LOGINArielle’s Point of View
Ilang araw na akong naka-confine sa ospital. Sabi ni Mommy, kailangan ko raw magpahinga, at huwag mag-isip ng kung ano-ano. Pero paano ko magagawa ‘yon kung bihira lang dumalaw si Lucian? Kapag dumadalaw man siya, sandali lang. Minsan nga hindi pa kami nagkakausap, nag-iiwan lang siya ng bulaklak o prutas, tapos aalis din agad. Wala rin akong balita kay Uncle Magnus dahil hindi na rin siya dumalaw pa. Alam ko namang busy siyang tao kaya inaasahan ko na 'yon. Pagsapit ng hapon, dumalaw sa akin si Lisha. Pagkapasok pa lang niya sa kwarto, halos yakapin niya ako nang mahigpit. “Girl! Halos atakihin ako sa puso nang marinig kong dinala ka na naman sa hospital!" Ngumiti ako. “Buhay pa naman ako, huwag kang OA.” “Hindi ‘yan nakakatawa, Arielle,” umirap siya. “Ang sabi ng Mommy mo, seryoso ang sakit mo at kailangan mong magpalakas. Pero tingnan mo nga ‘yung sarili mo, halatang malungkot ka. At alam kong si Lucian na naman ang dahilan niyan." Napayuko ako. “Hindi ko na alam, Lisha. Napapagod din akong masaktan." “Bakit ba kasi siya ang minahal mo?” diretsong sabi nita ngunit hindi ko rin alam ang sagot doon. “Ang hirap lang, Lisha. Para akong nakakulong sa kasal na wala namang pag-asa.” “Eh ‘yung si Uncle Magnus?” tanong niya bigla, parang may iniisip. "Mabuti pa siya tinutulungan ka." "Sa totoo lang, hindi ko siya mabasa. Hindi ko alam kung anong intensyon niya. Pero nagpapasalamat pa rin ako tulong niya sa akin." Tahimik si Lisha pagkatapos, ilang oras din kami nagkwentuhan bago siya umalis. Kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Ilang araw lang ang lumipas, pinayagan na akong ma-discharge. “Anak,” sabi ni Mommy habang inaayos ang mga gamit ko, “bakit hindi ka muna tumira sa mansyon? Mas mababantayan kita kapag nandoon ka." Umiling ako. “Ayokong maging pabigat, Mommy. Gusto ko sa bahay namin ni Lucian." Kahit halata sa mukha niya ang pag-aalala, hindi na nagpumilit pa ang ginang. “Basta, tawagan mo ako palagi, ha?” Tumango ako at pilit na ngumiti. Siya mismo ang naghatid sa akin pauwi. Tahimik lang kami sa biyahe, pero ramdam ko ‘yung bigat ng hangin sa loob ng sasakyan. Pagdating namin sa bahay, nagpaalam na siya. “Mag-ingat ka, Arielle. Huwag mong kalilimutan ang mga bilin ng doktor.” Ngumiti ako. “Opo, Mommy. Take care of yourself too." Kinabukasan, maayos na ang pakiramdam ko at naalala kong nangako akong bisitahin si Sir Herriot kaya umalis akong upang dumalaw sa mansyon. Pagkarating ko, sinalubong ako ng matanda sa veranda, dala niya ang tasa ng kape. “Arielle,” aniya, “kamusta ka, hija? I heard that you were hospitalized." Umupo ako sa tapat niya at ngumiti. “Medyo mabuti na po ang pakiramdam ko, Sir Herriot. Pero may sakit po akong kamakailan ko lang nalaman.” Tumaas ang kilay niya. “Anong sakit, hija?” “May Hemophilia po ako,” sagot ko. “Sabi ng doktor, mahina raw ang pamumuo ng dugo ko. Kaya kailangang mag-ingat, hindi ako pwedeng basta-basta masugatan.” Natigilan si Sir Herriot, parang may naalala siya bago mapatingin sa malayo. Kitang-kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. “Ang ikatlo kong anak…” marahan niyang sabi, “may sakit din na ganyan. Namatay siya dahil hindi niya kinaya ang pagdurugo nang maaksidente.” Natigilan ako. “Ibig sabihin po ba ay namamana ang sakit na ‘to?” “Oo, genetic ito. Dumadaloy sa dugo ng pamilya namin.” Napaisip naman ako sa narinig, hindi ako sigurado kung may ganito rin bang sakit ang pamilya namin pero mas mabuti sigurong tanungin ko na lang si Mommy. Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan ni Sir Herriot bago ako magpaalam na umalis, masaya akong bumubuti na ang kalagayan niya matapos operahan sa kidney. Gabi na noong makauwi ako sa bahay, tahimik ang paligid. Mukhang wala na naman si Lucian pero habang papasok ako sa kwarto, may narinig akong mahihinang ungol. Napahinto ako dahil sa narinig, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at doon ko siya nakita. Hubad ang katawan ni Lucian at may babae na nasa ilalim niya. 'Yon ang babaeng kasama niya sa hospital. Parang biglang huminto ang mundo ko. Napaatras ako, nanginginig ang mga kamay, hindi alam kung ano ang dapat kong gawin. Napalingon si Lucian at agad tinakpan ng kumot ang babae. “Arielle—” “Wala kang karapatang tawagin ‘yong pangalan ko!” singhal ko, nabasag ang boses ko. “Sa bahay pa talaga natin, Lucian?” Tumakbo palabas ang babae habang nakatapis ang kumot sa katawan, halos hindi na makatingin sa akin. Nang maiwan kaming dalawa ay tuluyan na akong napaiyak, lalo na dahil walang kahit bahid ng pagsisisi sa mukha niya. “Gusto ng divorce. . . Maghiwalay na tayo, Lucian,” mahina kong sabi, “Hindi ko na kaya.” Tumaas ang kilay niya bago sarkastikong matawa. “Divorce? What are you talking about, Arielle? Hindi ako papayag.” “Lucian—” “Hindi tayo pwedeng maghiwalay,” mariin niyang sabi habang naglalakad papalapit sa akin. “Hindi mo kung anong mawawala kapag naghiwalay tayo.” “Sarili ko ang mauubos kapag nanatili pa ako sa pagsasama na 'to, Lucian,” sagot ko ngunit umilang lang siya. "Then lose yourself. . . Lose yourself for me." Nilagpasan niya ako bago malakas na sinaraduhan ng pinto. Nanginginig akong napaupo sa sahig dahil sa pagsabog ng emosyon ko. Ngayong gusto ko nang sumuko, siya naman ang ayaw makipaghiwalay. Anong klaseng kalokohan ba 'to? Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon nang marinig ko ang may nagdoor bell. Kahit magbigat ang nararamdaman ko ay tumayo ako para tingnan kung sino 'yon, pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Uncle Magnus. “Arielle?” pagtawag niya, napakunot ang noo nang makitang umiiyak ako. “Nasaan si Lucian? At bakit umiiyak ka na naman?" Pinunasan ko ang aking luha. “Wala siya,” mahinang sagot ko. "Hindi ko rin alam kung nasaan." "Why are you crying?" Malungkot akong napangiti kasabay ng muling pagtulo ng aking luha. “N-Nahuli ko siyang may katalik na babae sa kwarto namin. Gusto ko nang makipag-divorce, Uncle Magnus. Pero ayaw niyang pumayag.” “Divorce?” may mapait na ngiti sa labi niya. “Arielle… You don't need a divorce...” Napatingin ako sa kaniya, naguguluhan. “Ano’ng ibig mong sabihin?" “Dahil walang bisa ang kasal ninyo ni Lucian. It's not registered , Arielle.” "H-Ha? Paano nangyari 'yon?" “Hindi ko alam kung sinadya ni Lucian o ng abogado,” sagot niya, "pero mata ng batas, hindi kayo kasal." Hindi ako makapaniwala sa narinig, parang ang hirap paniwalaan. Tama nga ang sinasabi