“Let’s have a deal, everyone. Kung sinuman ang unang makararating sa Dome ay puwedeng humingi ng kahit na anong pabor mula sa amin ni Raid. Ang mahuhuli naman ay gagawin ang ipapagawa naming dalawa,” Glade declared loudly.

“I’m fine with it,” Raid agreed.

“Count me in,” sabay na wika ni Caya at Suzaine.

“Don’t forget us!” sambit naman ni Almirah habang karga-karga parin si Marc. 

Tinanguan niya naman ang kasamang si Acanta at ngumiti lamang ang babae bilang pagtugon. Wait, paano naman ako? Ayaw kong mahuli sa karerang ito. Teka, may naisip akong plano.

Binitiwan ko ang kamay ni Caya na nakahawak sa akin. Tinanggal ko ang suot-suot kong takong at tumigil sandali.

“Sam, anong ginagawa mo? Mahuhuli tayo nito,” tarantang saad ni Caya sa akin. 

“Ayos lang, mauna kana. May gagawin lang ako,” pagtugon ko sa kaniya at nginitian siya.

 Tumango na lamang siya at nauna na ngang tumakbo sa akin.

Ang kailangan ko lang gawin ay patamaan sa ulo ang dalawang ugok na iyon. Pero sa bilis nilang tumakbo, paano ko sila magawang patamaan? Bahala na. 

Tinalasan ko ang aking mga mata at itinutok sa unang target ang aking isang takong. Ako lang naman ito. Ang champion sa Archery competition nang limang beses  sa aming school noong ako ay nasa Earth pa. 

Sa bilang na tatlo, siguradong tulog ka na. Isa. Dalawa. Tatlo... Hindi ko alam kung paano ngunit bigla na lamang nagkaroon nang ibayong puwersa ang aking kanang kamay at napalakas yata ang pagbato ko sa mismong ulo ni Raid. 

Naduwal siya at hindi na gumalaw pa. Mukhang nawalan na ng ulirat. Tumigil si Glade sa pagtakbo at nanlalaki ang mga matang lumingon sa akin. Pati sina Caya, Suzaine, Almirah, Acanta at ang bagong gising lamang na si Marc ay gulat na gulat din sa aking ginawa. Habang nagpipigil naman ako ng tawa.     

“What the fudge! Para saan i--”

Hindi na nagawang tapusin ni Glade ang kaniyang sasabihin dahil malakas kong ibinato sa kaniyang mukha ang aking takong. Buti nga sa iyo.

 Unti-unti siyang natumba at napahiga sa lupa. Tumakbo ako palapit sa kanila at tawang-tawa ako sa kanilang mga itsura.      

“Bakit mo ginawa iyon? Madaya ka,” papahinang saad ni Glade sa akin. Nakaunat ang kaniyang kamay at tila ba gusto akong abutin. 

“Hindi pandaraya ang tawag do'n. Kasi wala naman sa patakaran na bawal mandaya. Kung sinabi mo sana na bawal gamitin ang takong bilang pambato, hindi ko sana ginawa. Haha, kaawa-awa. Mauuna na ako,” paninindigan ko saka humagalpak ng tawa.

 Kinuha ko ang aking mga takong at iniwan silang dalawa na wala ng malay. 

Humalakhak naman si Caya at hinilang muli ang aking kamay para tumakbo.

“Nice one, Sam,” pagkunsinti niya sa aking ginawa at iginaya papasok sa loob ng isang napakalaking gusali. 

Ilang beses akong napakurap ng aking mga mata. My jaw dropped because of bewilderment. My mouth went agape.

 The whole place is awesome. The building is really majestic. It's magnificent and  very huge. The carvings on the wall are classic. It appears that this Dome is historical.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status