Share

Chapter 90

Author: Celeste Voss
last update Last Updated: 2025-08-12 21:58:05

Nagshower na lang kami. Pero siyempre, hindi rin siya tumigil sa kapilyuhan. Sinabunan niya ang likod ko, pero hindi pa din nakatakas sa akin ang mga paghimas niya sa mga parte ng katawan ko. Palagi din niyang dinidikit sa akin ang kanyang katawan kaya nararamdaman ko ang kanyang pagkalalake.

“Malaki ba, wife? Palaging nanlalaki ‘yang mga mata mo.” Nanunukso ang tono niya.

“Ang yabang mo. Gayang-gaya mo ang pinsan mong akala mo lahat ng babae ay baliw sa kanya.” Taray ko, sabay kuha ng towel at sinimulang punasan ang sarili.

“Wife... are you comparing me to him?” tanong niya, biglang nagbago ang tono—parang bata na nakabusangot.

Natawa ako.

“Oh? Nagseselos ka?” tukso ko.

Tila hindi siya sumagot. Lumapit lang, saka bumulong sa tenga ko—

“You're mine, wife. No one else gets to touch what belongs to me.”

At sa init ng kanyang tinig, kahit mahapdi pa ang pagkababae ko, naramdaman ko na naman ang pamilyar na init sa pagitan ng mga hita ko.

----------

Paglabas namin sa kanyang sec
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Chained by the Billionaire   Chapter 100

    "Bakit kasi namimilit ka eh sa ayoko," mariin kong tugon, tumataas na ang tono ng boses ko habang pinipigilan ang sarili kong huwag sumabog. Ramdam ko ang panginginig ng dibdib ko, parang bawat tibok ng puso ay may kasamang galit na pinipilit kong lunukin."Nagtatampo ka ba sa akin, wife, dahil hindi kita sinama kanina sa office?" ngumisi siya na parang nang-uuyam, yung tipong may alam siya na hindi ko alam. Talaga ba? O ayaw mo lang talagang makita kong magkasama kayo ni Eunice?Napakagat ako sa labi, pilit pinapakalma ang sarili pero sa sobrang inis, itinulak ko siya at kinuha ang cellphone ko. Mabilis kong binuksan ang gallery at hinanap ang screenshot—ang ebidensyang matagal ko nang kinikimkim. Yung kuha sa hospital kung saan kitang-kita silang magkasama, masyadong magkalapit para sa isang lalaking may asawa. Inabot ko iyon sa kanya, halos manginig ang kamay ko. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya, bago siya malamlam na tumingin sa akin, para bang may gustong sabihin pero natitig

  • Chained by the Billionaire   Chapter 99

    Kumain lang ako nang kumain hanggang sa maamoy ko ang sinigang na baboy. Mainit pa ang sabaw, humahalo sa hangin ang maasim na halimuyak nito na tila ba yumayakap sa akin mula ulo hanggang paa. Sa bawat singhot ko ay parang gumagaan ang dibdib ko, kahit papaano. Mas lalo akong natakam at pansamantalang nakalimutan ang sakit na kanina pa nakabigkis sa puso ko dahil kina Cayden at Eunice.Sa loob ng kusina, naririnig ko ang bahagyang paglalagaslas ng tubig mula sa gripo, kaluskos ng mga kubyertos, at mahihinang tawanan ng mga kasambahay na para bang walang mabigat na problema sa mundo. Naiinggit ako—dahil sa gitna ng kaguluhan ng emosyon ko, sila ay may sandaling normal na ligaya.Ilang minuto pa ng paghihintay, at tuluyan nang naluto ang gusto kong kainin. Mainit pa ang usok na pumapailanlang mula sa mangkok habang inihahain ko ito sa mesa. Magana akong kumain kahit na mag-isa lang ako sa hapag. Ang bawat subo, parang pilit kong isinasaksak sa tiyan para punuan ang puwang sa dibdib ko.