niyang wala talaga akong karapatan sa kaniya. Tumitig sa akin si Uncle. “Kaya kung gusto mong umalis, Arielle, may karapatan ka. He have no right to stop you." Walang salitang lumabas sa bibig ko. Iniisip ko kung nagsisinungaling na naman si Uncle Magnus sa akin, pero ang hirap niyang basahin. Kung totoo nga ang sinasabi niya, bakit kailangan pang itago ni Lucian ang lahat ng 'to sa akin?Arielle's Point Of View."Lucian? Lucian?" sunod-sunod kong pagtawag sa kaniya, halata pa ring nahihirapan siya pero napansin ko ang dahan-dahan niyang pagbangon. "Huwag ka munang gumalaw! Baka mamaya ay mapaano ka!"Nag-aalala kong nilingon si Lisha. "Tumawag ka ng doktor, sabihin mo sa kanilang gising na si Lucian," mabilis kong sabi, tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko."What happened?"Muli akong napatingin kay Lucian dahil sa sinabi niya. Hawak niya ang ulo niya, kinakapa ang benda roon. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Ilang araw kang walang malay, naaksidente ka habang nagmamaneho papunta sa trabaho mo. Inoperahan ka dahil sa dami ng nawala mong dugo, at mga butong nabali," paliwanag ko sa kaniya ngunit nakakunot pa rin ang noo niya na para bang inaalala ang nangyari, ilang sandali lang natahimik bago magsalita."I remembered. . . Bumangga sa puno ang sasakyan ko dahil may bumangga sa akin.""Huwag kang mag-alala, nakakukong na ang bumangga sa'yo," wika ko at
Magnus's Point Of View."What is she doing here?" seryosong tanong ko kay Franklin, ang kaibigan ko. Kakatapos ko lang bumisita sa hospital kay Arielle at kaagad akong dumiretso sa condo niya."Sigurado ka bang siya 'yon?" Napakunot ang noo niya. "I'm not one hundred percent sure but I have this gut feeling that she's really here.""Pero bakit naman siya nagpakilala kay Arielle bilang dating kaibigan ni Lucian?""I don't know, Franklin. I don't know why she's fvcking around again," galit kong sagot. "Alam kong ayaw niyang sabihin ang pangalan niya kay Arielle dahil ayaw niyang magkagulo ulit.""Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi kay Arielle ng totoo? Stop being a protective Uncle."Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawana niya lang ako. "Arielle's really curious about her, you know? Pumunta pa siya sa resto ko para lang makahanap ng impormasyon."Tumataas ang kilay nito. "Hinayaan mo ba?""Why would I? Edi malalaman niya rin kung bakit talaga siya pinakasalan ni Lucian.""Sa totoo
Arielle's Point Of View.Pero hindi ko siya hinayaan makaalis na lang basta-basta dahil mabilis akong tumakbo upang habulin siya bago siya mabilis na hinawakan sa braso."Nagtatanong ako nang maayos, bakit ayaw mo 'kong sagutin?" seryosong sabi ko, hinarap niya naman ako kaagad."I don't even know you, Miss."Napalabi ako. "Pero nakita kita sa libingan ni Papa! Hindi mo ba naalala 'yon?""Kung ikaw nga hindi ko kilala, paano pa kaya ang Papa mo? At para malaman mo, ngayon nga lang kita nakita."Tuluyan na akong napakunot sa narinig, hindi ko maintindihan kung tama nga ba ang sinasabi niya. Sinubukan kong alalanin ang babaeng nakilala ko sa sementeryo. Ang pagkakatanda ko ang payat siya at maputla, parehas lang naman sila ng babaeng kaharap ko ngayon pero hindi siya kasing payat noong babaeng nasa sementeryo, pansin ko rin ang accent sa boses ng kaharap ko ngayon at yung babaeng nasa sementeryo ay purong tagalog magsalita.Teka, pero bakit magkamukhang-magkamukha sila?"Pero ikaw talag
