Share

Kabanata 6

Author: Vinaaarae
last update Last Updated: 2025-10-28 19:54:16

Arielle’s Point of View

Mabigat pa rin ang dibdib ko kahit ilang araw na ang lumipas. Parang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ‘yung imahe nina Lucian at ng babae sa kama namin. Dalawang araw na ang lumipas simula noong mangyari 'yon, at hindi pa rin umuuwi ang asawa ko. Hindi ko tuloy siya makompronta tungkol sa sinabi sa akin ni Uncle Magnus.

Isang araw, niyaya ako ni Lisha lumabas, hindi na ako tumanggi dahil gusto ko lang makalimot, kahit sandali lang.

“Let’s go to the bar, girl,” sabi niya habang nag-aayos sa salamin. “Kailangan mong ilabas ‘yang sakit na ‘yan. Hindi ka pwedeng magmukmok lang sa bahay.”

Ngumiti ako ng pilit. “Baka naman ako pa ang maiyak sa gitna ng bar, nakakahiya.”

“Hindi kita papayagang umiyak doon,” sagot niya sabay kindat. “Tutal may babaeng iba na ang asawa mo, ito na ang oras para maghanap ka ng bagong lalaki!"

Napailang na lang ako sa narinig, pagdating namin sa bar, agad akong sinalubong ng malakas na tugtugin, halong halakhakan at ilaw na kulay pula at asul. Amoy alak at sigarilyo ang paligid, pero kakaiba dahil parang ngayon lang ako nakahinga nang maluwag pagkatapos ng ilang araw.

“Cheers, girl!” sabi ni Lisha habang sabay naming tinungga ang tequila. Mainit sa lalamunan, pero mas mainit sa dibdib.

“Ang sakit pa rin, Lisha,” mahina kong sabi habang inaalala ang nangyari. "Pilit ko na hinihiling na sana isang bangungot na lang ang nangyari at sana magising na ako..”

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinimas 'yon. “Hindi mo deserve ‘yung ganung klaseng pagtrato, Arielle. Kahit kailan. Walang babae ang dapat umiiyak dahil niloko sila ng asawa nila. Napakahayop talaga ng mga lalaki."

Tumango lang ako bago malakas na bumuntong hininga. Umiikot na ang mga ilaw sa paligid, parang lumalabo ang mundo ko sa bawat lagok ng alak. Nakalimutan kong mahina lang pala ang alcohol tolerance ko. Maya-maya, nagpaalam ako sa kaniya.

“Magbabanyo lang ako sandali, ha?” sabi ko, sabay lakad papunta sa restroom. Pero bago pa ako makarating, napahinto ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha sa may gilid ng hallway.

Siya ‘yon. ‘Yung babae sa kama namin ni Lucian.

Napatingin siya sa akin, napansin siguro ang pagtitig ko. Napaka-cross arms siya bago lumabas ang mapanuksong ngiti sa labi.

“Arielle, right?” tanong niya, parang walang pakialam na ako ang asawa ng lalaking inaahas niya.

Pinilit kong maging kalmado. “Oo. At ikaw ‘yung babae sa bahay ko.”

Tumawa siya ng mahina. “May pangalan naman ako, ako si Deenah at kung tutuusin, hindi ko alam na may asawa pala si Lucian. Nagpakilala siyang single. Kung alam ko lang, sana hindi na ako pumayag.”

Npakuyom ang kamao ko. “Ano’ng ibig mong sabihin? Alam mo na ngayon ang totoo, bakit tinutuloy mo pa rin ang sa inyo?"

Lumapit siya, halos magkalapit na ang aming mga mukha. “Simple lang,” mahinahon pero matalim ang boses niya. “Kung ayaw mong agawin ko ang asawa mo, itali mo. Kasi kung hindi mo kaya, ako ang gagawa no’n.”

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ako ang legal na asawa pero hindi ko man lang maipaglaban ang karapatan ko. Hanggang kailan ba ako magiging mahina? Parang may sumaksak sa puso ko nang marinig ko ‘yon, hindi lang dahil sa mga salita niya, kundi dahil may katotohanan lahat ng 'yon. Hindi ko nga kayang itali si Lucian, dahil hindi ko na alam kung may dahilan pa para gawin ‘yon.

Pagbalik ko sa table, agad akong sinalubong ni Lisha. “Oh, anong nangyari? Bakit ganyan mukha mo?”

Umiling ako at agad kinuha ang baso. “Wala. Uminom na lang tayo ulit.”

Hanggang sa tuluyan na kaming nalasing. Hindi ko na maalala kung pang-ilang bote na ‘yung nasa mesa, basta ang alam ko lang, umiikot na ang paligid at malabo na ang paningin ko. Umalis kami na marami pang alak sa lamesa pero hindi na namin kaya pang ubusin 'yon.

“Girl, hindi na tayo makakapag-drive n’yan,” sabi ni Lisha, tumatawa habang halatang hilo na rin.