  • Chained by the Billionaire   Chapter 98

    Tahimik akong lumabas ng clinic kasama ang mayordoma at ang bodyguard na sumundo sa amin. Hawak ko pa rin ang sobre ng test result—parang mabigat itong bato sa kamay ko.Pagliko namin sa main lobby, biglang bumagal ang hakbang ng bodyguard. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya—at doon ko sila nakita.Si Cayden.Kasama niya si Eunice.Magkalapit silang naglalakad, nakadikit ang kamay ng babae sa braso niya, at may mga ngiting para bang sila lang ang tao sa buong lugar. Dumiretso sila patungo sa isang private room, hindi man lang tumitingin sa paligid.Ramdam ko ang paghigpit ng dibdib ko, pero nanatili akong nakatayo, nakapako ang tingin sa kanilang dalawa.“Ma’am…” maingat na tawag ng mayordoma, pero halata ang pagbabago sa tono niya—may halong pagkadismaya at pagkabigo. Hindi niya inasahan na ganito ang makikita niya, lalo na pagkatapos ng nangyari ngayong araw.Tahimik lang ang bodyguard, pero kita ko ang paraan ng pagkuyom niya ng panga, para bang pinipigilan ang anumang reaksy

  • Chained by the Billionaire   Chapter 97

    Ngumiti ako nang bahagya at umupo sa mahabang mesa. Matamlay akong kumain, habang nakatayo ang apat na kasambahay sa gilid, pinapanood lang ako.“Pwede bang samahan niyo ako kumain?” tanong ko, may halong lungkot.Nagkatinginan sila, saka sabay-sabay na umiling.“Hindi po pwede, ma’am. Hindi dapat kasabay ang amo,” paliwanag ng mayordoma.“Pero ako naman ang nag-request. Kaya samahan niyo na ako. Ang lungkot kasi,” pilit kong sabi, may bahagyang pakiusap sa boses.Umiling pa rin sila, pero kalaunan ay napapayag ko rin. Kahit saglit lang, nagkaroon ako ng kasabay sa pagkain.Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa kwarto. Ganun pa rin—nakaupo si Cayden, nakatutok sa laptop.May biglang tumunog na cellphone niya. Kinuha niya iyon at dumiretso sa veranda, nilalampasan lang ako na parang wala ako sa kwarto.Hindi ko napigilang lumapit nang palihim, pinapakinggan ang boses niya habang sinisigurado kong hindi niya ako mapapansin.“What is it this time, Eunice?” malamig niyang tanong sa kabilan

  • Chained by the Billionaire   Chapter 96

    May bahagyang gumalaw sa kaliwa ko—isa sa mga senior managers na kanina pa pilit pinapakalma ang sarili. Namumutla siya, at halata sa mahigpit na pagkakahawak sa folder na nanginginig ang kamay niya. Para bang bawat segundo na lumilipas, mas lalong bumibigat ang hangin sa conference room.“Five million pesos worth of contracts were lost because you missed the deadline,” patuloy ni Sir Cayden, mabagal at malinaw ang bawat salita, pero ramdam ang bigat at latay. “And you expect me to smile? You expect me to understand? This company is built on precision, discipline, and fearlessness—three things you obviously don’t have.”Sa bawat salita niya, para bang pumapalo ang isang malamig na martilyo sa mesa—hindi maingay, pero matindi ang tama. Wala siyang itinaas na boses, pero mas nakakatakot iyon kaysa sa sigawan.Alam kong sanay na siya sa ganitong eksena, at sanay na rin kami sa ganitong klaseng meeting, pero ngayong araw… may kakaiba. Parang may bigat na lampas sa trabaho ang dala niya. N

  • Chained by the Billionaire   Chapter 95

    Tahimik ang ibang katulong habang patuloy sa pag-a-unpack, pero alam kong nakikinig sila. Maging ang mahinang kaluskos ng mga plato sa lababo at mga kahon na inaayos ay parang musika na lang sa background habang naglalabas ng sikreto ang mayordoma.“Pero… totoo bang nangaliwa si Eunice?” tanong ko, halos pabulong pero sapat para mabaling ang tingin ng tatlo pang kasambahay sa amin.Tumango ang mayordoma, mabigat ang ekspresyon. “Oo, ma’am. Hindi lang kasi pinublic ni Sir Cayden kaya walang nakakaalam. Pero itong isang kaibigan ni Sir Cayden—yung doktor, si Sir Dylan—siya ang unang naging kabit ni Ma’am Eunice.”Natigilan kaming lahat. “K-kay Dylan? Yung mismong kaibigan niya?” tanong ng isa sa mga katulong, nakakunot ang noo na parang hindi matanggap ang narinig.“Oo,” patuloy ng mayordoma, “hindi naman alam ni Sir Dylan na girlfriend siya ni Sir Cayden noon. Ayaw rin ni Ma’am Catherine na malaman ng publiko na si Eunice ang girlfriend ng anak niya kasi hindi siya boto. Kaya nang i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status