LOGINArielle’s Point of View
Mahina kong iminulat ang mga mata ko. Muli na naman akong nakahiga sa puting kama, amoy alcohol at disinfectant ang bumungad sa ilong ko. Ang kisame ay sobrang puti, patunay lang na nasa hospital na naman ako. Mabigat ang katawan ko, parang may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, pero parang pagod na pagod ang bawat bahagi ako. Paglingon ko sa gilid, agad kong nakita si Mommy, nakaupo, hawak ang kamay ko, at halatang kagigising lang. Nang mapansin niyang may malay na ako, agad siyang tumayo. “Arielle!” Napahawak siya sa pisngi ko, puno ng pag-aalala ang boses. "Salamat sa Diyos at nagising ka na, anak." Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. “Mommy...” mahina kong sabi. “Gaano ako katagal na walang malay?” “Halos dalawang oras,” sagot niya, bago haplusin ang buhok ko. "Nagulat ako noong tumawag si Lucian, sinabi niyang sinugod ka sa hospital dahil nahimatay ka." “Nasaan po siya?” tanong ko, halos bulong. “Nasa labas siya kanina, pero umalis din saglit,” sagot niya. “Pinai-examine ka ng doktor, Arielle. May hinihintay lang kaming resulta. Huwag kang mag-alala, sana ay simpleng stress lang ‘yan.” Tumango ako kahit ramdam kong hindi lang pagod ang dahilan. Mukhang hindi alam ni Mommy na pangalawang beses ko na itong nahimatay, hindi siguro sinabi ni Lucian o sadyang wala lang itong alam. Pinagpapasalamat ko na lang na sinikreto ni Uncle Magnus ang nangyari. Natahimik kami sandali hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ni Lucian. Agad siyang lumapit, nakatitig siya sa akin, pero malamig ang mga mata niya. Nagkatinginan sila ni Mommy, bago ito tumingin sa akin. “Maiwan ko muna kayo, anak,” sabi niya pero ramdam kong nag-aalala siya. “Mag-usap muna kayong dalawa.” Pagkasara ng pinto at naiwan kami, naramdam ko ang pagbabago ng atmosphere sa kwarto. “Nasaan si Uncle Magnus?” mahina kong tanong, hindi siya tinitingnan dahil naalala ko ang pag-aaway namin bago ako mahimatay. “Siya ba ang nagdala sa akin dito?” Narinig ko ang sarkastikong pagtawa niya kaya nilingon ko siya. Mukha siyangnagpipigil ng galit. “Why are you looking for him?" malamig niyang tugon. “Ako ang asawa mo, Arielle, hindi si Magnus.” Napakurap ako, pilit pinapakalma ang sarili. “Nagtatanong lang ako, Lucian. Sa inyong dalawa, masasabi kong siya lang ang may pakialam sa akin." "Why are you comparing me to him? Do you like him, Arielle?" Napailang ako, hindi makapaniwala. "Anong klaseng tanong 'yan, Lucian? Ikaw 'tong nahuli kong may babae!" “Ano naman ngayon kung may babae ako? Wala kang karapatan sa akin, Arielle. Hindi naman kita mahal.” “A-Anong sinabi mo?” halos pabulong kong tanong. “Hindi kita mahal,” mariing ulit niya . “At kahit may makasama akong iba, wala kang karapatan para makialam.” Napakuyom ako ng kamao. “Lucian… paano kung malaman ‘to ni Lolo mo? Sa lahat ng tao, siya lang ang hindi mo kayang bastusin. Anong sasabihin niya kapag nalaman niyang niloloko mo ako?” Bigla siyang sumigaw, “Huwag mong idamay si Lolo dito! At huwag mong pakialaman ang buhay ko, Arielle!” Napalunok ako, pilit pinipigilan na umiyak. "Buhay mo? Eh ako? Anong tingin mo sa akin, alipin mo?" Hindi siya sumagot at tinalikuran niya ako, binuksan ang pinto at padabog na lumabas ng silid na parang walang nangyari. Naiwan akong nakatulala, pakiramdam ko ay wala na talagang patutunguhan ang pagsasama namim. Makalipas ang ilang minuto, nakarinig ako ng pagkatok. Akala ko bumalik si Lucian pero paglingon ko, nakita ko si si Uncle Magnus. Tahimik siyang lumapit sa akin. “How are you?” seryosong tanong niya. “Ayos lang po,” maikli kong sagot. “Pero bakit ka nagsinungaling?" Natigilan siya. “What do you mean?" “Sinabi mong si Abigail ang kasama ni Lucian,” paliwanag ko. “Pero ang sabi niya, hindi raw si Abigail ‘yon. Bakit mo kailangang magsinungaling?” Natahimik siya bago magkibit-balikat. “Babae pa rin naman ang kasama niya, hindi ba? Anong pinagkaiba no'n?” "Kaya mo lang ba ‘yon sinabi para masaktan ako?” Tinitigan niya ako sa mga mata. “Hindi ko kailangan magsinungaling para masaktan ka, Arielle. Truth always hurt, you