Share

Kabanata 7

Author: Vinaaarae
last update Last Updated: 2025-10-28 20:33:36

Arielle’s Point of View

“Totoo ba, Lucian?” halos pabulong kong tanong, pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Hindi ko alam kung kaba o takot ang nangingibabaw, akiramdam ko ay anumang oras na magsalita siya ay mawawasak ako.

“Sinungaling si Magnus,” mariin niyang sabi. “Don’t listen to him.”

“Lucian, hindi mo naman kailangan magalit. Gusto ko lang malaman kung—”

“Kung totoo?” putol niya. “Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?”

Napahinto ako. Gusto kong tumawa sa narinig.

"Pagkatapos nang lahat ng nangyari, paano mo nagagawang sabihin 'yan?" sarkastiko akong tumawa. "Oo, Lucian. Wala na akong tiwala sa'yo. Kaya sabihin mo na sa akin ang totoo. Magsisinungaling si Uncle Magnus? Alam mo naman, hindi siya ‘yong tipong—"

“He’s always been against me,” madiin niyang sagot. “Gusto niyang pag-awayin tayo. Gusto niyang sirain ang buhay ko. He knows that you're my weakness," dagdag niya. "Minsan ka na niyang niloko, Arielle! Pinaniwala niyang si Abigail ang kasama kong babae hospital at naniwala ka naman. Ganyan ka na talaga ka uto-uto? Ako ang asawa mo rito, Arielle. Huwag kang maniwala sa kung sinu-sino lang."

Natahimik ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o masaktan sa mga sinabi niya. Gusto kong ipaalala sa kaniya bigla na ginawa niya akong lokohin, tapos tatawagin niyang asawa ko siya na para bang hindi siya nagdala ng babae sa kwarto namin at kinama niya.

Anong klaseng lalaki ba talaga ang pinakasalan ko? At hanggang kailan ako mapapagod dahil sa kaniya?"

“Lucian. . . Ayoko nang makipaglokohan, maawa ka naman sa akin,” mahina kong ani, pero umiling lang siya bago lumapit siya sa akin, mabigat ang bawat hakbang. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa kabila ng malamig na hangin mula sa aircon. “The truth is, I married you. Legal ang kasal natin. May papeles at rehistrado. You have nothing to worry about."

Natahimik ako, ang hirap niyang paniwalaan. Sinubukan kong titigan siya, hinahanap ang sinseridad sa mga mata niya pero wala akong mahanap, Parang sinasabi lang niya iyon dahil kailangan, hindi dahil gusto.

Pagkatapos ng ilang sandali, tumalikod ako, hindi ko siya kayang harapin, lalo na kung hindi ako sigurado kung nagsasabi ba siya ng toto. “Hindi ko na alam kung anong dapat kong paniwalaan,” mahina kong sabi, saka ako bunalik sa itaas. Sa likod ko, naramdaman ko ang bigat ng kanyang titig, pero hindi ko siya nilingon.

Kinabukasan, isang tawag mula sa mansion ng mga Davenhart ang gumising sa akin. Si Sir Herriot daw ay gustong makausap kami. Tumawag ang butler niya sa akin, hindi ko maiwasang kabahan.

Pagdating namin doon, tahimik lang si Lucian habang nagmamaneho. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga punong dumadaan, pero gulong-gulo na ang isip ko.

Pagpasok namin sa mansion, sinalubong kami ng katahimikan, binati pa kami ng mga maids na tanging pagngiti lang ang naisukli ko. Pagdating sa dining hall, nandoon si Sir Herriot, nakaupo sa malaking armchair. Sa tabi niya, si Uncle Magnus, na seryoso lang kaming pinasadahan ng tingin.

“Lucian. Arielle. Sit down,” malamig na sabi ni Sir Herriot. Sumunod kaagad kami. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, nahihirapan tuloy akong huminga nang maayos.

“Ano ba ‘tong naririnig ko mula kay Lucian?” panimula ng matanda. “Magnus, sinabi mo raw sa asawa ng apo ko na hindi rehistrado ang kasal nila?”

Tumango si Uncle. “Yes, Sir. Dahil 'yon ang nakita ko sa mga dokumento. Wala sa central record ang pangalan ni Lucian at Arielle.”

Napatawa ang asawa ko. “So you’re accusing me of falsifying my own marriage?”

“I'm not saying—”

“But that’s what you meant, Uncle, isn’t it?” dagdag pa niya.

Inilabas ni Lucian ang isang itim na folder at inilapag sa harap naming lahat. “Here. Marriage certificate, registration documents, and legal proof signed and verified. Patunay na hindi nagsasabi ng 'totoo ang anak mo, Sir Herriot.”

Natahimik kami sa narinig. Tanging paghinga lang namin ang naririnig. Kinuha ni Sir Herriot ang dokumento at binasa ang bawat laman.