Arielle’s Point of ViewTahimik lang ang paligid ng ospital, tanging tunog lang ng gamit at mahina kong paghinga ang maririnig. Dalawang araw na ang lumipas mula noong maoperahan si Lucian pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay. Hindi pa rin siya nagigising. Hindi ko tuloy maiwasang lalong mag-alala, kahit naman hindi kami maayos. Ayoko pa rin na may mangyaring masama sa kaniya.Sa dalawang araw na lumipas, araw-araw akong bumibisita sa ICU. Sa totoo lang, halos kabisado ko na ang bawat patunog ng monitor at bawat patak ng dextrose niya. Pinaalam ko na rin kay Mommy ang nangyari, bumisita rin siya at mabuti nga dahil noong mga oras na 'yon ay wala si Tita Kladine. Alam ni Mommy ang pagtrato sa akin ng Nanay ni Lucian, kaya alam kong baka magsagutan lang silang dalawa, at ayokong mangyari 'yon.“Good morning, Mrs. Davenhart,” pagbati ng nurse pagkatapos makita ang pagpasok ko sa kwarto, nakita kong pinapalitan ang suplay ng gamot. “Stable po ang vital signs ni Sir Lucian, pero
Arielle's Point Of View.Halos paliparin na ni Lisha ang sasakyan niya para makarating kamisa St. Martin's Hospital. Pagdating namin ay namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kanina pero mas kalmado na ako ngayon pero mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Lalo na nang makarating kami sa emergency room, nakita ko kaagad ang Mom ni Lucian na si Kladine at ang asawa nitong si Peter, nakaupo sila sa waiting room at bakad na bakas ang pagod at pag-aalala sa mga mukha nila."Arielle?" pagbati ni Tita Kladine, pero halata ko ang pagkairita sa boses niya, na hindi na bago sa akin. "Why did you took so long to arrive here? Hindi mo ba alam na naaksidente na ang asawa mo?"Napakagat ako sa labi, hindi ko alam kung paano sasagutin. Palagi naman siyang ganito sa akin, hindi ko alam kung bakit hindi pa ako sanay. "P-Pasensya na po Tita Kladine. May pinuntahan lang po kasi ako.""Mas mahalaga pa sa anak ko? Housewife ka na nga lang at si Lucian lang ang nagtatrabaho sa inyo, m
Arielle’s Point of View.“Oo, ako nga,” sagot ni Uncle Magnus, malamig ang boses niya. “At gusto kong malaman kung bakit niyo hinahanap si Abigail.”Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa narinig. Ramdam ko ang sa akin si Lisha, pero hindi ko siya magawang balingan ng tingin. Nanatili ang tingin kay Uncle Magnus, pilit pinapanatili ang kalmado kong mukha kahit kinakabahan na ako.“Ah… hindi po ‘yung iniisip mo, Uncle” mahinahon kong sabi, bago pilit na ngumiti. “Ibang Abigail po ‘yung hinahanap namin. Hindi po ‘yung. . . 'yung dating ex ni Lucian.”Saglit siyang natahimik sa narinig, parang iniisip kung dapat niya bang paniwalaan ang sinabi ko.Tumaas ang kilay niya. “Really?” tanong niya, seryoso ang boses. “What is your reason? Why are you finding her?"“M-May nagsabi po kasi na may kinalaman siya sa isang bagay na gusto naming iklaro,” sagot ko bago umiwas ng tingin. "Wala 'tong kinalaman kay Lucian."Dahil sa narinig ay nakita ko ang pag-ilang niya. "I can tell when people







