Share

Kabanata 24

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-07-05 21:46:10

Kinakabahan ako habang nakatayo sa harap ng pintuan ni Sir Keaton.

Hawak ko ang tray ng tiramisu na buong araw kong inulit-ulit para lang makuha ang tamang timpla. Hindi ito perpekto, pero mas okay na siya kumpara sa unang gawa ko. Paulit-ulit ko rin siyang tinikman para makasiguro, at sana magustuhan niya.

Huminga ako nang malalim bago kumatok ng tatlong beses. "S-Sir K?"

“Come in,” maikling sagot niya mula sa loob.

Binuksan ko ang pinto. Tahimik sa loob ng kwarto niya. Bukas ang malaking flatscreen tv pero walang sound.

Nasa desk siya, nakayuko sa mga papeles at libro, abalang nagsusulat. Hindi man niya ako nilingon, alam kong alam niyang ako ang pumasok.

Lumapit ako sa coffee table sa harap niya at maingat na nilapag ang tray. “Sir... eto na po ‘yung tiramisu.”

Hindi siya uminik. Patuloy lang siya sa pagsusulat, parang wala lang. Nakatayo lang ako sa gilid, hindi alam kung aalis na ba ako o hihintayin siyang kumain.

Maya-maya, nagsalita siya. “Tikman mo muna.”

K
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Ensi
well said, Lib ^⁠_⁠^
goodnovel comment avatar
❣𝐥𝐢𝐛𝐛𝐲𝐣𝐦❣
Dapat wag bigyan ng dahilan si keaton na magalit..pero paano. Sya lng din makapag kontrol sa other side nya. Sya lng din talaga ang makakatulog sa sarili nya. Ang dapat lng gawin ng mga tao sa paligid nya eh intindihin sya at damayan sya.
goodnovel comment avatar
❣𝐥𝐢𝐛𝐛𝐲𝐣𝐦❣
Kiss and hug agad Mari? ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 43

    Habang tahimik kaming kumakain, napansin kong panay sulyap si Shaun sa akin habang sumasandok ng kanin mula sa maliit na kaldero. Sanay naman siya sa ganito dahil sa akin o nag-adjust lang din dahil mayaman siya tapos mahirap ako. “Mari,” tawag niya bigla kaya napatigil ako sa pag-inom ng tubig. Lahat ng mata, pati na rin ni Keaton, ay napatingin sa amin. “May sasabihin sana ako.” “Ano po ‘yon?” tanong ko, medyo kinakabahan, kasi bihira siya magsalita nang gano’n sa harap ng iba. “Actually,” simula niya at umayos ng pagkaka-upo, “I’m starting a small publishing company. Kaka-register pa lang last week. Independent lang siya, hindi malaki, but we’ll need staff.” Tumagal ang tingin ko sa kanya, nakakunot ang noo. “Publishing, po?” “Yeah. House for small authors, local writers. We'll produce books and the likes. Since nakita ko ‘yung progress mo sa TESDA, at sinabi mong gusto mo ng stable job… I was thinking if you’d like to work with me.” “Me?” Tinuro ko ang sarili. Hindi

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 42

    Napuno ng kwentuhan at tawanan ang kusina dahil kay Aling Lolita na panay biro. Si Keaton na hindi ko inaasahan na tumawa, nakikipagtawanan ngayon kaya hindi ko maiwasang magulat. Hindi siya ganito dati. Hindi tumatawa. Hindi rin nakikipag-kwentuhan pero sa nakikita ko, may nagbago. Malaking pagbabago. Matapos ko kasing tanggihan ang inalok niyang isaw, hindi na niya ako pinansin. Akala mo naman big deal. Nang mapatingin siya akin, agad akong nagbawi ng tingin at nagpatuloy sa pagkusot ng towel sa lababo. Huminga ako ng malalim— "Ay kabayo! Ba't ba bigla-bigla ka na lang nalapit?" singhal ko kay Keaton nang lumapit na naman sa akin. "Where's your bathroom? I need to pee." Napairap ako. "Dyan sa labas. Covered naman yan at walang dumadaan. May bungkal dyan at rumaragasang tubig mula sa bundok kaya malinis. Dyan ka maghugas o kung anong gusto mo." "Oh, hindi mo ba ako sasamahan? Paano kung may sumilip?" Natigilan ako. "Sumilip? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Walang dumadaan d