Napatitig lang ako kay Lucian. Tahimik siya, pero matalim ang tingin. Habang si Uncle Magnus naman, napahawak sa kaniyang sintido, tila kinokontrol ang sarili.

Pagkalipas ng ilang minuto, itinabi ni Sir Herriot ang mga papeles at tumingin kay Magnus. “Everything seems valid. So tell me, Magnus, saan mo nakuha ‘yang impormasyon mo?”

Huminga nang malalim si Magnus. “May duplicate file ako na nakuha sa archive. Walang registration number, kaya akala ko—”

“Akala mo,” pag-uulit ni Sir Herriot, tumataas na ang tono. “You accused my grandson of a grave lie dahil lang sa akala mo?”

“Sir, I only wanted to protect—”

“Protect?” galit na singit ni Sir Herriot. “By spreading false accusations?"

Hindi makatingin si Magnus. Ramdam ko ang pagkapahiya niya dahil sa nangyari .

“Arielle,” sabi ni Sir Herriot bago ako nilingon, “I hope this clears your doubts. Ang kasal niyo ni Lucian ay legal at rehistrado. Don’t let others ruin your marriage.”

Tumango ako.

“Sir, I didn’t mean to—” magsasalita pa sana si Magnus pero pinutol siya ng matanda.

“Enough. I don’t want any more excuses. From now on, stay away from Lucian and his wife. Hindi ko gusto na maulit pa ‘to dahil magiging kahihiyan 'to sa pamilya natin. Do you understand?”

Tahimik na tumango si Magnus. “Yes, Sir.”

Paglabas namin ng silid, hindi ko maiwasang lumingon sa kanya. Nagtama naman ang mga mata namin ni Uncle ngunti umiwas din siya ng tingin. Habang naglalakad paalis, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kaniya.

Pakiramdam ko ay hindi pa rin naresolba ang problema ko dahil kahit naman rehistrado pa rin ang kasal namin ni Lucian, hindi pa rin mabubura ang katotohanang niloko niya ako. Nagdala siya ng babae sa bahay namin at kinama.

Pwedeng sabihin 'yon ni Uncle o ako. . . Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang sabihin, siguro dahil gusto ko pa ring protektahan si Lucian kahit ako ang nasira dahil sa ginawa niya.

"Niloko mo pa rin ako, Lucian," mahinang sabi ko sa kaniya habang nagmamaneho siya pauwi sa bahay namin.

Narinig ko ang pagtawa niya kaya nilingon ko siya. "Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin, hinding-hindi 'yon mangyayayri, Arielle."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 8

    Arielle’s Point of ViewPagkatapos ng lahat ng nangyari sa mansion ng mga Davenhart, parang biglang naging tahimik ang lahat. Tahimik, pero hindi payapa. Dalawang araw na ang lumipas mula nang harapin namin si Sir Herriot pero hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Lucian—at lalo na ang sinabi niya bago kami umuwi.“Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin, hinding-hindi ’yon mangyayari.”Hindi ko alam kung pananakot ba ‘yon o pangako. Pero alam kong sa alin man sa dalawa, parehas pa rin akong makukulong.Umagang-umaga, nagising ako sa ingay ng ulan. Malakas ang pagbuhos, halos hindi ko marinig ang tunog ng orasan sa kwarto. Tumalikod ako sa kabilang side ng kama, wala na naman siya. Hindi na ako nagulat pa. Mula nang mangyari ‘yon, dalawa araw na rin siyang hindi pa nagpapakita sa akin. Hinatid niya lang talaga ako pauwi.Napabuntong-hininga ako bago bumangon. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin habang bumaba ako. Kinuha ko ang robe at naglakad papunta

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 7

    Arielle’s Point of View“Totoo ba, Lucian?” halos pabulong kong tanong, pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Hindi ko alam kung kaba o takot ang nangingibabaw, akiramdam ko ay anumang oras na magsalita siya ay mawawasak ako.“Sinungaling si Magnus,” mariin niyang sabi. “Don’t listen to him.”“Lucian, hindi mo naman kailangan magalit. Gusto ko lang malaman kung—”“Kung totoo?” putol niya. “Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?”Napahinto ako. Gusto kong tumawa sa narinig. "Pagkatapos nang lahat ng nangyari, paano mo nagagawang sabihin 'yan?" sarkastiko akong tumawa. "Oo, Lucian. Wala na akong tiwala sa'yo. Kaya sabihin mo na sa akin ang totoo. Magsisinungaling si Uncle Magnus? Alam mo naman, hindi siya ‘yong tipong—"“He’s always been against me,” madiin niyang sagot. “Gusto niyang pag-awayin tayo. Gusto niyang sirain ang buhay ko. He knows that you're my weakness," dagdag niya. "Minsan ka na niyang niloko, Arielle! Pinaniwala niyang si Abigail ang kasama kong babae hospital at na

