Share

Chapter 15

Napaigtad kaming pareho ni Deborah sa aming kinaroroonan nang biglang dumilim ang kalangitan. Sinakop ng itim na ulap ang itaas Academy. Isang malaking itim na tore ang bumaba mula sa langit. 

Napapalibutan ito ng mga nasusunog na tinik at baging. Sa isang kisapmata lamang, nasira ang mga barrier na pumoprotekta sa Academy. Isa-isang kumalas ang mga baging mula sa pagkakapit sa pader ng tore at walang habas na hinagupit ang mga gusali ng paaralan. Mabilis na nagiba at gumuho ang mga ito habang nasusunog ang mga parte. 

Nagsilabasan ang lahat ng estudyanteng nasa loob ng kanilang silid-aralan at maging ang mga salamangkerong naninirahan dito sa Academy. Nabalot ng sigawan at tili ang buong lugar. Biglang sumiklab ang nagngangalit na apoy sa mga pader.

Napasinghap ako ng hangin dahil sa sobrang takot na namamayani sa akin ngayon. Bakas na bakas din kay Deborah ang labis na pagkaalarma. Nahuhuli ko siyang napapalunok ng kaniyang sariling laway habang pina

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status