Share

Kabanata 10

Blair Castro

NANG sumapit ang sabado ay hindi ko napigilang mapasimangot. Gusto kong lumipas na kaagad ang weekend para makita ko na ulit si Lira. Pagkatapos ng engkwento ko kay Lukas ay napansin kong mas maaga na itong dumarating para sunduin si Lira kaya hindi na ako nagkakaroon ng pagkakataon para makasama si Lira tuwing tanghali.

Alas tres ng hapon nang mapagpasyahan kong lumabas muna. Agad akong naligo at nagbihis ng simpleng damit saka lumabas. Gusto ko muna sanang magliwaliw at kalimutan ang mga problema ko—kahit ilang oras lang marelax ko ang isipan ko.

Pauli-uli lang ako sa mall. Naglalakad ng walang direksyon at napapatigil sa tuwing mapapadaan ako sa lugar kung saan may mga bata—saglit silang pagmamasdan saka muling maglalakad ng walang direksyon. Pumasok naman ako sa bookstore nang mapadaan ako dito. Nagtingin-tingin ako ng mga libro hanggang sa mapadako ako sa mga babasahin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status