LOGINArielle’s Point of View
Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig pa rin kina Lucian at sa babaeng kasama niya. Para akong binuhusan ng yelo, hindi ako makalagaw sa kinatatayuan ko. Alam ko namang hindi ako ang babaeng mahal niya, pero ang sakit makita no'n sa harap-harapan. Dala ng galit na nararamdaman, malalaki ang naging hakbang ko papalapit sa kanila. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit, isang braso ang pumigil sa akin. "Don't make a scene here, Arielle." Mabilis akong napalingon at nakita ko si Uncle Magnus. Mahigpit ang hawak niya sa akin at malamig ang tingin. Magsasalita pa sana ako pero hinatak niya ako paalis sa lugar, narating namin ang canteen ng hospital at nagpupumiglas pa rin ako sa kaniya. “Bitawan n’yo ako, Uncle! Gusto ko lang—” “Gusto mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng nila?” pagputol niya sa sasabihin ko, “Huwag mong sabihing magmamakaawa ka sa harapan ng asawa mo habang niya ang kabit niya? Nakakatawa ka." Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi niyo naiintindihan!" “Mas naiintindihan ko pa kaysa sa’yo,” aniya, walang pag-aalinlangan. “Hindi ako sasali sa drama mo, Arielle. Kung ayaw mong magmukhang kawawa, umalis ka rito.” “Pero nakita mo ba sila? Si Lucian at ‘yung babae—” “It's Abigail,” malamig niyang putol. Napatigil ako, nanlaki ang mata. “'Yon si Abigail?" "How come you don't know your husband's first love?" "Alam ko lang ang pangalan niya, hindi ko na inalam ang itsura niya dahil baka makaramdam lang ako ng selos at inggit." "Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo, Arielle." Bumigat ang dibdib ko sa narinig, hindi ko matanggap 'yon. “Bakit parang ako pa ‘yung masama?” “You always wanted to be the victim here," aniya. “But you're also the one who chooses to stay with the man you know has someone else." Napayuko ako, pilit pinipigil ang pagpatak ng luha. Nakakahiyang umiyak ako sa harapan niya. “Hindi ko kasi matanggap, Uncle…” "Stop feeding yourself delusions. Wala namang pumipilit na manatili ka pa sa asawa mo." "S-Sa tingin mo ba, nagbalikan na silang dalawa?" “Kung oo, ano’ng gagawin mo?” tanong niya. “Iiwan mo siya? Hindi mo kaya. Kaya ‘wag kang magtanong kung hindi mo kayang tanggapin ang sagot." Napahinga ako nang malalim, nanginginig ang kamay ko. "Hindi ko alam ang dapat kong gawin, pero sobra akong nasasaktan ngayon at ayoko nang masaktan pa." “Then stop whining about it,” malamig niyang wika. “Kung ayaw mong masaktan, huwag kang umasa. Simple as that." Tahimik akong napaiwas ng tingin. Pagkalipas ng ilang minuto, tumikhim siya. “Let’s go. You look pathetic standing here." Hindi ko inakalang siya ang maghahatid sa akin pauwi, pero tahimik ko 'yong pinagpasalamat dahil wala akong sa sarili para umuwi. Kahit ang sakit ng mga sinabi niya sa akin, mabuti na lang pala at nandito siya sa tabi ko. Ang alam ko wala pa siyang asawa o girlfriend at abala lang siya sa kompanya ng pamilya nila. Inaasar nga siya nila Sir Herriot dahil siya na lang ang anak ng matanda mukhang walang balak magpamilya. Hindi ko tuloy alam kung may babae na bang nanakit sa kaniya dahil base sa mga sinabi niya sa akin, parang naranasan niya ng masaktan nang ganito. Pagdating sa mansyon, pinarada niya ang sasakyan sa parking lot, bago ako bumaba ay lumingon ako sa kaniya. "Salamat po, Uncle Magnus,” mahina kong sabi. “Pasensya na kung nadamay ka pa sa drama ko.” "Drama? I'm a busy person, Arielle. Wala akong oras para riyan," sagot nito at napatingin ako sa kanya, may sasabihan pa sana ako pero sinenyasan niya na akong umalis. “Go. Get inside,” sabi niya. “And try not to faint again." Pinanood ko munang umalis ang sasakyan niya bago ako tuluyang pumasok sa loob. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nang makita si Lucian, nakaupo siya sa sofa at masama ang tingin sa akin. “Bakit ngayon ka lang umuwi?” malamig niyang tanong. “At bakit si Uncle Magnus ang naghatid sa'yo rito? Kanina pa kita tinatawagan!" "Tumawag?" inis kong sabi. "Ang galing mo, Lucian! May pakialam ka lang sa akin kapag hindi mo ako naabutan dito sa bahay!" Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Ano’ng ginawa mo kasama si Magnus? Baka nakakalimutan mo, asawa kita, Arielle. Hindi ka dapat sumasama sa kung sino-sino lang—" “Kung sino-sino?!" pagputol ko, napataas na rin ang boses ko. “Si Uncle Magnus ang nagdala sa akin sa hospital noong nahimatay ako! Kung hindi dahil sa kanya, baka may masamang nangyari na sa akin! At ikaw? Nasaan ka? Nasa waiting area ka at nakikipagtawanan sa babae mo!” Napatigil siya. “What are you talking about?” “Nakita ko kayo ni Abigail sa hospital! Magkayakap, nagtatawanan, at hinahalikan mo pa siya sa noo!" “Don’t twist things, Arielle!” sigaw niya. “Wala kang karapatang akusahan ako kung ikaw mismo, gabi nang umuwi at may kasama ka pang lalaki!" "Huwag mo 'kong itulad sa'yo, Lucian!" "At para sabihin ko sa'yo, hindi si Abigail ang kasama ko kanina! So, don't ever mention her name again!" Napakunot ang noo ko, naguguluhan. "Eh, kung ganoon sino? Pero wala na akong pakialam pa, Lucian! Nakita ng dalawang mata ko na may babae ka!" Sasagot pa sana siya ngunit natigilan kami nang makita ang pagpasok ni Uncle Magnus, nakita kong hawak niya ang bag ko. “Arielle, naiwan mo—” Bigla siyang natigilan nang mapagtanto ang nangyayari, napansin ko ang pagkunot ng noo niya. “Uncle…” mahina kong sambit. Lumapit siya sa amin. “What's happening?” malamig niyang tanong. "Bakit sinisigawan mo siya, Lucian?" “Wala kang pakialam dito, Magnus,” sagot nito. “Asawa ko 'to." “Alam ko,” aniya, nakataas ang kilay. “Kaya nga nagtataka ako kung bakit mo siya tinatrato na parang hayop." “Wag kang makialam!” sigaw ni Lucian. “Relax,” malamig na sagot ni Uncle Magnus. “Kung gusto mong sumigaw, sigawan mo ‘yung babae mong ‘yon, huwag si Arielle.” Kumunot ang noo ni Lucian. “Anong pinagsasabi mo?!" “TUMIGIL NA KAYO!” sigaw ko, ngunit sa sobrang bigat ng dibdib ko, parang bigla akong nahirapang huminga. Naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko, tandang-tanda ko na ganito ang naramdam ko noong huli akong mahimatay. “U-Uncle… Lucian…” Naramdaman ko ang pagtulo ng kung anong likido sa ilong ko. Pinahid ko ang kamay ko at ng makitang dugo 'yon ay mas lalo akong nakaramdam ng pagkahilo. “Arielle!” sabay na sigaw ng dalawa bago ako tuluyang nawalan ng balanse. Ang huling narinig ko ay ang magkasabay nilang pagtawag sa pangalan ko, gustuhin ko magsalita pa ngunit tuluyan nang binalot ng kadiliman ang paningin ko.Arielle’s Point of ViewPagkatapos ng lahat ng nangyari sa mansion ng mga Davenhart, parang biglang naging tahimik ang lahat. Tahimik, pero hindi payapa. Dalawang araw na ang lumipas mula nang harapin namin si Sir Herriot pero hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Lucian—at lalo na ang sinabi niya bago kami umuwi.“Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin, hinding-hindi ’yon mangyayari.”Hindi ko alam kung pananakot ba ‘yon o pangako. Pero alam kong sa alin man sa dalawa, parehas pa rin akong makukulong.Umagang-umaga, nagising ako sa ingay ng ulan. Malakas ang pagbuhos, halos hindi ko marinig ang tunog ng orasan sa kwarto. Tumalikod ako sa kabilang side ng kama, wala na naman siya. Hindi na ako nagulat pa. Mula nang mangyari ‘yon, dalawa araw na rin siyang hindi pa nagpapakita sa akin. Hinatid niya lang talaga ako pauwi.Napabuntong-hininga ako bago bumangon. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin habang bumaba ako. Kinuha ko ang robe at naglakad papunta
Arielle’s Point of View“Totoo ba, Lucian?” halos pabulong kong tanong, pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Hindi ko alam kung kaba o takot ang nangingibabaw, akiramdam ko ay anumang oras na magsalita siya ay mawawasak ako.“Sinungaling si Magnus,” mariin niyang sabi. “Don’t listen to him.”“Lucian, hindi mo naman kailangan magalit. Gusto ko lang malaman kung—”“Kung totoo?” putol niya. “Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?”Napahinto ako. Gusto kong tumawa sa narinig. "Pagkatapos nang lahat ng nangyari, paano mo nagagawang sabihin 'yan?" sarkastiko akong tumawa. "Oo, Lucian. Wala na akong tiwala sa'yo. Kaya sabihin mo na sa akin ang totoo. Magsisinungaling si Uncle Magnus? Alam mo naman, hindi siya ‘yong tipong—"“He’s always been against me,” madiin niyang sagot. “Gusto niyang pag-awayin tayo. Gusto niyang sirain ang buhay ko. He knows that you're my weakness," dagdag niya. "Minsan ka na niyang niloko, Arielle! Pinaniwala niyang si Abigail ang kasama kong babae hospital at na