know?" May kung anong kumirot sa dibdib ko, sa tuwing kinakausap ko siya. Parang gusto niyang iparating sa akin palagi na napakatanga ko, lalong-lalo na pagdating kay Lucian. Bago pa man ako makasagot, bumukas ang pinto. Pumasok si Mommy kasama ang doktor, tumingin pa ako sa likuran nila at nagbabakasaling nandoon ang asawa ko ngunit nabigo lang ako. “Mrs. Davenhart,” wikang doktor, “lumabas na po ang resulta ng mga tests ninyo.” Hindi ko maiwasang kabahan sa narinig, napansin ko naman ang bahagyang pagkunot ng noo ni Uncle Magnus. Napalunok ako. “Ano pong resulta?" “Mayroon kang sakit sa dugo, Mrs. Davenhart. It's called Hemophilia." Natahimik ako sa narinig, napansin ko ang kaba sa mukha ni Mommy. Habang nakakunot pa rin ang noo ni Uncle Magnus. “Anong… ibig sabihin no'n, Doc?” mahina kong tanong, nanginginig ang boses ko. “Isa itong kondisyon kung saan mahina ang pamumuo ng dugo. Kaya delikado kapag nasusugatan o kapag may internal bleeding," paliwanag ng doktor at mas lalo naman akong kinabahan dahil sa narinig. “Kailangan n’yong mag-ingat sa kahit anong pisikal na trauma, lalo na sa stress.” Napahawak si Mommy sa kaniyang labi. “Diyos ko...” bulong niya. “Nakakamatay ba ang sakit na 'yan, Doc?" "Nakakamatay ang Hemophilia kapag walang tamang gamutan, dahil pwede itong magdulot ng matinding pagdurugo na hindi mapigilan." Napalunok ako sa narinig, sa isang iglap lang ay may sakit na ako. Kapag nasugatan ako, malaki ang posibilidad na mawala ako. Tumingin si Uncle Magnus sa doktor. "Anong dapat naming gawin?” “Regular monitoring at iwasan niyang ma-stress o ma-pressure. Bawal ang mga sitwasyong maaaring magdulot ng sugat o emosyonal na pagkapagod," wika ng doktor. Noong walang nagsalita sa amin at nagpaalam na ito bago lumabas.Pagkaalis ng doktor, walang kumibo sa amin. Tahimik na umiiyak si Mommy, nakatulala lang ako at si Uncle Magnus ay nakatitig lang sa akin, maya-maya ay nagsalita siya. “I suggest, she shouldn’t be around anyone who keeps hurting her.” Hindi ako nagsalita nang marinig 'yon, kahit hindi niya ipaliwanag ang sinabi niya. Alam kong si Lucian ang tinutukoy niya.Arielle’s Point of ViewPagkatapos ng lahat ng nangyari sa mansion ng mga Davenhart, parang biglang naging tahimik ang lahat. Tahimik, pero hindi payapa. Dalawang araw na ang lumipas mula nang harapin namin si Sir Herriot pero hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Lucian—at lalo na ang sinabi niya bago kami umuwi.“Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin, hinding-hindi ’yon mangyayari.”Hindi ko alam kung pananakot ba ‘yon o pangako. Pero alam kong sa alin man sa dalawa, parehas pa rin akong makukulong.Umagang-umaga, nagising ako sa ingay ng ulan. Malakas ang pagbuhos, halos hindi ko marinig ang tunog ng orasan sa kwarto. Tumalikod ako sa kabilang side ng kama, wala na naman siya. Hindi na ako nagulat pa. Mula nang mangyari ‘yon, dalawa araw na rin siyang hindi pa nagpapakita sa akin. Hinatid niya lang talaga ako pauwi.Napabuntong-hininga ako bago bumangon. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin habang bumaba ako. Kinuha ko ang robe at naglakad papunta
Arielle’s Point of View“Totoo ba, Lucian?” halos pabulong kong tanong, pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Hindi ko alam kung kaba o takot ang nangingibabaw, akiramdam ko ay anumang oras na magsalita siya ay mawawasak ako.“Sinungaling si Magnus,” mariin niyang sabi. “Don’t listen to him.”“Lucian, hindi mo naman kailangan magalit. Gusto ko lang malaman kung—”“Kung totoo?” putol niya. “Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?”Napahinto ako. Gusto kong tumawa sa narinig. "Pagkatapos nang lahat ng nangyari, paano mo nagagawang sabihin 'yan?" sarkastiko akong tumawa. "Oo, Lucian. Wala na akong tiwala sa'yo. Kaya sabihin mo na sa akin ang totoo. Magsisinungaling si Uncle Magnus? Alam mo naman, hindi siya ‘yong tipong—"“He’s always been against me,” madiin niyang sagot. “Gusto niyang pag-awayin tayo. Gusto niyang sirain ang buhay ko. He knows that you're my weakness," dagdag niya. "Minsan ka na niyang niloko, Arielle! Pinaniwala niyang si Abigail ang kasama kong babae hospital at na