“A-Ang sakit ng ulo ko. . .”

Napahawak ako sa aking sintido bago lumingon sa gilid ko. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako sa alak pero may nakita akong pamilyar na lalaki sa pinto ng bar.

“Arielle?”

Nakita ko si Uncle Magnus. Nakasuot siya ng itim na coat, halatang galing sa trabaho. Siguro dumaan lang dito sa bar para magpahinga. Napabuntong-hininga siya nang makita kaming dalawa ni Lisha.

“Anong ginagawa niyo rito? Lasing na kayo.”

“Magpapakalaya,” sagot ni Lisha bago natawa.

Umiling lang si Magnus at tinulungan kaming makalabas. Siya na ang nagmaneho pauwi, habang ako naman ay tahimik lang sa upuan, nakatingin sa bintana. Ramdam ko ang malamig na hangin ng gabi, pero mas malamig pa rin ang loob ko.

"Hindi ka dapat umiinom, alam mo namang may sakit ka, hindi ba? Paano kung lumala 'yan?" seryosong wika niya habang nagmamaneho, napanguso naman ako.

"Gusto ko lang namang magsaya, Uncle Magnus. Ang hirap kayang magkaroon ng asawa na hindi ka man lang kayang pakitaan ng katiting na pagmamahal."

"Bakit ba kasi siya ang pinili mo?" pabulong niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.

"Ano, Uncle? Paki-ulit?" tanong ko ngunit hindi na siya sumagot pa kaya nanahimik na lamang ako.

Nauna munang hinatid si Lisha na tukog na tulog na. Pagkatapos ay dumiretso na kami pauwi sa bahay, pagdating ay tinulungan pa niya akong makapasok sa loob. “You should rest,” sabi niya, malamig ang tono.

Tumango lang ako at ngumiti nang kaunti. “Salamat, Uncle.”

Kinabukasan, masakit ang ulo ko. Parang pinipiga ang sentido ko sa hangover, pero mas masakit pa rin ang puso ko. Pagbaba ko sa sala, natigilan ako nang makita si Lucian, nakaupo at nakasandal sa sofa, parang walang nangyari.

“Tingin ko, marami kang dapat ipaliwanag,” malamig kong simula.

Tumingin siya sa akin, walang emosyon sa mukha. “Kung tungkol pa rin ‘yan sa nangyari, sinabi ko na—”

“Hindi,” putol ko sa kaniya. “Tungkol ‘to sa kasal natin.”

Bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya. “What about it?”

“Sinabi sa akin ni Uncle Magnus na hindi registered ang kasal natin, Lucian.” Tinapangan ko ang boses ko. “Totoo ba?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 20

    Arielle's Point Of View."Lucian? Lucian?" sunod-sunod kong pagtawag sa kaniya, halata pa ring nahihirapan siya pero napansin ko ang dahan-dahan niyang pagbangon. "Huwag ka munang gumalaw! Baka mamaya ay mapaano ka!"Nag-aalala kong nilingon si Lisha. "Tumawag ka ng doktor, sabihin mo sa kanilang gising na si Lucian," mabilis kong sabi, tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko."What happened?"Muli akong napatingin kay Lucian dahil sa sinabi niya. Hawak niya ang ulo niya, kinakapa ang benda roon. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Ilang araw kang walang malay, naaksidente ka habang nagmamaneho papunta sa trabaho mo. Inoperahan ka dahil sa dami ng nawala mong dugo, at mga butong nabali," paliwanag ko sa kaniya ngunit nakakunot pa rin ang noo niya na para bang inaalala ang nangyari, ilang sandali lang natahimik bago magsalita."I remembered. . . Bumangga sa puno ang sasakyan ko dahil may bumangga sa akin.""Huwag kang mag-alala, nakakukong na ang bumangga sa'yo," wika ko at

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 19

    Magnus's Point Of View."What is she doing here?" seryosong tanong ko kay Franklin, ang kaibigan ko. Kakatapos ko lang bumisita sa hospital kay Arielle at kaagad akong dumiretso sa condo niya."Sigurado ka bang siya 'yon?" Napakunot ang noo niya. "I'm not one hundred percent sure but I have this gut feeling that she's really here.""Pero bakit naman siya nagpakilala kay Arielle bilang dating kaibigan ni Lucian?""I don't know, Franklin. I don't know why she's fvcking around again," galit kong sagot. "Alam kong ayaw niyang sabihin ang pangalan niya kay Arielle dahil ayaw niyang magkagulo ulit.""Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi kay Arielle ng totoo? Stop being a protective Uncle."Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawana niya lang ako. "Arielle's really curious about her, you know? Pumunta pa siya sa resto ko para lang makahanap ng impormasyon."Tumataas ang kilay nito. "Hinayaan mo ba?""Why would I? Edi malalaman niya rin kung bakit talaga siya pinakasalan ni Lucian.""Sa totoo