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 41

    Habang nililinisan ko ang rice cooker sa sink, nanatili akong nakayuko, abala sa pagkuskos ng natuyong kanin sa gilid. Gusto ko na sanang matapos agad para makaiwas sa nasa likuran ko kaso ang tagal matanggal. Ngunit nanigas ako nang may naramdaman akong mainit na katawan sa likod ko. Hindi naman dikit, pero sapat na para maramdaman ko ang init ng hininga niya kaya napahinto ako sa pagkilos. Pagtingin ko sa gilid, si Keaton. Nakatayo sa tabi ko, at sumingit para maghugas ng kamay. “Excuse me,” malamig niyang sabi habang patuloy sa paghuhugas ng kamay, suot pa rin ang mask niya. Ang arte talaga kahit kailan. Bahagya akong napalunok. Kailangan bang sumingit? Dumikit? Hindi makapaghintay na matapos ako? Ang bossy ha! Hindi alam kung gagalaw ba ako o iiwas. Pero hindi pa siya natapos. “I told you earlier,” mahina niyang sabi. “Can I taste that?” Alam ko na agad ang tinutukoy niya. Yung isaw. Napangiwi ako. “Hindi pwede,” masungit na sagot ko habang nagbabanlaw pa rin ng ri

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 40

    Matapos ang event na 'yon, hindi na ako nagparamdam o nagpakita kina Keaton at Khalil. Pinili ko na lang manahimik. Ayoko na ng gulo, ayoko na ng sakit ng ulo, lalo na ng sakit ng puso. Nakiusap ako kay Shaun kung puwede ba niya akong tulungan makapasok sa TESDA. Gusto kong may matutunan, kahit ano, basta may alam. Thankfully, tumulong siya. Tinuruan niya akong mag-submit ng requirements, nagbigay pa siya ng pambili ng uniform at mga gamit. Pero kahit gano’n, hindi ako tumira sa condo niya. Lumipat ako sa maliit na tindahan ni Aling Lolita. Simula nang bumalik si Aling Lolita, tinanggap niya ulit ako. Hindi man kasing-komportable ng dati, mas masarap sa pakiramdam na alam mong hindi ka pabigat sa kahit kanino. Mabilis lumipas ang mga buwan. Hindi ko namalayan, malapit na akong magtapos sa TESDA. Malapit na ang final assessment ko. Habang pauwi ako galing training. Suot ko pa 'yung uniform ko, may bitbit akong plastic ng street food na puro isaw at barbecue para pang-ulam nam

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 39

    Halos marinig ko ang sariling hininga sa sobrang bigat ng tensyon habang nakatitig kay Yumi. Oo bumalik siya. Ramdam ko pa rin ang kirot sa pisngi ko mula sa sampal niya, pero mas matindi ang kirot sa pride ko. “Mari…” tawag ni Shaun, hawak pa rin ang braso ko. Pero hindi ko siya pinansin. "Alam niyo bang magnanakaw 'yan! Oo 'yang babaeng 'yan! Kasambahay na nga, nagawa pang magnakaw! Ganun talaga kapag mahihirap, magnanakaw na lang dahil sa inggit! Ang kapal din ng mukha para pumunta dito! You're not welcome here!" Tumayo akong diretso, pinunasan ang gilid ng labi ko kung saan may kaunting dugo, saka dahan-dahang humakbang palapit kay Yumi. “Wala akong ninakaw, Yumi, alam 'yan ng Diyos na hindi ko ninakaw ang alahas mo. Senet-up mo 'ko, 'yon ang totoo,” mahina pero matigas kong sabi. Hindi ko na kayang pigilan. Hindi ko na kayang kimkimin. Tumaas ang kilay ni Yumi, “And you think paniniwalaan ka nila? I have evidence, Mari. Ang tapang mo ngayon ha! Porket maganda ang su

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 38

    “Akala ko... nakaka-move on na ako,” bulong ko sa sarili habang hawak pa rin ang kamay ni Shaun. Pero hindi ko rin maikakaila na ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatingin sa akin, lalo na mula kay Keaton. At doon ko siya narinig. Si Yumi. “Ah, ayan pala siya,” malakas na sabi ni Yumi, sapat na para marinig ng ilan sa mga taong malapit. Nakatayo siya sa tabi ni Keaton, pero tumigil ito sa pakikipag-usap sa mga bisita para tumingin sa direksyon ko. Lumingon ako kay Shaun, mahigpit pa rin ang kapit niya sa kamay ko, pero bago pa siya makapagsalita, muli akong nakarinig kay Yumi. “Ang tapang mo rin pala, Mari. Akalain mo nakapasok ka sa ganitong lugar?" puno ng pang-iinsultong sabi niya tila gusto akong ipahiya. “At kasama mo pa talaga si Shaun? Wow. From kasambahay to… what? Girlfriend ng investor?” tumawa siya ng mahina, kunwari mahinhin. Napatingin ang ilang bisita sa amin. May mga nagbubulungan na. Si Keaton, nanatiling tahimik pero hindi inaalis ang tingin sa amin. M

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status