Arielle’s Point of ViewMabigat pa rin ang dibdib ko kahit ilang araw na ang lumipas. Parang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ‘yung imahe nina Lucian at ng babae sa kama namin. Dalawang araw na ang lumipas simula noong mangyari 'yon, at hindi pa rin umuuwi ang asawa ko. Hindi ko tuloy siya makompronta tungkol sa sinabi sa akin ni Uncle Magnus.Isang araw, niyaya ako ni Lisha lumabas, hindi na ako tumanggi dahil gusto ko lang makalimot, kahit sandali lang. “Let’s go to the bar, girl,” sabi niya habang nag-aayos sa salamin. “Kailangan mong ilabas ‘yang sakit na ‘yan. Hindi ka pwedeng magmukmok lang sa bahay.”Ngumiti ako ng pilit. “Baka naman ako pa ang maiyak sa gitna ng bar, nakakahiya.”“Hindi kita papayagang umiyak doon,” sagot niya sabay kindat. “Tutal may babaeng iba na ang asawa mo, ito na ang oras para maghanap ka ng bagong lalaki!"Napailang na lang ako sa narinig, pagdating namin sa bar, agad akong sinalubong ng malakas na tugtugin, halong halakhakan at ilaw na kulay pula
Arielle’s Point of ViewIlang araw na akong naka-confine sa ospital. Sabi ni Mommy, kailangan ko raw magpahinga, at huwag mag-isip ng kung ano-ano. Pero paano ko magagawa ‘yon kung bihira lang dumalaw si Lucian? Kapag dumadalaw man siya, sandali lang. Minsan nga hindi pa kami nagkakausap, nag-iiwan lang siya ng bulaklak o prutas, tapos aalis din agad.Wala rin akong balita kay Uncle Magnus dahil hindi na rin siya dumalaw pa. Alam ko namang busy siyang tao kaya inaasahan ko na 'yon.Pagsapit ng hapon, dumalaw sa akin si Lisha. Pagkapasok pa lang niya sa kwarto, halos yakapin niya ako nang mahigpit.“Girl! Halos atakihin ako sa puso nang marinig kong dinala ka na naman sa hospital!"Ngumiti ako. “Buhay pa naman ako, huwag kang OA.”“Hindi ‘yan nakakatawa, Arielle,” umirap siya. “Ang sabi ng Mommy mo, seryoso ang sakit mo at kailangan mong magpalakas. Pero tingnan mo nga ‘yung sarili mo, halatang malungkot ka. At alam kong si Lucian na naman ang dahilan niyan."Napayuko ako. “Hindi ko na
Arielle’s Point of ViewMahina kong iminulat ang mga mata ko. Muli na naman akong nakahiga sa puting kama, amoy alcohol at disinfectant ang bumungad sa ilong ko.Ang kisame ay sobrang puti, patunay lang na nasa hospital na naman ako.Mabigat ang katawan ko, parang may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, pero parang pagod na pagod ang bawat bahagi ako. Paglingon ko sa gilid, agad kong nakita si Mommy, nakaupo, hawak ang kamay ko, at halatang kagigising lang. Nang mapansin niyang may malay na ako, agad siyang tumayo.“Arielle!” Napahawak siya sa pisngi ko, puno ng pag-aalala ang boses. "Salamat sa Diyos at nagising ka na, anak."Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. “Mommy...” mahina kong sabi. “Gaano ako katagal na walang malay?”“Halos dalawang oras,” sagot niya, bago haplusin ang buhok ko. "Nagulat ako noong tumawag si Lucian, sinabi niyang sinugod ka sa hospital dahil nahimatay ka."“Nasaan po siya?” tanong ko, halos bulong.“Nasa laba
Arielle’s Point of ViewMabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig pa rin kina Lucian at sa babaeng kasama niya. Para akong binuhusan ng yelo, hindi ako makalagaw sa kinatatayuan ko. Alam ko namang hindi ako ang babaeng mahal niya, pero ang sakit makita no'n sa harap-harapan.Dala ng galit na nararamdaman, malalaki ang naging hakbang ko papalapit sa kanila. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit, isang braso ang pumigil sa akin."Don't make a scene here, Arielle."Mabilis akong napalingon at nakita ko si Uncle Magnus. Mahigpit ang hawak niya sa akin at malamig ang tingin. Magsasalita pa sana ako pero hinatak niya ako paalis sa lugar, narating namin ang canteen ng hospital at nagpupumiglas pa rin ako sa kaniya.“Bitawan n’yo ako, Uncle! Gusto ko lang—”“Gusto mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng nila?” pagputol niya sa sasabihin ko, “Huwag mong sabihing magmamakaawa ka sa harapan ng asawa mo habang niya ang kabit niya? Nakakatawa ka."Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi niyo naiintind