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 18

    Arielle's Point Of View.Pero hindi ko siya hinayaan makaalis na lang basta-basta dahil mabilis akong tumakbo upang habulin siya bago siya mabilis na hinawakan sa braso."Nagtatanong ako nang maayos, bakit ayaw mo 'kong sagutin?" seryosong sabi ko, hinarap niya naman ako kaagad."I don't even know you, Miss."Napalabi ako. "Pero nakita kita sa libingan ni Papa! Hindi mo ba naalala 'yon?""Kung ikaw nga hindi ko kilala, paano pa kaya ang Papa mo? At para malaman mo, ngayon nga lang kita nakita."Tuluyan na akong napakunot sa narinig, hindi ko maintindihan kung tama nga ba ang sinasabi niya. Sinubukan kong alalanin ang babaeng nakilala ko sa sementeryo. Ang pagkakatanda ko ang payat siya at maputla, parehas lang naman sila ng babaeng kaharap ko ngayon pero hindi siya kasing payat noong babaeng nasa sementeryo, pansin ko rin ang accent sa boses ng kaharap ko ngayon at yung babaeng nasa sementeryo ay purong tagalog magsalita.Teka, pero bakit magkamukhang-magkamukha sila?"Pero ikaw talag

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 17

    Arielle’s Point of ViewTahimik lang ang paligid ng ospital, tanging tunog lang ng gamit at mahina kong paghinga ang maririnig. Dalawang araw na ang lumipas mula noong maoperahan si Lucian pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay. Hindi pa rin siya nagigising. Hindi ko tuloy maiwasang lalong mag-alala, kahit naman hindi kami maayos. Ayoko pa rin na may mangyaring masama sa kaniya.Sa dalawang araw na lumipas, araw-araw akong bumibisita sa ICU. Sa totoo lang, halos kabisado ko na ang bawat patunog ng monitor at bawat patak ng dextrose niya. Pinaalam ko na rin kay Mommy ang nangyari, bumisita rin siya at mabuti nga dahil noong mga oras na 'yon ay wala si Tita Kladine. Alam ni Mommy ang pagtrato sa akin ng Nanay ni Lucian, kaya alam kong baka magsagutan lang silang dalawa, at ayokong mangyari 'yon.“Good morning, Mrs. Davenhart,” pagbati ng nurse pagkatapos makita ang pagpasok ko sa kwarto, nakita kong pinapalitan ang suplay ng gamot. “Stable po ang vital signs ni Sir Lucian, pero

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 16

    Arielle's Point Of View.Halos paliparin na ni Lisha ang sasakyan niya para makarating kamisa St. Martin's Hospital. Pagdating namin ay namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kanina pero mas kalmado na ako ngayon pero mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Lalo na nang makarating kami sa emergency room, nakita ko kaagad ang Mom ni Lucian na si Kladine at ang asawa nitong si Peter, nakaupo sila sa waiting room at bakad na bakas ang pagod at pag-aalala sa mga mukha nila."Arielle?" pagbati ni Tita Kladine, pero halata ko ang pagkairita sa boses niya, na hindi na bago sa akin. "Why did you took so long to arrive here? Hindi mo ba alam na naaksidente na ang asawa mo?"Napakagat ako sa labi, hindi ko alam kung paano sasagutin. Palagi naman siyang ganito sa akin, hindi ko alam kung bakit hindi pa ako sanay. "P-Pasensya na po Tita Kladine. May pinuntahan lang po kasi ako.""Mas mahalaga pa sa anak ko? Housewife ka na nga lang at si Lucian lang ang nagtatrabaho sa inyo, m

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 15

    Arielle’s Point of View.“Oo, ako nga,” sagot ni Uncle Magnus, malamig ang boses niya. “At gusto kong malaman kung bakit niyo hinahanap si Abigail.”Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa narinig. Ramdam ko ang sa akin si Lisha, pero hindi ko siya magawang balingan ng tingin. Nanatili ang tingin kay Uncle Magnus, pilit pinapanatili ang kalmado kong mukha kahit kinakabahan na ako.“Ah… hindi po ‘yung iniisip mo, Uncle” mahinahon kong sabi, bago pilit na ngumiti. “Ibang Abigail po ‘yung hinahanap namin. Hindi po ‘yung. . . 'yung dating ex ni Lucian.”Saglit siyang natahimik sa narinig, parang iniisip kung dapat niya bang paniwalaan ang sinabi ko.Tumaas ang kilay niya. “Really?” tanong niya, seryoso ang boses. “What is your reason? Why are you finding her?"“M-May nagsabi po kasi na may kinalaman siya sa isang bagay na gusto naming iklaro,” sagot ko bago umiwas ng tingin. "Wala 'tong kinalaman kay Lucian."Dahil sa narinig ay nakita ko ang pag-ilang niya. "I can tell when people

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status