Share

Chapter 13

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng isang malaking pintong gawa sa kahoy. Ito ang pinto ng opisina ni Archmaster. Ako lang ang mag-isang pumunta rito. Hindi ko pinaalam kina Caya at Suzaine ang pupuntahan ko.

Mahigit isang buwan na ako dito sa Academy kaya medyo kabisado ko na ang mga pasikot-sikot dito. Nagpunta ako dito dahil may mga bagay na gusto kong malaman mula kay Archmaster. Gusto kong maliwanagan.

Huminga muna ako nang malalim bago kumatok. Tatlong beses kong pinatunog ang pinto gamit ang aking nakakuyom na kamay. Walang tumugon sa aking pagkatok, ngunit may mga boses akong naririnig na nag-uusap sa loob.

 Mukhang ang mga tinig ay nagmumula kay Archmaster Leonard at Archmistress Demia. May mahalaga yata silang pinag-uusapan. Baka makakaabala lang ako. Sa ibang araw na lang siguro. 

Napabuntong hininga na lamang ako. Ngunit ilang segundo lang, pinayagan ako ni Archmaster na pumasok sa loob. Mabuti na lamang at hindi agad ako umalis.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status