Arielle’s Point of ViewMabigat pa rin ang dibdib ko kahit ilang araw na ang lumipas. Parang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ‘yung imahe nina Lucian at ng babae sa kama namin. Dalawang araw na ang lumipas simula noong mangyari 'yon, at hindi pa rin umuuwi ang asawa ko. Hindi ko tuloy siya makompronta tungkol sa sinabi sa akin ni Uncle Magnus.Isang araw, niyaya ako ni Lisha lumabas, hindi na ako tumanggi dahil gusto ko lang makalimot, kahit sandali lang. “Let’s go to the bar, girl,” sabi niya habang nag-aayos sa salamin. “Kailangan mong ilabas ‘yang sakit na ‘yan. Hindi ka pwedeng magmukmok lang sa bahay.”Ngumiti ako ng pilit. “Baka naman ako pa ang maiyak sa gitna ng bar, nakakahiya.”“Hindi kita papayagang umiyak doon,” sagot niya sabay kindat. “Tutal may babaeng iba na ang asawa mo, ito na ang oras para maghanap ka ng bagong lalaki!"Napailang na lang ako sa narinig, pagdating namin sa bar, agad akong sinalubong ng malakas na tugtugin, halong halakhakan at ilaw na kulay pula
Arielle’s Point of ViewIlang araw na akong naka-confine sa ospital. Sabi ni Mommy, kailangan ko raw magpahinga, at huwag mag-isip ng kung ano-ano. Pero paano ko magagawa ‘yon kung bihira lang dumalaw si Lucian? Kapag dumadalaw man siya, sandali lang. Minsan nga hindi pa kami nagkakausap, nag-iiwan lang siya ng bulaklak o prutas, tapos aalis din agad.Wala rin akong balita kay Uncle Magnus dahil hindi na rin siya dumalaw pa. Alam ko namang busy siyang tao kaya inaasahan ko na 'yon.Pagsapit ng hapon, dumalaw sa akin si Lisha. Pagkapasok pa lang niya sa kwarto, halos yakapin niya ako nang mahigpit.“Girl! Halos atakihin ako sa puso nang marinig kong dinala ka na naman sa hospital!"Ngumiti ako. “Buhay pa naman ako, huwag kang OA.”“Hindi ‘yan nakakatawa, Arielle,” umirap siya. “Ang sabi ng Mommy mo, seryoso ang sakit mo at kailangan mong magpalakas. Pero tingnan mo nga ‘yung sarili mo, halatang malungkot ka. At alam kong si Lucian na naman ang dahilan niyan."Napayuko ako. “Hindi ko na
Arielle’s Point of ViewMahina kong iminulat ang mga mata ko. Muli na naman akong nakahiga sa puting kama, amoy alcohol at disinfectant ang bumungad sa ilong ko.Ang kisame ay sobrang puti, patunay lang na nasa hospital na naman ako.Mabigat ang katawan ko, parang may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, pero parang pagod na pagod ang bawat bahagi ako. Paglingon ko sa gilid, agad kong nakita si Mommy, nakaupo, hawak ang kamay ko, at halatang kagigising lang. Nang mapansin niyang may malay na ako, agad siyang tumayo.“Arielle!” Napahawak siya sa pisngi ko, puno ng pag-aalala ang boses. "Salamat sa Diyos at nagising ka na, anak."Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. “Mommy...” mahina kong sabi. “Gaano ako katagal na walang malay?”“Halos dalawang oras,” sagot niya, bago haplusin ang buhok ko. "Nagulat ako noong tumawag si Lucian, sinabi niyang sinugod ka sa hospital dahil nahimatay ka."“Nasaan po siya?” tanong ko, halos bulong.“Nasa laba
Arielle’s Point of ViewMabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig pa rin kina Lucian at sa babaeng kasama niya. Para akong binuhusan ng yelo, hindi ako makalagaw sa kinatatayuan ko. Alam ko namang hindi ako ang babaeng mahal niya, pero ang sakit makita no'n sa harap-harapan.Dala ng galit na nararamdaman, malalaki ang naging hakbang ko papalapit sa kanila. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit, isang braso ang pumigil sa akin."Don't make a scene here, Arielle."Mabilis akong napalingon at nakita ko si Uncle Magnus. Mahigpit ang hawak niya sa akin at malamig ang tingin. Magsasalita pa sana ako pero hinatak niya ako paalis sa lugar, narating namin ang canteen ng hospital at nagpupumiglas pa rin ako sa kaniya.“Bitawan n’yo ako, Uncle! Gusto ko lang—”“Gusto mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng nila?” pagputol niya sa sasabihin ko, “Huwag mong sabihing magmamakaawa ka sa harapan ng asawa mo habang niya ang kabit niya? Nakakatawa ka."Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi niyo naiintind