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 6

    Arielle’s Point of ViewMabigat pa rin ang dibdib ko kahit ilang araw na ang lumipas. Parang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ‘yung imahe nina Lucian at ng babae sa kama namin. Dalawang araw na ang lumipas simula noong mangyari 'yon, at hindi pa rin umuuwi ang asawa ko. Hindi ko tuloy siya makompronta tungkol sa sinabi sa akin ni Uncle Magnus.Isang araw, niyaya ako ni Lisha lumabas, hindi na ako tumanggi dahil gusto ko lang makalimot, kahit sandali lang. “Let’s go to the bar, girl,” sabi niya habang nag-aayos sa salamin. “Kailangan mong ilabas ‘yang sakit na ‘yan. Hindi ka pwedeng magmukmok lang sa bahay.”Ngumiti ako ng pilit. “Baka naman ako pa ang maiyak sa gitna ng bar, nakakahiya.”“Hindi kita papayagang umiyak doon,” sagot niya sabay kindat. “Tutal may babaeng iba na ang asawa mo, ito na ang oras para maghanap ka ng bagong lalaki!"Napailang na lang ako sa narinig, pagdating namin sa bar, agad akong sinalubong ng malakas na tugtugin, halong halakhakan at ilaw na kulay pula

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 5

    Arielle’s Point of ViewIlang araw na akong naka-confine sa ospital. Sabi ni Mommy, kailangan ko raw magpahinga, at huwag mag-isip ng kung ano-ano. Pero paano ko magagawa ‘yon kung bihira lang dumalaw si Lucian? Kapag dumadalaw man siya, sandali lang. Minsan nga hindi pa kami nagkakausap, nag-iiwan lang siya ng bulaklak o prutas, tapos aalis din agad.Wala rin akong balita kay Uncle Magnus dahil hindi na rin siya dumalaw pa. Alam ko namang busy siyang tao kaya inaasahan ko na 'yon.Pagsapit ng hapon, dumalaw sa akin si Lisha. Pagkapasok pa lang niya sa kwarto, halos yakapin niya ako nang mahigpit.“Girl! Halos atakihin ako sa puso nang marinig kong dinala ka na naman sa hospital!"Ngumiti ako. “Buhay pa naman ako, huwag kang OA.”“Hindi ‘yan nakakatawa, Arielle,” umirap siya. “Ang sabi ng Mommy mo, seryoso ang sakit mo at kailangan mong magpalakas. Pero tingnan mo nga ‘yung sarili mo, halatang malungkot ka. At alam kong si Lucian na naman ang dahilan niyan."Napayuko ako. “Hindi ko na

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 4

    Arielle’s Point of ViewMahina kong iminulat ang mga mata ko. Muli na naman akong nakahiga sa puting kama, amoy alcohol at disinfectant ang bumungad sa ilong ko.Ang kisame ay sobrang puti, patunay lang na nasa hospital na naman ako.Mabigat ang katawan ko, parang may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, pero parang pagod na pagod ang bawat bahagi ako. Paglingon ko sa gilid, agad kong nakita si Mommy, nakaupo, hawak ang kamay ko, at halatang kagigising lang. Nang mapansin niyang may malay na ako, agad siyang tumayo.“Arielle!” Napahawak siya sa pisngi ko, puno ng pag-aalala ang boses. "Salamat sa Diyos at nagising ka na, anak."Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. “Mommy...” mahina kong sabi. “Gaano ako katagal na walang malay?”“Halos dalawang oras,” sagot niya, bago haplusin ang buhok ko. "Nagulat ako noong tumawag si Lucian, sinabi niyang sinugod ka sa hospital dahil nahimatay ka."“Nasaan po siya?” tanong ko, halos bulong.“Nasa laba

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 3

    Arielle’s Point of ViewMabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig pa rin kina Lucian at sa babaeng kasama niya. Para akong binuhusan ng yelo, hindi ako makalagaw sa kinatatayuan ko. Alam ko namang hindi ako ang babaeng mahal niya, pero ang sakit makita no'n sa harap-harapan.Dala ng galit na nararamdaman, malalaki ang naging hakbang ko papalapit sa kanila. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit, isang braso ang pumigil sa akin."Don't make a scene here, Arielle."Mabilis akong napalingon at nakita ko si Uncle Magnus. Mahigpit ang hawak niya sa akin at malamig ang tingin. Magsasalita pa sana ako pero hinatak niya ako paalis sa lugar, narating namin ang canteen ng hospital at nagpupumiglas pa rin ako sa kaniya.“Bitawan n’yo ako, Uncle! Gusto ko lang—”“Gusto mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng nila?” pagputol niya sa sasabihin ko, “Huwag mong sabihing magmamakaawa ka sa harapan ng asawa mo habang niya ang kabit niya? Nakakatawa ka."Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi niyo naiintind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status