Arielle’s Point of ViewMahina kong iminulat ang mga mata ko. Muli na naman akong nakahiga sa puting kama, amoy alcohol at disinfectant ang bumungad sa ilong ko.Ang kisame ay sobrang puti, patunay lang na nasa hospital na naman ako.Mabigat ang katawan ko, parang may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, pero parang pagod na pagod ang bawat bahagi ako. Paglingon ko sa gilid, agad kong nakita si Mommy, nakaupo, hawak ang kamay ko, at halatang kagigising lang. Nang mapansin niyang may malay na ako, agad siyang tumayo.“Arielle!” Napahawak siya sa pisngi ko, puno ng pag-aalala ang boses. "Salamat sa Diyos at nagising ka na, anak."Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. “Mommy...” mahina kong sabi. “Gaano ako katagal na walang malay?”“Halos dalawang oras,” sagot niya, bago haplusin ang buhok ko. "Nagulat ako noong tumawag si Lucian, sinabi niyang sinugod ka sa hospital dahil nahimatay ka."“Nasaan po siya?” tanong ko, halos bulong.“Nasa laba
Last Updated : 2025-10-21 Read more